Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na asawa na ni Andrea si Tristan, tapos ang malala pa fiance ni Silver ang best friend ko, kakaloka hindi ko kinaya ang balita na 'yon. Naku once lang na lolokohin niyo mga kaibigan ko, ako makakalaban niyo. Napangiti ako ng makita kung tulog na tulog pa ang anak ko, hinaplos ko ang kanyang mukha, hindi ko kakayanin baby kung may nagyaring masama sayo kagabi, magiging criminal talaga ako pagdating sayo. Napatingin ako sa dalang luggage ni Ivan, hindi naman siguro magagalit kung gagamitin ko ang damit niya. Hihiramin ko lang naman. Pagbukas ko ng luggage niya napa wow ako. Ganito ba talaga kaayos ang mga damit niya halos tinalo pa niya ako. Kumuha na lamang ako ng polo shirt niya at boxer halos napalunok ako ng makita ko ang boxer niya, naa

