Ivan ( pov )
Pagkasakay namin ni Sofia sa sasakyan. Tatawagan ko sana si Tristan. Damn naiwan ko pa ang aking celphone.
Babe saan ka pupunta?, malalate na ako sa photoshoot ko?.
Kung gusto mo,mauna kana doon. Ihatid niyo na siya.
Sige boss.
Sandali diba sabi mo sasama ka sa akin?.
Susunod na lang ako.Diba malalate kana kaya mauna kana.
Agad ako bumalik sa aking unit. Pagkabukas ko ng aking unit, dumeretcho na ako sa aking silid para kunin ang aking celphone.
Napakunot noo ako, napakadami nilang tawag sa akin. Agad kumabog ang aking dibdib, baka my masamang nagyari na sa kanila.
Ang apat na ulopong napakadaming misscall, napansin ko ang message ni Berto, pagbukas ko, ganun na lamang ang panlamig ng buo kung katawan sa nabasa ko.
Kung gusto mo pang makita si Ane Marie, puntahan mo kami dito sa mansion niyo.
Wala na akung inaksaya na oras. Agad ko kinuha ang jacket at susi ng motor ko. Muntik Pa akung madapa, damn baby ko anung nagyari sayo.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung my masamang nagyari sayo.
Agad kung pinatakbo ang motor ko. Wala na ako pakialam kung over speeding na ako, ang importante makauwi na ako sa mansion.
Pagkarating ko sa mansion. Lahat sila nagkagulo na.
Anong nagyari dito!!, lahat sila napatingin sa akin.
Lumapit ang apat na ulopong sa akin, napatingin ako kay Berto. Nag napansin niyang nakatingin ako sa kanya nginisian lamang niya ako.
B-boss a-ano k-kasi b-boss.
Magsalita ka ng maayos Tristan!!!!, kita ko ang paglunok ng tatlong ulopong.
Napatingin ako sa dalawang bantay, nakita kung my benda ang mga binti nila.
Napakunot noo ako, anu nagyari dito!!!. Agad kung naalala si Ane Marie.
Papasok na sana ako ng mansion ng magsalita si Berto.
Huwag kang umasa na makikita mo si Ane Marie sa loob, dahil WALA NA SIYA!!.
Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa sa nalaman ko.
Agad akung lumapit kay Berto, kinuwelyuhan ko siya, pero ang gago nakangisi lamang siya.
Kung ayaw mo maniwala, subukan mong hanapin sa loob.
Agad ko siyang binitawan, papasok na sana ako ng magsalita si Tristan.
Wala na boss. Nalaman na niya lahat lahat, hindi namin sinasadya boss, ang akala namin tulog pa siya, nagulat na lamang kami ng my nabasag, pagtingin namin si Ane Marie pala, narinig niya kami.
Pero hindi sana namin sasabihin sa kanya, pero nakiusap siya kay Berto na sabibin ang totoo.
Napatiim bagang ako na nakatingin kay Berto.Pero ang hinayupak nakangisi lamang siya, lalo lamang nag init ang aking ulo.
At hindi niyo man lang sinundan!!!, lima kayo na andito ni isa sa inyo hindi niyo sinundan!!!!.
At kayung dalawa, anong nagyari sa binti niyo sino may gawa nian!!.
Boss s-si ma'am Ane Marie po may gawa nian.
Napatingin ako kay Tom.What!!, niloloko niyo ba ako ha!!!, takot nga 'yon sa b***l tapos sasabihin niyo pa na siya may gawa nian!!!!!.
Kung ayaw mo maniwala nakita mo ba 'yon sabay turo ko sa cctv kay boss.
Manood ka ng malaman mo kung ano nagyari dito.
Nagtataka ka rin kung bakit hindi namin siya sinundan, tinuro ko naman sa kanya ang gulong ng sasakyan.
Paano namin susundan kung pati mga gulong pinuntirya niya.
Ano lilipad kami ganun.
Berto tama na.
Napahilamos na lamang ako sa mga nalaman ko, paano siya natutu humawak ng b***l, pag kakaalam ko takot siya. Nalinlang mo ako Ane Marie.
Tom!!, boss?, na locate mo na ba kung nasaan siya ngayon.
Boss nagawa ko na kaso dito sa mansion ang location niya. Iniwan niya boss ang celphone niya.
Damn!!!, asan kana baby please come back home. Napahilamos na lamang ako.
Kung ako sayo simulan mo na ang paghahanap sa kanya.
Make it sure ikaw ang makakahanap sa kanya.
Napatingin ako kay Berto na nakangisi lamang. Ano ibig mong sabihin ha agad ko na siya sinuntok sa mukha, kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.
Pumagitna naman ang apat sa amin. Napatingin ako kay Berto. Putok ang kanyang labi, pinunasan niya at napatingin sa akin pero ang gago nginisihan lamang niya ako.
Tama na bro. Boss pag pasensyahan niyo na si Berto.
Gaya ng sabi ko sayo, siguradohin mo lang na ikaw ang unang makakahanap kay Ane Marie.
Once na ako ang nakahanap sa kanya sisigoraduhin ko hinding hindi mo na siya makikita.
Gago!!!, sabay suntok sa mukha niya.
Mas gago ka!!, hindi ko inasahan na susuntokin niya rin ako.
Halos napanganga kami sa gulat ng suntokin ni Berto si boss,ngayon lang namin nakitang galit si Berto.
Napalunok na lamang kami, agad namin inalalayan si boss ,pumagitna rin si Tristan.
Kulang pa 'yan sa mga pasakit na binigay mo kay Ane Marie!!, napakagago mo!, gago ka!!!, kung alam mo lang kung ano pinagdadaanan niya at kung ano ang nararamdaman niya.
Halos gabi gabi siya umiiyak ng dahil sayo gago!!!, nagtatanong kung kailan ka babalik kung ano na nagyayari sayo!!, ni minsan ba naisip mo siya ha!, ni minsan ba sumagi sa kukute mo kung ano mararamdaman niya pag nalaman niyang ikakasal kana!!!, alam mo ba ha kung ano pakiramdam niya nung nalaman niya na ikakasal kana ha!!!!, halos sumigaw siya sa sakit, pilit niya tinatago sa akin!!!, araw araw nakikita kung magang maga ang mata niya.
Isa kang tanga!!!, wala kang kwenta,iisang babae lang hindi mo pa kayang protektahan gago!!!. Mas gugustohin mo pang magtago sa saya ng babae na 'yon.
Kayang kaya mo naman pabagsakin ang mga kalaban mo kung gugustohin mo!!!.
Asan na 'yon Ivan na kilala namin ha asan na, naduwag na ba. Isa kang duwag gago!!!.
Huwag kana sana nangako sa kanya kung hindi mo naman kayang tuparin. Pinagmukha mo lang siyang tanga. Ano masaya kana!!!, sarili mo lang iniisip mo hindi mo man lang inisip na my babae naghihintay sa pagbabalik mo.
Araw araw nag tatanong sa akin kung tumawag kana ba, ni minsan kinamusta mo ba siya ha!!!, Diba hindi kasi isa kang malaking gago!!!.
Bitawan niyo ako!!!, tandaan mo ang sinabi ko sayo, Once na ako makahanap sa kanya kahit kailan hindi mo na siya makikita.
Sana nga tama ang hinala ko sa kanya, sana nga tama ako.
Isa kang duwag wala kang kwenta na mafia boss.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Berto sa akin. Tama siya isa akung tanga at gago.
Halos lahat ng mahawakan ko binabasag ko. Aaahhhhhh!! ang tanga tanga ko!!!!.
Boss tama na yan.
Hanapin niyo si Ane Marie!!, ibalik niyo siya sa akin. Hindi ko na namalayan tumulo na pala ang luha ko.
Tinapik ni Tristan ang balikat ko. Ayosin mo muna ang problema mo sa organisasyon, taposin mo ang dapat taposin, bago mo harapin si Ane Marie.
Kami na ang bahala mag hanap sa kanya.
Baby ko I'm sorry, I'm sorry. Sana naman pinakinggan mo muna ako bago ka umalis.
Baby ko I'm sorry please bumalik kana sa akin.
Sige boss mauna na kami.
Tulongan niyo ako na mahanap si Ane Marie, mahal na mahal ko 'yon, halos pumiyok na ako, wala na ako pakialam kung nakikita nila ako na umiiyak.
Pag nahanap niyo siya ibalik niyo siya sa akin.
Sige boss, huwag kang mag alala boss hahanapin namin siya.
Salamat.
Napakuyom na lamang ako ng aking kamao, ng mapatingin ako kay Berto.
Harapin mo muna ang mga kalaban mo bago si Ane Marie, kung gusto niyo mamuhay ng payapa, alisin mo sa mundong ibabaw ang mga hadlang sa inyo.
Ibalik mo ang dating Ivan na walang kinakatakotan, hindi 'yon duwag!!.
Berto halika na, alis na kami boss.
Tama siya naging mahina ako ng dahil kay Ane Marie, ginawa ko lang ang lahat para hindi siya mapahamak, ayaw kung malaman ng mga kalaban ko na siya ang, kahinaan ko.