PROLOGUE
AGAD na nagmadali ang isang lalaki papunta sa kakahuyan.
"Ibigay mo na sa amin ang mahal na prinsesa, Skyler!" Umiling ito at nagsalita.
"Nangako ako sa mahal na hari at reyna na pro-protektahan ko ang mahal na prinsesa!"
Inilabas ng isang masamang lalaki ang espada nito. "Ibigay mo siya sa amin! Alam mong delikado ang batang 'yan! Alam mong isinumpa siya, kaya bakit mo pro-protektahan ang batang sisira sa mundo natin?!"
Napakapit ito sa bata at pumikit. "Ni kailan man Hermo, hindi naging masama ang reyna sa 'yo, maging ang hari. Ikaw ang nag-taksil sa kanila. Bakit ako maniniwala sa isang katulad mo?!"
"Iiwan mo ang batang 'yan ng buhay?! Wala ka na sa katinuan Skyler, maging kayo ng mahal na reyna at ng hari!"
"Huwag mong idamay ang mahal na reyna at ang hari dito Hermo! Nagpaniwala ka sa mga kaaway! Malamang hindi mo alam ang lahat-lahat!"
Agad na itinago ni Skyler ang bata sa damitan nito at umalis. Sumunod naman si Hermo hanggang sa nakarating sila sa bangin.
"Skyler, nilalagay mo lang sa kapahamakan ang lahat! Ibigay mo na siya sa dark queen!"
"At para saan? Siya na lang ang pag-asa natin Hermo."
"Pag-asa? Isinumpa siya ng kaniyang ina. Sino ang gagawa sa kaniyang anak ng gano'n?"
Natigilan si Skyler sa sinabi nito. Tama si Hermo, sinong ina ang magbibigay ng sumpa para sa iisang anak nito.
"Hindi mo nakita lahat Hermo, maaaring hindi gano'n ang nangyare."
"Pero narinig mo sila Skyler, narinig mo ang isang sanggol na umiiyak at binigyan ito ng sumpa! Ikaw ang nagbabantay bago manganak ang reyna. Hindi ka ba nagtataka na nasa labas ka lang at nag-iintay?" Napaisip ang lalaki sa tanong nito.
"Kapatid mo ang reyna, Skyler. Bakit sila maglilihim sayo kung ikaw lang ang mapagkakatiwalaan nila?!"
"Tama ka..." Nagulat si Hermo sa sinabi nito.
"Buti at nagising ka sa katotohanan. Ibigay mo na sa amin ang prinsesa."
Umiling ang lalaki, tumingin ito ng direkta sa mga mata ni Hermo at nagsalita. "Tama ka, ako ang mapagkakatiwalaan nila. Kaya hindi ko sila bibiguin Hermo."
Pagkatapos sabihin ito ng lalaki ay hinayaan nitong mahulog ang sarili sa mataas na bangin.
"Exetir vashni!" gumawa si Skyler ng proteksyon upang sa pagbaba nila ay hindi sila masaktan.
Bumagsak sila sa ilog, mahimbig na natutulog ang sanggol. Pinalutang nito ang proteksyon na ginawa nito at pumunta sila ng kuweba, tinanggal na nito ang proteksyon at gumawa ng ilusyon para hindi sila makita sa oras na hanapin sila ng mga kalaban.
Inihiga ng lalaki ang sanggol at niyakap.
"Hanggat kaya kitang protektahan gagawin ko, para sa bunso kong kapatid. Patawad kung hindi mo agad masisilayan ang iyong ina. Pero alam ko, binabantayan ka niya araw-araw."
Naalala nito ang kaniyang kapatid at tumingin sa langit. "Bakit ka naglihim sa akin? Bakit hindi mo magawang magsabi sa akin, ayokong mag-isip ng tungkol sayo dahil kapatid kita pero alam ko may dahilan ang lahat. Aalamin ko 'yon at pangako, aalagaan ko siya para sa'yo."
Biglang lumiwanag ang sanggol at biglang may lumabas na mukha ng isang babae.
"Skyler, kuya, kung naririnig mo ito alam kong wala na ako sa piling niya. Alagaan mo siya, siya lang ang makakatulong sa atin. Malalaman mo rin balang araw, patawad kung hanggang dito na lang tayo."
Agad itong lumuha ng makita nito ang kaniyang kapatid.
"Kahit sa huling araw inisip mo pa rin ako sa kabila ng lahat. Patawad Alyona, patawad..."