Chapter 04: Hindi Inaasahan

2108 Words
Chapter 04 Zhiya Sabriya Smith BAGO siya tuluyang makaalis sa harapan ko, lumapit ako sa kanya. Hinakbang ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at akma kong hahawakan ang kamay niya. Pero agad siyang umatras ng bahagya, sabay nagsalita nang matalim. "Don't put your dirty fingers on me." I froze. And I couldn't even move. Parang patalim na sumaksak sa puso ko ang salitang binitawan niya. "You heard me," dagdag niya, malamig, walang bakas ng awa sa tinig. "I can't do anything about your father's case...but there's still a way." Walang emosyon na sabi niya. Para lang siyang nagbasa ng script sa isang courtroom—diretso, walang pag–aalinlangan. I couldn't say a word. Slowly, ibinaba ko ang mga kamay ko. Pakiramdam ko napahiya ako, hindi lang sa kanya, kundi sa sarili ko rin. The sharpness in his eyes remained, but he said nothing more. Maya–maya lang, bumukas ang gate. Sumakay siya sa motor na kanina'y kinabiliban ko. Pinaandar niya ang motor at pinasok sa loob. Hindi niya ako sinulyapan. Wala. As if I never existed. Sinundan ko ng tingin ang motor habang papasok ito sa loob. At nang tuluyang sumara ang gate, parang may bahagi rin sa puso kong nagsara. Bumagsak ang mga balikat ko. Hopeless. That's how it felt. Malabong pakiusapan si Amari ngayon. Ang dami kong gustong sabihin pero parang hindi ako binigyan ng kahit isang minuto para marinig. Lumapit si Ace, tahimik at kita ko ang awa sa mga mata ng pinsan ko. Walang sinabing kahit ano. Ni hindi ako tinanong kung okay lang ako—siguro dahil alam naman niyang hindi. Niyakap lang niya ako. Mahigpit. At doon ako napaiyak. Tahimik lang. Pero ramdam ko 'yung sakit na parang may gumuguhit sa dibdib ko habang patuloy na bumabagsak ang luha ko. Pero hindi ako susuko. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag–asa. Lalo na ngayon. Hahanap ako ng abogado. Gagawin ko ang lahat para sa tatay ko. May naipon akong pera—'yung para sana sa kinabukasan ni Seve. Inipon ko 'yon, 'nung maayos pa ang buhay ko. At ngayon, kung may dapat akong unahin, ito 'yon. Kailangan ko lang magsimula. Kumalas ako mula sa yakap ni Ace. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa kawalan ng pag–asa, pero hindi ako pwedeng tumigil. Kailangan kong lumaban. Tumingala ako sa kanya, pilit na tinatago ang pag–aalala sa likod ng tanong ko. "Ace, may kilala ka bang magaling na abugado?" Hindi siya agad sumagot, pero kita ko sa mata niya na may naisip siya. Tumango siya. "Mayroon. Boss ko dati sa pinagtatrabahuhan ko. Regis & Abad Law Offices. Magaling 'yon, hindi basta–basta." Dahil sa sinabi niya para akong nabuhayan ng loob. Parang may unti–unting bumubukas ang pag—asang halos isarado na kanina. "Sa Maynila nga lang," dagdag pa niya, "pero tama lang kasi nandoon si Tito. Doon din nakasampa ang kaso." Tumango ako agad. "Ace, papa–Maynila tayo sa Linggo. Sasamahan mo ako, ha?" "Oo. Ako na bahala sa'yo." Napatingin ako sa kanya—totoo talaga siyang kakampi. Tumibok nang bahagya ang puso ko, this time hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa pasasalamat na may pinsan akong mabait. Sumampa na ako sa luma naming motor. Pinaandar na ni Ace nang hindi ko alam kung bakit—parang may humila sa leeg ko—napalingon ako sa bahay at napatingala ako sa taas. At hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Nakatayo si Amari sa veranda. Hindi gumagalaw. Pero parang tinutuhog ako ng tingin niya mula roon. Mahigpit ang pagkakakuyom ng panga niya. His jaw ticked with tension. And his eyes...violence and rage burned darkly in them. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tinitingnan niya. Parang ramdam kong galit na galit siya sa akin. Napakagat ako sa labi. Wala akong ginawang masama sa kanya. Kung tungkol ito sa Tatay ko, wala akong kinalaman sa ginawa niya. Pero ang tingin ni Amari...para bang may matagal na siyang kinikimkim laban sa akin. Napatungo ako at napapatanong. Mahirap pala talagang makiusap sa taong ayaw makinig. PAGKARATING, namin sa bahay, halos hindi pa humihinto ang motor, ang mga mata ko agad napatingin sa hagdanan. "Seve..." bulalas ko. Nakatayo siya roon umiiyak. Puno ng takot ang mga mata niya. Parang kanina pa siya naghihintay. Agad akong bumaba. Hindi ko na inintay si Ace na tuluyang mapatay ang makina. "Seve!" Tumakbo ako papunta sa kanya, at agad ko siyang binuhat. Mahigpit ang yakap ko. Hindi ko na siya binitiwan. "Shh...baby, I'm here. Mama's here, okay?" Alo ko sa bata. Buti na lang at hindi siya pumalag. Instead niyakap niya ako pabalik. Maliliit niyang kamay, nakayakap sa leeg ko. "Mama..." sambit niya, paulit-ulit. "Mama..." Then, parang natunaw ang puso ko. Parang musika sa pandinig ko ang paulit–ulit niyang tawag na 'Mama'. Hindi ko sigurado kung ako ba 'yung tinutukoy niyang mama o si Mama ko. Pero sa oras na 'yon, hindi na mahalaga. Basta Mama. At ako ang may karga sa kanya ngayon. Buhat–buhat ko si Seve pumasok kami sa loob. Nadatnan ko ang Mama ko sa sala. At napansin kong magulo ang loob ng bahay. Nakaupo sa monoblock si Mama. Bagsak ang mga balikat. Wala na ang TV. Wala na ang ilang gamit. Ang couch at ang cabinet na gawa pa sa mamahaling kahoy. Hindi ko kailangang magtanong. Alam ko na ang sagot. Naiyak ako ulit. Pero pinigilan ko. Dahil may bata akong buhat. Dahil may kailangan akong ipaglaban. Tahimik si Mama habang inaalo ko si Seve. Walang nagsasalita sa amin. Pati si Ace, tahimik lang sa gilid. "Sab..." Nilingon ko si Mama. Halos hindi ko makilala ang boses niya—paos, pagod, parang basag na basag sa mga problema. "Kapag hindi tayo nakabayad sa palugit na binigay ng bangko—" napahinto siya, bahagyang tumingala, nangingilid ang luha. "Mareremata na itong bahay natin." Parang may humila sa dibdib ko pababa. Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Gusto kong magtanong kung tama ba ang dinig ko—pero alam kong tama. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya, pilit iniintindi ang bigat ng katotohanan. "Na–isanla ito, anak...'nung panahon na nakulong ka. Ginamit ko para sa kaso mo." Wala akong masabi. Alam ko, ramdam ko, pero iba pala 'pag naririnig mo. Iba 'pag sinasabi ang totoo. Nakaka–konsensiya. "Pati 'yung palayan natin sa bukid..." dagdag pa niya, "Naibenta na 'yun. Pareho 'yung dalawang hectare. 'Yung pinaghirapan ng Papa mo. na galing sa pagod niya—wala na." Napabuntong–hininga ako, pero walang tunog—pigil na pigil. Nanginig ang dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magsalita, magwala, kahit minsan lang, pero hindi ko magawa. Masakit sa lalamunan. Parang may bumara. Parang sinasakal ang buong dibdib ko, at kahit anong pilit kong bumuntong–hininga, hindi ako makahinga. "Diyos ko..." bulong ko sa sarili. "Grabeng pagsubok naman ito..." Niyakap ko si Seve, na walang kamalay–malay. Tahimik lang siya, nakapulupot sa leeg ko, para bang alam niyang kailangan ko ng yakap. Tahimik akong tumingin sa paligid. Wala nang appliances. Wala nang palayan. Malapit nang mawala ang bahay. Para saan pa ang kapit kung unti–unti ka na ring tinatanggalan ng dahilan para manatili? Tumayo ako ng tuwid. Buo ang loob ko sa desisyong ito. "Ma..." mahina kong tawag. "Hindi na ako magpapakapilit pa. Baka dapat...isuko na lang natin ang lahat." Nag–angat siya ng tingin sa akin, may gulat, pero walang pagtutol. "Pupunta tayo sa Maynila. Ang kaso ni Papa ang una nating asikasuhin. Baka makahanap din ako ng trabaho habang inaasikaso ang lahat." "Sab..." "Hindi na tayo pwedeng maghintay dito. Wala na tayong hinahawakan. Baka doon...kahit papano, may pag–asa." Tahimik si Mama. Pero tumango siya, dahan–dahan. Walang salitang sinagot, pero sapat na ang pagluha niya para maramdaman kong alam niyang wala na ring ibang paraan. Tumingin ako kay Ace. "Sa Linggo, aalis tayo." PAGKATAPOS ng usapan sa sala, pumunta ako sa kwarto. Tahimik lang akong naglakad, ayaw ko nang magsalita. Ayaw ko na ring umiyak. Hindi dahil tapos na ang sakit—kundi dahil pagod na ako. Binuksan ko ang ilaw. Huminga ako nang malalim. Isinara ang pinto at sandaling napasandal doon. Isang maikling minuto ng katahimikan..bago ako dahan–dahang lumapit sa lumang cabinet sa gilid ng kama. Binuksan ko ang isang drawer, isinunod ang isa pa. Hinila ang mga lumang folder, ang diary ko noong college, kahit mga lumang graduation photos—nandoon pa rin. Patuloy ako sa paghalungkat. Hanggang sa makita ko—ang maliit na brown envelope na nakatupi at isiniksik sa pinakailalim. Hinila ko ito. Binuksan ko agad. And there it was—my bank book. Napaluhod ako sa sahig habang hawak 'yon. Tiningnan ko ang huling balance. Hindi ito malaki, pero hindi rin maliit. Sapat para makapagsimula. Para sa bus tickets. Para sa konting renta. Para pambayad sa abugado. Pera ito ni Seve at para sa pag–aaral ni Zaijan. Ipon ko para sa kanila—'nung panahong okay pa lahat. 'Yung mga pinapadala ni Papa noon na hindi ko ginastos kahit kailan. Lahat ng sobra, tinatabi ko. Pero ngayon...mukhang kailangan ko na itong galawin. "Sorry, Seve," bulong ko habang pinapahid ang luha sa pisngi. "I know this was for your future. Pero kailangan natin mabuhay ngayon." Dinala ko ang envelope sa dibdib ko at napatingin sa kisame. Napikit ako sandali. Huminga ng malalim. Hindi puwedeng matakot. Hindi puwedeng umatras. Kailangan ko ring kausapin ang abugado. About Papa's case... at pati na rin ang sa akin. Kahit abswelto na ako, hindi ko alam kung may chance pa ba ako makabalik sa ospital. Sa pagsusuot ng white coat. Sa paghawak ng stethoscope. Miss na miss ko na iyon. "Pwede pa ba akong maging doktor?" tanong ko sa sarili ko, mahina, halos pabulong na lang. "Pwede pa bang bumalik ang dating ako?" At kung hindi...handa ba ako? Tumingin ako sa envelope sa mga kamay ko. Wala akong choice kundi lumaban. Dahil kahit wala na ang lahat—si Seve pa rin ang dahilan ko sa lahat. At sa Maynila...baka doon ko makuha ang mga sagot. Katatapos ko pa lang ibalik sa envelope ang bank book nang marinig ko ang katok sa pinto. Sunod agad ang pagbukas nito. "Anak..." si Mama. Kita ko sa mukha niya ang bahagyang pag–aalinlangan, parang may gusto siyang sabihin pero pinipili ang tamang tono. "May bisita ka. Nasa sala. Hinahanap ka." Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. "Sinong bisita?" tanong ko, mahina. Hindi siya agad sumagot. Tiningnan lang niya ako, saka tumango. "Tingnan mo na lang." Tumango na rin ako. Kinuha ko ang envelope, muling isiniksik sa ilalim ng mga damit sa cabinet. Isinara ko ito at tumayo, pilit binabalanse ang dibdib kong muling nakaramdam ng kaba. Pagkalabas ko ng kwarto, mabibigat ang hakbang ko. Pagdating ko, sa mismong pagbaling ng mata ko sa sala... napahinto ako. Like my feet just forgot how to move. Nakita ko agad si Seve—nakaupo sa sahig, nakatingala. Tumatawa. At ang nagpapatawa sa kanya... Si Amari. Nakaupo ito sa monoblock. Parang wala lang. Pero 'yung isang kamay niya—nakalapat sa buhok ni Seve. Nilalaro ang hibla nito. Pinapaikot sa daliri, para bang sanay na sanay sa ganong galaw. At si Seve...parang kampanteng–kampante sa presensiya ni Amari. I stilled. Hindi ko alam kung anong unang naramdaman ko—gulat? Takot? Pagkalito? O 'yung biglaang sakit sa dibdib na hindi ko maintindihan na biglang sumibol sa dibdib ko na makita ang anak ko. Nakangiti kay Amari. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Hindi ako makagalaw. Tumingin siya sa akin. Doon ko lang talaga naramdaman ang bigat—yung mga mata niyang diretso sa akin, walang emosyon. Ganoon pa rin, katulad kanina sa gate. Pero ngayon may ibang laman. Wala siyang imik. Pero 'yung titig niya—parang dinudurog ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong tanungin kung anong ginagawa niya rito. Pero hindi ako makakibo. Para bang kahit 'yung boses ko, natakot lumabas. Si Seve ang unang bumasag sa katahimikan. "Mama!" tawag niya, sabay takbo sa akin. "Mama, look! Tito, Amari's here." Tito? Napayuko ako sandali, niyakap si Seve. Pilit kong pinipigilan ang luha na kanina pa naiipon sa mga mata ko. "Anak, pumunta ka muna kay Mama old," mahina kong bulong habang tinatapik ang likod niya. "Mama will talk to him." Hindi ko tiningnan si Amari habang sinasabi 'yon. Hindi ko rin alam kung kaya ko. Nang tumakbo si Seve kay Mama, doon lang ako humarap. Wala pa rin siyang imik. He just stared. Ako ang unang nagsalita. "Bakit ka nandito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD