Story By John Yuan
author-avatar

John Yuan

ABOUTquote
Not really a good writer. But writing is one of my passion. I write not to impress but to express... Fb: https://m.facebook.com/johnny.talacay?ref=bookmarks
bc
Wala Man Sa'yo Ang Lahat
Updated at Dec 6, 2020, 20:35
Isang mapiling alanganin si Jeric. Mayroon siyang mga sinet na standards para sa lalaking mamahalin. Gusto niya iyong guwapo at may kaya rin tulad niya. Matalino at may mataas na pinag-aralan. Ngunit paano kung darating ang panahon na ang lalaking ititibok ng kanyang puso ay hindi pumasa sa kanyang mga pamantayan? May itsura nga ngunit isa namang hamak na tindero sa palengke sa lugar kung saan siya napadpad nang hindi inaasahan idagdag pa na ang taong iyon ang dahilan kung bakit hindi kaagad siya nakabalik sa lugar na kanyang pinagmulan. Dudugasin ba niya ang nararamdaman o hahayaang kagustuhan ng puso ang iiral?
like
bc
Hardin Ng Mga Gamugamo
Updated at Aug 1, 2020, 23:28
Labag man sa kalooban ni Mario pero wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang hiwalayan si Lukas bilang pagtupad sa isang kasunduang magliligtas sa buhay ng lalaki at ng kanyang pamilya. Lingid naman iyon sa kaalaman ni Lukas at ang tanging paniwala niya ay pinagtaksilan siya ni Mario at ipinagpalit sa ibang lalaking mag-aahon nito sa kahirapan. May pagpapakataon pa kayang manumbalik ang dating wagas na pag-iibigang binalot ng pagkamuhi, galit, at paghihiganti?
like
bc
Flower Boy
Updated at Jul 31, 2020, 23:12
Sa panahon ng kanyang kabataan ay naranasan ni John na apihin at molestiyahin ng kanyang sariling kapamilya. Iyon ang nagtulak sa kanya upang magpursiging makamit ang kanyang mga pangarap para hindi na siya maliitin ng kahit sinoman. Kasabay ng pagupursige niya ay ang pagsusumikap niyang maituwid ang kanyang pagkatao at umiwas na magmahal. Sino ba naman kasing lalaki ang magkakamaling mahalin ang tulad niyang isang binabae? Ngunit nang dumating sa buhay niya si Jonard ay biglang nagbago ang lahat. Ang lalaki ang nagbigay patunay na ang katulad niyang alanganin ay deserve din na mahalin. Ngunit saan mauuwi ang kanilang pag-iibigan kung malalaman nilang sila pala ay magkapatid?
like
bc
MAGDALINO
Updated at Jun 4, 2020, 03:37
Ang lalaking unang bumihag sa pihikan kong puso. Nagturo sa akin kung paano ang mangarap at pahalagahan ang buhay. Siya ang lalaking nagparamdam na sa tulad kong alanganin ay di naman kailangan ng pera para mahalin. Nang dahil sa kanya nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Subalit dumating sa puntong iniwan ko siya sa takot na ang mahalin at mang tulad niya ang siyang magiging mitsa ng buhay ko. Masyado akong binulag ng mga maling paniniwala. Iniwan ko siya. Ngunit nahinuha kong siya pala talaga ang kailangan ko at hindi ko kayang mawala siya sa aking buhay. Paano ko maipaglalaban ang aming pagmamahalan kung ang tadhana na mismo ang ang aking makakalaban.
like
bc
LIGAW NA BULAKLAK
Updated at Apr 28, 2020, 21:52
Si Maddie ay isinilang na mahirap. Ang kahirapang iyon ang nagtulak sa kanya para pasukin ang trabahong iyon kahit pa hindi naman ito ang talagang gusto niya. Wala na kasi siyang ibang pagpipilian gawa ng wala naman siyang mataas na pinag-aralan. Oo nga't nagawang ihaon nito ang nagdarahop niyang pamilya ngunit nawala naman sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya.
like