Panghapong lamig ng hangin at tunog ng nagwawalang mga alon ang naging katuwang ko sa pagluha. Mas pinili ko na pumunta sa tabing dagat, eksaktong lokasyon kung saan ako nawala. Abandonado na ang lugar. Kinakain na ng mga ligaw na halaman ang building resort at may parte na rin ng resort ang nilamon ng dagat. Puerto Azul was known for its crystal clear water. Mayaman ito sa mga corals at isda. Ang galit na pagkaka-asul na kulay ng tubig nito ay sumasabay sa damdamin kong galit at bigong tumatangis. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman. It was like a mix of salt and sugar. Ang hirap na iproseso ng mga naganap. Sinimulan ang araw ko nang masaya, ng kasiyahan na hinahanap din pala ako ng tunay kong pamilya. Nasundan ng pag-aalala dahil anak pala ni Drake si Anna n

