Chapter 56 Zhiya Sabriya Smith SUMILIP ako sa loob ng clinic. Nakita ko si Seve, nakaupo sa lap ni Jojo, masaya. Nakatitig sa isang cartoon poster sa pader. Walang kamalay–malay. Sobrang sakit sa akin bilang ina. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang protektahan...pero paano ko siya ilalaban kung mismong katawan niya ang kalaban niya? Ang bigat sa dibdib. Parang may pisi na mahigpit na nakapulupot sa leeg ko, unti–unting hinahatak ang bawat hininga ko palabas. Gusto kong pumikit. Gusto kong bumagsak. Pero...hindi ko puwedeng ipakitang mahina ako. Hindi sa harap ni Seve. Napahawak ako sa dibdib ko, hoping the pain would ease even just a little — pero wala. Ramdam ko pa rin ang pagkabog ng puso kong parang sasabog anumang sandali. Pumasok ako sa loob ng clinic at napalingon sa akin

