Nang makabalik kami kay Allison ay puno ng dugo ang kanyang paa. Natakot ako sa nakikita ko alam kong ako ang sisihin ni Marcus kung sakaling ano ang mangyari sa kanyang magiging anak. "Allison! Oh my God, ano ang nangyari sa iyo?!" nag-aalalang tanong naman ni Marcus. "Marcus!" sambit niya at umiyak. "Si Ella kasi ang may kasalanan eh. Itinulak niya ako kaya nauntog ako dito sa mesa," sabi niya habang umiiyak. Napatingin naman ng masama si Marcus sa akin. "Ella? Ginawa mo iyon? Alam mo naman na buntis siya hindi ba?!" galit na sabi nito. Nakatayo lang ako sa sulok at nakahawak sa bibig ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. "Marvus, hindi ko siya itinul-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. "Halika! Dadalhin kit sa ospital!" sabi ni Marcus sabay buhat kay Allison. "Marcus wait, dalh

