Katakot-takot na sermon ang inabot ko mula kay Mama nang sabihin kong buntis ako. Hindi naman kasi siya nagkulang noon sa paalala sa akin . Tinanggap kong lahat ng pangaral nila ni Papa. Wala akong dapat na ikasama ng loob dahil aminado akong nagpadalos-dalos ako. Masyado akong napanatag sa naging relayson namin ni Drake. Kalaunan naman ay natanggap na rin nila at kahit paano ay napalitan ng excitement ang disappointment. Excited sila sa magiging apo, lalong-lalo na si Kuya Junnie na napakahilig sa bata. Nagpustahan na rin sila ni Kuya Janus sa gender ni baby. Puro talaga kalokohan. Nagprisinta na agad siyang maging Ninong at pediatrician ng anak ko. Same as Kuya Janus, siya na rin ang ob-gyne ko dahil mas panatag ako kung kapatid ko ang mag-aalaga sa akin. Hindi pa rin nawawala ang lu

