Napakunot noo talaga ako, bakit wala ako nababasa pero sila meron. Kailangan ko na ata mag patingin sa optical neto, pero hindi naman malabo paningin ko. Ano meron dito sa papel na to, parang hindi naman ordinaryong papel to medjo magaspang siya tapos makapal. Magic paper ba to, pinaypay ko pa baka sakaling makita ko rin ang nakasaad dito, pero wala talaga. Napatingin ako sa tatlo para silang tanga na nakangisi, kanina pa sila. Napatingin naman ako kay Ivan, bigla na lamang nag iwas ng tingin. Sabay ok naman ang nakasulat dito, nagpapatunay na hindi niya kukunin sa akin ang anak ko. Akin na ang ballpen, agad naman binigay ni Ivan sa akin. Pansin ko ang pag ngiti niya na abot hanggang tenga niya. Saan ako pipirma dito, agad naman niya tinuro sa aking kung saan ako pipirma. Pipirmah

