Chapter 05
Zhiya Sabriya Smith
HINDI sumagot si Amari sa tanong ko. Tahimik lang si Amari, parang estatwa. Hindi man lang natinag sa tanong ko. Tapos, bigla siyang tumayo.
Tiningala ko siya habang unti–unti siyang umaangat mula sa pagkakaupo—at doon ko muling naramdaman 'yung kakaibang presensya niya. Parang, sumikip ang hangin sa paligid. Parang nanliliit ako sa harapan niya.
Hindi siya nagsalita. Hindi rin kumurap. Those eyes—dark and unreadable. Walang emosyon, pero ramdam ko, may naglalagablab sa loob. Parang may pagka–bayolente ang taong ito.
Hindi ko alam kung guni–guni ko lang, pero 'yung tingin niya, para bang may galit. Hindi sigaw na galit—kundi 'yung tahimik pero nakakabingi. Nakakatakot. Nakakayanig.
Napalunok ako. Pinilit kong maging matatag ang boses. Habang nagtatagal ang pagkatitig ni Amari sa akin may hindi ako maunawaan ang matinding pagbilis ng pintig ng puso ko.
"Tinatanong kita," ulit ko, this time mas madiin. "Bakit ka nandito, Amari?"
Pero parang wala pa rin siyang narinig. Ni isang pilik-mata, hindi gumalaw. Umikot ang paningin niya sa buong sala. Parang ina—absorb ang lahat.
Lumakad siya na mabagal. Halos wala kang marinig sa mga hakbang niya pero bawat yapak, parang may bigat. Tiningnan niya ang dingding na walang larawan, ang basag na flower vase sa may mesa, ang sirang electric fan na nakasandal na lang sa isang tabi.
Napahawak siya sa isang upuan. Hinaplos ang kahoy. Then, tiningnan ang daliri niya, hindi ko alam kung madumi ba o hindi. Pagkatapos, dumukot siya panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang daliri niya saka pinatong sa mesa ang panyong ginamit niya. 'Yung simpleng galaw na 'yon, mas malakas pa sa sampal.
Kumirot ang dibdib ko. Mas lalo akong nanliliit sa sarili ko. Pumunta lang ba siya rito, para kutyain ang loob ng bahay namin. Napalunok ako ulit. Pinilit kong pigilan ang garalgal sa boses ko.
"Amari, please. Just answer me. Bakit ka nandito?"
Sheer desperation na ‘yon. Hindi ko na maitago. Ang tanong ko, sobrang simple. Pero bakit parang ang hirap niyang sagutin?
Parang, bingi siya. O sadyang nagbingi–bingihan lang.
Sheer silence. Napakapit ako sa gilid ng pinto. Gusto kong mawala 'yung kaba, pero lalo lang itong humihigpit.
Anong gusto niyang mangyari? Anong ginagawa niya rito? Napag–isipan na ba niya ang pakiusap ko?
After a seconds of silence, nagsalita si Amari. Pero imbes sagutin ang tanong ko, siya itong nagtanong.
"Who's the boy I saw earlier?" tanong niya, malamig ang tono. "Why did he call you mama?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko agad nakuha ang hininga ko. Pero hindi ako pwedeng umiwas. Tinignan ko siya nang diretso sa mata. Tumaas ang baba ko, pilit kinukubli ang kaba at takot.
"Anak ko siya."
Nagkandasalubong ang mga kilay niya. Kita sa mukha ang gulat. Marahan siyang tumango.
"Who's the father?"
Doon ako napatigil. Napakapit ako sa laylayan ng damit ko, pilit hinahanap ang tamang sagot sa utak ko pero wala akong mahugot. Dahil kahit ako ay hindi ko alam.
So I lied.
"Dati kong boyfriend," sagot ko, pilit na kalmado ang tono.
"Boyfriend?" ulit niya, halos pabulong, pero puno ng disbelief. Parang hindi niya ma–process ang sinabi ko.
Tumango ako. Hindi ko na siya tinignan. Wala akong oras para magpaliwanag. Wala rin akong lakas para makipagtalo. Kaya diretso na ako sa kasinungalingan.
"Kung nandito ka para sa Papa ko—" I paused, ang boses ko'y bahagyang nanginginig, "—may balita ka na ba? Mapapalaya na ba nila siya?"
Pero imbes sagot, isang mapait na smirk ang sumilay sa labi ni Amari. "It's not about your father."
Napakunot ang noo ko. Pero bago pa ako makapagtanong ulit, nagsalita na siya.
"But I can help you, if you want his freedom."
Biglang lumiwanag ang mukha parang nabuhayan ako ng loob. Napalapit ako sa kanya, gusto kong marinig malapitan kung ano pa ang sasabihin niya.
"Ano?" tanong ko, halos pabulong, puno ng pag–asa. "Anong kailangan kong gawin?"
Tahimik siyang tumingin sa akin. Then he dropped the bomb—calmly.
"Marry me. Secretly."
My eyes grew wider in shock, na speechless ako. Ano raw?
"W–What?" bulong ko. Parang hindi ko nadinig nang tama.
Pero wala siyang inulit. Tumayo lang siya roon, nakatingin sa akin. Wala sa mukha niya kung galit ba, awa, o kahit anong emosyon. Parang business proposal lang ang lahat.
Pero ako? Para akong guguho.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.
I mean...Amari Chance Hayes. Amari, of all people. The man I used to dream about. Na kahit simpleng ngiti niya noon, sapat na para kulungin ang araw ko sa kilig. Na kahit sino sigurong babae ang yayain niya ng kasal—hindi na magdadalawang–isip.
Pero...hindi ako 'yong "kahit sino."
At hindi ito ang pangarap kong kasal. Gusto kong ikasal dahil mahal ko ang taong 'yon. Hindi dahil kailangan. Hindi dahil may kapalit.
Napakapit pa rin ang kamay ko sa laylayan ng damit ko, mariing pumikit, pilit pinapakalma ang dibdib kong parang sumisigaw sa dami ng emosyon.
"I can't do that," mahinang sabi ko. "I want my father's freedom, but not like this. Not through marriage na hindi ko pinili, Amari."
Tahimik lang siya.
Pero kita ko. Kitang-kita ko ang biglang pagbago ng anyo ng mata niya. Parang may dumaan na kidlat. A split second. Halos hindi mo mapapansin kung hindi ka nakatingin. But I saw it. Ang sandaling galit. Ang init. Yung tila gustong sumabog.
Pero agad rin 'yong nawala—napalitan ng ngiting pilit, sobrang perpekto, sobrang peke.
"Kung 'yan ang desisyon mo," malamig niyang sambit. "It's your choice. Sayang lang. That could've made your father's case easier."
Tumaas ang balikat ko. Gusto kong sumagot, pero pinili kong manahimik. Pero si Amari, hindi pa tapos.
"It's only a piece of paper, Sab," dagdag pa niya, kunwa'y casual. "Pero dahil ayaw mo, then take the consequences."
Hindi ko alam kung warning 'yon, o pananakot. Pero kung layunin niyang takutin ako, sayang lang ang effort. I looked at him—straight into his eyes.
"I'm not afraid of you, Amari," mahina kong sambit, pero buo kong sabi, malinaw.Walang pag—aalinlangan.
He chuckled. His dark and penetrating eyes na tila nanunuri sa pagkatingin sa akin, kasabay ng bahagyang pag–angat ng kilay.
"Really?" malamig niyang tugon. "You're not afraid of me?"
Napalunok ako, pero hindi ko binawi ang tingin ko sa kanya.
He gave me a slow nod, almost mocking. "Let's say...you're not. But that doesn't mean you should trust me."
Lumapit siya ng kaunti, sapat lang para maramdaman ko ang bigat ng presensya niya. Kalmado lang siya, pero bawat salitang bitawan niya ay parang pakpak ng kidlat—tahimik pero mapanira.
"Akala mo ba palaging may second offer ako, Sab?" He said. "Minsan lang ako magpakumbaba sa isang taong kagaya mo. Minsan din lang ako magbigay ng choice."
Nanigas ang katawan ko. Hindi dahil sa takot. Pero dahil sa gulo ng damdaming sinisikil ko. Hindi ko alam kung galit ako. O nasasaktan lang. O nanghihinayang.
Dahil kilala ko siya. Kahit papaano. Pero iba na siya ngayon.
Ang dating Amari na kilala ko... wala na.
"Baka kasi, next time...hindi na ako makiusap," dagdag niya. “Baka wala nang 'will you marry me'...baka puro 'you will.'"
Saka siya ngumiti, mapait. Hindi rin galit. Pero may pinipigil.
And then, he turned around. Tahimik na lumabas ng pinto. Walang lingon. Hanggang sa marinig ko ang tunog ng motor papalayo.
At doon na ako napaupo sa gilid ng mesa.
Bumigat ang dibdib ko. Pakiramdam ko may bumalot na malamig na ulap sa paligid. Naramdaman ko ang luhang unti–unting bumagsak, dahan–dahan lang—parang ayaw ding umalis.
Hindi ako takot kay Amari. Pero natatakot ako sa magiging kapalit. Bigla—bigla naman ang offer na iyon. Kanina lang hirap akong pakiusapan siya but now he offered me, something fishy.
Nakaupo pa rin ako sa kinauupuan. Pakiramdam ko, naiwan sa hangin ang lahat ng sinabi ni Amari. Nanginginig ang kamay ko, pero hindi ko alam kung dahil ba sa galit, takot, o dahil lang sa pagod na pagod na talaga ako.
"Sab!" tawag ng Mama ko? halos hindi makahinga habang papalapit. Nasa kamay niya ang lumang keypad na cellphone, nanginginig ang mga daliri.
"Si Tiya Pilar mo ito... si Papa mo raw, anak—" at hindi na niya natapos ang sasabihin.
Napaupo siya sa tabi ko, hawak pa rin ang cellphone. "Hello? Pilar? Kumusta si kuya mo? Diyos ko, ano bang nangyari sa kanya?"
Narinig kong naiyak siya. 'Yung iyak na pilit niyang pinipigilan kanina, ngayon ay tuluyan nang bumigay. Umiyak ang Mama ko habang nakikinig sa kabilang linya. Sobrang sakit nun panoorin.
Hindi ko na kinaya. Hinablot ko sa kanya ang cellphone, marahan pero madiin.
"Tiya Pilar?" mahina kong sabi pero klaro kong sambit.
"Sab..." agad na tugon ng Tiya ko mula sa kabilang linya, at du'n pa lang, ramdam ko na—may masamang nangyari. "Anak, pinagtulungan si Papa mo sa kulungan. Wala raw bantay, tapos...ewan, pero sinugod siya ng ibang preso. Nasa ospital siya ngayon, unconscious."
Nanlambot ang tuhod ko at muntik ko ng mabitawan ang cellphone.
"What—why?!" halos hindi ako makapaniwala. "Wala man lang kayong nabalitaan before it happened?"
"Hindi namin alam, anak. Wala namang nagsabi sa amin na may banta. Nagkataon lang at may nurse na tumawag sa kin dahil emergency contact ako."
Napakapit ako sa mesa, nanginginig ang hawak ko sa cellphone. Ayokong umiyak pero gusto ko nang mapasigaw. Para saan pa lahat ng sakripisyo kung ganito rin ang kahihinatnan?
Naririnig kong umiiyak pa rin si Mama sa tabi ko. Hinagod ko ang likod niya habang pinipilit kong intindihin ang lahat.
"Pupunta kami diyan, Tiya...I need to see Papa," mahinang sabi ko, pilit pinatatatag ang sarili.
"Anak, hindi ka pa rin puwedeng pumasok sa kulungan o sa hospital ward ng inmates. Pero...makakalapit ka kung may kilala tayong tagaloob."
Napatingin ako sa labas. Sa gate namin na luma. Sa direksyon kung saan lumabas si Amari.
Diyos ko...bakit parang lahat ng daan pabalik sa kanya?