CHAPTER 2

1465 Words
"Talaga? Ang swerte mo naman nakaka usap mo ang kambal ni Nikko." "Isang araw na ang nakakaraan Shella. Ewan ko nalang kung mauulit pa 'yon. Anyway ang bait no'n unlike sa isa, saka magkamukhang magkamukha sila. Hindi ko lang lubos maiisip na nag pa sub naman si Nikko sa kakambal niya?" Nagkibit balikat lang si Shella at nag paalam akong pumunta sa restroom. "Punta mo na ako a bathroom." Tumayo ako at naglakad. Bakit kaya kinausap niya ako? Di'ba dapat ay i-ignor niya nalang ako kasi Kleron siya? Mag fi-feeling maangas siya ganon? Bakit ko naman 'yon pinu-problema Ang laki na nga ng problema ko sa isang 'yon tapos dagdagan pa ng isang 'to. Pagkatapos kong mag bathroom ay paglabas ko nakita ko, napa isip tuloy ako. Sino kaya 'to? Naka bonet ito ng white at patakilid ang buhok nito. Ganito rin ang buhok nong isa. "Hi." Tawag ko. Hindi ako sure kung sino 'to pero malakas ang kutob kong ito yong si Nokki, ang nakausap ko kahapon. "Mag sisimula ka na ba ngayon? Hindi na kasi kita nakita kahapon ng hapon." Ngumiti ako. Akala ko hindi siya sasagot, pero bigla siyang ngumiti. "I was busy." Kumindat pa ito. Siya nga. Nakahinga ako ng maluwag. "God akala ko iyong demonyo-" natahimik ako. "Joke lang ito naman halika kain tayo. Libre kita." Nahawakan niya ang braso siya. Ang sakit ata ng pag kaka palo ko? "Sige, basta libre mo." Ngumiti ako. "Libre ko nga di ba? Halikana nga." Nagulat ako ng akbayan niya ako. Sa kalagitaan kami ng paglalakad ng tumigil siya. "Oh bakit?" Namulsa siya saka tumingin saakin ng deretso. "Hoi." Nilapitan ko siya ay aakmang papaluin sa braso ng pigilan ng mga kamay niya to. Marahan niyang binaba ang kamay ko. Nanlaki parin ang mga mata ko. "Stay away from him." Napa atras ako sa gulat. Pero agad na ngumisi siya. "Hindi mo naman ata gustong mawalan ng scholarship sa school na ito?" Umiling ako. "H-hindi." "Ang dali dali mo palang maloko." Bulong niya. "I'm not Nokki, I'm n Nikko baby." Uminit ang katawan ko ng kagatin niya ang puno ng tainga ko. "See yah!" Pagkatapos ay namulsang iniwan ako. Shockss! A-akala ko siya si Nokki Napa awang talaga ang labi ko. Ang tanga tanga mo pinalo ko ang ulo ko saka tinignan siya at nasa malayo na talaga siya. Paano niya nalaman 'yon? Oh f**k! Ang daldal ko pala kanina. Dahil sa kahihiyan parang ayoko ng pumasok ng school ng tuluyan. Parang gusto ko ng bumalik sa probinsya namin, si ate key naman kasi eh. Bakit ba pinipilit akong mag aral dito sa sikat na skwelahan na ito. Nag ta trabaho siya bilang janitress sa isang kompanya para matustusan lang kami. Kakatapos lang ng last subject namin sa hapon. Pauwi na kami halos lahat, pero si Shella sobrang kulit, gusto manood ng nag pa practice sa gym. May mga basketball player daw na nag pa practice para sa darating na laban. Agad na 'rin akong pumayag. Napa upo kami sa may malapit sa court. Lahat ng babae nag hihiyawan at pangalan lang naman ni Nikko ang sinisigaw. Agad akong kinabahan ng nakatingin pala siya sa gawi ko. Nagulat ako ng nginitian niya ako. Pagkatapos ay kumindat. "Bes... Totoo ba 'to?" Niyugyug niya ako, "Kinindatan ako ni Nikko... Bes nginitian niya ako." Pawisan si Nikko at mas lalong nagiging gwapo ito sa paningin ko. Sumigaw ang kots nila na mag re-rest muna sila. Nagulat ako ng lapitan niya kami. Aakmang tatayo ako pero pesteng yawa si Shella, kilig na kilig. "Bes lumalapit siya bes.. Lumalapit." Napatingala ako ng nasa harapan niya kami. Napa angat naman kami ng tingin. May itinapon siya sa 'akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil isang card yon. Nanduon ang pangalan niya at ang number niya. "Dinner with me, at 7 o'clock sa Restaurant. Dont be late." Napatanga ako. Lahat ng mga kababaihan ay nakatingin sa gawi namin ni Shella. Kahit si Shella puro hiyaw at hindi mapakali dahil sa kilig. Ano na naman 'to? ... Itinapon ko na naman sa kama ang card na binigay niya. Tatawagan ko ba siya? Hindi ko pa siya gaano ka kilala at bago palang siya. Pero bakit sinasabi ng utak kong tawagan siya? Nakaka lito Lalo na at ngayon ko palang halos siya kilala at ang kambal niya, baka si Nokki 'yon at nag at papanggap lang na si Nikko? E, never naman akong papansinin ng Nikko na 'yon. Snobber Iyon, demonyo at di ngumingiti. Pero in the end natawagan ko parin ang kumag. "Where are you?" Siya na ang unang nagsalita. "H-hindi ako pwedi eh." Nakagat ko ang labi ko dahil sa pag sisinungaling ko. "Nasa baba na ako ng apartment mo-" "What?" Napatayo ako. Agad ko siyang sinilip sa bintana at duon siya naka pamulsa ang isang kamay at hawak ang cellphone ang isa pa... "N-nag bibiro ka lang diba?" "Nope. Pupuntahan ba kita dito kung nag bibiro ako?" I heard him chuckled. Mas lalong bumilis ang puso ko. "N-nikko-" "Lumabas kana o papasukan kita?" Mas lalong lumaki ang mga mata ko. "H-hindi mo gagawin 'yan?" "I can do that." Aakmang sisipain niya ang pintuan ng sumigaw ako. "Oo na... Baba na ako." Mabilis akong bumaba at binuksan ang pintuan. Nagtama ang mga mata namin ulit at Naibaba na niya ang cellphone at naka tingin sa katawan ko. "Wala kang balak na mag palit?" Hindi parin ako makapagsalita. Nakaka bigla kasi talaga ang pangyayari. Lalo na at pumunta siya dito para sunduin ako. "M-mag palalit na." Aakmang sasaraduhan ko siya. "Wala kang balak na papasukin ako?" Mas lalo akong kinabahan. Jusko, kilala ko lang siya sa pangalan pero baka halayin niya ako dito, anong laban ko? Lalaki siya babae ako. "No, I can't do that." Umiiling siya. "Wala akong balak na masama, jeez. Papasukin mo ba ako o-" "Oo na." Binuksan ko ng maluwag ang pinto. Agad na tinuro ko ang matigas na upuan. "Umupo ka mo na at maliligo lang ako. "Thanks." ... Pagkatapos kong maligo ay agad niya ako inakay pasakay sa sport car niya. "Sigurado ka?" Tumawa lang siya. "I mean di pa natin kilala ang isat isa baka naman-" "Calm down. We are getting to know each other stage. No worries, di ka naman ata papayag na mag s*x tayo diba?" Napa ubo ako. Anong klaseng bungangang meron 'to? "Okay, gusto kitang makilala." habang ang mga mata ay nasa kalsada. Hindi parin ako nagsalita pero wala namang mali kong.. "Ana right?" Tanong niya. "Tama ako diba?" Ang weird. Bakit ang ingay niya ngayon? Hindi kaya siya si Nokki at nag papanggap lang.. ang Nokki kasi na iyon ay ngumingiti sa akin, tapos nong first day naman ay suplado? Saan ba talaga sa kanila ang totoo. Self nakakapagod mag isip ng ganito. "Alam ko na we-weirduhan ka sa akin. Pero ganito ako eh, maingay ako." Sabi pa niya. Naka titig lang ako sa kaniya, smiling face din 'to. Hindi gaya nong sa first day niya palaging simangot. "Ang weird ba? Hindi kasi ako iyong pumasok noong first day si Nokki 'yon. Hindi talaga siya nag sasalita at mainitin ang ulo." "S-sino 'yong bumugbog sa mga studyante?" "Si Nokki at ako rin ang nasa restroom sa labas na nakausap mo kahapon." He smile, and his eyes telling everything. "Anyway gusto kita." Mas lalo akong napa ubo at nag break naman siya. "Okay ka lang?" "H-hindi...Hindi ako okay." Ngumiti siya. "Ang ganda mo talaga." "Stop saying that." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Agad siyang natahimik. "Sorry, nong first day hindi ako 'yon. Si Nokki 'yon. Ayaw niya talaga pumasok sa school na 'yon dahil he remember Krystal ang Ex niya. May ginawa kasi akong importante that day kaya pinag sub ko na muna siya." Ngiti ngiti pa ito. "Nakakalito ano ba!" muntikan ko na s'ya masigawan kahit diko pa halos kilala ang isang 'to. "Ganito nalang dahil wala naman siya dito kilalanin mo ako. I am Nikko Kleron pinaka gwapo sa angkan namin." Naiinis ako Bakit ba ang cute niya? Ibig sabihin hindi siya iyong nang agaw ng upuan ko? At Hindi rin siya iyong nabangga ko na seryoso ang mukha. Akala ko mas gusto ko si Nokki na ganito pero iba pala ang personality ng dalawa. "Na ikwento ka niya sa akin, then kanina binayagan mo ako. f**k, really naninipa ka ng alaga?" Inis na bumaling ako sa labas may saltik ata itong isang 'to. "Ikaw palang nakilala ko kanina, and hope magustuhan mo rin ako." Binalingan ko siya. "Hindi mangyayari 'yon" "Then gusto kita." Napa awang ang labi ko. "Bakit mo ako gusto? Taena kanina palang tayo nagkita-" "Because I like you." Ngumisi siya. "Tara nagugutom na talaga ako." napangiti ako ng mag reklamo siya sabay taas ng nguso niya. Si Nikko ba talaga 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD