Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Drake. Oo mahal ko siya pero mali iyong basta-basta na lang siyang nananakit dahil sa malaking akala. Ano bang nangyari? Bakit bigla siyang nagbago? Triple ang ininit ng ulo niya kahapon. He didn't even give us a chance to explain. Well, paano nga naman magkakaroon ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya kung naibalya na niya agad ang kapatid ko sa sahig? Paano pa niyang maririnig kung hindi niya binigyan man lang ng pagkakataong magsalita si Nigel? Paano pa ako makakapagsalita kung puro sigaw lang ang tanging kaya kong gawin dahil sa pag-awat sa kanya at p*******t niya. What happened to him? Si Kuya Janus ang gumamot kay Nigel. He was in my room and taking a rest. Hindi ko na siya napilit pang palitan ang duguan niyang damit dahil masakit daw

