CHAPTER 2

2195 Words
UMALIS na silang dalawa at nagtungo na sa kanilang dorm. "Teka, hinay-hinay naman sa pag-takbo. Baka anumang oras mahati sa dalawa katawan ko, grabe ka kung makahila." Hindi siya pinansin ni Dasarah, bagkus ay binilisan pa niya ang pagtakbo. Ilang minuto na lang ng makapasok na sila sa kanilang dorm. Agad na iniayos ni Dasarah ang mga gamit nila. "Consertar bem!" saad nito at agad na nagbukas ang kanilang mga bag at lumutang ang mga gamit nila sa dorm. "Ang dami mong alam sa mga spells or chants!" manghang salita nito. "Alam mo, ilang taon na akong nag-aaral dito. Malamang alam ko na ang ibang bagay, lalo na mga spells. Hindi ka magsisisi na dito ka pumasok!" Hindi na nakapag-salita si Eyphah nang may pumasok na isang matandang babae. "Attention, kayo ba si Eyphah at Dasarah?" agad na tumango ang dalawa. "Sorry po ngayon lang ako." isang babae ang sumulpot bigla. "Ms. Aideen! Huli ka na namang pumasok. Apat na beses na 'yan, hindi ka pa rin nagbabago." "Patawad po, hindi ko po kasi..." "Anong dahilan na naman ang sasabihin mo?" Yumuko na lang si Aideen at hindi na nagsalita pa. "Hayst, dahil sa kumpleto na kayo. Naririto ang rules and regulations ng paaralan, dahil sa may baguhan dito, ibibigay ko ang mapa ng school hanggang sa mga dorm niyo." Iniabot ng matandang babae ang ilang mga papel at isang mapa. "Ngayon, bukas ang unang araw niyo sa Secreties Academy. Paki-intindihin lahat ng nakasaad diyan ng hindi na muli maulit ang nakaraan." nagtinginan naman sina Dasarah at Aideen nang sabihin iyon ng matanda. "Aasahan ko na tuturuan niyo si Eyphah ng tama, maliwanag ba Dasarah at Aideen?" Natulala ang dalawa at hindi makaimik dahil sa masamang titig ng matanda. "Maliwanag ba?!" biglang sigaw ng matanda. "O-opo Ms. Prescila..." utal na saad ng dalawa. "Eyphah, basahin mo lahat ng ibinigay ko sa inyo. Muntik ko ng makalimutan, welcome sa Secreties Academy! Lahat ng gusto mong malaman tungkol sa SA ay nariyan na, paalam!" magtatanong pa sana si Eyphah ngunit bigla na lang itong naglaho. "Na wala agad siya?" takang tanong ni Eyphah. "Ano ka ba naman, syempre hindi lang naman tayo ang priority nila. Marami pa ang dorm na pupuntahan nila, sa dami natin kailangan nilang mag-teleport 'no." agad na inayos ni Aideen ang mga gamit niya at ibinigay kay Dasarah ang isang mapa. "Nga pala, I'm Aideen Avalon. Bago ka lang dito hindi ba?" pagpapakilala nito. "Oo, tatlo tayo rito sa dorm?" - Eyphah "Sad to say, yes." - Dasarah "Anong sad? Bakit naman?" - Eyphah "Dahil si Aideen na naman ang kasama ko buong year! Argh, halata naman na walang pinagbago sa kaniya!" - Dasarah "Huwag ka namang ganiyan Dasarah. May damdamin rin si Aideen." - Eyphah "Hmp! As if I care! Paano na ngayon kapag may activities tayo?! Eh ang lampa, slow at nerdy ang isang yan." - Dasarah Pinakatitigan ni Eyphah si Aideen, may salamin si Aideen sa kaniyang mata pero mukha namang hindi ito slow at lampa gaya ng sinasabi ni Dasarah. Kulot ang buhok nito, kung sa tutuosin maganda ito kapag naayusan. "Kung ayaw mo sa akin, sabihin mo kay Ms. Prescila!" sigaw ni Aideen at umalis. "Dasarah, dapat hindi mo sinabi yun! Teka lang, Aideen!" tumakbo agad si Eyphah at hinabol nito si Aideen. Mabilis na tumakbo si Aideen pati si Eyphah, dahil sa maraming estudyante ay hindi na nito nahabol si Aideen. "Teka na saan na ba ako?" takang tanong nito dahil hindi na niya alam kung saan na siya. Hindi nito dala ang mapa, na kay Dasarah ito at hindi ito makabalik roon. "Nako naman, naligaw pa ako, hayst." Naglakad si Eyphah, kung saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa. Lahat ng mga estudyante ay naglilibot at sobrang saya sa nakikita nila. Merong bumili ng mga pagkain, meron ding gumagawa ng mga magic spells at meron namang nag-uusap lang. Lumingon si Eyphah at agad na nakita ang larawan ng isang babae. "Ito yung babae na tinutukoy ni Dasarah kanina. Ano nga palang pangalan niya?" "Prinsesa Alyona..." "Oo nga, prinsesa alyona... Teka!" gulat itong lumingon at nakita nito ang isang napaka-gwapong lalaki. "Sino ka?" "Trimus... Retmerra..." nanlaki ang mga mata nito nang marinig nito ang Retmerra. "Re-retmerra? Isa kang Retmerra??" nauutal na saad nito. "Dude, sino yang loser na kasama mo? Bagong chiks mo?" nagtawanan naman silang lahat. May isang lalaki na lumapit kay Eyphah at nagsalita. "Hindi ko alam, interesado ka na pala sa mga mahihina Trimus?" nagtawanan ulit ang mga lalaki. Pansin ni Eyphah na sa apat na lalaki ang nandito sa harapan niya. Lima kung kasama si Trimus. "Shut up, Trevor. Mind your on business." malamig na saad nito habang nakatingin sa larawan ng prinsesa. "Hello! Na saan mga kasama mo? Hulaan ko iniwan ka na nila, halata naman na baguhan ka at walang alam." At malakas na humalakhak ang apat na magkakaibigan. "Let's go..." Umalis na si Trimus kaya naman sumunod na ang apat na lalaki sa kaniya. "Ngayon, alam ko na kung bakit kailangan kong umiwas sa pamilya ng Retmerra. Ang samaaaa ng ugali!" gigil na saad nito. "Lahat ng mga estudyante, magtungo na kayo sa main stage, maraming salamat." Boses muli ng isang babae ang narinig nito. "Mukhang may announcement ah." Hahakbang pa lang si Eyphah nang may magsalita. "Nandito ka lang pala, halika na at ipapakilala na ang bawat teams!" "Anong teams ang sinasabi mo Dasarah?" "Ah basta! 'Wag ka ng tumunganga diyan! Bilis!" Kahit na nagtataka ay sinunod ni Eyphah si Dasarah. "Magandang araw, Secrenians. Meron tayong apat na teams! Lahat ng tatawagin ko, umakyat dito upang makilala nila kayo. Let's start." panimula ni Ms. Prescila. "Uhm, Dasarah... Para saan naman ang apat na teams?" - Eyphah "Well, hindi mo naman iniisip na tatayo lang tayo dito hanggang sa matapos ang isang taon hindi ba? Ngayon, ang apat na teams ang magsisilbing sections natin." - Dasarah "Ibig sabihin may teams din tayo diyan?" - Eyphah "Duh! Meron syempre, lahat ng teams natin nasa third floor, so kung sino man ang nasa third floor. Sila ang mga ka team natin. Pero dahil sa marami tayo, kailangan may limang representative ang school natin na magaling sa lahat ng bagay! Wahhh!" - Dasarah "Akala ko naman kung ano na..." - Eyphah "Tinatawag ko ang team ng Bloodthorns!" Nagsimula na itong tumawag ng mga representatives hanggang sa team na nila Eyphah ang susunod. "Ipinapakilala ko ang Darknessknights!" Umakyat isa-isa ang limang lalaki sa stage at nagsitilian naman ang mga kababaihan. Nagulat pa si Eyphah nang makita nito kung sinu-sino ang limang 'yon. "Si-sila yung sinabihan ako ng loser!" "Anong nangyare sayo Eyphah? Ang gwa-gwapo nila hindi ba?" "Seryoso ka sa sinasabi mo Dasarah?" "Bakit? Totoo naman kasi." "Tsk, makaalis na nga muna dito." "At saan ka naman pupunta aber?! Wala kang alam dito sa school. Baguhan ka pa lang at wala ka pang ibang kilala bukod sa akin... At doon sa Aideen na 'yon." Wala ng nagawa pa si Eyphah kundi mag-intay kung kailan matatapos ang pag-announce ni Ms. Prescila. ——— SAMANTALA, si Aideen naman ay may nakaharap na isang morgany. Ang isang Morgany ay malalakas at matatapang, kapag naramdaman nila ang takot ng isang nilalang ay lumalakas ang loob nito na saktan ang kahit sino man na natatakot sa kanila. Isa itong uri ng hayop na matatagpuan sa kagubatan, sa Reverend Forest. Malalaki ang pangil nito na kayang umabot hanggang buto mo. Kung ikukumpara sa mundo ng mga tao, maaaring ito ay isang lion. "Hu-wag kang la-lapit sa akin! Hi-hindi ako masarap ka-kainin!" natatakot si Aideen at hindi makagalaw, dahil dito ay hindi siya makagamit ng kapangyarihan. "Wraaaar!" Hindi na alam gagawin ni Aideen kaya pumikit na lamang ito. "Aideen!" sigaw ng isang babae. "E-yphah..." nanginginig at nang-hihinang sagot nito. "Kailangan natin siyang mapaalis diyan, Dasarah!" saad ni Eyphah. "Wraxall de musko!" agad na sinabi ni Dasarah. Agad na nagwala ang morgany at nasugatan si Aideen dahil sa pagkalmot nito. Dahil sa pagwala ng morgany ay nakita ito ng mga estudyante. "Wala tayong magagawa, mas lalong dumami ang mga natatakot dahil sa mga estudyante, mas lalo siyang lumalakas dahil dito. Hindi natin siya matatalo ng anumang spells!" Pumikit si Eyphah at may naalala ito. Lumapit ng onti si Eyphah. "Anong ginagawa mo?! Gusto mo rin bang kainin ng morgany?!" Nagsimulang maghimig ang dalaga... "Uhh...hmm...ohhh...si...deka, monete. Kuwafiti astemari kumuni shakise kyomori..." Biglang kumalma ang morgany sa pagkanta ni Eyphah. Mas lalong dumami ang mga estudyante at maging mga guro nito. Paunti-unti ay lumalapit si Eyphah habang kumatanda at nang makalapit na ito ay siya namang pagtakbo ni Aideen upang makalayo. Dahil sa kanta ni Eyphah ay nagbago ang morgany at naging maliit ito. Kumbaga, naging bata ito at naging cute. Matapos ay hinawakan ito ni Eyphah at masaya namang tumalon ang morgany sa kaniya. "Ang cute mo naman pala, huwag kang mag-alala hindi naman kita sasaktan eh." masayang saad nito sa morgany na parang nakakausap niya ito. "Ms. Eyphah Vinisha, in my office, now! Maging kayong dalawa Dasarah Saoirse at Aideen Avalon!" Nagtinginan naman ang tatlo at sabay na nagtungo sa office ni Ms. Prescila. "Sabihin niyo sa akin ngayon, anong nangyare?!" sigaw ni Ms. Prescila na rinig hanggang sa labas ng office nito. "Hi-hindi ko po alam na may morgany doon sa garden. Gusto ko lang sana po magpalamig dahil nagkasagutan kami ni Dasarah kanina. Tapos, bigla na lang pong sumulpot siya at galit na tinignan po ako." paliwanag ni Aideen. "Hindi magagalit ang isang morgany kung wala kang ginawa sa kaniya. Anong totoo mong ginawa, bakit nagalit ang morgamy sa'yo?!" galit na galit na tanong ni Ms. Prescila. "Hindi ko po talaga alam, mukhang galit na po ito nang makita niya ako, pero wala po talaga akong ginawa Ms. Prescila." Bumuntong hininga si Ms. Prescila, tumayo ito at nag-isip. "Sino ang nakita mo na naroon, Ms. Avalon?" "Wala po, wala po akong ibang nakita doon. Bukod sa ibang mga hayop at pixies po na nagbabantay sa garden." "Kung ganon, kayong dalawa, Ms. Saoirse at Ms. Vinisha, bakit hindi niyo tinawag ang mga headmasters niyo?!" "Galit na galit na po kasi ang morgany. Nasaktan na rin po si Aideen kaya 'yon po ang naisip namin. Hanggang sa kumanta na si Eyphah." kalmadong paliwanag ni Dasarah. "Paano mo nalaman ang kantang iyon Eyphah?" - Ms. Prescila "May alaga po kaming morgany, siya si Mosley po at ganun po ginagawa ko sa tuwing galit po ito." "Kanina umalis ka Eyphah, balak mong sundan si Aideen. Ikaw ba ang gumawa no'n?" tanong ni Dasarah. Tumingin naman si Ms. Prescila sa sinabi nito. "Hi-hindi ako, wala akong alam doon." pagtanggi ni Eyphah. "Pero hindi mo naabutan si Aideen nang tumakbo ito. Bakit ka nagtagal at hindi ka agad bumalik?" nagulat si Eyphah sa tanong nito. "Da-dasarah... Kausap ko ang Darknessknights kanina bago ang pagtitipon sa stage." confident na sagot ni Eyphah. "Kung ganon, tatawagin ko ang Darknessknights." tumayo si Ms. Prescila at hinawakan ang mike. "Darknessknights, pumunta kayo sa office ko, ngayon na." maotoridad na utos ni Ms. Prescila. Matapos ang ilang minuto na pagtawag dito ay may kumatok sa pintuan. "Pasok..." Pagkabukas ng pintuan ay siya namang pagpasok ng limang lalaki. "Tama bang nakausap niyo si Eyphah kanina? Ikaw ang sumagot Trimus." Hindi na umasa si Eyphah na magsasabi ng totoo si Trimus. Isa itong Retmerra, kagaya kanina. Pinagtripan siya ng mga kasamahan nito. "Yes, Ms. Prescila." nanlaki ang mga mata ni Eyphah ng magsabi ng totoo si Trimus. "Ok, yun lang, maaari na kayong lumabas." Umalis naman agad ang mga lalaki, bago yun may nakita si Eyphah na isang papel at itinapon iyon ni Trimus sa ilalim ng upuan nito. Pupulutin na niya sana ito ngayon biglang nagsalita si Ms. Prescila. "Hindi si Eyphah ang gumawa, hindi maganda ang ginawa mo Dasarah. Wala kang sapat na ebidensiya." "Patawad po." at yumuko naman si Dasarah bilang paghingi ng tawad. "Maaari na rin kayong lumabas. Maliban sayo Eyphah." Tumayo na ang dalawa at umalis na sa office nito. "Ikaw ang bagong estudyante rito sa SA. Sino ang mga magulang mo?" interesadong tanong nito. "Ms. Prescila, si Roisin po ang ama ko. Ang ina ko naman po, si Aurelia. Bakit niyo po naitanong?" Walang kilala si Ms. Prescila na gano'ng pangalan kaya hinayaan na niya ito. Hindi naman kasi sinabi ng dalaga kung anong tunay na pangalan ng kanyang ama, pero ang ina nito ay hindi niya talaga nakilala kaya nag-isip na lamang ito ng ibang pangalan. "Siguro ay napakalma mo ang morgany na ito, pero hindi lang yan ang mga hayop na mababangis at matatapang. Kapag may nakaharap ka ni isa man sa mga iyon, tawagan mo lang kami. Hindi ka pangkaraniwan Eyphah, naramdaman ko na yan agad simula ng magkita tayo kanina." kahit na nagtataka ay tumango na lang ito. "Maaari ka ng umalis, mag-iingat ka." "Maraming salamat po Ms. Prescila, pwede po ba akong mag-alaga ng morgany? Miss ko na po kasi si Mosley." "Pwede iha, alagaan mo siyang mabuti. Mukha namang gusto ka niya." Matapos nilang mag-usap ay tumakbo ang morgany. "Paalam po, maraming salamat!" Tumayo ito at pasimpleng kinuha ang papel sa ilalim ng upuan nito at sinundan ang morgany.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD