Chapter 58 Zhiya Sabriya Smith BAHAGYANG napakunot ang noo ni Amari sa sinabi ko. Sa isang iglap, parang may gumuhit na emosyon sa mga mata niya—pero tulad ng dati, mabilis din iyong naglaho. He twitched his mouth into a taunting smile. "Ow? Mahal?" Napailing siya habang tinatawanan ang mga sinabi ko, pero ang mga mata niya...galit. "And you want me to believe that?" Humakbang siya palapit. Hindi ako matingnan nang diretso. "Kung noon ko 'yan narinig, baka natuwa pa ako. Baka naniwala pa ako sa drama mo. But now... you have no space in my heart anymore. Not even a damn corner." Masakit ang bawat salita niya parang pako na tinutulak pa lalo pailalim sa puso ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong abutin siya, sinubukan kong hawakan ang braso niya, hoping na kahit papano...kahit sand

