Maaga akong kumilos kinabukasan para pumasok sa school, graduation na kasi namin next week. Sinabi ko ito kina mama ngunit Hindi sila makakauwi sa mismong graduation dahil may meeting na mahalaga daw silang pupuntahan ni Daddy at hindi daw pwedeng hindi nila ito daluhan, basta para sa business, handang ipagpalit lalo na ni Daddy kahit ano pang ganap na importante sa buhay ko. Ilang beses pa nga lang si Dad naka attend sa event sa school sa buong buhay ko. Pero ganon pa man never akong nagtanim ng sama ng loob sa kanila ni Mama, hanggat maaari mas pinipili kong unawain, tampo oo, pero lumilipas rin.
Nang makarating ako sa school ay sumama ako sa umpukan nila Evren. Pansin ko ang lungkot nitong nakaraan ni Evren, pero ngayon kahit papano ay maaliwalas na ang mukha nya at doon na kasi sa poder ni Major sya nakatira.
Nalaman na ni Major ang Pang aabuso ng mga magulang nito sa kanya.
Sa makatuwid, parang magka live in na sila ni Major.
"Hi Sheng, Kanina ka pa namin inaantay hehe, eto oh kumain ka muna" saad sa akin ni Evren saka inabot ang kapeat burger na binili pa siguro nila sa Isang kilalang Fastfood.
"Wow, salamat ha, may pa Jollibee pa kayo, hehe"
"Naku, nag drive thru lang kami ni Major kanina,kaya ayan binilhan narin namin kayo." Nakangiting wika ni Evren.
"Ah, hehe ang Bongga talaga ni Major, Pero salamat Evren ah, nga pala masaya ako kasi masaya ka na sa poder ni major, di kama masasaktan ng mama at papa mo roon.
"Oo nga eh, ako rin Sheng..nagpapasalamat ako kay major kasi, tinulungan at pinoportektahan nya ako kina mama at pala na dapat syang nag liligtas sa akin.
"Hmm..kaya nga eh Hayy. Graduate na tayo next week, ma mi miss ko kayo Evren, yung grupo natin." Saad ko pa rito
"Ako rin, sobrang ma mi miss ko rin kayo, basta PM PM na lang kahit magkaka hiwalay na tayo."
"Oo naman Evren,Gra graduate lang tayo pero magkaka ibigan parin." Saad ko pa sa kanya.
"Teka nga pala kumusta pala kayo ni Officer Ramirez?" Biglang tanong sa akin ni Evren, kayo na ba?
"Haha..Huh? Hindi Evren mag kaibigan lang kami may ibang babae syang gusto eh."
"Ganon ba? Akala ko pa naman sabi ni Major medyo nagkaka mabutihan kayo ni Officer."
"Haha, nagkaka mabutihan naman kami bilang mag kaibigan nga lang, hehe BBF at GBF.
"Boy Best Friend, Girl Best Friend?" Hindi ka naman ba na fo fall sa kanya sheng?
"Hmm, Natutuwa ako sa kanya syempre, saka kung na Fa Fall? Maybe?, hindi naman mahirap mahalin si Keegan. May sense of humor syang tao, napapatawa nya ako ng sobra, ganon yung taong gusto ko Vren.
"Hehe, Naku nga, basta Goo luck sa inyo ni Officer Ramirez" dagdag pa ni Evren.
Nang week na yon ay napaka busy ng katauhan ko bilang sheng, dami kasing mga hinahabol namin na kailangan ipasa sa school, yung mga pina revised sa amin at iba pa, pero awa ng Dyos ay naipasa naman namin ng maayos.
Bandang Alas Tres ay Out na namin, May usapan kasi kami ni Keegan na pupunta sya sa bahay nang Alaa syete para manligaw. Kaya dali dali akong naglakad para makapag prepare pa ako.
Hindi ko naman inaasahan na magkikita kami ni Keegan.
"Hoy! BFF Sheng, Kumusta? Napaka busy mo na ngayon ah, "
"Oy, Keegan, ikaw pala, Kumusta, Sorry ha alam mo na graduating kaya medyo busy kami." Wika ko rito.
"Oo nga Congrats Bff, Gra Graduate ka na" Saad nito sa akin saka Hinawakan ang ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok.
"Salamat Keegan, Ikaw kumusta ka na pala parang ang saya saya mo ata?
"Heto ayos naman, Hehe, may sasabihin nga pala ako sayo sheng" wika nito na nakangiti pa at tila kinikilig pa.
"A..anong sasabihin mo Keegan?
"Ahm..Sheng, remember Kelly, yung girl na nabanggit ko sayo before? Hmm.
Manliligaw kasi ako sa kanila mamaya, medyo kinakabahan ako syempre.
Palagay mo ba? Papasa kaya ako sa Family nya, Wala naman kasi ang parents nya dito sa pilipinas, kaya don ako sa pinsan nya magpapa alam. Pero sa palagay mo, pasado kaya ako sa parents nya? Alam mo na..Gwapo lang naman ako, pero di naman ako mayaman. Pero kung sakali man na sagutin ako ni Kelly at maging kami sa Dulo, kaya ko naman syang Buhayin, meron naman akong trabaho kahit papano" saad ni Keegan sa akin, sa sinabi nyang iyon ay doon ako parang nakaramdam ng lungkot.
"Keegan, mabuti kang tao, Im sure magugustuhan ka ng mga magulang ni Kelly, At saka kung sakaling hindi ka man magustuhan ng mga magulang nya, I'm sure na Mahal na Mahal ka naman nya.
Mahirap matagpuan ang tulad mo Keegan, May Boyfriend kana, May Clown ka pa" saad ko rito habang hawak ko ang kamay nya, hindi ko rin naisip bat ginawa ko yon, hinawakan nya rin iyon saka tumingin sa aking mata, Ang sumunod na sinabi nya ang tila hindi ko napaghandaan.
"Salamat Sheng, Hmm..ang lambot rin pala ng Kamay mo Sheng, Parang katulad ng kamay ni Kelly, Hehe sa bagay yung saming mga lalaki lang naman ata ang ma KALYO kaka ano namin." Nakangiting wika nito, na curious naman ako bigla.
"Kaka ano Keegan?
"Kaka Jabo.... Kaka Job...I mean kaka trabaho ba, kakabuhat, kakahila ganern kaya kinakalyo yung kamay namin" saad pa nito.
"Ah, Okay..Akala ko kung anong reason"
"Ahm, Pano pala sheng, ingat ka pauwi ha, I'm sure na marami ka oang gagawin, babalitaan na lang kita bukas sa panliligaw ko kay kelly mamaya.
"Sige, Keegan balitaan mo nalang ako"
Saad ko saka tuluyang nag paalam.
Samantala
KEEGAN
Excited na ako para sa unang araw ng panliligaw ko kay Kelly.
May naitabi naman akong 2000 dito, eto yung mga na scam ko kay major nung nakaraan na itinatabi ko para sa mga gantong lakad.
Nagpaalam ako kay Mama, sinabi ko rin sa kanya na Liligawan ko si Kelly, tuwang tuwa naman sya, dahil magaan daw ang loob nya rito, lagi nya raw sinasabi sa taas na sana ay alinman kay Kelly or Sheng ang maging nobya ko at maging asawa balang araw ay labis nyang ikatutuwa kaya ng malaman nyang liligawan ko ito ay sayang saya sya.
"Nako Hijo, napaka gwapo mo lalo sa suot mo, Basta anak maging totoo ka sa mga magulang ni Kelly na hangangarin mong mahalin at maging kasintahan si Kelly, hindi man tayo kasing yaman ng iba pero Mas mayaman ang pagmamahal mo sa anak nila." Saad pa ni Mama.
"Opo ma, saka wala pa po yung parents nya, bale yung pinsan nya po ang kasama nya doon po muna kami nagsabi.
"Oh sya sige anak, mag ingat ka ha, balitaan mo ako" saad pa ni Mama.
Ala sais pa lamang ay umalis na ako, dadaanan ko pa sa flowershop ang bulaklak na aking binili na ibibigay ko para kay Kelly, dumaan rin ako sa Goldilocks at bumili ng Dulce de leche cake rolls. Ayos Isang libo lang lahat ng nagastos ko, Six hundred fifty sa flowers at three fifty naman sa Cake.
Matapos kong mabili ang dapat bilhin ay pumunta na ako sa address na i inigay nya sa isang Exclusive subdivision ako dinala.
Pag dating ko sa Guard ay sinabi ko na kina Kelly Blanchet ang punta ko, tumawag lang sandali ang guard marahil kina kelly saka lamang ako pinapasok.
Madai ko naman nakita ang Street, Hindi ko akalain na Ganto pala kayaman sila Kelly, akala ko kasi basta may Kaya lang, pero di ko ine expect na ganito, Puro malalaking bahay ang nasa loob ng subdivision, Lahat ay may malawak na garahe at Bakuran at Ang layo ng agwat ng mga bahay, pare parehong matataas ang mga bakod at gate. Mga mayayaman nga naman takot na takot manakawan kesa sa masunugan.
Pagliko ko sa kabilang Street ay doon na ang bahay na itinuturo sa waze, hahanapin ko na lamang ang numero ng bahay na binigay ni Kelly.
At ilang sandali lamang ay nakita ko na nga ito.
Yari sa Gray and White combination ang kulay nito. Minessage ko muna si Kelly saka ako nag doorbel.
At bumukas naman ito bigla, Wow, Automatic? Sa tapat na lamang ng bahay nila ko pinark ang aking sasakyan. Nang bumukas ang gate sumalubong sa akin ang ilan sa mga mamahaling sasakyan nila Kelly. Parang gusto ko na yata umuronh, parang bigla naman akong nanliit sa nadatnan ko.
Di ko talaga expect na ganto ka big time tong sila kelly, akala ko nga echo echos nya lang yung sa sasakyan nya.
Pagtapat ko sa pinto ay huminga muna ako ng maalalim, kakatok pa lamang sana ito ng kusa na itong bumukas laking gulat ko pag bukas nito ay bumungad sa akin ang siguro ay pinsan nya at ang asawa nito.
"Ah.. Magandang Gabi po, Ako nga po pala yung Kaibigan ni Kelly" magalang at kinakabahan king sabi.
"Ah, Ikaw pala si Officer Keegan, Pasok ka. Nasa taas palang si Kelly tatawagin ko lang."
Saad ng babae na sa tingin ko ay pinsan nya saka umakyat sa taas oara tawagin si Kelly.
"Hi Bro, Ako pala si Aldous Asawa ni Yanna pinsan ni Kelly.
"Nice to meet you Sir Aldous, I'm Keegan." Pagpapakilala ko naman.
"Nice to meet you too bro, Pulis ka raw sabi ni Yanna.
"Oo bro, sa Del Prado ako naka assign malapit sa st.Margaret, (Kung saan nag aaral si Kelly
"Ah, I see.
Maya maya lamang ay Nakita ko ng bumaba si Kelly at ate Yanna na pinsan niya na asawa ni Aldous.
Lalo akong Napatulala sa Pababang si Kelly, Nakasuot sya ng White na crop top at ng above the knee na skirt.
Napaka ganda nya lalo kahit wala naman syang ganong rekotitos sa mukha.
"Ahm..Good evening Kelly, Ahm..For you.." saad ko rito saka inabot ang Bulaklak at ang Cake rolls na binili ko.
"Salamat Keegan, nag abala ka pa" saad nya saka kinuha ang Bulaklak at cake, hawak nya ang bulaklak at ang cake naman ay inabot nya kay ate yanna.
"Okay, Dahil nandito na naman tayong lahat na at magkaka harap deretshan na ito.
Officer Keegan, SEryoso ka ba sa pang liligaw mo dito sa Pinsan ko, nangangako ka bang di mo to sasaktan at paiiyakin?
"Ate naman, yun tanong mo...
"Ganon talaga kelly, Straight dapat ang tanong.
"Ahm..Opo Ms.Yanna, Seryoso po ako sa pang liligaw ko kay Kelly
"Seryoso naman pala mahal eh, grabe ka naman mang interrogate ng manliligaw ni Kelly.
"Ganon talaga! What if may lihim pala si Kelly na di nya sinasabi sayo,
"Ate naman!"
"What if Ma discover mong may Putok si Kelly, Tapos Di nag to toothbrush sa gabi, at higit sa lahat hindi nag papalit ng panty lalayuan mo ba sya?" Patuloy na tanong ng ate yanna nya. Alam ko naman na hindi ganon si Kelly malamang inaasar lamang nito ang pinsan.
"Ate..Ang Gross naman!"
"Hindi ah, gusto ko lang malaman ang sagot ni Keegan, Na gusto ka parin nya kahit may Putok ka."
Tiningnan ko naman si Kelly at napahilamos na lamang ito sa mukha.
"Opo naman, Saka alam ko po na di po ganon si Kelly" saad ko saka nginitian si Kelly.
"Oh sya oh sya Sige na, eto namang si Kelly sinabi ko lang na may putok iiyak na eh"
"Wala namang problema sa akin, Daan rin naman kami sa ganyan nitong Sweetheart ko, pero alam mo na, di natin alam sa Parents ni Kelly, pero matanda na naman kayo pareho, mag twe Twenty na si Kelly at ikaw naman ata ay nasa 28 na daw tama ba?
"Yes po at mag 29 na po ako after 2 months." Saad ko naman.
"Yun naman pala eh, basta wag mong sasaktan tong pinsan ko ah, bahala na lang kayong dalawa pag dating ng parents nya, dahil kung mahal nyo naman ang isat isa, wala naman sigurong magagawa na hadlangan pa nila kayo" saad pa nila ate yanna.
Pagkatapos noon ay iniwan na muna nila kaming dalawa ni Kelly kung kanina ay magka tapat kami Pag alis ng mag asawa, Pagbalik nila ay magkatabi na kami.
"Hehee .Iba rin pag alis namin magka harap kayo, nag handa lang kami ng Food pagbalik namin magkalapit na kayo hehe..Ang speed." Saad ni ate Yanna.
Pano pagkaalis kasi nila ay inaya ko si Kelly na tabihan ako at tumabi naman ito kaya magkadikit talaga kami.
Kinain rin namin ang dala kong cake, pero nagluto din pala sila ng carbonara.
Nag kwentuhan pa kaming apat, pero pagkatapos naming kumain ay iniwan na rin kami ng mag asawa.
Taga rito rin naman sila sa subdivision na ito pero sa kabilang street sila.
"Keegan, Kelly, mauuna na muna kami, walang kasama ang mga bata, Baka hinahanap na kami.
"Keegan, ikaw na bahala mauuna na kami, Wala pa naman siguro kayo gagawin ngayong gabi diba kaya iiwan na muna namin kayo.
" Sweetheart hayaan mo na sila matanda na yang mga yan, tayo din naman dumaan dyan" saad naman ni Kuya aldous
"Yun na nga Sweety, dumaan rin tayo dyan kaya nga NABUNTIS mo ako ng maaga eh, Baka pag Nabuntis ng Maaga yang Si Kelly Naku, Baka kung anong gawin dyan ni Ni Tito, hindi yon kasing bait nila mama at papa.hehe"
"Oo na Oo na, Bro .maunanna kami, Kung di talaga kayo makataiis payong kapatid lang Sa labas ka na lang magpa putok bro para walang sabit, hehe...Joke lang..pano una na kami." Saad pa nito sa amin.
"Sige Bro..ingat kayo, pauwi na rin ako maya maya." Saad ko naman.
Nang makaalis na sila ay naiwan kaming dalwa ni kelly. Nananatili kaming magkatabing nakaupo sa pangdalawahang sofa.
Para parin akong nangliliit sa katayuan sa buhay dahil sa nalaman kong status ng buhay ni Kelly, kaya natahimik ako at napansin nya naman iyon.
"Oh, keegan bat ang tahimik mo na?
"Wala lang Kelly, Di ko kasi ine expect na ganto kalayo yung status ng buhay mo sa buhay ko." Saad ko sa mahinang tinig.
"So ano naman, sumusuko ka naba? Saad nito sa akin ngunit nakangiti.
"Syempre hindi, Disidido akong ligawan ka, malayo man ang pagitan ng estado natin sa buhay, palagay ko namay kaya kitang buhayin, hindi nga lang kasing Bongga nitong Pamumuhay mo," saad ko rito.
"Oo naman, mas okay pa nga yung simple, tahimik, basta nagmamahalan at nagtutulungan."
"Yon naman pala, So walang dahilan para sukuan kita,
Patutunayan ko na malinis ang hangarin ko sayo Kelly." Saad ko sa kanya saka hinawakan sya sa kamay.
Napakalambot ng kanyang mga kamay, naalala ko na naman tuloy yung napag usapan namin ni sheng nung nakaraan.
Saglit pa kaming nagkwentuhan at ilang sandali lang din ay nagpaalam na ako, hindi ko na sya pinalabas ng bahay upang ihatid ako kaya hinatid nya na lamang ako ng tanaw.
Pagdating sa bahay ay ibinalita ko kay mama ang nangyari sa panliligaw ko.
Natuwa naman si Mama, syempre nagulat din sya nung sinabi ko ang estado ng Buhay nila Kelly. Na hindinlang ito basta may kaya lang kundi mayaman talaga.
"Anak, Hindi mo pa man alam na mayaman si Kelly ay desidido ka nang ligawan sya, at kung sya talaga ang tinitibok ng iyong puso, wala kang dapat ikatakot dahil malinis ang hangarin mo sa anal nila." Kahit mahirap lang tayo anak may tinapos ka rin naman at may maayos na trabaho, kaya tiyak ako na kahit papano ay di ka naman nila masyadong hahamakin" dagdag pa ni Mama.
"Yes ma, Basta ma, tama po, hindi ako susuko kay Kelly, kahit sya ma, ramdam ko rin na mahal nya ako, kaya di ko sya susukuan."
"Ganyan nga anak, Laban lang basta alam mong wala kang tinatapakan na tao." Saad ni Mama.
Mabilis na lumipas ang araw ay Tinuloy ko ang pang liligaw kay Kelly.
Samantala Graduation ngayon nila Sheng kaya Binati ko lamang ang aking BFf,
binigyan ko rin sya ng isang maliit na Teddy bear bilang regalo sa kanya.
Dahil wala pang sahod ay tinanong ko muna sya na baka gusto nyang ilibre ko sya ng Tokneneng at Fishball, at pumayag naman sya.
"Congrats BFf, dahil Graduate ka na, Mag fishball tayo, uubusin natin tong 150 pesos sa Fishball, palamig, at Tokneneng.
Masaya kong sabi kay Sheng.
"Yey, Salamat Keegan," nakangiting wika naman ni Sheng sa akin.
Agad kaming kumuha ng baso na paglalagyan ng aming fishball at Tokneneng, umorder na rin ako ng palamig namin.
Masaya kmaing nag kwe kwentuhan habang kimakain. Knwento ko rij sa kanya ang nangyari sa pangliligaw ko kay Kelly, masaya rin daw sya para sa amin, Ok din tong si Sheng eh, siguro kung di ko na kilala si Kelly, baka ligawan ko tong si Sheng, Mabait din ito paranh si Kelly, Simple, Maka masa, Tamang fishball at Tokneneng lang solve na, Si Kelly Kasi Laki sa yaman, pero sa bagay kahit kelan naman hindi nag demand si Kelly sa akin ng kahit ano,
Ako lang ang nahihiyang pakainin sya nga mga Streetfood baka kasi di sya nakain tulad ko.
Busog na busog kami sa halagang 150 ay nairaos namin ang Foodtrip na libre ko kay Sheng.
"Pano Sheng, Congrats ulit ha,..Gooduck sa Career mo." Bati kobsa kanya.
"Salamat din sayo Keegan, Super nag enjoy ako sa Treat mo." Nakangiting sabi ni Sheng sa akin.
"Paano, Mauna na rin ako ha, Pupuntahan ko pa rin si Kelly, alam mo na akyat ulit ng ligaw." Pagpapatuloy ko pa habang nakangiti sa kanya.
Pagkatapos naming magpaalaman ay nag kanya kanya na kami, Sumakay sya sa kotse nila, at ako naman ay bumalik na muna sa HQ upang magpaalam din Nag aaya rin pala si Major dahil Graduation din ni Bata, sasabihin ko na lamang na mamaya na akong gabi pupunta dahil pupuntahan ko muna si Kelly, syempre yung nililigawan muna bago ang lahat.
Kaya ng makapag paalam ako kay Major na susunod na lamang ay agad ko nang tinungo ang daan patungo sa bahay nila Kelly.