Chapter 11

2412 Words
CHAPTER 11: DEFEND Roxanne's POV "Good morning, class." Napabuntong hininga ako, simula na naman ng klase pero nakuha ko na ata kay Zeph ang ugali niyang walang gana kapag oras ng klase. Lutang ang isip ko, wala ako sa mood para makinig sa lesson namin. "May problema ba? Bakit ganyan ka?”" Hinawakan ni Ranz ang kanang kamay ko. "Iniisip ko lang—" "Alam ko na, si Zephaniah na naman 'yan, 'diba? Hindi ka ba napapagod kakaisip sa babaeng 'yon?" Ngumiwi ako sa kanya. "Hindi siya, 'no. Iniisip ko lang ang tungkol sa Street Ninja. May palagay ako na seryoso silang kalabanin ang Poison Blade." Seryoso ang tingin sa akin ng boyfriend ko at halatang hindi niya rin nagustuhan ang sagot ko. Pero kahit mukha siyang galit...pogi pa rin siya paningin ko. "Dapat ba 'kong matuwa na hindi mo na inaalala si Zephaniah ngayon?" Sinamaan ko ng tingin si Ranz kaya agad niyang hinalikan ang kamay ko, parang wala kami sa gitna ng klase kung mag-usap. Hindi naman sa wala na talaga sa isip ko si Zeph, ako ang babaeng ipinanganak para mag-alala sa kanya. Wala naman akong ibang close friend at best friend kundi si Zeph lang, kaya imposibleng hindi ako mag-alala sa para kanya. Hindi ko lang talaga pinapahalata kay Ranz 'yon dahil siya naman ang nag-aalala para sa akin. Pero totoo rin naman ang sinabi ko sa kanya na iniisip ko rin ang banta ng Street Ninja sa gang namin. "Biro lang, kumalma ka muna ngayon. Mamaya natin pag-usapan ang tungkol sa papansin na gang na iyon, makinig ka muna sa klase. Hindi ako sanay na hindi ka focus sa pag-aaral, eh." sabi muli ni Ranz. Bumuntong hininga 'kong muli saka lumingon sa harap. Medyo nainis ako dahil hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Ma'am Fuentes. Sabagay, mula nang umalis si Zeph...ganito na ako. Pumapasok ako sa klase kasama si Ranz pero wala sa lesson ang isip ko. Sobrang laki ng tampo ko sa kanya dahil umalis siya na hindi manlang nagpapaalam sa akin, alam naman niya na worrywart ako. Noong una, gusto ko siyang hanapin. Gusto ko siyang pagsabihan na mali ang ginagawa niya. Pero nang malaman ko mula kay Tyron na may bagay pa siyang sinisikreto sa pinsan niya, bigla kong naramdaman na deserve niya ang lumayo...bigla kong naintindihan ang ginagawa niya. Kaya kahit may tampo ako sa kanya, hindi ko pa rin nakakalimutan na mahal ko siya. Siguro nga ayaw niya rin magpahanap, kaya 'yung mga iniwan na lang niya ang pagtutuunan ko ng pansin. Gagawin ko ang makakaya ko para mapangalagaan ang Poison Blade. *** Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta ni Ranz sa hideout ng Poison Blade, kailangan kong tipunin ang gang at kausapin sila tungkol sa Street Ninja. Ang hideout namin ay pina-renovate ni Zeph, may magandang design at mga gamit ang lugar na ito. Sa labas, mukha lang itong inabandonang building pero kapag nakapasok ka sa loob...para kang nasa isang condominium. Sinadya niya iyon para hindi raw alangan tingnan sa labas dahil sa mga kahelera nitong lumang bahay at building rin. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, mayaman pero mas pinili pang mag-lagi rito sa abandonadong building sa looban ng eskinita. Komportable naman sa lugar na ito, may sapat din na pagkain para sa lahat kapag nagutom ka. Mayroon ding TV at iba pang appliances kapag gusto mo maglibang. Tuwang-tuwa nga ang gang nang maisipan ni Zeph na gawin ang mga iyan, eh. Maraming kwarto ang building na ito at isa ako sa nabigyan ni Zeph ng sariling kwarto rito. At mas komportable ako kasi payapa akong nakahiga habang nakaunan sa mga hita ni Ranz na nakaupo sa sofa...abala siya sa paglalaro ng cellphone niya. May rason bakit gusto ko makausap ang gang, may plano ako na naisip para harapin ang Street Ninja at gusto kong sabihin 'yon sa kanila. At isa pa, may ibang bagay pa 'kong gustong sabihin. Hindi ko maaring palampasin ang mga insektong nagnanais magkalat ng dumi sa mga kalyeng pag-aari ni Zeph. Kahit hindi ko tungkulin ang kumilos para sa gang, gagawin ko ito para sa best friend ko. Wala akong kakayahan na hanapin siya o tulungan manlang sa pinaglalaban niya, kaya kahit sa ganitong paraan manlang ay makabawas ako sa problema niya. Mahal ko ang mga bagay na mahal din niya. Saksi ako kung paano niya pinaghirapang ayusin ang Poison Blade...kaya alam kong masasaktan ng husto si Zeph kapag nalaman niyang napinsala ito. At hindi ko 'yon hahayaang mangyari! "Sigurado ka ba talaga sa gagawin mong ito? Kasi hindi mo naman ito dapat ginagawa, si Tyron ang dapat sumasalo ng trabaho ni Zephaniah," ani Ranz. Siya lang ang kasama ko rito sa hideout, wala pa kasi ang ibang miyembro. Nag-utos ako sa isang miyembro ng gang na kaklase rin namin na tipunin niya ang lahat, pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila...may isang oras na yata kaming naghihintay. Napabuntong hininga ako. "Sa tingin mo ba, kikilos ang topakin na 'yon? Nakita mo naman ginawa niya kahapon, 'diba? Para siyang bata na inagawan ng pagkain kung mag-inarte, lalo siyang nakakahiya tingnan nang umiyak siya sa harap natin," sabi ko naman. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang boyfriend ko. Kanina lang, sobrang supportive niya...ngayon naman, kinokontra ako. Hal, anueba? "Hindi natin alam ang pinagdadaanan ni Tyron. Tiyak na may dahilan bakit siya gan'on. Kahit papaano, nakasama ko siya sa Dark Spade dati kaya kilala ko siya. Ngayon lang siya nagkagan'on." Napalunok ako dahil sa sinabi niya, may punto naman siya r'on. Ang kaso... "Inis ako sa kanya, kahit anong paliwanag mo...inis pa rin ako." Ewan ko ba, gusto kong pangalagaan ang mga bagay na malapit kay Zeph at kasama na dapat doon ang pinsan niya...pero kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'yon. Napaka insensitive kasi, ano naman kung may mga issue siya sa buhay? Ganoon din naman kami, pero hindi kami nag-inarte gaya niya. "O sige na, hindi na po 'ko lalaban." Ngumiti na lang ako kay Ranz. Gustong-gusto ko talaga ang side niya na ganyan—napaka supportive. Ang swerte ko talaga na siya ang boyfriend ko. "Apilit, nasa lobby na ang mga pinatawag mo." Sabay kaming napalingon ni Ranz nang marinig namin iyon. Agad akong tumayo sa pagkakahiga at inaya ko na siya na puntahan ang mga dumating. "Akala ko balak n'yo pa akong paghintayin hanggang gabi, eh." Bati ko nang makaharap ko silang lahat. "Ano ba ito? Bakit gusto mo kaming makausap?" Hindi ko kilala ang lalaking nagtanong, kaunti lang kasi ang kilala ko sa kanila. Kasama na doon ang kaklase kong si Zach na inutusan ko para tawagin sila. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Dalawang bagay ang gusto kong pag-usapan natin, una ay tungkol sa Street Ninja at pangalawa ay si Tyron. Anong gusto n'yong mauna?" Hinayaan lang ako ni Ranz na magsalita, nanatili lang siya sa tabi ko. "Kung ako ang tatanungin mo, wala akong pakialam sa walang silbing co-leader na iyon. Kaya mabuti pang sabihin mo na lang ang tungkol sa Street Ninja," sagot naman niya. Tumango ako sa kaya saka ko iginala ang tingin ko sa kanilang lahat. "Sa pag-alis ni Zeph, sinamantala ito ng mga may galit sa kanya at nagsisimulang gumawa ng pangalan sa mga teritoryong hawak natin. Wala ang leader natin, pero hindi ibig sabihin ay wala na rin tayong gagawin para pigilan silang guluhin at sirain muli ang gang na pinaghirapan ni Zeph na ayusin." Tahimik lang sila kaya patuloy akong nagsalita, "Ayon kay Tyron, kunai ang simbolong armas ng Street Ninja at aminin na nating disadvantage iyon sa atin dahil dagger ang gamit natin. Kaya ang suggestion ko, gusto ko sanang hingiin ang tulong ng Dark Spade sa problema nating ito. Ka-alyansa natin sila at mas magagamit natin ang simbolong armas nila." Hindi ako sigurado kung tama ang sinasabi ko, pero bahala na... "Kinausap ko kayo para hingin ang pagpayag ninyo tungkol dito. Gusto ko na rin kayong tanungin kung may masasabi ba kayong ibang ideya bukod sa sinabi ko. Kailan na nating kumilos habang hindi pa lumalago ang sungay ng leader ng gang na 'yon." Sumagot ang lalaking katabi ng kausap ko kanina, "Tama ka, mas mainam ngang ipanlaban sa Street Ninja ang card kaysa sa dagger...pero hindi tayo makakasiguro na papayag ang Dark Spade na tulungan tayo. Kalaban sila ng gang natin noon pa at dahil lang kay Zephaniah kaya naging ka-alyansa natin sila. Ngayong wala siya, malabo yata ang gusto mo." Napalunok ako, hindi pala ganito kadali ang nangunguna sa pagsasalita. "Sa tingin n'yo ba...ta-traydurin tayo ng Dark Spade ngayong wala si Zeph? Wala naman siguro masama kung susubukan natin, 'diba?" "Kung kaibigan n'yo ang kambal na Monte Claro, maganda ang plano mo," ani Zach. Kaibigan? Puwede ko bang matawag na kaibigan sila Mace? Si Zeph lang ang kinakausap niya at mula nang umalis siya, wala na kaming naging pag-uusap ni Mace bukod sa pagpunta namin kay Katrina. Importante ba talaga kung kaibigan namin sila o hindi? Sinabi ko ang ideyang iyon dahil alam kong ka-alyansa namin sila. Hindi pa ba sapat na rason 'yon para tulungan nila kami? Hinawakan ni Ranz ang kamay ko, napansin niya sigurong hindi ko napaghandaan ang sitwasyong ito. "Hal, ako na ang bahalang kumausap kay Mace," aniya. Ngumiti ako sa kanya. "Sasamahan kita." Humarap ako muli sa kapulungan. "Kami nang bahala ni Ranz na kumausap kay Mace para hingin ang tulong nila." *** "You want us to help? Duh, why would we do that?" Naiilang akong kausapin si Mace, hindi ko talaga matagalan ang ka-malditahan niya at ang pag-iinarte niya. Pero wala nang atrasan 'to...kailangan namin ng tulong niya. Kanina pa namin siya kinukumbinsi na tulungan kami, pero heto siya at pinaglalaruan kami...halatang wala talagang balak na tulungan kami. "Ka-alyansa ng Poison Blade ang Dark Spade, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para tulungan mo kami?" si Ranz na ang sumagot kay Mace. "Yeah, tama ka...bumuo ng alliance ang gang natin but..." Ngumisi si Mace, talagang pinaglalaruan niya lang kami. "That alliance formed when Zephaniah is here. Ngayong wala na siya, wala na ring alliance ang gang natin. So, bahala na kayo sa buhay ninyo. Besides, kayo lang naman ang kaaway ng gang na sinasabi ninyo...bakit kami makikisali?" "Mace—!" Hinawakan ako ni Ranz dahilan para matigil ang pagreklamo ko. "Kung gan'on, tama pala ang balita...inuuto lang talaga ng leader ninyo ang leader namin para makuha ang impluwensiyang gusto niya. At ngayong naganap na ang alyansa, hindi na nga naman mahalaga kung narito siya. Dahil sa mata ng lahat...sila na ang pinakamlakas sa buong kalye dahil sa alyansang naganap. At ngayong wala si Zephaniah, si Claude ang sumasalo ng lakas na iyon. Ang galing ninyo, nakamit n'yo ang gusto n'yo nang walang kahirap-hirap." Napatingin na lang ako kay Ranz nang sabihin niya iyon. Hindi umimik ang kausap namin kaya patuloy siyang nagsalita, "Akala ko pa naman ay kaibigan kita, Mace. At akala ko...iyon din ang tingin mo sa akin at sa iba pa. Malamang, palabas lang ang pagsama mo sa amin sa paghahanap kay Zephaniah para magmukhang magka-alyansa nga ang gang natin. Hindi ko akalain na ganyan ka pala." Napayuko na lang si Mace. Muling nagsalita si Ranz, "Sige, aalis na kami. Pasensya na sa paglapit namin sa 'yo. Bilang boyfriend ng babaeng pansamantalang leader ng Poison Blade...ako na ang tatayong co-leader niya. At dahil sa pagtanggi mo, pinuputol ko na ang alyansang nabuo sa pagitan ng gang natin." "Ranz! Ano bang sinasabi mo? Hindi tayo puwedeng magdesisyon ng ganyan! Wala tayong karapatan." Kahit pa kami ang pansamantalang namumuno, hindi pa rin tama na pakialaman namin 'yun. Seryosong siyang tumingin sa akin. "Kung nandito si Zephaniah...ito rin ang gagawin niya, Roxanne. Nabuo ang alyansa para tulungan ang isa't isa, pero kung hindi iyon tutuparin ng Dark Spade...wala nang saysay ang alyansang nabuo." May punto ang sinasabi niya, pero kung uuwi kami na hindi nahingi ang tulong ng Dark Spade...mabibigo namin ang buong gang. Sinabi namin sa kanila na kami nang bahala pero sa nangyayari... "Umalis na tayo, Roxanne." Hinawakan ni Ranz ang kamay ko at inakay palabas. Sa huli, hindi rin ako nakaimik. Ang lakas ng loob kong sabihin na pag-iingatan ko ang mga naiwan ni Zeph...pero ano itong ginawa ko? Naputol ang alyansang binuo ng kaibigan ko. Sinira ko ang mga bagay na pinaghirapan niya. Sorry, sorry Zeph... "Wait lang! Oo na, sige na! Tutulungan na namin kayo. Huwag n'yo lang putulin ang alliance." Napangiti ako ng palihim nang sabihin iyon ni Mace. Nakangisi si Ranz paglingon sa kanya. "Akala ko ba ngayong wala si Zephaniah, wala na ring alyansa ang gang natin?" "Yeah. I mean...sinabi ko lang 'yun...but the truth is...si Claude pa rin ang masusunod. So, wala ako sa posisyon na sabihing—" "Mali ka. Simula pa lang, hindi ka talaga niya binigyan ng karapatan na magdesisyon para sa Dark Spade. Isa ka lang puppet na dapat sumunod sa lahat ng inuutos niya. At kapag gumawa ka ng desisyon na walang pahintulot niya, tiyak kong kahit mag-makaawa ka...hindi ka niya mapapatawad." Nagugulat ako sa nangyayari, hindi ko akalain na alam 'yan ni Ranz. "Alam mo naman pala, eh! So, bakit ako ang nilapitan ninyo?" "Dahil gusto kong ipamukha sa 'yo na hindi bato ang leader namin. Kahit wala siya, kikilos pa rin ang mga miyembrong naiwan niya para pangalagaan ang gang na binuo niya. Tao ang leader namin, Mace. Hindi niya kami tinuring na puppet...kundi isang kaibigan." Pagkatapos namin sabihin kay Mace ang plano namin na pagsugod sa Street Ninja ay iniwan na namin siya na nakatulala na lang. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa kuta ng Poison Blade. "Hal, bakit ang tahimik mo? May problema ba?" Nilingon ko si Ranz. "Wala naman...iniisip ko lang si Mace. Kung ako siguro nasa posisyon niya, masasaktan ako sa mga sinabi mo." "Dati akong miyembro ng Dark Spade kaya alam kong alam rin ni Mace na wala siyang magagawa kapag walang sinabi si Claude." "Kahit na, nasaktan pa rin siya. Sigurado 'yun." "Kasalanan niya 'yon, pinagti-trip-an niya tayo kaya pinag-trip-an ko rin siya. Hindi lang si Zephaniah ang nauuto." "Hal, kung alam mo rin palang si Claude lang ang puwedeng magdesisyon para sa Dark Spade at alam mo rin na tiyak na tutulong sila, bakit kay Mace tayo lumapit? Bakit hindi na lang tayo dumiretso sa kay Claude?" "Siya ang kaibigan natin, tama? Kaya siya ang dapat nating lapitan." Napangiti ako, hindi ko talaga naintindihan ang ibig sabihin ni Ranz pero tama siya...mas masarap lapitan 'yung kaibigan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD