"What?" napasigaw pa sila Ara at Sumi matapos kong ikwento sa kanila ang pinag-usapan namin ni Tito Larry kaninang umaga. At dahil nandito kami sa canteen, napatingin tuloy sa amin ang ibang narito.
"Kalma, okay?" natatawa kong sabi at sinenyasan ang mga napalingon sa amin na huwag na lang kaming pansinin.
"Sanna! Kahit sino ay ganito ang magiging reaksyon pagkatapos marinig ang sinabi mo," ani Ara. "Pero seryoso ba talaga iyan? Aba’y parang noong nakaraan lang ay grabe pa ang lamig ng tingin niya sa atin tuwing ipagpapaalam natin si Sumi ng sleepover sa bahay niyo."
“This is serious, girls,” sabi ko. “Si Tito Larry mismo ang nagsabi ng lahat ng iyon. Kaya naman gagala tayo mamaya para kahit paano ay maiba ang ambiance sa paligid nitong si Sumi. Pero hinay-hinay muna sa lugar na pagdadalahan natin sa kanya para hindi mabigla itong si Sumi."
"S-saan naman tayo pupunta?" tanong ni Sumi.
"Pinaka-basic ang mall since hindi pa siya nakakapunta doon." ani Ara.
May sariling designer kasi ang pamilya ni Sumi kaya hindi na niya kailangan pang pumunta ng mall para bumili ng mga damit na kanyang susuotin sa lahat ng okasyon.
"Pero kakayanin ba niya ang dami ng tao doon?"
Hindi kasi nae-expose si Sumi sa mga lugar na maraming tao dahil bahay at school lang ang napupuntahan at ito ang unang beses niyang gagala.
"Girls, don't worry about me," ani Sumi. "Mas mabuting ngayon pa lang ay masanay na ako dahil hindi ito ang una't huling beses na gagala tayo."
"Then, go na tayo mamaya," masayang sabi ni Ara. "Geez! Ang tagal ko ding nagtiis na makasama si Drek kapag nagsha-shopping.” Nag-inat siya ng kamay at bahagyang natigilan. “And speaking of that guy. Siya ba itong nakikita ko?"
Tumingin ako sa entrance ng canteen at nakita ko si Drek kasama sina Kenneth at Aldean. "Anong ginagawa ng mga iyan dito?"
"Sino sila?" tanong ni Sumi.
Kilala siya ng Mnemosyne pero hindi pa niya nami-meet ang mga ito. Ah, maliban pala kay Sein pero bihira lang din naman sila magkita ng kapatid kong iyon dahil mas madalas ako sa bahay nila Sumi kaysa siya sa bahay namin.
"Tara! Lapitan natin." Hinila kami ni Ara palapit sa mga ito at mukhang kami ang hanap nito dahil agad silang ngumiti nang makita kami.
"Oy! Kanina pa namin kayo hinahanap," ani Kenneth na agad nakipag-apir sa akin nang tuluyan kaming makalapit. "Nasa labas sina Hiro at Sein. Hindi na namin pinasama dahil siguradong pagkakaguluhan sila ng mga ka-schoolmate nyo."
"Bakit kayo nandito?" tanong ni Ara.
"Ngayon ang party ni Mommy, right?" ani Aldean. "Hindi dumating ang banda na dapat sana ay tutugtog sa party niya kaya nakiusap si Mommy. Are you okay with it?"
"Wala na din kasing time para makahanap ng iba kaya kahit alam ni Tita na alanganin ang request ay sinubukan pa din nya," dagdag ni Drek.
"Pero may klase pa kami mamaya," sabi ko
"Don't worry." Inakbayan ako ni Kenneth. "Everything is under control."
Hindi na nga ako nagtanong pa dahil hinila na nila kami. Kahit si Sumi at Ara ay sinama na nila hanggang makarating kami sa venue ng party ng mommy nila Hiro na ninang ko.
Apparently, kinuntsaba na din ng mga loko-lokong ito si Daddy upang kausapin ang principal ng school namin na i-excuse kaming tatlo nila Ara at Sumi sa mga afternoon class namin para sa araw na ito.
Hindi ko alam kung ano ang ginamit nilang dahilan pero pumayag ang principal kaya walang pagdadalawang-isip nila kaming hinila.
At dinala dito sa mismong bahay nila Hiro at Aldean.
Hiro and Aldean’s mother is actually a weird woman. Yes, she is one of the biggest businesswomen in our country but her taste in parties is so lit. Ganito iyong mga party na madalas ginagawa ng mga teenagers or young adult at hindi iyong mga formal party na madalas gawin ng mga tao sa business world.
May banda or dj, different kinds of alcohol and lots of foods. Idagdag din ang pagkakabit ng disco lights at platform na nagsisilbing dance floor.
The pool is also open for those visitors who have their own swimsuit and want to dive into the water.
Yes, this is a pool party and I am surprised that she has so many visitors. At karamihan din sa mga ito ay tulad niyang tanyag din sa larangan ng negosyo sa buong bansa.
Ilan din sa kanyang investors at mga pamilya nito, maging ang ilan sa kanyang mga staffs sa office ay narito din.
Agad akong tumabi kay Sumi nang mapansin kong natigilan siya sa dami ng tao. "Hey! Are you okay?"
Tumango sya at ngumiti. "Medyo nagulat lang ako sa nabugaran ko dahil kilala ko ang celebrant,” aniya. “Akala ko ang party na pupuntahan natin ay gaya ng mga party na nagaganap sa bahay. Cocktail dress, formal suit, wines, and classic musics at walang katapusang boring topics."
Natawa ako dahil halatang hindi niya din gusto ang ganoong klaseng party or sadyang nagsawa na siya. "Formal party kasi lagi ang nagaganap sa bahay nyo. And this? This is some kind of party that suit for us kaya mag-enjoy ka. But be sure na ang tanging iinumin mo lang ay wine."
Tumango sya. "Okay."
"Oh! Nandito na ang mga baby ko." Sinalubong kami ni Ninang Marga at isa-isang niyakap hanggang sa matigil siya sa harap namin ni Sumi. "At last, hinayaan ka na ding lumabas ng magaling mong tatay."
"Eh?" Kumunot ang noo ni Sumi. "Kilala nyo po si Daddy?"
Tumango ito. "Kilalang-kilala. Let's just say that he is part of my past na matagal ko ng kinalimutan." Hinawakan siya nito sa pisngi at hinalikan sa noo. "Nice meeting you, Sumi."
"Ah, nice meeting you, din po."
"Enjoy the party." Bumaling ito sa'kin at napangiwi ako nang biglang sumama ang tingin sa akin.
Well, alam ko na ganito talaga ang magiging reaksyon niya sa pagkikita naming ito lalo na’t matagal-tagal din akong hindi nagpakita sa kanya.
"Ninang." Kumapit ako sa braso niya. "Huwag ka nang sumimangot diyan. Sige ka, papanget ka dyan." Pinindot-pindot ko pa ang pisngi niya.
Alam ko naman kasi ang kiliti ng ninang kong ito.
"Papanget talaga ako dahil sa ginagawa mong pang-aasar, Sanna Rhein."
“Ninang…” Nilambingan ko pa ang boses ko. “Huwag ka nang magalit sa akin. Sigurado naman na alam mo ang sitwasyon ko, hindi ba? Tsaka busy din ako. Sa…” Tumikhim ako. “Sa maraming bagay sa buhay.”
"Busy-hin mo mukha mo," ismid nya sa'kin.
"Ninang naman." Napakamot ako ng ulo.