(ELLA'S POV) Pagkagising ko agad ako dumiretso sa banyo. Ang sama ng sikmura ko siguro dahil sa nainom ko kagabi. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa nahihilo ako. Pagkatapos ay agad akong nagshower at nagpalit ng damit para pumasok na sa trabaho. Bigla kong naalala ang paghatid sa akin ni Marcus kagabi dito sa bahay. Naalala ko rin ang mga pingasasabi niya sa akin tungkol kay Allison. Napabuga ako ng hangin . "Ella, kumain ka na!" tawag sa akin ni Mama. Nandito pa rin ako sa loob ng kwarto at nagdadalawang isip ako kung papasok sa trabaho dahil sa nangyari kagabi. Pagkatapos akong tawagin ni Mama ay agad akong lumabas ng kwarto. "Ma, hindi na po ako kakain." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Aalis nalang po ako kasi anong oras na eh, baka malate ako!" sabi ko pa. "A-ano? Bakit ka ba na

