Ane Marie ( pov )
Morning sickness attack oh gosh ang hirap, duwal lang ako ng duwal halos maubusan na ako ng lakas. Baby sorry ha hindi pala nakakain si mommy kagabi. Di bale babawi si mommy ngayon.
Naligo na rin ako hapong hapo ako ngayon umaga,gusto ko lang humilata maghapon, nakakatamad talaga. Na mimis ko na si Ivan, agad na naman tumulo ang luha ko. Napakuyom ang aking kamao, sinusumpa kita kahit kailan hinding hindi mo makikita ang anak mo.
Makauwi lang sila mama at papa aalis na kami dito sa bahay na to.
Napag pasyahan kung bumaba, nagugutom na din kasi ako.
Habang papalapit ako sa kusina, my naririnig akung nagtatalo sa my living room.
Agad ako nagtungo doon para tignan kung sino ang mga iyon. Bosses 'yon ni kuya Berto.
Nanigas ang buo kung katawan sa narinig ko. Hindi ko sinasadya natabig ko ang vase,kaya nakagawa ako ng inggay.
Napatingin silang lahat sa akin.
Agad lumapit si kuya Berto sa akin.
Huwag kang lalapit, diyan ka lang huwag kayo lalapit!!, totoo ba n-na n-nawawala sila mama at papa?. Ni isa wala sumagot sa akin. Sumagot kayo!!!, hindi ko na napigilan ang aking sarili na humagulhol.
P-please tell me the truth, humihikbi na rin ako. Tell me!!!!!, magsalita kayo!! nasaan ang magulang ko!!,halos mamaos na rin ako.
Ano!!! magsasalita ba kayo?!!, asan ang mga magulang ko anong nagyari sa kanila sumagot kayo!!!,
Ma'am pasensya na po kayo si boss lang ang pwede magsabi sayo.
Boss hahaha asan ang boss mo ha diba andon sa mapapangasawa niya ha!! tapos ano ha siya pa magsasabi bakit!!! bakit?, hindi niyo pa sabihin sa akin!!, bakit sa gago mo pang boss ang magsasabi sa akin ha para ano !!!, magsisinungaling na naman siya sa akin!!!.
Napasalampak na lamang ako sa sahig,wala na ako pakialam kung ano na ang itchura ko ngayon. Please kuya Berto sabihin mo sa akin ang totoo, humagulhol na ako.
Kuya please nagmamakaawa ako sayo nasaan ang mga magulang ko kuya, humihikbi kung sabi sa kanya kuya please kuya!! halos paos na rin ako.
Ma'am, huwag mong sabihin Berto malalagot ka kay boss. Wala na ako pakialam!! may karapatan si Ane Marie na malaman kung anong nagyari sa magulang niya!!! ano masaya na ba kayo na nakikita siyang ganyan ha !!! sabay turo kay Ane Marie,magsalita kayo!!! Lahat ng plano ni boss sana inisip niya muna kung ano mararamdaman ni Ane Marie!! hindi niyo kasi nakikita na halos araw araw umiiyak iyan ng dahil kay boss!!!! tapos ano ginawa niya ha!!! ano ginawa niyo meron ba ha !!! diba wala!!!!!!.
Sinabi lahat ni kuya Berto sa akin ang lahat lahat, napahagulhul na lamang ako. Aahhhhhhhhh!!!! sabay hampas sa aking dibdib bakit bakit sila pa bakit !!!!! aaahhhhhh!!!!, tapos hanggang kailan niyo itatago sa akin ng lahat ng to aaahhhhh!!!.
Pinilit kung tumayo para makabalik sa aking silid. Huwag niyo akung hahawakan!!.
Ane Marie, ayos lang po ako nay Ester.
Pinilit kung makaakyat sa taas kahit nanginginig ang aking mga tuhod.
Medjo kumikirot din ang aking puson, anak kapit ka lang diyan aalis na tayo dito. Hahanapin natin ang lola at lolo mo.
Pagkapasok ko sa silid ko kinuha ko na ang mga gamit ko. My napancin akung kahon katabi ng aking maleta, kinuha ko iyon at binuksan may nakita akung kwintas, na ang pendant niya ay susi, my kalakip din na sulat may napancin din akung maliit na celphone.
Pagbukas ko ng sobre halos manigas ako sa aking nabasa bumuhos ang masagang kung luha humihikbi na din ako na nakayakap sa sulat.
Mahal kung Anak,
Pag nabasa mo na ang aking sulat anak ko, ibig sabihin, hindi kami nagkaligtas sa mission namin ng iyong mama, hinihiling ko anak na sana huwag kang magtanim ng galit sa pamilya Del Rio, ginawa lang namin ang trabaho namin ng iyong mama. Alam mo anak kung ano ang trabaho namin ng iyong mama, lahat nasabi ko na sayo. tungkol sa mission namin ng iyong mama.
Gusto namin anak na mamuhay ka ny payapa, huwag kang tumulad sa amin ng mama mo. Mahal na mahal ka namin anak.
Kung napansin mo ang kwintas anak para sa iyo iyan anak. Mamuhay ka ng masaya at payapa anak alisin mo ang puot at galit sa iyong puso.May roon isang tao na tutulong sayo anak,kunin mo ang celphone tawagan mo ang numero na nakalagay diyan. Alam na niya na ikaw ang tatawag sa kanya.Hinabilin kita sa kanya anak.
Anak magiingat ka palagi kahit wala na kami ng mama mo nasa tabi mo lang kami. Mahal na mahal ka namin anak ko.
Gaya ng usapan natin anak hahaha pwede mo na gamitin ang natutunan mo sa akin hahaha. Diba iyan ang usapan natin na hanggat nabubuhay kami ng mama mo, bawal mo gamitin ang natutunan mo sa akin. Nagsinungaling ako sa mama mo haha hanggang sa mawala ako hindi pa ako umaamin sa kanya na tinuruan na kita kung paano lumaban hahaha. Pero ok na iyon safe na si papa mo sa magiging parusa ng mama mo hahaha.
Mahal na mahal ka namin anak, sana anak maging masaya ka, ayaw namin nakikita kang umiiyak, diba malakas ka galing ka sa sperm ko ehh diba hahaha.
Ayaw namin na iwan ka anak, pero tadhana na ang gumawa anak. Mahal na mahal na mahal ka namin anak ko.
Mag iingat ka palagi anak, wala man kami sa tabi mo, tumingala ka lang sa langit andoon kami ng mama mo sinusubaysabayan ka namin araw araw.
Paalam anak ko. Hanggang sa muli natin pagkikita kita.
Papa halos kapusin na ako ng hininga sa kaiiyak, mahal na mahal ko din po kayu papa at mama, hanggang sa muli po natin pag kikita.
Napahagulhul na lamang ako hawak hawak ko ang sulat at kwintas na binigay niya sa akin.
Napatingin ako sa kwintas na hawak ko. Paraan ang susi na eto.
Bro tawagan natin si boss. s**t hindi niya sinasagot ang tawag ko, punyeta pati ako napasabunot na lamang kami ng buhok ng hindi namin matawagan si boss.
Paano na iyan malilintikan tayo. Napatingin kami kay Berto nakapikit lamang siya halatang hindi man lang kinakabahan s**t.
Napatingin ako kay Silver, umiling lang siya, alam na namin pag ganyan si Berto kaseryoso,wala na siya pakialam kung ano ang magyayari,nakita din namin ang pagkuyom ng kanyang kamao.
Wala na pala tayo hinihintay baby kaya aalis na tayo dito. Pangako anak aalagaan at mamahalin kita higit pa sa aking buhay, pinapangako ko rin na aalagaan kita sabay haplos sa aking puson.
Inayos ko na ang mga gamit ko, iniwan ko ang mga binili ni Ivan para sa akin.
Nang maayos ko na naligo muna ako, napatingin ako sa salamin, namamaga ang aking mata, ang pula pula rin ng aking ilong,namumutla na rin ako.
Pagkatapos ko naligo nagbihis na ako. Bago ako lumabas ng silid kung saan ako nanatili ng ilan buwan. Napangiti ako ng mapakla, hindi na ako babalik dito kahit kailan.
Pagkababa ko nakita ko pa ang lima, hindi ko na sila pinancin, dirediretcho lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako ng pintuan.
Ma'am s-saan po kayo pupunta?.
Wala kana pakialam kung saan ako pupunta hindi kita kamaganak para mag paalam sayo.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Agad naman silang tumayo at lumapit sa amin.
Ma'am huwag muna kayo aalis ma'am sabi naman ni Silver.
Tumabi kayo sa dinaraanan ko!!!.
Ma'am, baka po magalit sa amin si boss, sabi niya ma'am huwag po kayo aalis dito sa mansion ma'am.
Agad nag init ang bunbunan ko ng madinig ko ang sinabi ni Tom.
Nagsalubong ang aking kilay na humarap sa kanila.
Boss, hahaha napatawa na lamang ako sa mga sinabi nila. Bakit sino ba siya ha diba wala na nga pakialam sa akin iyon, isang buwan mahigit na hindi nagparamdam sa akin!! tapos ano gusto niyo ikulong niya ako dito!!!.
Bakit ganyan na ba kayo matakot sa gago na iyon!!!, ganyan na ba kayo kaloyal sa impakto na iyon ha!!!, wala na siya pakialam sa akin!!! kung meron man,sana hindi niya ako niloko at ginamit!!!, alam niyo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon ha!!, araw araw ko siyang hinihintay nagdadasal na sana nasa mabuti siyang kalagayan, halos hindi ako nakakatulog sa kakaisip sa kanya!!! iniisip ko kung my masamang bang nagyari sa kanya!!.
Tapos ano ha!!!!, malalaman ko na ikakasal na siya!!! ano iyon ba ang may pakialam sa akin ha!!! pinagmukha niya akung tanga!!!,pati kayo lahat kayo pinagkaisahan niyo ako!!!!.
Ma'am, s-sorry po sumusunod lang po kami sa utos ni boss, patawad po ma'am.
Kung sinabi ba ng boss niyo na kainin niyo ang tae niyo kakainin niyo ba ha!!!, ganyan ba kalaki ang respeto niyo sa boss niya ha!!, pati kalokohan niya!!, dinuro ko na silang lahat. Pinagtatakpan niyo!!!.
Agad na ako lumabas ng mansion. Nag init ang aking ulo ng hinirangan ako ng mga bantay.
Lumayas kayo sa harapan ko!!, padaanin niyo ako!!.
Ma'am pasensya na po kayo, pero hindi po kayo makakalabas ng mansion na to, sabi ni Tristan.
Napatingin ako kay kuya Berto, nakasandal lang siya sa my pintuan na nakatingin sa akin.
Napansin ko ang b***l na nakasukbit sa tagiliran ni Tristan.
Dahan dahan ako lumapit sa kanya. Napangisi ako sa kanya, nakita ko ang paglunok niya.
Wala kang karapatan na sabihin sa akin na hindi ako pwede umalis sa bahay na to.
Agad ko kinasa ang b***l na nakuha ko sa tagiliran niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na hawak hawak na ni Ane Marie ang b***l ko. Paano niya nakuha sa akin iyon. Napatingin din ako sa mga kasama ko, nakita ko sa kanila ang pagkagulat, napatakbo na din si Berto sa gawi namin.
Ma'am akin na po ang b***l ma'am, sabi ni Berto.
Ibibigay ko lang to pag pinaalis niyo na ako dito sa bahay na to.
Sabay sabay naman silang napailing.
Napangisi na lamang ako. Pwes kung ayaw niyo ako palabasin, pasensyahan na lang, sabay ngisi sa kanila. Kita ko ang takot at pagkabigla sa kanilang mukha.
Lalakad na sana ako ng harangan ako ng dalawang bantay sa mansion.
Umalis kayo sa daanan ko!! alis, pasensya na po ma'am hindi po pwede.
Pasensya na din po sa gagawin ko. Agad ko tinutok ang b***l sa kanila, inasinta ko ang kanilang hita. Dalawang putok ang ginawa ko.
Napatingin ako sa lima. Halos namumutla na rin sila.
Napatingin ako sa mga sasakyan na dala nila. Alam ko susundan niyo ako, kaya inasinta ko ang mga gulong ng sasakyan nila.
Shit, natawagan niyo na ba si boss!!!!, rinig kung sabi ni Tom, sabay sabay naman napailing ang mga kaibigan ko.
Pagkalabas ko ng mansion sakto my dumaan na taxi.
Agad ko inihagis ang b***l na ginamit ko.
Kuya sa mall po tayo, sige po ma'am.
Ma'am!!! bumalik po kayo dito !!!!!! ma'am!!!!!.
Dinig ko ang sigawan nila. Napapailing na lamang ako, kahit kailan hinding hindi na ako babalik diyan lalong lalo na sayo Ivan.