"Saan ka pupunta nagmamadali ka yata," tanong sa akin ni Allison. Nagulat ako ng bigla siyang bumulaga sa pintuan ng kwarto ko. "I want to meet my friend," pagsisinungaling ko sa kanya. "Sa ganitong oras? Gabi na Marcus tapos aalis kapa?" nakataas kilay niyang sabi sa akin. Matalino si Allison kaya alam kong hindi uubra sa kanya ang pagsisinungaling ko. Kailangan kong pumunta kina Ella at Nicolas sa bar dahil baka anong gawin ng gagong iyon sa kanya. Nakakabwesit kasi dahil kay Nicolas kaya naaddict sa bar si Ella. "Allison, nasabi ko na sa iyo may kikitain akong kaibigan. Mag-usap kami tungkol sa kompanya," sabi ko pa. Napangisi naman siya. "Sige, pero sasama ako! Magiging future wife mo na ako Marcus kaya hindi ba dapat lahat ng mga friends mo ay friends ko na rin?" sabi pa niya.

