Chapter 02: Hindi inaasahang balita

1648 Words
Chapter 02 Zhiya Sabriya Smith PAGKABUKAS pa lang ng pinto ng sasakyan, agad akong bumaba. Hindi ako makapaghintay. Parang may humihila sa'kin palabas. Tumigil ako sa tapat ng bahay. Tinitigan ko ito nang matagal. Katulad pa rin siya ng dati, walang pinagbago maliban lang sa medyo kumupas na ang kulay. Sa baba ng bahay, nakasara ang clinic ko. Nakapinid ang mga bintana, may alikabok sa signage na dati ay ipinagmamalaki ko—"Dr. Zhiya Sabriya D. Smith– OB-Gyne". Naalala ko kung paano ito nabuo. Dugo't pawis ang puhunan ng pamilya ko. Lalo na si Papa... Si Papa, na halos hindi ko nakasama sa paglaki ko dahil nagtrabaho bilang driver sa Maynila para lang maipang–tuition ko sa med school. Tahimik kong pinakawalan ang isang malalim na buntong–hininga. Parang may namuong sakit sa dibdib ko. Tumaas ang isang kamay ko. Marahan kong pinahiran ng daliri ang luha sa pisngi ko bago ako humarap kay Mama. Nasa likod ko siya, hinahaplos ang likod ko na para bang sinasabing, "Anak, andito lang ako." Napangito ako na makita si Seve. Sarap pisil–pisilin ang pisngi ng anak ko. Bunga siya sa isang gabing pagkakamali ko. Magsisi man ako pero wala na akong magagawa dahil siya ang naging bunga sa kapusukan ko. Mahal na mahal ko si Seve. Nakatulog siya, nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Mama. Parang may kumislot sa puso ko. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, pero ngayon, may kasamang pananabik. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. "Ma...akin na po si Seve," mahina kong sabi. Dahil nakita kong tila nabibigatan si Mama, maliit si Mama hindi kagaya ko na nakuha ko ang taas kay Papa na may lahing Amerikano. Kaya mestisahin ako. Tumango si Mama. Maingat niyang inilipat ang batang natutulog sa bisig ko. Bumigat siya agad, pero hindi ako nagreklamo. Kay tagal kong inasam ito. Kay tagal kong pinangarap na muli ko siyang buhatin. Dahan–dahan akong humakbang papasok sa bahay, bitbit ang anak ko. Ang bawat yapak ko, parang may kasamang kirot at pag–asa. Pagkababa ko sa kanya sa maliit naming sofa, dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya. Iniyuko ko ang ulo ko at hinalikan siya sa noo. "I love you, anak. Mahal na mahal ka ni Mama," bulong ko sa kanya. Bigla siyang gumalaw. Umungol ng kaunti at nagsalita nang pabulong. "Mama..." Napatigil ang puso ko. Parang huminto ang oras sa paligid. "Seve..." napangiti ako sa gitna ng luha ko. Hinaplos ko ang buhok niya, marahan, parang baka magising siya at mawala na naman. Sa ganitong paraan ko lang siya, pwedeng hawakan. Hinagkan ko siya sa ulo. Mas matagal. Ito ang yakap na pinagdamot sa akin ng tadhana ng dalawang taon. Pero kahit pa sandali lang... ito na ang panimula. Pagkatapos, tumayo ako. Hindi pa ako handang matulog. Hindi pa ako handang humiga na parang isang normal na gabi lang ito. Inikot ko ang bahay. Isa-isa kong binuksan ang mga pinto. Ang mga ilaw. Tiningnan ang sala, ang lumang dining table, ang paborito kong upuan sa gilid ng bintana sa tuwing nagbabasa ako ng mga romantikong libro bukod sa medicine book. Pumasok ako sa kwarto ko–malinis na tulad ng dati halatang inalagaan, nandoon pa rin ang mga libro ko, ang lumang white coat ko na nakasabit sa likod ng pintuan, at ang frame ng diploma ko na may bitak sa gilid pero buo pa rin ang pangalan ko roon. "Dr. Zhiya Sabriya Smith," bulong ko. Hinawakan ko ang frame. Mahigpit. "I'm home." TAHIMIK akong bumaba ng bahay papunta sa dating clinic ko. Kinakabahan ako habang humahakbang hanggang sa makarating ako, ang pintuan may kaunting kalawang na pero hindi pa rin nawawala ang pangalan ko sa maliit na karatula sa salamin. Binuksan ko ang pinto, marahan. Kumalabog ang puso ko kasabay ng kaunting ingay mula sa kalawangin na knob. Pagpasok ko, parang may magic. Nandoon pa rin lahat ng gamit ko. Ang mesa ko, ang examination bed, ang whiteboard kung saan lagi kong sinusulat ang schedule ko. Ang mga kagamitan—stethoscope, BP apparatus, delivery tools—lahat maayos ang pagkakaayos. Walang alikabok. Wala ni isang gamit na nawala. Parang hindi ako nawala. Napakapit ako sa gilid ng mesa ko. Pinikit ko ang mga mata at parang narinig ko pa ang boses ni Papa nung araw na sinabi niyang sa akin na ito. "Anak, regalo namin ito. Galing sa sakripisyo. Gamitin mo para tumulong ka sa iba." Naiiyak ako. Nakita ko ang maliit na frame na may litrato namin ni Papa, nakatayo ako sa harap ng pinto ng clinic habang hawak ang papel ng board exam result. Nakaakap siya sa akin, parehong pawisan, parehong umiiyak sa tuwa. Para akong nauupos habang nakatayo sa gitna ng silid. Humigpit ang dibdib ko. Nasaan na ako ngayon? Hindi ko na napigilan. Pumatak na naman ang luha ko, sunod–sunod. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Mama sa balikat ko. Napalingon ako, at hindi ko na kinaya. Agad akong sumubsob sa dibdib niya, parang batang walang magawa kundi umiyak. "Ma..." halos pabulong lang, garalgal ang boses ko. "Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin. Ma... paano na po ako, babalik sa pagiging doktor? May tatanggapan pa kaya sa akin?" Hinagod niya ang likod ko, marahan. Hindi siya nagsalita, pero ramdam ko ang bawat dampi ng kamay niya sa likod ko. Para akong naupos sa yakap niya. "Ginawa ko naman ang lahat, Ma. Hindi ko kasalanan 'yung nangyari. Pero bakit ganun... bakit ako pa rin ang nasira?" "Anak," mahina niyang tugon, "hindi ka nasira. Nasaktan ka lang. Pero hindi ka sirang tao. Hindi kailanman." Niyakap niya ako nang mahigpit. Doon ko na binitawan lahat ng hinanakit, lahat ng sakit, lahat ng galit sa sarili kong hindi ko alam kung paano bumangon ulit. "Paano kung hindi na ako makapagsuot ulit ng white coat, Ma?" tanong ko, halos hindi na maintindihan ang boses ko sa paghikbi. "Then we'll find another way, anak. Pero wag mong sabihing hindi mo kaya. You're my daughter. You're stronger than you think." Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Wala akong sagot. Pero kahit papaano, sa gitna ng pagkawasak ko, may kaunting t***k ng pag–asa. Kahit kaunti lang. Unti–unti akong kumalas sa yakap ni Mama. Nang maalala ko ang Papa kanina pa ako rito sa bahay pero hindi ko pa siya nakikita. "Ma...si Papa? Nasaan si Papa ngayon?" Napansin ko agad ang bahagyang pag–iba ng kulay ng mukha niya. Parang bigla siyang pinanawan ng dugo. Nanigas ang mga balikat niya, at ilang saglit siyang hindi tumingin sa akin. "M-Ma?" nilakasan ko ang boses ko ng kaunti. "Saan si Papa?" Hindi pa rin siya sumagot. Nanginginig ang labi niya, pero walang salitang lumalabas. Tila may gustong sabihin pero tila may humaharang sa lalamunan niya. Isa...dalawa...tatlong segundo. Parang oras ang lumipas sa katahimikang 'yon. "Mama, please," nag–aalalang ulit ko. "Ano'ng nangyari kay Papa?" Kinakabahan na ako. Nakita kong may isang luha na bumagsak mula sa gilid ng mata niya. Just one tears. Pero sapat na 'yon para magdulot ng matinding kaba sa dibdib ko. "Mama..." halos tumaas na ang boses ko. "Huwag mo akong takutin, Ma..." Pinilit niyang ngumiti, pero durog ‘yung ngiti niya. Basag at may matinding lungkot. "Ma, please..." nanginginig na ang kamay ko habang hawak ko siya sa braso. "May nangyari ba kay Papa? Ma, sagutin mo naman ako!" Bago pa siya makapagsalita, bigla akong napalingon sa likod. "Ate..." Boses ni Zaijan. Ang bunso kong kapatid. Hawak niya ang doorknob, nakatayo sa labas ng pinto kakauwi lang siguro. Nakatitig siya sa amin ng diretso. Nangingilid din ang luha sa mga mata niya. "...Nakulong si Papa, Ate." Parang nayanig ang mundo ko sa narinig. Natulala ako saglit. Paanong nangyari iyon? "Ha?" Nalilitong tanong ko, hindi pa rin ako makagalaw. "Anong...sabi mo?" "Pinakulong siya...ng mga Hayes," ulit niya, mas mahina pero malinaw. Nalaglag ang mga balikat ko. Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko. How come? Amo ni Papa ang mga Hayes. Si Papa ang personal driver ni Henry Hayes. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman—galit, gulat, takot? "Hindi..." umiling ako, halos hindi makapaniwala. "Hindi, imposibleng...bakit? Bakit si Papa?" Napasandal ako sa dingding, pilit inuunawa ang narinig. Ramdam kong mas lalong humigpit ang dibdib ko, parang may nakalapat na bakal. Masakit. Hindi lang sa katawan, qkundi sa puso. Pumikit ako, pinilit mag–isip ng malinaw. "Anong dahilan?" Lumingon ako kay Mama, tinig ko puno ng panginginig. "Bakit nila pinakulong si Papa? Anong ginawa niya?!" Humagulgol na si Mama. Walang salitang lumabas sa bibig niya kundi puro hikbi, puro pighati. Si Zaijan, lumapit na sa amin, hawak ang kamay ko. Mainit 'yung palad niya, pero ako, nanlalamig. "Wala siyang ginawang masama, Ate..." sabi ni Zaijan naroon ang gigil at galit sa tinig niya. "Sinet–up lang siya. Sinisi sa kanya 'yung nawawalang pera at pagkabaril kay Don Henry. Si Papa ang nakita sa pinangyarihan ng aksidente kaya si Papa ang pinagbintangan nila. Yung mga Hayes...sinira nila si Papa." Galit na galit na dagdag ni Zaijan. Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. Hindi ko na napigilan. Bakit parehas ang nangyari sa amin ni Papa? Bakit? Pumatak na lang ang luha ko. Tuloy–tuloy. Walang tigil. Para akong tinanggalan ng sarili kong hininga. "Pati si Papa...?" Bumagsak ako sa sahig. Napaluhod. Hawak ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong mas masakit—yung mga panahong nawala ako, o 'yung malaman kong habang wala ako, unti—unting gumuho rin ang buong pamilya ko. "Anong klaseng pahirap pa bang kailangan naming danasin?" tanong ko sa hangin, kahit alam kong walang sagot. Pero ramdam ko—hindi pa tapos ang giyera namin sa mga Hayes. Kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa sa kanila, gagawin ko para sa Papa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD