Chapter 03: Subukang Makiusap

1787 Words
Chapter 03 Zhiya Sabriya Smith KINABUKASAN, pagkatapos kong paliguan si Seve ay wala na akong sinayang na oras. Hindi ko na hintayin pang dumaan ang mga araw. Hindi ako puwedeng umupo lang at maghintay na may milagro. Kung kailangan kong lumuhod sa mga Hayes para lang makalaya si Papa, gagawin ko. "Bilisan mo, Ace. Huwag ka nang maawa sa makina niyan," utos ko habang mahigpit ang hawak ko sa likod ng leather jacket niya. "Sigurado ka ba, San? Baka wala naman sila ro'n. Madalang na lang silang umuwi dito sa atin." "Mas mabuti nang subukan kesa maghintay ng wala. Kung wala ro'n si Sir Rune, pupuntahan ko sila sa Maynila." Nararamdaman ko ang hangin na humahampas sa mukha ko habang humaharurot ang motor. Mabilis. Pero mas mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko. Ang dami kong inaalala—si Papa, si Mama, si Zaijan, si Seve na medyo mahirap pa kunin ang loob. Buti kanina, pumayag paliguan ko. Ilang minuto pa, at huminto na kami sa tapat ng mansiyon ng mga Ramirez. Bahay ito ng asawa ni Rune. Dati, simple lang ang bahay na ito sa paningin ko, pero isa ang Ramirez sa mayamang pamilya sa lugar namin. Hindi gano'n kataas ang bakod dati. Naalala ko pa 'yung unang beses na dinala ako ni Papa rito. Nagtatrabaho pa lang siya noon sa ama ni Celestine, hindi pa siya driver ni Don Henry Hayes. Kaya lang naman siya naging personal driver ng Don dahil pinakilala siya ng ama ni Celestine. Anniversary ng mag–asawang Hayes. Dala lang kami ng cake noon, pero para sa batang kagaya ko—na galing lang sa simpleng pamilya—ang pakiramdam ko, para akong pumasok sa ibang mundo. At doon ko unang nakita si Amari ang panganay na anak nina Rune at Celestine. May kakambal itong babae ang natatandaan kong pangalan ay Amara at may kapatid pa silang lalaki. Friendly si Amari sa tingin ko, kahit na surrounded siya ng magagarang bisita at babaeng sobrang gaganda. Nakatayo lang ako sa isang sulok noon, hawak ang maliit kong bag, habang pinapanood silang lahat magtawanan. Nahihiya ako. Marumi ang tsinelas ko, may butas pa nga yata ang laylayan ng palda ko noon dahil sa pagmamadali namin ay hindi man lang ako nakapagbihis. Pero lumapit siya. At binigyan niya ako ng tsokolate. Nginitian pa niya ako, 'yung ngiting hindi nanliliit o nangungutya—ngiting may sinseridad. Simula noon, hindi ko siya nakalimutan. Kahit ilang taon ang tanda niya sa akin. Ang gwapo kasi nito, siya yata ang pinaka–gwapong nakita ko sa buong buhay ko. Muling nagkrus ang landas namin sa debut ko. Sumama siya kay Papa dahil tama rin na piyesta sa bayan at sikat na siyang Racer that time. Gatecrasher siya—at siya rin ang naging huling nagsayaw sa akin. 'Yung mga titig niya sa akin noon...pinaniwala akong kahit minsan, puwede akong maging parte ng mundo nila. Pero iyon ang huli ko siyang makita. Si Papa na lang ang nagbabalita sa akin dahil mas lagi niya itong nakakasama sa Maynila. Naging abala na siya, lalo sa career niya bilang Racer indemand na ito sa buong bansa. At naging CEO ng kanilang company ang Hayes Automative Company. Wala na siyang oras para sa isang kagaya ko na dumaan lang sa buhay niya. Pero ako...hindi ko siya nakalimutan. Muli ko siyang nakita, twenty–two na ako at araw iyon ng graduation ko. Bilang blow out niya raw, nagpa–party siya sa isang beach dahil Magna Cumlaude ako.. Ang gabing 'yon...ang gabing hinding–hindi ko makakalimutan. Nagising akong hubo't hubad sa ibabaw ng kama ni hindi ko matandaan kung sinong lalaki ang nakatalik ko dahil sa matinding kalasingan. Hindi sana ako, iinom 'nun pero dahil sa udyok ng mga barkada ni Amari napasubo ako. Iyak ako nang iyak pero wala akong pinagsabihan. Wala akong iniwan kahit anino ng katotohanan, basta umalis ako sa resort ng walang paalam. Tinago ko lahat, pero hindi ako nakatakas sa resulta. Nabuo si Seve. Masakit. Nakakahiya. Pero hindi ko tinakasan. Tuloy pa rin ang pangarap ko hanggang sa nagtagumpay ako pero mula din noon, hindi ko na nakita si Amari. Wala na akong balita sa kanya. At ngayon, ito ako—doktor na pero nakulong, may anak, at desperadong mailigtas ang ama. Pindot ako nang pindot sa doorbell. Wala pa ring sumasagot. Pipindutin ko pa sana uli nang biglang bumukas ang maliit na gate. Sumilip ang guard. "Ma'am? May kailangan po kayo?" "Si Sir Amari. Narito ba siya?" hindi ko na napigilan, agad kong tanong. "Kailangan ko siyang makausap. Please. Sabihin mong Zhiya ang pangalan ko." Tiningnan ako ng guard mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung naawa siya o nagtataka lang. "Hintayin niyo lang po dito, Ma'am. Tatawagin ko po siya kung nandito man siya." Tumango lang ako. Tumalikod siya at pumasok sa loob. At habang naghihintay ako sa tapat ng gate, nanlamig ang mga palad ko. Nanlalambot ang tuhod ko. Pero wala akong balak umatras. Dahil ngayong araw...kahit mapahiya ako...kahit balewalain nila ako. Haharapin ko sila. Para kay Papa. ILANG minuto pa lang ang lumipas pero parang isang oras na akong nakatayo sa ilalim ng tirik na araw. Pinagpapawisan ako kahit malamig ang hangin mula sa puno sa paligid. Pinagmamasdan ko lang ang gate habang pinipigilan ang kaba. Hanggang sa muling bumalik ang guard, may dalang balita. "Ma'am, nasa Race Field po si Señyorito Amari," sabi niya. Napatigil ako. "D—Dito sa Masbate?" Tila naninigurong tanong ko. Tumango siya. "Yes, Ma'am. Kanina pa siya nando'n." Parang biglang lumiwanag ang langit sa ulap na bumabalot sa dibdib ko. So hindi ko na kailangan pang tumawid ng dagat. Nandito siya. Napalingon ako kay Ace, at agad niyang nakuha ang ibig sabihin ng tingin ko. Pag–asa. Siyempre. Buo pa rin 'yung tiwala ko na makakausap ko si Amari. Na baka...baka pakinggan niya ako. "Pwede po kayong maghintay sa loob," alok ng guard. "Mainit po dito, baka umitim pa kayo sa init." Papasok na sana kami ni Ace sa may garden path nang biglang may umalingawngaw na tunog ng makina sa paligid. Hindi basta motor lang—'yung tipo ng tunog na parang may paparating na bagyo. Napalingon kami pareho. At doon ko nakita. Ang isang high–performance na race bike—itim na may detalye ng electric blue at chrome finish, sobrang kinis ng body at parang sinadyang gawin para lang sa mga racetrack sa ibang bansa. Mamahalin. Malinaw pa sa araw na hindi iyon basta–basta—halos isang milyon ang presyo niyon, kung hindi man lampas pa. Huminto ito sa mismong harapan namin. Ang tambutso, umusok pa ng bahagya habang unti–unting bumagal ang makina. Hindi ako gumalaw. Ganun rin si Ace, ang mga mata niya hangang–hanga sa mamahaling motor na nasa harapan namin. Nanatili akong nakatayo, mahigpit ang hawak sa bag ko sa dibdib, habang tinititigan ko ang lalaking sakay ng motor. Nakasuot pa siya ng full–face helmet—matangkad, broad shoulders, at kahit covered pa ang mukha niya, ramdam ko na agad kung sino siya. At nang tanggalin niya ang helmet. Parang biglang tumigil ang pagikot ng oras. Ang buhok niyang medyo magulo, kulot sa dulo, nabagsak sa noo niya. Matangos ang ilong, malamig ang titig na akala mo palaging may alam kang hindi mo alam. May balbas siyang manipis sa panga—mas matured na siya ngayon, mas lalaking–lalaki. And damn, he looked even more powerful than I remembered. Mas gwapo kaysa sa huli kong pagkakita sa kanya. Mas mapanganib. Mas hindi maabot. Amari. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit sa dami ng taon, kahit ilang beses ko pa siyang iniiwasan sa isip, hindi nawala sa puso ko ang mukha niya. Napatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung kilala niya ako agad, pero 'yung titig niya—parang may bahid ng gulat at galit na agad ding nawala at napalitan ng pagtataka. "...Sab?" bulong niya, halos hindi ko marinig. Parang nabingi ako saglit sa pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko—ang kaba, ang sakit, o ang matinding damdaming halos ilang taon kong kinulong. Hindi ako nakasagot. Tumulo lang ang luha ko—tahimik. Kasi hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa na nakita ko siya...o sa sakit na maalala ko kung anong nangyari pagkatapos. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Hindi ako huminga. Hindi rin siya kumibo. Parang may bigat sa pagitan naming dalawa na hindi basta pwedeng burahin ng "sorry" o kahit anong salita. Pero ako ang unang bumigay. "Can I talk to you?" tanong ko, mahina pero buo ang loob. "Just for a minute." I saw it—the shift in his eyes. 'Yung parang may saglit na galit. Pero mabilis din iyong napalitan ng lamig. Tumagilid siya, iniiwas ang tingin. "I won't stay long," sabi niya. "I'm going back to Manila after this." Natigilan ako. "Please... kahit sandali lang. It's about my father." Sa pagkabanggit ko pa lang ng ama ko, nakita ko kung paanong biglang nagbago ang anyo ng mukha niya. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao, halatang pinipigilan ang sarili. At doon ko nakita—'yung sakit, galit, at isang uri ng lungkot na bihira ko lang makita sa mga mata ng tao. Pero agad ding naglaho iyon, pinatungan ng matigas na ekspresyon. "Hayaan mo ang batas na ayusin ang problema ng tatay mo," malamig niyang sabi. "He tried to steal money—and he almost killed my grandfather." Para akong sinampal. "My grandfather is now in a coma because of what your father did. And you think it's that easy to talk?" Each word was like a dagger. Matalas. Walang espasyo para sa pag–unawa. Napalunok ako. Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong ipaliwanag, gusto kong sabihin na inosente ang ama ko. Na biktima lang ito. Pero alam kong kahit anong sabihin ko ngayon, hindi iyon sapat na paliwanag sa kanya. "I'm sorry..." sambit ko halos pabulong. Pero hindi siya nakinig. "I'm too busy to entertain your drama, Miss Smith," dagdag niya, sa matigas na tono. "If you really want to talk about it, go to Manila. We'll talk there." Aaminin ko nasasaktan ako, parang walang pag–asa ang paglapit kong ito. Lahat ng kilos niya, lahat ng salita na lumabas sa bibig niya—parang sinasabi niyang wala akong lugar sa mundo niya ngayon. "I have no time for your pity," dagdag pa niya, bawat salita may bigat at lamig. "Let justice handle your father's case." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Wala na akong pakialam kung nakikita niya. Kung sa tingin niya kahabag–habag ako, fine. Pero ako, anak lang ako na gusto ang kalayaan ng ama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD