CHAPTER 14 " BATUTA NG PULIS" medyo spg lang

2423 Words
Ang tagal pa namin sa loob ng sasakyan nya bago kami bumaba, wala naman kaming ginagawang masama, basta magkayakap lang kami sa loob ng sasakyan. Nang sinabi kong bababa na ako ay doon nya lamang ako pinakawalan saka ako hinalikan sa pisngi at noo. Saka nya rin hinawakan ang aking kamay at hinalikan din iyon. "Mag iingat ka Love, ayaw mo bang ihatid kita, then mag co commute na lang ako pauwi" saad pa nitonsa akin. "Hindi na love, kaya ko pa naman umuwi saka 10 pa lang naman, marami pa akong makakasabay na sasakyan pauwi. "Eh.. Sure ka ayaw mong ihatid kita? "Yes po, Kaya ko don't worry, I'm okay." "Okay sabi mo eh, mag ingat ka love, I love you" "I love you too love" saad ko naman sa kanya Kumaway ako sa kanya, Saka ko tinungo ang daan paalis, limang minuto na akong nakaalis ng mapansin ko ang pagsunod ng isang sasakyan sa akin, Binilisan ko ang andar at binilisan din naman nang nasabing sasakyan ang andar nito, hindi ko gaanong maaninaw ang plate number pero tulad ito ng sasakyan ni Keegan, nagulat na lamang ako ng mapansin ang pag tawag ni Keegan. "Love, dahan dahan sa pag dra drive para ka namang nakikipag karera nyan, kabilin bilinan ko na mag iingat ka eh." "Love, may sumusunod sa akin" "Meron nga love, sinusundan kita dahil gusto kong matiyak na ligtas kang makakauwi." "You mean ikaw ang nakasunod sa akin? Gulat na tanong ko kay Keegan sa kabilang linya. "Yes Love, hehe..sorry, makulet ako eh, Ihahatid kita hangang labas ng subdivision nyo." "Grabe ka talaga love, hinatid mo pa talaga ako, salamat love. "Welcome love, I love you Mahal na Mahal kita Kelly" "I love you too Keegan" saad ko rito. Nang malapit na akong pumasok sa subdivision ay nag businahan na lamang kami, hudyat ng paalam namin sa isat isa. Nang makarating ako sa bahay ay masaya akong umakyat sa aking kwarto. Nag message pa ako sa kanya hangang sa pagtulog ko ay nag good night din ako, Ganon din naman sya sa kin. Nagulat pa ako ng bigla syang mag video call dahil nakapang tulog na ako ay kumuha ako ng unan at tinakip sa dibdib ko, medyo mababa kasi ang cleavage ng suot kong nighties. "Hi love, Tutulog ka na? "Yes love, ikaw ba? "Oo rin, andito na rin ako sa kwarto." Nakangiting saad ni keegan. "Okay, tulog na tayo, Maaga ka pa bukas sa Duty mo diba" "Yes love, wala lang di pa kasi ako makatulog, di parin ako makapaniwalang Nobya na kita. "Ganon din, ako rin, I love you Keegan" nakangitang wika ko habang kausap sya. "Mas mahal kita Kelly" saad nito sa kabilang linya Ilang minuto rin kaming nag usap at maya maya ay inend na rin namin ang call. Keegan.. Kinabukasan ay maaga akong nagising, Kaya maaga rin akong kumilos nag luto ako ng Aking special na Champorado, hindi nyo alam pero the best akong magluto ng champorado. Balak kong magluto at balak kong dalhan at Surpresahin si Kelly. Kinuwento ko rin kay Mama ang status namin ni Kelly kaya labis ang saya ni Mama nang malaman na Girlffriend ko na ito. Kaya ala singko pa lamang ay niluto ko na ang Champorado upang ipatikim sa mahal ko at pagkaluto nga ay agad akong nagtungo kina kelly, nag motor lamang ako para mabilis kaya makalipas ang 25 minutes kong byahe sa motor ay narating ko ang kanila. Pagdating ko sa Gate nila ay maghihintay sana ako pero mabuti na lamang at nakasalubong ko si Ate yanna kaya sa kanya ko na lamang hinabilin ang champorado. "Ate Yanna Magandang umaga..Mabuti at narito kayo" magalang kong sabi. "Oh, Keegan bakit? "Ahm, Makikibigay na lamang po nito kay Kelly, pakisabi po na ako po ang gumawa nyan. Salamat ate. "Wow, ang sweet naman, sige sasabihin ko sa kanya. Salamat rito ha. "Thanks din po, marami naman po yan Pwede po kayo bumawas." Okay Keegan salamat ha, makikitikim na lamang kami kay Kelly. Saad naman ni ate Yanna. 3RD PERSON POV Isang hagis ng unan ang gumising sa Dalaga, pupungas pungas pa ito, at tila ayaw pang bumangon. "Hoy Babae, Wake up, tanghali na hoy! "Ate, ano ba...antok pa ako.. "Bangon ma sabi, Mag aalas syete na Hoy..." "Antok pa nga ako sabi eh, ate naman eh!" "Sige kung hindi ka babangom dyan ako ang Kakain ng Champoradong dinala ni Keegan." Saad ni Yanna na syag ikinabangon ng dalaga. "What. anong sabi mo ate?" "Ang sabi ko kung di ka pa babangon kakainin ko na yung champorado ni Keegan, Yang mangliligaw mo dinalhan ka pa ng champorado, Grabe aba." Pagkasabi noon ni yanna ay agad bumangon ang dalaga kahit naka nighties lamang ito ay dali dali itong bumaba sa kusina para hanapin ang Champorado na dala ng kanyang nobyo. Sa mesa ay natanaw nya ang isang bilog na Tupperware na pinaglalagyan nito. "Oh kita mo, nang malaman mong galing sa manliligaw mong si Keegan takbonka agad' "Ate, dinala nya pa to talaga rito?" "Oo nga sabi, buti na lamang at nagkasalubong kami dahil Kung hindi, malamang na maghihintay sya ng matagal." Wika naman ni Yanna habang kumukuha ng bowl. "Ang sweet naman ng Boyfriend ko,' saad ng dalaga habang nakatingin sa champorado. "Wow, Boyfriend, Ano sinagot mo na girl? "Oo ate, sinagot ko na kagabe, kaya mag nobyo at nobya na kami." "Hmm..Goodluck sa relasyon nyo," "Salamat ate" Kumuha sila ng tasa at nagsalin ng dalang champorado ni Keegan, masarap nga ito, naka 2 tasa tuloy ng kain si Kelly. Matapos kumain ay tinawagan nya ang nobyo at nagpasalamat rito. "Love, Good morning, salamat sa Champorado ha, nag abala ka pa kanina na dalhin rito" "Basta para sayo Love, walang di kakayanin" saad pa ng binata. "Hmm, thank you ulit, ahm..papasok ka na nyan love? "Yes love, Paalis na nga ako eh, ikaw ba anong ganap mo ngayon." Tanong ng binata sa dalaga. "Dito lang ako sa bahay, or baka dalawin ko si tita later." "Ah, ganon ba, what time ka pupunta sa bahay love.?" "Baka mga tanghali love, bakit?" "Wala naman gusto rin kasi kita makita, mis na kita kaya sana mabutan pa kita mamaya." "Hmm..let us see kung maabutan mo pa ako mamaya hehe" tukso pa rito ng dalaga. Matapos ang kanilang pag uusap ay ibinaba na nila ang Calls. Nang araw na yon ay nasa mood kumilos si kelly, nag isip sya ng pwedeng dalhin mamaya kina Keegan, tama hapon na lamang sya pupunta nag luto sya ng ulam na pang dinner. Beef Pochero ang nais nyang lutuin at dalhin kina Keegan, alas kwatro pa lamang ay nagsimula na syang magluto. Tanghali pa lamang ay pinalambot nya na ang baka kaya hindi na ito gaanong katagal lutuin. Matapos nyang magluto nagpahinga lamang sya ng konti saka sya naligo. Pagkaligo nya ay nagbihis rin sya agad. Nakasuot sya ng fitted na dress na pinatungan nya ng blazer, saka sya nag rubber shoes. Minessage nya naman ang Mama ni Keegan na may dala syang ulam kaya wag na magluto ng marami. Bandang ala sais ay nakarating sya sa bahay ni Keegan. Sa pinto pa lamang ay naka abang na ang mama ng binata para salubungin ang dalaga. "Hi Tita Erlinda, magandang gabi po" magalang na bati ni Kelly. "Magandang gabi Anak, pasok ka..Napakaganda talaga ng Nobya ng Anak ko ay..Napaka swerte talaga ni Keegan sayo Hija. "Hehe, sakto lang naman po Tita, Swerte din naman po ako kay Keegan dahil napaka buti ho ng anak nyo, May pagka makulet nga lang hehe" saad ng dalaga kaya nagtawanan sila. "Si ate vivian po nasaan? "Naku, lumabas lamang nagpapa load dyan sa may labasan. "Ah, akala ko po may pinuntahan na iba, ahm tita eto nga po pala Beef Pochero po. "Wow, salamat nak, ikaw ba ang nagluto nito? "Opo tita, ako po ang nagluto hehe, tikman nyo po para malaman ko kung pasado ang luto ko." Nakangiting wika ng dalaga. Kumuha naman ng platito at kutsara ang Ginang saka ito tinikman. "Hmmm...Wow anak, hindi naman sa kinakampihan kita pero pasadont pasado anak., Napakagaling mo talaga." "Thank you po Tita hehe" "Anak, tutal nobya ka na naman ni Keegan, Mama na lamang rin ang itawag mo sa akin. Ganon rin naman eh, Anak na rin naman ang turing ko sayo. "Hmm..Kung yon po ang gusto nyo MAMA, heheh" wika ng dalaga saka sila nagyakap ng Mama ni Keegan. "Masaya ako para sa inyo mga anak, Masaya ako dahil May Nobya na ang keegan ko, panatag na kahit papaano ang loob ko," "Hwag po kayo mag alala Mama, katulong nyo na po ako mag remind ng ibang bagau kay Keegan ma. Hindi na masyadong mapapagod ang bibig nyo dahil dalwa na tayong sasaway sa kanya hehe" saad pa ng Dalaga. Habang wala pa si Keegan ay pinagpahinga muna sya ng Mama nito. "Anak, mga 7:30 pa ang dating ni Keegan, Gusto mong magpahinga muna sa kwarto nya halika," aya ng mama ng binata. "Naku Ma, hwag na po nakakahiya naman kay Keegan." "Hindi ah, ano pat naging nobya ka nya, halika na rito, dito mo na sya hintayin sa kwarto, i prank natin sya, hindi nya naman alam na nandito ka pa diba haha, sasabihin ko na nagdala ka ng ulam at kauuwi mo palang, para pag bukas nya ng Kwarto at Pag bukas ng Ilaw e di Charannnn...Icha Prank..hehe." saad ng mama ni Keegan, tawa ng tawa naman si Kelly, marahil ay kay Mama Erlinda nya nakuha ni Keegan ang pagiging maloko nito minsan. Wala ng nagawa ang dalaga kundi sumunod na rin sa mama nito, sa bagay medyo pagod nga rin sya kaya nagpahinga na nga sya sa kwarto ng kanyang nobyo. Malinis ang kwarto ng binata, naka organize ang lahat, black, gray, white ang combination ng kwarto nito, halatang lalaking lalako ang may ari. Tiningnam ng dalaga ang oras at ala sais kinse pa lamang, may oras pa sya para makapag pahinga. Ngunit dahil sa pagod at di namalayan mg dalaga kaya nakaidlip din sya habang naghihintay. Sumapit ang alas Syete y Media, ay dumating na rin ang binata. "Hi Ma, Nakauwi na po si Kelly? Wala na po ang sasakyan nya sa labas.." bati ni keegan sa ina. "Oo anak, sayang di kayo nag abot, medyo matagal rin sya rito, dinalhan nya tayo ng ulam for dinner." "Ganon ba Ma? Sayang naman di kami nag abot, Mis ko pa naman sya." "Bawi ka na lang next time anak, Wala eh, ganon talaga puntahan mo na lamang bukas kapag maluwag ka sa oras. "Sige po Ma, Kwarto lang po muna ako ma, bihis lang po ako." Saad ng binata, Halos nagpipigil naman ang Mama nya sa tawa dahil nasa loob ng kwarto si Kelly. "Haha..Goodluck...Ok lang naman kung Bibigyan na ninyo ako ng Apo" saad ng gInang sa isip. Samantala, Dire diretso ang pasok ng binata sa kwarto, pinindot nya ang dim na ilaw magbibihis kasi Sya, diretso Hubad sya saka dumiretso sa closet at kumuha ng Boxer, Ugali nya kasing magpalit ng Boxer kapag datating galing sa Trabaho wala pa syang suot na kahit ano ng maisipan nyang humiga muna sa kama dahil pagod sya, Ganon kasi ang nakasanayan nya na Hubot hubad muna na mahihiga sa kama saka pa lamang magbibihis at lalabas kapag kakain na, Tulad ng nakasanayan ay ganin nga ang ginawa nya, nguni Laking gulat nya ng may makapang bulto ng tao, na tila tulog at medyo nagising at naalimpungatan pa ata Agad syang tumayo at binuksan ang ilaw at laking gulat nya ng makita ang Mahal na Nobya na nakahiga sa kanyang Kama na tila pupungas pungas pa. Samantalang ang dalaga naman na pupungas pungas pa ay halos magulat ng mapatingin ito sa Tigas na tigas na Batuta ng kanyang nobyo na di pa nakakapag suot ng pang loob. "Love, Andito ka pala.. "Love...So.. sorry nakatulog ako dito sa kwarto mo" wika ng dalaga habang nakatingin at umiwas sa naninigas na batuta parin ng nobyo. "Aww..shet..sorry love..agad namang pinatay ng binata ang ilaw at agad sinuot ang boxer, ngunit ganon parin ang tigas nito ng muli nitong buhayin ang ilaw, agad na nagsuot ng isa pang short ang binata saka ngsuot ng tshirt saka nahihiyang umupo sa kama sa tabi ng kanyang nobya na nananatiling nakayuko. "Sorry love, hindi ko alam na narito ka pala" wika ng binata. "Sorry din, nakaidlip pala ako, balak ko kasi gulatin ka, kaso nakatulog ako" "Hmmm...Pakana nyo to ni Mama no" Hahaha, sorry Di kayo nagtagumpay..Hindi mo ako nagulat love , IKAW ANG NAGULAT ng Alaga ko hahaha" "Hehe E do Prank gone wrong, hehe" "Okay lang love, masaya pa rin naman ako dahil naabutan pa kita, I love you mahal ko," saad ng binata saka hinalkan ang dalaga sa noo. Pagkahalik nya rito ay bigla silang nagkatitigan hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Ang malambing na halik ay tila nagkakaroon ng ningas at naging marubdob at maalab, Kapwa sabik na halikan ang ginagawa nila sa isa't isa. Tila may kuryente na namumuo sa katawan ng bawat isa. Mabilis na naihiga ni Keegan ang dalaga sa kama. Nakatitig sya sa mukha ng dalaga habang marahan naman itong hinalikan sa leeg. Tila snisilaban naman ang pakiramdam ng dalaga at nadadala na rin sa ginagawa ng kanyang nobyo. Muling hinalikan ni keegan si kelly sa labi, akmang ibababa na ni Keegan ang suot na dress ni kelly ng biglang Malalakas na katok ang nagpahinto sa Kanila. "Mga ANAK, LABAS NA KAKAIN NA, BAWAL KUMAIN NG NAKAHIGA" saad ng Ginang sa labas ng kwarto. Nagtawanan naman silang dalawa, inaya ni Keegan si Kelly at inayos rin nito ang dress nito na dapat ay aalisin nya kanina. Nang matiyak na ayos na ay sabay silang lumabas. Magkatabi sila sa upuan at talagag inaasikaso ni keegan si Kelly. Sarap na sarap sila sa luto nf dalaga. "Oh diba mama,Masarap magluto itong Girlfriend ko. "Oo naman anak, Sa Sobrang sarap pati sya muntikan mo pang kainin kung hindi siguro ako kumatok, hehe" "Haha, ikaw kasi Ma eh, Sabi mo kakain na, Dahil bawal kumain ng Nakahiga, Bakit yung kakilala ko NAGPAPAKAIN NG NAKAHIGA, ANG INGAY PA" saad ni Keegan habang nakangiting nakatingin sa dalaga, Napainom tuloy si Kelly ng tubig at muntik nya na itong maibuga dahil sa sinabi ni Keegan. Napansin naman iyon ng binata kaya binulungan si Kelly, Joke lang love, Hindi naman ikaw yon, Tahimik ka lang naman nung Kinakain kita, Hehe,, Si Major yon, maingay kapag Kinakain ni Bata. Bulong pa nito na ikinatawa ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD