"Ma'am Gwen, bakit ang ingay mo?" tanong ko sa kanya. Lagi kasi siyang maingay kapag kausap niya sina sister. Ang lakas pati ng boses niya. Pero mabait siya sa akin. Lagi niya akong hinahalikan sa pisngi at tinuturuan magbilang at magsulat. Natawa siya sa sinabi ko. "Ikaw naman, hindi naman masyado. Malakas lang talaga ang boses ko kapag nagsasalita. Ayaw mo ba no'n?" mabait niyang paliwanag. Bigla siyang nagmukhang problemado. Umiling ako. "Okay lang po, Ma'am Gwen. Mabait ka naman kahit maingay ka po, eh." Mukhang nagustuhan niya ang sinabi ko dahil bumalik ang kaninang ngiti. Hinawi niya ang aking buhok at inipit iyon sa likod ng aking tainga. "Ahm...So, okay lang na ako ang maging mama mo?" biglang tanong niya. I pouted and creased my forehead. "Opo. Sana nga po kayo na lang ma

