bc

LIGAW NA BULAKLAK

book_age18+
24
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
age gap
opposites attract
second chance
independent
dare to love and hate
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Maddie ay isinilang na mahirap. Ang kahirapang iyon ang nagtulak sa kanya para pasukin ang trabahong iyon kahit pa hindi naman ito ang talagang gusto niya. Wala na kasi siyang ibang pagpipilian gawa ng wala naman siyang mataas na pinag-aralan. Oo nga't nagawang ihaon nito ang nagdarahop niyang pamilya ngunit nawala naman sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Ligaw na Bulaklak Kabanata 1     Nabulahaw ang mahimbing niyang tulog sa malakas na sunod-sunod na katok ng pinto. Sinipat niya ang orasan sa dingding, alas tres pa lang nang hapon. Nalukot ang kanyang mukha. Hindi naman kasi sa ganoong oras ang bilin niya sa mga kasamahan  sa bahay na gisingin siya.     “Anak naistorbo ba kita?” Ang bungad sa kanya ng kanyang ina. Kung nagkataong isa sa mga kapatid niya ang nagtanong ng ganoon ay tiyak susupalpalin niya. Halata naman kasing naistorbo ang mahimbing niyang tulog ay kung bakit tinanong siya ng ganoon.     “Bakit, po?” Ang tanging lumabas sa kanyang bibig kasabay ng mahabang paghikab at pag-unat ng mga braso.     “E, kasi si Mrs. Larosa, nandiyan sa labas. Kukunin na raw niya iyong buwanang renta natin sa bahay”     Napakamot siya sa ulo. Naalala niyang kabuwanan na nga pala ng upa nila sa masikip na barong-barong na iyon subalit hindi pa siya nagkakasahod. Matumal rin ang sideline niya kaya wala siyang maiaabot na perang pambayad sa tinutuluyan nilang mag-anak. Nagpasya siyang harapin ang may-ari ng inuupahang bahay upang humingi ng palugit.     “Palugit na naman? Sa apat na buwan niyong pagtira sa bahay ko ay laging delayed ang bayad nyo. Maddie naman, kailan ba kayo makapagbayad ng tama sa oras? Hindi ko na nga kayo hiningan ng pang-down at deposito e, sana naman sumakto kayo sa due date nyo!” Atungal ng babae. Inasahan na niya iyon kaya hindi na siya nagulat.        “Pasensiya na po talaga, Mrs. Larosa. Maging ako man ay hindi na rin nagugustohan ang palaging pagkakaroon ng aberya sa sahod namin” Wika niya.     “Ganoon naman pala e, bakit hindi ka maghanap ng ibang matinong call center. Andami namang nakakalat diyan. Pati ako nai-stress na diyan sa pinapasukan mo. Kailan naman ba daw sahod nyo?     “Sa makalawa daw po”     “Naku, Maddie siguraduhin mo ‘yan. Napupudpud na tsinelas ko sa kakaparito e wala naman akong napapala. Huwag nyong sagarin pasensya ko kundi ngayon pa lang maghahanap na kayo ng malilipatan!” Bilin ng babae saka ito umalis.     Hindi na nagawang makatulog ulit ni Maddie. Binabagabag siya ng mga bayarin. Bukod sa buwanang upa ng bahay, pinoproblema rin niya ang pambayad ng kuryente at tubig idagdag pa iyong pag-aaral na kanyang nakababatang kapatid na lalaki. Ngunit ang pinakainaalala niya ay saan kukuha ng pambili nila ng pagkain. Dise-otso lang siya subalit pasan niya sa kanyang balikat ang buong pamilya. Nang mamatay ang ama niya sa kumplikasyon sa atay ay siya na ang tumayong padre de pamilya. Iyong nakatatandang kapatid nilang lalaki ay nakakulong dahil sa pagtutulak ng iligal na druga. Ang ina naman niya kapag hindi sinusumpong ng ubo ay tumatanggap ng mga labada mula sa mga may kaya nilang kapitbahay. Wala pa sa tatlong daan ang kikitain nito sa isang araw mula sa paglalabada. Sa tulad nilang nakatira sa malaking siyudad ng Maynila, napakahirap pagkasyahin ang halagang iyon. Mamatay sila sa gutom kung hindi siya kikilos. Isinantabi muna niya ang pagkokolehiyo para maigapang ang pamilya.     Gawa ng hindi na siya dinalaw ng antok ay nagpasya na lamang siyang maligo. Sa apat na sulok ng maliit na banyo ay doon niya binigyang laya ang mga luha na hindi niya kayang gawin sa harapan ng kanyang ina at kapatid. Alam kasi niyang sa kanya humuhugot ng lakas ang mga ito kaya hindi dapat siya magpapakita ng kahinaan. Inaaninag niya ang kabuuan sa harap ng salamin habang pinapatuyo ang may kahabaan at maitim niyang buhok. Taglay niya ang katangiang hinahanap ng isang lalaki. At sa araw na iyon ay gagamitin niya ang kagandahang taglay upang maigapang ang pamilya mula sa kahirapan.     Apat na buwan ang nakalipas mula nang madawit ang pangalan niya sa isang nakawan sa pinagtatrabahuang convenience store. Mabuti na lamang at hindi sila pinakulong ng may-ari. Subalit block-listed na sila sa lahat ng establisyemento na maari nilang aplayan. Wala man sa hinagap niya na pasukin ang kasalukuyang trabaho ngunit kanya na itong pinatos kaysa naman magutom ang pamilya niya. Isang kasinungalingan ang pagiging call center agent niya. Dahil ang totoo’y isa siyang kahera sa isang night club sa Malate. Kailangan niyang iiwas ang pamilya sa kahihiyan kung kaya’t nagawa niyang ipangalandakan na isa siyang call center agent bagamat hindi naman siya nagbebenta ng laman. Alam kasi niyang makarinig lang ng night club ang mga tsismosang kapitbahay nila ay paniguradong ibong mababang lipad na ang turing sa kanya. Subalit sa araw na iyon ay doon din ang bagsak niya. Tatanggapin na niya alok ng baklang manager niya na pasukin ang pagda-dancer. Di-hamak na mas malaki ang kikitain niya kumpara sa pagiging kahera lang. Namumukod-tangi ang kanyang kagandahan kaya panigurado tatabo siya sa mga parokyano ng naturang club lalo na kapag papayag siyang makipag-table sa mga ito o kaya ay higit pa roon.     Napabuga si Maddie ng hangin matapos maglagay ng kolorete sa mukha. Hindi ito ang pinangarap niyang landas subalit kailangan na niyang kumapit sa patalim. Malulugmok sila sa pagdarahop kung hindi siya kikilos at papansinin ang maaaring panghuhusga sa kanya ng lipunan. Hindi rin naman sila mabubusog sakaling pananatilihin niya ang pagiging Maria Clara. Sa tulad niyang malabo ng mabigyang ng pagkakatong mag-aral at lugmok sa kahirapan, tanging “Bahala na” ang nasa kanyang isip.     “Maddie, ikaw ba ‘yan? Anong nakain mo?” Bulalas ng kaibigan niyang si Elsa na isang mananayaw.     “Nagmake-up lang nang bonnga at nagsuot ng pekpek short may nakain na agad ako? Di ba pwedeng nag-level-up lang?” Bara din naman niya.     “Nakakapanibago lang kasi ang awra mo. Di lang kasi ako nasanay na ang naturingang ligaw na bulaklak sa bar na ito ay magbibihis ng ganyan”     “Ano, bagay ba?”     “Gosh, di lang basta bagay, bagay na bagay. Hudyat na ba’yan? Tiyak na matutuwa si Madam na napapayag ka na rin niya sa wakas!”     “Kailangan e, o siya turuan mo na ako ng kunting steps para salang agad ako mamaya!”     At pumasok sila sa dressing room para mag-ensayo. Simula sa gabing iyon magbabago ang buhay ni Maddie.                     

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.4K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.2K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook