CHAPTER 1

2180 Words
AFTER 17 years... "Dad, na saan na po yung uniform ko? Dito ko lang po nilagay eh." Iniwan muna ng lalaki si Mosley sa gilid at tumayo. "Nasa kuwarto mo na anak. Ngayon ka ba mag-aayos ng mga gamit mo?" Masaya itong ngumiti at lumapit sa ama nito. "Dad, bukas ang unang araw ko sa SA. Masaya ako dahil pinayagan mo na ako doon!" masayang saad nito. Napakamot sa batok ang lalaki. "Basta huwag mong kakalimutan, kapag may nangyareng masama sa'yo, sabihin mo sa akin." Hinawakan ng dalaga ang kamay ng kaniyang ama at sinabi. "Dad, may kapangyarihan ako. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Kaya ko naman po sarili ko at saka ang galing kaya nang nagturo sa akin." Ngumiti na lamang ang lalaki. "Sige na at gabi na, pagkatapos mo diyan kakain na tayo. Maghahanda lang muna ako." "Sige po, yehey! Papasok na ako bukas!" Napailing na lang ang ama nito at ngumiti. Nagtungo na ang dalaga sa kuwarto nito at inayos na ang mga dadalhin nito para bukas. "Oo nga pala, matatagalan ako sa school. Dapat madami ang dadalhin ko." Halos lahat ng nasa closet nito ay inilagay niya sa kaniyang bag. Maging ang mga ibinigay ng kaniyang ama ay dinala rin nito. Lahat ng notebook ay dinala rin nito. "Oh, tapos ka na ba diyan? Tara na at kakain na tayo." saad ng ama nito. Pinakatitigan muna nito ang kuwarto at nagsalita. "Ok na po Dad, kakain na po ako. Wait lang po at itatabi ko lang po muna itong mga bag." "Sige, bilisan mo at baka maunahan ka ni Mosley." at umalis na ang ama nito. Pagkatapos ayusin nito ang kuwarto ay bumaba na ito upang kumain. "Mosley! Akin yang kinakain mo eh!" Agad na sigaw nito nang kinain ng isang morgany ang pagkain nito at akma na sanang hahawakan nito ang alagang morgany ngunit nagsalita ang kaniyang ama. Biglang natawa ang ama nito. "Madami pa rito anak, huwag kang mag-alala." "Hmp! Teka po maghahain na po ako ng para sa akin." Umalis ito at kumuha ng makakain. "Eyphah, alam kong gusto mo sa SA pero lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng oras. Lahat ng naroroon malalapitan mo. Anak, huwag kang lalapit lalo na sa pamilya ng Retmerra." "Ama, bakit naman po? Mabuti po at napabilang ako sa mga estudyante na makakapasok doon, at saka kailangan ko pong pansinin at makipag kaibigan sa kanila." "Hindi lahat ng naroroon mababait, Eyphah! Ipangako mo na hindi ka lalapit, ni ilang inches man sa mga Retmerra!" Nagulat man ay pumayag si Eyphah sa sinabi ng kaniyang ama. Kahit na nagtataka ito ay patuloy lang ito sa pagkain. "Anak, lahat ng itinuro ko sayo huwag mong ipapakita sa lahat. Lalo na ang kapangyarihan na meron ka, huwag mong ipapakita lahat." "Sige po, pero nako-control ko naman po kapangyarihan ko ama." "Kahit na, hindi karaniwan ang kapangyarihan na meron ka Eyphah. Maaari nilang isipin na kaaway ka." "Bakit naman po ama?" "Malalaman mo rin kapag naroroon ka na." Simula no'n ay tumahimik na sila. ——— HABANG natutulog ang ama ni Eyphah, excited itong nakatingin sa mga bituin. "Ina, papasok na po ako sa SA. Matagal ko ng gustong pumasok doon ngunit noong sinubukan ko ay ayaw ni ama. Noong sinubukan ko ulit, hindi naman nila ako pinayagan. At ngayon na makakapasok na ako, sobrang saya ko ina!" Hinawakan nito ang isang kuwintas na ibinigay ng kaniyang ina. "Kung naririto ka ina. Gusto ko ikaw ang mag-ayos sa akin. Alam ko dalaga na ako pero miss na miss na kita. Hindi sinabi sa akin ni ama kung bakit mo kami iniwan pero mahal na mahal parin kita." Tumingin ito sa kaniyang orasan at nagulat. "Hala, anong oras na pala. Baka ma-late ako bukas sa pag-pasok." Itinanggal ni Eyphah ang kuwintas nito at nagtungo na sa higaan upang matulog. "Goodnight ina..." ——— "Gumising ka na at ipaghain mo na kami ng makakain!" May nakikita si Eyphah sa kaniyang panaginip na isang babae. "Ma-masusunod po." Nakita nito ang isang babae na umalis sa kaniyang higaan at nagtungo sa kusina. Hindi nito makita ang mukha ng babae, patuloy lang siyang nakatingin hanggang sa... *kring...kring...kring...* "Anak gising na, akala ko bumangon ka na. Anong oras na at mahuhuli ka sa school mo." Dumilat ito at nagtaka. "Parang totoo yung napanaginipan ko, imposible. Panaginip lang iyon paano magiging totoo yun?" "Anak, may problema ba?" "Wa-wala po ama. Sige po at mag-aayos na po ako." "Sige, bumaba ka na pagkatapos mo diyan." "Opo." Umalis na ang ama nito at nagsimula na itong mag-ayos. Mga ilang minuto ay natapos na ito kaya bumaba na siya at kumain. "Nag-luto ako ng makakain mo para sa school. Alam ko matatagalan ka doon kaya kahit na sa huling araw makakain ka ng galing rito sa bahay." Niyakap ni Eyphah ang ama nito at nagpasalamat. "Basta huwag mong kakalimutan—" "Ama naman, hindi ko kakalimutan lahattt ng sinabi mo po, promise!" Ngumitin ang ama nito at tumawa. "Sige na, hindi na ako mangungulit. Kumain kana diyan." Patuloy lang silang kumakain at nang matapos na sila ay inayos na nila mga gamit ni Eyphah. "Pumasok kana sa kotse at aalis na tayo." Masayang nagtungo si Eyphah sa kotse at sumunod naman ang ama nito. Pinaandar na nito ang kotse at saka umalis. Dumaan sila sa mararaming puno at huminto sa isang malaking puno. "Ito lang ang daan papuntang S.A. humanda kana, hindi pwedeng makita tayo ng mga tao." Tumango lang si Eyphah. Inilapat ng kaniyang ama ang kaniyang mga kamay at nagsalita. "Porta magica, mostre-me onde fica Secreties Academy!" wika ng ama nito na hindi naintindihan ng dalaga, agad na may lumabas na portal. Ito ay isang oval shape at makikita mo sa kabila nito ang madaming tao na naglalakad. at iba't-ibang mga guasali. "Bilisan mo na anak, pumasok kana at ikaw na ang bahala sa loob. Hanggang dito lang ako." "Pero bakit ama?" "Basta Eyphah, hindi nila pwedeng malaman kung sino ang magulang mo. Tandaan mo yan, at huwag kang lalapit sa pamilya ng Retmerra. Sige na at pumasok ka na, hindi magtatagal ang portal na ginawa ko." "Ma-mi-miss kita ama." "Hindi kita iiwan, lagi mong tatandaan na nandirito lang kami." Niyakap ni Eyphah ang kaniyang ama at nagsimula na itong pumasok sa portal. Ibinigay naman ng kaniyang ama ang mga gamit ni Eyphah. Nang makapasok na ito at lahat ng gamit nito ay siya namang pagsara ng portal. "Bakit ganun, bigla akong kinabahan? Hmm, baka dahil sa unang araw ko ngayon sa SA. Magtatanong muna ako." Agad na ginamit ni Eyphah ang kaniyang kapangyarihan. Pinalutang nito ang mga gamit na akala mo'y bitbit niya ang mga ito hanggang sa sinusundan siya ng mga gamit niya kahit saan siya magpunta. "Hello po Lola, saan po ang Secreties Academy dito?" agad na tanong ng dalaga nang makita niya ang isang matandang babae. "Iha, dumeretyo ka lang at sa dulo no'n ay ang paaralan na hinahanap mo. Bagong estudyante ka ba ng SA, iha?" Masaya itong tumango at sumagot ng... "Opo!" "Kung ganoon ay mag-iingat ka..." Pagkasabi ng matanda ay siya namang paglaho nito. "Wow! Nagiging invisible ba sila or nagte-teleport?" Lumingon si Eyphah ng may kumalabit sa kaniyang isang lalaki. "Papunta ka ba ng SA? Doon din kasi ako." biglang nag-liwanag ang mga mata nito. "Wow, ang galing naman ng mga mata mo." "Na-nakita mo?" "Oo naman, ikaw lang ang nakita kong nagliwanag ang mga mata, bakit? " "Wala, bye!" Nagtaka naman ang dalaga sa reaksyon ng lalaki. "Kapag may napansin kang gano'n, lumayo ka na." "Sino iyon?" Takang tanong ng dalaga at hinanap niya ito kung saan hanggang sa may nakita itong isang babae na naka-hood. Hinabol niya ito at tinitigan mula sa malayo. "Huwag kang sumunod kung ayaw mong kainin ng lupa." Natigilan si Eyphah sa sinabi nito, kaya napagdesisyonan niya na lumapit sa babae ng hindi na siya sumusunod pa rito. "Ikaw ba yung nagsabi sakin na lumayo doon sa lalaki?" Takang tanong ng dalaga. "Oo ako nga, mukhang bago ka pa lang at walang alam. Kapag may nakita kang mga mata at nagliliwanag ito. Binibigyan ka ng babala ng iyong mga mata, marahil ay may balak itong masama sa'yo." Ngayon ay naintindihan na ng dalaga kung bakit hindi nito nakita sa matandang babae ang gano'ng bagay pero doon sa lalaki ay napansin niya ito. "Salamat, ako nga pala si Eyphah. Ikaw, anong pangalan mo?" "Dasarah..." Maikli ngunit malamig na sagot nito. "Ganda ng pangalan mo, Dasarah... Nga pala, estudyante ka ba ng Secreties Academy?" Tumango lamang ito bilang sagot at nang makalagpas na sila sa siyudad ay tinanggal na ni Dasarah ang hood niya. "Woh, may sumusunod pa ba sa atin?" Nanlaki ang mga mata nito at tumingin ng para bang nagtataka. "Huwag mo ng alamin pa. Kung estudyante ka ng SA, siguro ay nasa pamilya ka ng malalakas at kilala, tama ako?" Mas lalong nagtaka si Eyphah sa sinabi ni Dasarah. "Nagkakamali ka, hindi naman kilala ang pamilya ko at mas lalong hindi naman kami malakas." "Kung ganon, isa lang ang alam ko na maaari nilang tanggapin, kung ipapasok ka nila sa SA dapat matapang ka. Ngunit, mukha ka ngang walang alam at hindi ka naman matapang kung titignan." 'Matapang?' Agad na pumasok sa isip nito. "Dahil sa kilala ang pamilya namin, madaming sumusunod o umaaligid sa amin. Kaya nagpadala ang ama ko ng mga sundalo na siyang pro-protekta sa akin. Ngunit, tinakasan ko sila at nagsuot ng hood." Ngayon ay nalinawan na si Eyphah sa pagpapaliwanag nito. "Kung ganun, bakit mo sila tinakasan Dasarah?" "Simple lang, ayokong may SUMUSUNOD sa akin." Diniin nito ang salitang sumusunod at pinakatitigan ng masama si Eyphah. Bigla namang nahiya ang dalaga. "Pasensya ah, wala kasi akong alam dito." Pinakatitigan ni Dasarah ang dalaga mula ulo hanggang talampakan nito. "Halata nga, mukha kang baguhan at kung titignan ang suot mo maaaring hindi ka nagmula rito, tama ako?" Nag-panic si Eyphah ngunit hindi nito pinahalata. 'Hindi niya pwedeng malaman na galing ako sa mundo ng mga tao. Nakalimutan kong mag-bihis!' ani nito sa kaniyang isipan. "Tara na at malapit na tayo sa SA." saad nitong si Dasarah. Nagpatuloy sila sa paglalakad, hindi alam ni Dasarah na ginamit ni Eyphah ang kapangyarihan nito. "Mudara forma." Ani nito at siyang pagbago ng kaniyang suot. Nakasuot na ito ng isang black dress at may mga onting dyamante. Mayroon pa itong itim na jacket at itim na boots. "Nandito na... Nice clothes, bagay sayo ang black Eyphah." Nahiya naman si Eyphah sa sinabi ni Dasarah. "Na saan ang pass card mo Eyphah?" Ipinakita ng dalaga ang isang green card at nagulat si Dasarah rito. "Magkatulad pala tayo ng dorm. Sabay na tayo!" Kinuha ni Dasarah ang card at ipinakita sa scanner. "Cool..." Manghang sabi ni Eyphah. "Natutunan iyan ng mga Secrenians sa kabilang school, galing diba?" "Kabilang school? Hindi lang ito ang school na nandito?" "Oo naman, syempre hindi naman pwede na lahat ng estudyante magsama-sama sa iisang school, disaster yun!" "So, ano pa yung kabilang school?" "Sige, dahil naitanong mo yan. May tatlong school dito sa mundo natin, ipapakilala muna kita sa school natin. Tara, pasok na tayo!" Hinila ni Dasarah si Eyphah papasok at nagsalita ito. "Nakikita mo yang nasa harapan? May isang babae hindi ba? Siya ang naglikha ng school na ito. Siya ang bunso sa magkakapatid. Tatlo sila actually, dalawang babae at isang lalaki." Lumapit ito sa larawan ng babae na para bang gusto nitong yakapin ng mahigpit. Napakaganda nito, mala-anghel ang itsura nito at napaka kinis at maputi. Mahaba ang puting buhok nito at may puting mga mata. "Pero may nagsabi na patay na raw ang dalawang magkapatid. Ang isang babae na naglikha ng school na ito ay walang iba kundi si prinsesa Alyona Lightheart, yang nakikita mo, siya ang babaeng iyon at ang isa naman ay si prinsipe Skyler Lightheart. Ang nag-iisang prinsipe, ang panganay sa kanila." "Noong may gera sa pagitan ng dalawang paaralan ay siyang araw ng pagkamatay ng dalawang magkapatid at pagsilang sa prinsesa." Biglang lumingo si Eyphah kay Dasarah. "At bakit naman magkakaroon ng gera?" "Yun din ang pinagtataka ng iba, dahil maayos naman ang tatlong magkakapatid ngunit ang pangalawa sa kanila, hindi alam kung bakit nagkaroon siya ng galit sa bunso nilang kapatid na si Alyona." "Sino naman ang pangalawa sa kanila?" "Si prinsesa Fallon Lightheart. Siya naman ang naglikha ng Royalties Academy." "Si prinsipe Skyler, ano ang nilikha niyang school?" Yumuko si Dasarah. "Hindi alam ng lahat kung ano iyon. Nilikha niya ito, ngunit huli na ang lahat dahil pagkatapos ng ilang araw ay nagkaroon ng gera. Hindi alam kung nasira ito o patuloy na nakatayo." Kung ga'non, tama si ama. Hindi lahat ng naririto ay mabubuti, meron ding masasama. Agad na may narinig na boses sina Dasarah at Eyphah. "Lahat ng mga estudyante ay magtungo na sa kanilang mga dormitoryo. Matapos ang sampung minuto ay may pupunta sa dorm niyo at magpapaliwanag ng lahat." "Ilang minuto na lang, halika na Eyphah, bago pa tayo mabigyan ng punishments!" Umalis na silang dalawa at nagtungo na sa kanilang dorm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD