"Engr. Stephen Salvez." Huminto ako at ngumiti habang nakatingin ngayon sa kanya na nakapamewang sa harapan ng nabili kong lote. "Loribelle Del Rosario," pabiro niyang balik bago ko ngitian. "Nice to meet you, Engr. Salvez." Tinawanan niya ko habang palapit ako ngayon sa kanya. Nabalik ang lisensya niya matapos mapatunayan ang mga maling bintang sa kanya. Tulad ko, parehas kaming bumabangon sa pagkakadapa. "So, magkano ang sisingilin mo sa akin?" Kunyari siyang nag-isip. "'Yung mura lang, ha? Wala akong pera." Tumawa ulit siya. Nakakapanibago. "Nakita ko na 'yung pinagawa mong design para sa coffee shop. Sabi mo maliit lang pero noong dumating sa akin parang hindi naman." Hinarap niya ko nang nakapamewang. "Kaya nga ikaw 'yung kinuha kong engr. Alam kong magaling ka saka creati

