"Hindi ba dapat palakihin mo muna si Angel bago ka magpatayo ng coffee shop?" Hindi kumbinsido si Gab sa mga pinapakita kong disenyo ng shop ko. "Kailangan ko ng pera para buhayin ang anak ko." "Tiga-pagmana ka ng kumpanya. Kaya hindi mo 'to kailangan." Napairap ako habang karga-karga si Angel. "Oras na mahuli siya. Tapos na." Parang ang dali lang para sa kanya. "Pwede ka ng bumalik no'n sa Manila." "Gab, to be honest. Wala na kong planong bumalik sa Manila. Gusto ko na rito. Dito ko palalakihin si Angel." "Paano 'yung asawa mo?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Wala na, nakahanap na siya ng iba." "Weh?" "Hindi ako nakikipagbiruan," angal ko. "Dati kapag nagku-kwento ka tungkol sa kanya. Parang sobrang mahal na mahal niyo ang isa't isa. Tapos sasabihin mong may iba na siya? Baliw ka

