Chapter 12

2428 Words
CHAPTER 12: GATHER AND ATTACK Roxanne's POV Tila nabuhayan ng loob ang buong gang nang maibalita na namin sa kanila ang tungkol sa pagpayag ng Dark Spade sa tulong na hiningi namin. Buong akala nila, pumayag ito dahil sa magkakaibigan kami...kung alam lang nila. Pero sa kabilang banda, puwede rin naman siyang matawag na kaibigan. Dahil nu'ng nasa Dark Spade pa si Ranz, close sila. Siguro...sooner or later ay magiging close rin kami—sana. Habang nakatayo sa harapan, nakatulala lang ako sa mga kasama naming miyembro ng Poison Blade. Pinapanood ko lang sila na magdiwang dahil sa sinabi kong magandang balita. Samantalang ako, hindi ko magawang magdiwang. Hanggat hindi natatapos ang problemang ito sa gang na 'yon, hindi ako magiging masaya. Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko, kaya agad ko siyang nilingon. Napangiti na lang ako nang bumungad sa akin ang mapupungay na mata ng boyfriend ko. Kung may natutunaw lang sa tingin, malamang ay wala na 'ko sa kinatatayuan ko ngayon. "Hal, huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, hindi 'yan makakatulong sa atin lalo na sa iyo. Kailangan nating mag-focus sa hinaharap," aniya. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko, ramdam na ramdam ko ang suporta niya sa akin. Siguradong nakita niya sa ekspresyon ng mukha ko ang pag-alala, kilalang -kilala niya ako...ako pa rin ang Roxanne na palaging sinusungitan ni Zeph noon. Ako pa rin 'yung uri ng tao na parang hindi isang street fighter kung umasta. Pero ngayon...ipapakita ko kung paano lumaban ang Roxanne na iyon. *** Kinabukasan, agad naming inasikaso ang pag-iimbestiga tungkol sa Street Ninja. Pagkatapos ng klase ay nagkita kami nina Ranz at Mace sa likod ng Senior High building. "I can't imagine na kalaban na para sa inyo ang small gang na 'yon. Ni hindi ko nga sila ramdam, eh. Actually, nagulat ako na nandito rin pala sila sa MCU. Like, hello? Nandito pala sila...pero as in parang wala lang," maarteng saad ni Mace. Gamit ang impluwensya ng Monte Claro, nagawa naming kumalap ng ilang impormasyon sa loob lang ng maghapon. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Mace, pero kagaya nga ng sabi niya...nasa paligid lang ang kalaban. "Hindi na nakakagulat iyon, Mace. At ang masasabi ko lang, dapat kang humanga sa utak ng lokong iyon. Dahil alam niya paano mag-isip," ani Ranz. Tama si Ranz, mautak nga ang founder ng Street Ninja. Alam niya ang batas na ipinatupad ni Zeph. Monte Claro University ang pinakaligtas na lugar para sa mga street fighters mula noong pinangatawanan na ni Zeph ang pagiging Princess niya. Isa sa naging batas na ipinatupad niya ay ang pagbabawal na magpatayan o magsimula ng away sa loob ng school. Katwiran niya, kahit puro demonyo ang nag-aaral dito...isa pa rin itong school. Kaya mas makakabuti sa lahat kung tingnan nila ito bilang isang school at hindi isang lugar na basta na lang kung dungisan ng dugo. Kaya dito sa loob, kahit kating-kati ka na patayin ang kaaway mo...hindi mo siya puwedeng saktan dahil maaring ikaw naman ang sunod na patayin ni Zeph kapag sumuway ka sa batas niya. "Well, natural na lang para sa akin kung naisip niya ang batas ni Zeph kasi common sense na lang 'yun. So hindi ako ma-a-amaze dahil lang doon," ani Mace saka umirap. "Hindi pa rin natin sila dapat pabayaan na lang. Threat pa rin sila sa amin, Mace," sagot ko. "Siguro nga ay maliit sila kumpara sa gang namin, pero walang malaking nakakapuwing. Sa liit nilang 'yon, mas malaya silang makakakilos dahil tiyak na walang papansin sa kanila," dagdag pa ni Ranz. "Hindi kaya...nag o-over react lang kayo? I mean, baka tinatakot lang kayo sa mga pinagsasabi nila at tine-test kayo kung ano magiging reaksyon ninyo? Alam n'yo na, uso ngayon ang pranks." "Hindi isang simpleng prank ang magbanta na kukunin niya ang gang at teritoryo ng Poison Blade. Plano niya talaga iyon, hindi siya magpapakilala ng ganoon para lang mangloko," ako na ang sumagot. "O baka naman si Tyron mismo ang nang-prank sa inyo? You know what, baliw lang kasi talaga ang kakalaban sa inyo knowing na ka-alliance ninyo ang Dark Spade. And, nandito sila sa teritoryo ng kinakaaway nila...para na rin silang nag suicide n'on," pangangatwiran ni Mace. Tama naman siya, kabaliwan nga ang kalabanin kami dahil nandito rin sila sa loob ng university. Kahit pa may batas na bawal pumatay dito sa loob ng school, madali na lang para sa amin kung ipapa-kidnap namin sila sa ibang miyembro tapos sa labas namin sila papatayin. Bawal lang naman pumatay sa loob, hindi naman sinabi na bawal mang-kidnap. Baka nga si Tyron ang nangloko sa amin? Pero...bakit naman niya gagawin iyon? Anong mapapala niya? Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Ranz. "Hindi mangloloko si Tyron. Kapag ang usapan ay bagay na may kinalaman sa pinsan niya, sigurado akong hindi siya magbibiro ng ganito. Nagka-ganun siya dahil wala siyang magawa para protektahan ang gang. Kaya naniniwala ako, kalaban natin ang Street Ninja," aniya. Hal, paano na lang kung wala ka? Ngayon ko na-a-appreciate ang talino ng boyfriend ko. Akala ko ay sa academics lang siya maaasahan, dito rin pala. "Okay, fine. So paano? Gawin ko na ba ang 'Oplan Assassinate the Founder of Street Ninja'?" "Huwag. Kung Dark Spade ang papatay sa kanila, hindi panalo para sa Poison Blade ang mangyayari." Kumunot pareho ang noo namin ni Mace sa sinabi ni Ranz. Nakangiwing nagtanong si Mace. "Huh? So, ano pang sense ng paghingi ninyo ng tulong namin kung hindi rin naman pala kami ang papatay?" Nakita ko na naman ang nakakalokong ngisi ni Ranz. Alam ko na kapag ganito ang ngisi niya, may maganda siyang plano na naiisip. "Gusto kong mabahala si Xander, gusto kong ipaalala sa kanya na kahit anong oras...puwede natin siyang ipa-patay. Dapat siyang magtanda sa paghahamon niya," aniya habang papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. "I don't get it," sagot naman ni Mace at hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo niya. Ako rin, hindi ko gets ang sinasabi ni Ranz. Kahit hindi ko naiintindihan ang pinapahiwatig ni Ranz, nakaramdam ako ng saya nang magsalita siyang muli. "Pinahiya nila ang Poison Blade noong una, ngayon naman...hindi lang kahihiyan ang mararanasan nila." *** Kasama sina Ranz, Mace, at ilang pang miyembro ng Poison Blade at Dark Spade, pumunta kami sa canteen. Oras na ng uwian dahil hanggang 9pm lang ang school hours dito sa university, pero bukas pa ang canteen dahil may mga eatudyante pa rin dito. Kapag ganitong oras pa naman mas madaming tao sa canteen dahil karamihan ay kumakain muna bago lumabas ng university, siguro iniisip nila baka ito na ang huling kain nila kasi paglabas mo rito susuong ka na naman sa kamatayan. Wala kaming ideya ni Mace kung ano talagang balak ni Ranz. Basta nang malaman niya na nandito sa canteen sila Xander, nag-utos agad siya na ipatawag si Mace at ilang members niya. Nag-utos din siya na magsama rin daw kami ng ilang members namin dahil pupuntahan namin ang Founder ng Street Ninja. Sana lang ay hindi niya maisipang saktan si Xander, dahil kung oo...siguradong problema ang magiging hatid nito kay Zeph pagbalik niya. Pagdating namin sa canteen, agad na bumungad sa amin ang ingay ng tawanan mula sa grupo ni Xander. Halatang nagkakasiyahan pa sila dahil rinig sa buong paligid ang tawa nila, pakiramdam ko ito na ang huling tawa niya. Grupo kaming lumapit sa grupo nila, nakatalikod pa sa amin si Xander kaya hindi niya alam ang pagdating namin. Pinangungunahan kami ni Ranz, nagpaabot siya ng pagbati sa lalaking pakay namin. "Masarap ba ang huling hapunan?" malalim ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Nawala ang ngiti at tawa sa mukha ng limang miyembro ng Street Ninja. Hinarap naman kami kaagad si Xander. "Anong kailangan ninyo?" nasa boses ng kanilang founder ang pagkabahala sa paglapit namin. Nakangiting humila ng isang upuan si Ranz at itinapat ito kay Xander saka siya umupo, nanatili naman kaming nakatayo at tahimik na nakinig sa kung ano ang maaring pag-usapan nila. "Wala naman, kukumustahin ka lang naman namin. Balita ko, ginulo mo raw ang Poison Blade noong isang araw at nagbanta ka pa ng hindi maganda. Alam mo ba ang sinasabi mo noong mga oras na 'yon?" ani Ranz. Sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang ekspresyon ng mukha ng boyfriend ko. Bigla akong kinilabutan, hindi ko akalain na ang ngiti niyang iyon ay katatakutan ko. Para siyang sinaniban ng demonyo, malamig ang kanyang mga tingin at nananatili ang itim niyang awra. Para bang sa isang iglap lang ay kaya niyang kitilin ang iyong buhay. Sinulyapan ko rin ang mga kasama naming Poison Blade na nasa likod ni Ranz, wala silang awra na gaya ng demonyo pero nanlilisik ang kanilang mga mata na para bang handa ng manakmal kahit anong oras. Katabi ko si Mace at nasa likod namin ang mga kasama niyang Dark Spade, hindi ko sila tiningnan pero nararamdaman ko ang kagustuhan ng katabi ko na pumatay. Para bang may awra siya na kukuha ng atensyon mo at mapapalitan ito ng takot kapag tumingin ka sa kanya. Sa isang iglap, naramdaman kong parang hindi ko sila kilala...para silang ibang tao. Ganito ba talaga sila kapag nasa gitna ng ganitong sitwasyon? Palagi ba silang may ganitong awra kapag handa na silang pumatay? "Teka, nagpunta ka ba rito para pagbantaan ako? Ang tapang mo naman, alam mo ba ang ginagawa mo?" Nakangising sagot ni Xander. Sa kabila ng ipinapakita ni Ranz at ng mga kasama namin, nakuha pa rin sumagot ni Xander ng ganoon. Hindi ko alam kung tinatago niya lang ang takot niya para hindi siya mapahiya o talagang maangas pa siya dahil alam niyang hindi namin siya kayang saktan dito. Alam niya ang batas, iyon ang kasiguraduhan niyang hindi siya mapapaano sa ngayon. Doon siya humuhugot ng lakas ng loob para sumagot ng ganito. Pero may tiwala ako kay Ranz, alam kong may plano siya. Hindi niya ipapahiyang muli ang Poison Blade, babawiin niya ang dangal ng gang namin. "Mas bilib ako sa 'yo, naniniwala ka ba talagang hindi ka mapapaano kapag nandito ka sa loob ng university?" isang malamig na boses na naman ang narinig ko mula kay Ranz. Ako ang napalunok dahil sa sinabi niya, kung ako ang nasa posisyon ni Xander...magdadalawang isip na 'ko kung sasagot pa ba 'ko o hihingi na lang ako ng tawad sa mga nasabi ko. Ewan ko ba, iba kasi talaga ang dala ng mga tingin at salita ni Ranz. "Teka...sino ka ba? Bakit mas matapang ka pang magsalita kaysa sa co-leader ninyo?" Naningkit ang mata ko nang mapansin ko ang ngisi ni Ranz sa kanya. Nagpatuloy si Xander sa pagsasalita, "Sabagay, hindi ko naman siya nakitaan ng tapang noong sumugod siya sa amin. Parang siyang asong inagawan ng buto noong tumapak siya sa teritoryo ko, pero umuwi siyang bahag ang buntot. Siya mismo ang nagpahiya sa sarili niya at sa gang ninyo." Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Nananatili pa ring walang imik si Ranz kaya nagsalita siyang muli, "Ano kaya kung...magtulungan tayo para patayin siya? Wala naman si Zephaniah, madali naman natin siya mapapaniwala na may ibang pumatay sa pinsan niya, 'diba?" Sasagot sana ko dahil iniinsulto niya si Zeph, pero agad akong pinigil ni Mace pagbuka palang ng bibig ko...kaya hindi na ko umimik, pinabayaan ko na lang na si Ranz ang sumagot. "Ah, ibig mo bang sabihin ay nag-aalok ka ng pabor kapalit ng buhay mo? Tinatablan ka rin pala ng kaba." Ngumiti ng pilit si Xander. "Hindi ako kailaman kakabahan sa mga katulad ninyong pulgas lang kumpara sa isang matapang na asong kagaya ko." "Ang pulgas na tinutukoy mo ang palaging kumakagat sa asong madumi, binubulabog nito ang buong katawan niya. Wala nang katahimikan ang buhay niya dahil sa mga pulgas na iyon." Ilang sandali ang naging ngiti niya bago sagutin si Ranz. "Hindi mo ko mapapatay dito, kaya tumahimik ka," aniya. Muling nagpakita ng ngisi ang kaharap niya. "Nakakasiguro ka ba? Mag-isip ka nga...kung sino ang binabangga mo at kung sino ang kasama ng binabangga mo. Hindi mo kami kaya, kahit pa aso ka at pulgas lang ang turing mo samin...mas marami kami sa 'yo. May malalaking pulgas na nakatira rito sa pinaglulunggaan mo. Kaya ka nilang pinsalain kahit kailan nila gusto...kaya mag-ingat ka. Hindi na ligtas ang lugar na ito para sa 'yo." "Hindi n'yo 'ko kaya, hanggang salita ka lang." matapang pa rin talaga magsalita si Xander, masyado talaga siyang tiwala na hindi siya mapapaano. "Tama ka, salita lang ito...sa ngayon. Padadalhan kita ng maraming sorpresa, abangan mo." Tumayo si Ranz, kitang-kita naman sa mukha ni Xander ang pamumutla. Gusto kong tumawa kasi natakot siya. Siguradong titigilan na niya ang panggugulo sa gang. Sinamaan ko siya ng tingin. "Never underestimate Poison Blade, you moron," mahina kong sambit pero sapat naman para marinig ni Xander saka sumunod kay Ranz sa paglalakad. Lumabas kami ng canteen, naunang naglalakad si Ranz kasunod kami ni Mace at nasa likod naman namin ang ibang miyembro. "Hey, that's it?" hindi makapaniwalang bulalas ni Mace. Tumabi si Mace kay Ranz sa paglalakad habang ako ay nanatili sa likod nilang dalawa at tahimik na nakinig sa usapan nila. "Wow, pinatawag mo pa 'ko tapos nagsama pa ko ng ibang members...then I just stand there doing nothing? Ano tingin mo sa 'kin, display?!" "Kumalma ka, hindi ka display. Malaki ang naging papel mo kanina kahit hindi ka nagsalita." "Yeah, I just show my face there and let the other students think that—" "Poison Blade and Dark Spade really form an alliance." Natahimik bigla si Mace, habang ako ay nagkaroon naman ng ideya sa plano ni Ranz. Napahinto siya sa paglalakad kaya pati kami ay napahinto na rin. "Matagal na ang alliance ng dalawang maimpluwensyang gang dito sa MCU, pero ni minsan, hindi nila nakita na nagkaroon ito ng pagsasama sa kahit anong pagkakataon. Pero sa pinakita natin kanina, sa pagsama mo sa pagbabanta sa founder ng Street Ninja...tiyak na alam na nilang mayroon nga tayong alyansa kahit pa wala si Zeph." "What?" Halos hindi maiproseso ni Mace ang mga nangyari. Habang ako...tahimik na nag-celebrate sa isip ko. Tama si Ranz, masisindak at mapapahiya nga ang Street Ninja dahil sa ginawa niya! "Tandaan ninyo, simula palang ito ng pagpapahiya natin sa maliit na gang na 'yan. Hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Hindi ako titigil hanggat hindi nanginginig sa takot ang asong 'yon na nagpapanggap na matapang." Sabay kaming napangiti ni Mace, nagkatinginan na lang kaming tatlo saka sabay-sabay na naglakad papunta sa base ng Dark Spade at doon ay magkakasamang nag-celebrate sa pagkapanalo namin sa gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD