Kelly
Dahil inaya akong Kumain ni Keegan ng Fishball ay kailangan ko ngayong mag madali dahil pupunta ulit sya rito para mang ligaw. Kaya sinabi ko Kay kuya buen na sa short cut na dumaan para makabilis kaming makarating sa bahay at ganon nga ang ginawa nya, ngunit nasa Sasakyan pa lamang ay namamantal na agad ang aking katawan dahil nga sa kinain kong fishball.
Agad akong umakyat patungo sa kwarto at inalis ang katauhan na prosthetic na suot ko.
Agad ko namang inayos ang sarili bilang Totoong Kelly/Kelsey.
Nagsuot lamang ako ng Over all size shirt and short.
Uminom din ako ng Antihistamine upang kahit papano ay bahagyang mawala ang kati at ang Pantal.
Ilang minuto nga lamang ay nabasa ko na ang mensahe ni Keegan na naririto na sya, agad kong binuksan ang gate sa pamamagitan ng Remote.
Saka naman ako dali daling bumaba sa Sala para i open naman ang pinto.
Chineck ko muna ang sarili ko sa Whole body mirror bago ko binuksan ang pinto.
"Hi Keegan, Pasok ka.." bati ko sa kanya.
"Hi Kelly, Magandang gabi."
Ahm...para sayo nga pala, May Nadaanan akong Angels Burger kaya Binilhan kita ng Footlong" wika ni Keegan sa akin saka inabot ang pasalubong nya.
Ganon din inabot nya sa akin ang tatlong Tsokolateng Goya.
"Ahm..for you din pala Kelly, alam ko namang meron kang mas mamahalin kesa sa dala ko pero, galing yan sa puso ko kaya sana tangaapin mo" banat nya pa sa akin kaya natawa naman ako, hindi ko alam pero kahit mga simple lang ang bigay nya ay labis na akong kinikilig.
"Wow, salamat sa Chocolate Keegan, nag abala ka pa." Thank you ah. Ahm..wait gusto mo ba ng Coffee or Juice?
"Ahm Coffee na lang Kelly,"
"Ok kukuha lang ako ng Coffee nating dalawa." Saad ko at dali dali akong pumunta sa kusina at nag prepare ng Kape para sa aming dalawa.
Ilang minuto lamang ay bit bit ko na ito.
Habang naglalakad ako bitbit nag tray ay sinalubong naman ako ni Keegan at inalalayan na makaupo.
Dahil Over size shirt ang suot ko ay Di kita ang suot kong short.
"Kelly, bat ganyan ang suot mo, May short ka ba?
"Oo naman bakit? Naka short ako syempre hehe"
"Wala lang, akala ko kasi wala kang short"
"Gagi, meron po," saad ko rito, Napansin nya naman ang mga pula sa braso at hita ko.
"Kelly, bakit mapula napano yan?
"Ahm..eto ba?... Ahm..allergy nakakain kasi ako ng Calamares kanina, tama calamares nga hindi siguro maganda yung luto kaya ayon.
Nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko at haplusin ang aking mga pantal.
roon.
"Uminom ka naba mg gamot, cetirizine try mo uminom." Dagdag pang layo nito.
"Yes, Keegan tapos na salamat sa concern mo" nakangiting sabi ko.
Nagkwentuhan pa kami, at pansin ko ang oagtitig nya sa aking mukha.
"Hoy, ano natulala ka na dyan hehe"
"Ha..eh..wala napaka ganda mo kasi Kelly, pati puso mo napaka buti.
Kasi yung ibang mayayaman matapobre.
"Hehe,wala naman kasing dapat ipagyabang lahat naman kasi ng meron tayo dito sa lupa ay di naman natin madadala sa hukay" saad ko naman rito.
"Sa bagay, tama naman hindi na madadala sa hukay"
Matapos naming magkwentuhan ay nagpaalam ba rin sya sa akin, Inaya raw kasi sya ni Major Yohan dahil Graduation ng kinakasama nito which is Evren, ipinaghanda raw kasi ito ni Major yohan.
"Kung papayagan ka sana isasama kita, para makilala mo rin si Evren, yung bata ni Major, I'm sure magkakasundinkayo non .
"Oo nga kaso hindi din ok Yung pakiramdam ko, namamantal at saka makati din, ang sarap kamutin."
"Gusto mo Wag nalang ako pumunta kina Major, Sasamahan nalang kita rito, Ako na lang ang kakamot ng kati mo, Masarap akong kumamot, maiibsan yang kati na nararamdama mo kelly." Saad nito sa mahinang tinig.
"Nope Keegan, i can manage, mawawala rin ito." Saad ko rito.
Nagulat ako ng hawakan ako nito sa kamay at halikan ito.
è
"Okay, Sabi mo eh ingat ka kelly ko, Mamahalin pa kita." Nakangiting sabi nya.
Walang pasabi ko syang hinalkan sa labi, smack lamang iyon at nagulat sya.
Ako naman ang nagulat nga halikan nya rin ako, hindi iyon smack lang kundi torrid kiss, sa mga oras na. Ito ay nag e espadahan ang aming mga dila, ang mga labi naman namin ay tila nagkakagatan.
Unti unti nang nag iiba ang pakiramdam ko, kung hindi ko pahihintuin si keegan ay baka masibak nya na naman ako.
Kaya pinahinto ko sya.
"Ahm, Keegan .Sige na, baka hinihintay ka na ni Major.
"Pwede naman akong di pumunta Kelly kung gusto mo."
"Nope Keegan, its okay..next time na lang..I mean next time ka na lang ulit tumambay ng matagal dito.
"Ok kelly, ingat ka rito ha"
"Ikaw din Keegan ingat ka"
Matapos nang aming pag uusap ay nagtungo na rin ako sa kwarto.
Kung hindi siguro ako nagpigil ay baka kung saan na naman napunta ang paghahalikan namin ni Keegan.
Kaakyat ko pa lamang nang bigla namang may kumatok sa Kwarto ko, sino pa ba malamang si Ate yanna, sta lang nman ang nakakapag labas masok rito bukod sa akin.
"Hoy, Sheng Bumangon ka dyan, Graduation mo Mag Celebrate tayo dali." Aya nito sa akin, Sa bagay maaga pa naman pala 8:30 pa lamang.
"Saan naman tayo pupunta?
"Basta halika na, Nagpa reserved pala si Tito Gustavo at Tita Olivia ng Dinner natin sa isang Resto, kaya halika na.
Saad ni Ate yanna, Dali dali naman akong nagbihis, napansin nya naman ang Pantal ko na naman sa katawan.
"Ano bat Pantal na naman yan Kumain kana naman ng Fishball ano., napaka shunga mo talaga, Bakit di ka makatanggi kay Keegan, bakit ayaw mo sabihin na may allergy ka sa Fishball, siraulo ka." Sermon ni ate Yanna sa akin
"Eh pano naman te, yun ang kaya nya ilibre sakin eh"
"Hello, aside sa fishball may iba pa namang streetfood na hindi ka allergy, bakit ayaw mong magsabi."
"Hayaan mo na te, Uminom naman na ako ng gamot eh."
"Ano pa nga ba E andyan na yan, bilisan mo na nga at nang makaalis na tayo."
Agad naming tinungo ang resto kung saan nag booked ng dinner sila mom and dad para sa graduation ko.
Okay naman na sana ang Dinner ng bigla akong lapitan ng Isang lalaki walang iba kundi si Harem, Isa sa mga nanliligaw sa akin, Kaibigan kasi ni Daddy ang daddy nya, hindi ko naman akalain na sa dami ng resto ay makikita ko sya rito.
"Hi Kelsey, Kumusta..remember me?
"Ah...Oo Harem right?
"Yes, Buti naman naaalala mo pa ako, How's Tito Gustavo hindi paba sila umuuwi dito sa pilipinas?
"Ahm..hindi pa eh, Madami pang inaasikaso sa states, kaya di pa makauwi." Wika ko rito
"Last na kita natin 17 ka palang thats was 3 years ago, actually kauuwi ko lang din dito sa pilipinas, sa Italy kasi ako nagtigil ng 3 years, alam mo na Family business rin.
"Ah..I see..." Simpleng tugon ko sa mga kwento nya.
Nasa ganong moment kami ng biglang lumapit sa amin ang isang may edad ngunit matikas pa rin na lalaki na sa palagay ko ay Daddy ni Harem.
"Oh, Anak Napakaganda naman ng babaeng Kausap mo." Saad nito saka tumingin sa akin
"Dad, remember Kelsey, Tito Gustavo's Only daughter." Saad ni Harem dito
"Wow, Si Kelsey naba yan? Pasensya na hija, hindi ko napansin, Ang laki kasi ng pinagbago mo, Neneng nene kapa kasi noong huling kita ko sayo, Ngayon ay dalagang Dalaga ka na.
Ikumusta mo na lamang kami sa Daddy mo, Or i Message ko na lang din sya.
"Ahm..Sige po, kayo po ang bahala, Ahm, paano po Mr. Segovia, Harem..mauuna na po kami.
"Sige Hija, Ingat"
"Ingat Kelsey, nice to meet you again" saad naman nito.
Tumango lamang ako sa kanila,
Tahimik lamang ako sa sasakyan ng mapansin iyon nila ate Yanna.
"Oh,sheng bakit ang tahimik mo dyan, Sino nga pala yung kausap mo kanina?
"Ah, si Harem Segovia ate,
"Harem Segovia? Sya na ba yon mukang bigtime na lalo ah at gumwapo, E diba don ka gusto ipagkasundo ni Tito Gustavo. Hala ka, Pano yan Sheng, Graduate ka na, tapos bumalik na si Harem baka ipagkasundo kana talaga sa kanya.
"Hindi pa naman siguro ate, saka ayoko ate, alam mo naman kung sino lang ang gusto ko." Saad ko pa rito.
"Oo si Keegan ang gusto mo, Ang tanong gusto rin ba sya ng magulang mo?
"Ayokong matali sa taong di ko naman mahal ate"
"Oo nga pero may magagawa kaba? Yun ang tanong doon"
Bigla naman akong natahimik sa sinabi ni ate, Oo nga naman,
Pero siguro naman isasa alang alang din nila daddy ang nararamdaman ko.
Pagkarating nang bahay ay agad akong nag quick shower, ginawa ang night routine ko, Nag request ako ng VC with mom and dad at mabuti na lamang at libre silang Dalwa. Binati nila ako sa aking pagtatapos.
Dahil graduate na ako ay sinabi ni Daddy na Pumasok muna ako sa isa sa Company ng Kaibigan nya, akalain mong ang bilis komontak, Walang iba kundi sa Company nila Harem,.
"Graduate ka na Sheng, Kung ayaw mo mag trabaho sa Company ng mga Segovia, E di pumunta kana rito, wala ka rin namang gagawin dyan sa Pilipinas." Bungad agad ni Daddy sa akin.
"Dad, how about kung mag business po ako, total po Business Add grad naman ako dad."
"Sheng, hindi ganon kadali sa pag bu business, kailangan mo muna pumasok sa Company atleast alam mo ang pasikot sikot ng isang negosyo, Saka hija remember, Kung nasa Segovia ka, mas makikilala mo ng husto si Harem, Sya ang lalaking nababagay sa tulad mo.
"Magkausap kami ni Guiller Segovia Kanina, Hindi ka raw nya agad nakilala dahil dalagang dalaga ka na.
So nagkita rij pala kayo ni Harem kanina."
"Yes dad, nakita ko si Harem, sya ang unang bumati sa akin.
"Yun naman pala eh, Basta Sinasabi ko sayo kung gusto mong mag Stay pa sa Pilipinas e Pumasok ka sa Segovia, Kung ayaw mo naman, sumunod ka rito sa states.
Bahagya akong natahimik, hindi pa ako handang bumalik sa s states, pano si Keegan bago bago pa nga lang kaming nagkakalapit eh, saka yung mga kaibigan ko rito. Wala naman akong choice, Kaya sige tatangapin ko na muna ang trabaho sa Segovia,
"Sige Dad, Mag i Stay po ako ng pilipinas, papasok ako sa Segovia, pero pwede po bang mag rest po muna ako ng 1 month,?
"Sige Hija, sasabihin ko kay Guiller na mag tra trabaho ka sa kanila after 1 month.
"Thanks Dad! Saad ko naman rito.
"Good luck anak sa Career na papasukin mo" saad naman ni mama sa kabilang call.
"Thanks ma, saad ko rito.
Labang man sa aking loob ay Tatangapin ko na lamang ang trabaho sa Segovia, para kahit papaano ay naririto parin ako sa pilipinas. Kahit papano ay makikita ko parin ang lalaking nagpapasaya at nagbibigay ng lakas sa akin walang iba kundi si Keegan.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay tuloy parin si Keegan sa panliligaw nya sa akin, sinabi ko sa kanya na mag sisimula na akong magtrabaho sa Segovia.
Okay naman iyon sa kanya, para daw di rin ako mainip dito sa bahay.
Nainterview na rin naman ako, syempre kahit naman pasado na ako ay gusto ko parin dumaan sa tamang proseso. Tinatawanan lang ako ni Harem dahil pwede naman daw akong pumasok ano mang oras ko gusto dahil sila naman ang may ari ng kompanya, syempre di ko mamam gawain yon.
"Kelsey, Alam mo di mo na naman kailangan mag exam at interviewhin dahil over qualified ka na nga eh hehehe, para saan pa ang connection ng mga magulang natin sa isat isa." Saad ni Harem habang hinahatid ako palabas patungo sa parking.
"Harem, alam ko na magkaibigan ang mga magulang natin, pero it doesn't mean na mag ba by pass nalang ako sa process, syempre gusto ko dumaan parin ako sa tama." Wika ko pa rito.
"I know, and i admire you for that, mas lalo mo lamang akong pinapahanga." Anyway, bukas ang Segovia sayo, mag report ka na lamang kung kelan mo gusto." Nakangiting wika ni Harem sa akin.
"Salamat Harem, mauuna na ako." Wika ko rin naman rito saka tinahak ang daan palayo.
Habang naglalakad ako ay nabangga ko amg isang babae na tila nagmadali hawak ang makakapal na folder.
"I'm sorry Msis," wika ko saka pinulot ang ilang bumagsak na mga documento"
"Pasensya na rin ,di ko kayo napansin nag mamadali din po kasi ako eh," saad ng babae na may hawak ng folder.
Saan mo ba dadalhin ang mga ito, tutulungan na kita." Aya ko rito.
"Naku..Wag na po Miss, Baka pagalitan lamang ho ako lalo ng boss ko dahil nang abala pa ako ng ibang tao"
"Bakit hindi eh sa dami ba naman ng dala mo" sino ba ang boss mo para isusumbong ko sa may ari nito"
"Ho? naku..wag na ho, mabait naman ho yung boss ko may pagka strickto nga lang"
Saad ng babae sa aking harapan na tila nakitaan ko pa na medyo kinilig.
"Sino ba ang boss mo?
"Yung anak po ng May ari nitong Segovia, Secretary ako ni Sir Harem" nakangiting wika pa nito sa akin.
"Hmm..dahil dyan mukang may babae naman palang naiinlove kay Harem, Sana sila nalang dalawa, para mawala ang atensyon ni Harem sa akin.
"Ah, talaga si Harem ang boss mo, Bagay kayo, ako nga pala si Kelsey, ikaw ano name mo?
"Brenda...Brenda ang name ko Ms.Kelsey.
"Good, Basta friends na tayo pag pasok ko rito ah, Para d naman ako ma o O.P rito sa company ng segovia.
"Sure Ms.Kelsey, hintayin ko ang pagpasok mo rito."
"Oh sya sige na mauna na ako, ayaw mo talaga magpatulong ha?
"Oks na ako Ms.Kelsey. yakang yaka to basta para kay Boss Harem hihihi"
"Hahaha o sya sige Goodluck girl, see you when i See you." Saad ko at tuluyan ng nagpaalam.
Habang pauwi ako ay tumatawag si Keegan sa akin, Sinagot ko naman iyon ng naka loud speaker sa aking sasakyan."
"Hello, Keegan..."
"Hello,Kelly, Kumusta pala ang interview mo?
"Ok naman, pauwi na rin ako, Dumaan lang din ako saglit sa pinsan ko kina Irene.
"Ah, mabuti naman, na mis kita Kelly, ilang araw din kitang di na bisita."
"Alam ko naman yon, Nauunawaan ko no worries." Saad ko naman rito, napaka consistent naman kasi talaga ng panliligaw nya sa akin, pero nitong nakaraan 2 gabi na syang hindi nakakapunta may tinututukan kasi silang kaso, pero ok lang naman sa akin yon.
"Ahm, kelly, pwede ba tayong magkita mamaya? Mga 7pm, kung free ka iwan nalang natin yang sasakyan mo sa may HQ mamaya.
"Ah, Sige walang problema.
"Ok, salamat kelly, Mag iingat ka, lagi mong iisipin na mamahalin pa kita, hehe"
"Haha Oo na po. o sya bye na po Ingat din.
Kita ko naman ang pag pupursige ni Keegan na ligawan ako, patatagalin ko pa ba? halos isang buwan na sya mahigit nangliligaw, may nangyari na nga sa amin bago sya nangligaw patatagalin ko pa ba? Eh may feelings din naman ako sa kanya, kaya naisip ko na Sagutin ko na sya ngayong gabi.
Makalipas ang ilang oras ay nagtungo na ako sa HQ sakto pagdating ko ay sya namang pag labas nya.
Inayos ko muna ang aking sarili, Naka Dress lamang ulit ako ngayon, nang matiyak kong ok na ay saka ako bumaba.
"Hi, andito kana din pala, Halika na sa kotse Kelly, nakangiting wika nya saka hinawakan ang aking kamay.
Sumakay na ako sa Passenger seat, inilagay nya naman an seatbelt sa akin.
Heto ang hindi alam ng iba kay Keegan, akala ng iba ay Lukotoy at luko luko lang ito, pero may side sya na napaka protective at napaka maaalahanin.
"Saan tayo pupunta? Nakangiting tanong ko sa kanya, Tumingin ako sa kanya, pansin kong malalim ang kanyang mga mata, dahil siguro sa dalwang araw na training nila.
"Secret muna kelly, I'm sure magugustuhan mo don" saad nya sa akin habang nakangiti rin at lumabas pa ang dimple sa kanyang pisngi.
Tahimik lamang kami sa byahe, sumasabay lang sya sa kanta na nakasalang sa kanyang kotse.
May tinatago rin pala syang boses. Natatawa na lamang ako, ang dami din pala nyang talent na nakatago.
After ng halos kalahating oras na byahe ay nakarating kami sa isang mataas na lugar kung saan may patag na pwesto at kita ang magandang mga ilaw sa kabuuan ng ciudad.
Maya maya ay may inilabas syang tila picnic mat, saka inilabas ang sa tingin ko ay pizza,meron ding Tokneneng at donut, pero wala akong nakitang fishball.
Saka 2 Mountain dew at isang litrong tubig na absolute, may inilabas din syang Telescope sa isang lalagyan.
"Come here, Kelly,....Pag pasensyahan mo na, hehe Di pa kasi kita kayang i date sa mamahaling resto, kaya sana kahit sa ganito eh, mapasaya kita." Nagdala rin pala ako ng telescope may mga bulalakaw daw na lalabas sabi sa balita hehe"
Saad ni Keegan sa akin, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa kanyang sinabi, Napaka totoong tao ni Keegan, hindi nya ikinahihiya kung anong meron sya sa buhay.
Naka abang ang kanyang kamay upang abutin ang kamay ko at inabot ko naman iyon hangang sa mapaupo ako sa tabi nya, pareho kaming nakaupo sa nilatag nyang picnic mat, kinain namin ang mga dala nyang pagkain, saka kami nag kwentuhan, Ngayon ko lang naranasan ang ganto, hindi ko naman kailangan makipag date sa mamahaling resto pero para sa akin mas masaya parin ito.
Matapos naming kumain hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kapanatagan kay keegan, Humiga na lamang ako bigla sa kandungan nya nakapatong ang ulo ko sa kanyang hita, saka ko kinuha ang telescope na dala nya,.
"Keegan, naniniwala ka ba na natutupad pag nag wish sa Meteor?"
"Hmm, Siguro, di ko pa rin na ta try eh, Ikaw ba?
"Hindi ko parin na ta try, pero susubukan ko mamaya
"Sige mag wish tayo, tapos sasabihin natin kapag sa isat isa kapag natupad na natin.
"Ok sige bah" saad ko naman.
Maya maya ay tumayo ako saglit. Inabot nya ang gitara saka sya nag tipa.
Maya maya ay Sinimulan nyang tugtugin ang HULING SANDALI ng December Avenue, bagay na bagay sa kanyang boses ang kanta. Hindi ko alam na bumabagsak na pala ang luha ko sa pagkanta nya,
At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi.
Nang makita nya ang pagluha ko ay tinapos nya ang kanta saka ito lumapit sa akin saka ako niyakap.
Tahan na, bat ka umiiyak, hehe panget ba boses ko? Sorry na agad. Halika na nga manood na lang tayo ng Bulalakaw.
Pagkasabi nya noon ay pareho kaming tumingala sa langit, Kasabay nang pag daan ng mga bulalakaw, sabay naming ipinikit ang aming mga mata at Humiling,.
Ilang sandali pa kaming nagtagal roon, ngunit makalipas din ang oras ay nagyaya na syang umuwi dahil gabi na.
Tahimik lamang kami sa sasakyan hangang sa makarating na kami sa HQ, pero hindi muna kami agad bumaba.
"Ahm..Keegan may sasabihin sana ako sayo" seryosong wika ko sa kanya.
"Ano yon kelly, may problema ba?
Tanong nya na tila nag aalala
"Ahm..Keegan, Gusto ko lang sana malaman mo na from now on, Tumigil ka na sa pangliligaw sa akin.
"Huh? Bakit? Ayaw ba ng parents mo? Hindi kapa pwede mag Nobyo?
"Im Sorry Keegan, basta itigil mo na ang pangliligaw mo mula ngayon.
"Ganon ba, Si..sige..kung yon ang gusto mo kelly," malungkot na wika ni Keegan.
Agad ko namang hinawakan ang kamay nya, at napatingin sya sa akin.
"Itigil mo na ang pang liligaw mo Keegan, dahil from now on SINASAGOT na kita, Handa na akong maging Nobya mo"
"Ta...talaga? Ibig sabihin, sinasagot mo na ako ngayon?
"Uh..ummm, yess...Sinasagot na kita Keegan"
Saad ko sabay ng pagtulo ng luha ko, Niyakap nya ako at doon ko rin napansin na umiyak sya ng punasan nya ang luha ko. Pareho lang kaming umiiyak na tumatawa.
"Kelly, ngayon naniniwala na ako sa METEOR dahil tinupad nya agad ang isa sa mga wish ko" saad nya saka nya ako niyakap.
Sana nga keegan , sana matupad rin yung sa akin, Dahil ang wish ko na sana MAPATAWAD MO AKO KAPAG NALAMAN MO ANG TOTOO. saad ko sa aking isip habang muling yumakap sa kanya.