Nag order na siya ng pagkain at patuloy lang din siya naka ngiti."Kain ka na." Nakatitig lang ako sa mga pagkain. Ang dami naman ng inorder niya. Napalunok ako habang siya ay naka ngiti.
"Bakit ang dami nito?" Tanong ko bigla.
"Para sayo Ayaw mo?" Biglang nalungkot ang mukha nito.
"N-no... I mean ang dami naman kasi." Napayuko ako dahil sa hiya.
"It's okay, i-take out mo nalang pag di mo na ubos." Naka ngisi parin ito. Totoo ba ang nakikita ko? Ngumingiti siya. Tapos namamansin? Naiisip ko tuloy kung anong ugali nong kakambal niya. Sabi niya kasi, seryoso iyon at mainitin ang ulo. Unlike sa kaniya napapansin ko talagang masiyahin ang totoong Nikko at sana hindi siya nag papanggap.
"Let's eat?" Tumango ako.
Nag simula kaming kumain, at andami niyang tanong lalo na sa life ko.
"Ilan kayong mag kakapatid?"
"Tatlo, nag iisang lalaki."
"Wow, saan sila ngayon?"
"Sa probinsya. Ako lang ang nag aaral sa ngayon." Sumusubo parin ako ng pagkain. Hindi ko siya matignan, ang awkward lang talaga. Masyado siyang smiling face. Hindi ako sanay sa awra niya.
"Lima kaming mag kakapatid, ako ang panganay sa triplets..." He paused. "Ang dalawang kuya kong kambal, ay may mga kaniya kaniya na silang sariling buhay. What I mean is may freedom na sila kahit makulong sila wala na kaming pakialam duon. Ang importante matatanda na sila. Hindi mo ba itatanong ang idad ko?" Tumaas ang tingin ko sa kaniya.
"Ano nga ba?"
"Secret." Ngumisi siya. "Ikaw edad mo?" He ask.
"Secret din. Pata fair." Napangiti ako Dahil duon. Bakit ba kinikilig ako sa gwapo ba naman ng lalaking nasa harapan ko?
"Alam ko." Umupo siya ng tuwid.
"19 ka na diba?" Tumaas ang sulok ng labi ko.
"H-how did you know?"
"Magaling ako eh." Kumindat pa siya.
"Ikaw?" Tanong ko.
"19 turning 20. Malapit na iyon, pumunta ka sa birthday namin ah."
Really? Hindi niya ako kilala pero bakit parang matagal na niya ako kilala?
"Dont worry you're my special guests."
"Busy ako." Sabi ko nalang. Heto nalang ang last at first na kakausapin ko siya. Hindi pwedi ang ganito, gusto kong maka pagtapos ng pag aaral para maka tulong sa kay nanay at ate. Nang matapos ako ay siya narin ang nag take out sa mga pagkaing natira. Sayang naman, gusto ko rin kainin pag boring ako. Naka pag tipid pa ako ng pera dahil sa kaniya. Hinatid niya ako sa tapat ng apartment ko. Malapit din naman 'to sa school kaya Hindi mahirap mag commute.
"Sabay tayo bukas ah? Susunduin kita."
Tinignan ko siya. "Nikko." Nakagat ko ang labi ko.
"Yes?" Nakangiti parin siya.
"Alam ko mabibigla ka, pero hindi pa natin kilala ang isat isa at ayoko nang ganon. Bukas gagawin ko ang dati iyong hindi kita kilala, at hindi mo ako kilala. Nakaka bigla kasi eh. Ayoko ng ganito. Wag ka ng mag papakita sa 'akin."
Pagbaba ko ay dumeretso ako sa pintuan at agad na lumingon nakita ko siya sa driver seat at malungkot, hawak hawak niya ang minebela, tinalikuran ko na siya ng tuluyan. Mahirap na baka mas lumalim pa ito.
...
Pagka umaga gaya ng dati, papasok na naman at mag aaral. Hindi ako masyado nakatulog dahil sa nangyari kagabi, lalo na sa mga pinagsasabi niyang "he likes me." At hindi ako naniniwala duon. Pagka bukas ko sa pintuan ko nagulat nalang ako ng nasa harapan siya ng apartment ko naka pamulsa at naka ngiti.
"Hi!" Kumaway siya.
"N-nikko?"
"I told you, sabay tayo diba?"
"I told you, s-stay away-"
"I told you gusto kita."
Shit.
"Bahala ka." Iniwan ko siya at nag lakad. Mag aabang lang ako ng traysikel. Pero nagulat ako ng nasa harapan ko na ang kotse niya.
"Baka ma late ka." Simangot na sabi niya. "And I don't want that." Nag papa cute ba ito?
"Mauna ka na Maaga pa naman." Bumaling ako sa kalsada. Hoping na may dadaang traysikel.
"Sumakay ka na please?" Pagkuwan ay ngumiti siya. "Please pretty." Napalunok na naman ako.
"Lilinawin ko lang sayo... Hindi kita gusto." Iniwan ko siya at nag lakad naman. s**t, mag lalakad ba ako buong mag hapon nito? Nasa likod lang siya dahan dahan nag papatakbo ng kotse para masundan ako.
"Alam mo stop this-" nagulat ako ng nasa harapan ko na siya.
"I won't force you. But this time let me drive you at school." Nag mamaka awa ang tinig nito lalo na ang mga mata nito nasa kotse niya ako. Tahimik at di umiimik.
"Salamat, I'm happy to see you again. Ginaganahan tuloy akong mag aral nagyon." Bumaba ang tingin ko sa suot niya.
"Hindi ka naman nag uniform." Sambit ko.
"Gusto mong nag uniform ako?" Gulat na sabi niya habang naka ngiti for real? Ano ang nakain ng isang 'to.
"Teka I can wear uniform kung gusto mo-"
"Hindi na mas gusto kong kusa kang mag uniform Hindi dahil sa akin."
"Salamat baby." Nakangisi ito.
Creepy, Pero dahil gwapo naman siya mas lalong hot sa paningin ko.
Pweding maka pasok ang sasakyan niya dahil sakanila naman 'to eh, pero habang pina park niya iyon na una akong mag lakad. Pero ramdam kong tumatakbo siya at hinabol ako.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" Hindi ako nag salita ang daldal niya. Habang nag lalakad kami ay may nasasabay kaming lalaki, naka earphone 'to at unti unti kong mapag tantong kamukha ni Nikko ito.
"Bro..." Inakbayan ni Mikko ito pero parang wala din sa lalaking inakbayan niya ang ginawa niya.
"Wait up, why are you here?" Gulat na sabi niya dito. Napa tigil din ako sa pag lalakad dahil tumigil 'to.
"Bored ako." Sabi nong may earphone.
"Bored o gusto masilayan si Krystal?"
Hindi na nagsalita si Nikko bagkos ay hinawakan ang kamay ko.
"Tayo na nga, baka ma late pa tayo baby ko." Hinila niya ako at naiwan 'yong tahimik na kamukha niya.
"Siya ba yong Nokki?" Tanong ko.
"Oo. Mas gwapo ako do'n." Pina ikutan ko siya ng mga mata.
...
"Malapit na ang Foundation day ng school kaya magiging busy tayo at aside from that you're graduatinf studentsn kayo iyong mga naatasang mag decorate ng stage at mag handa ng mga palaro. This is part of your grade."
Lahat kami masaya, lalo na si Shella may taga ibang school kasing pupunta dito para lumaban sa ibat ibang palaro.
"Ana? Ana tolintino."
"Yes ma'am?"
"Ikaw nalang ang bahala sa decorate sa gym. Pumili ka nalang ng mga kasama mo. Class dismissed."
Nag hiyawan ang lahat at nakita kong natutulog si Nikko. Really akala ko ba mag aaral na siya ng mabuti? Pero mas pino problema ko ang mga naatasang trabaho sa 'akin.
Namili ako sa different section at department. Kumuha na rin ako sa mga highschool student para mabilis ang pag de decorate ayoko kasing balewalain ito, lalo na at may tiwala ang mga guro ko sa 'akin.
Pagkatapos ng last period talaga ay hinikayat ko na ang lahat na dapat tulong tulong kami, darating daw kasi ang may ari. Si Nicholas Ijin Colash Cleron, he is a Lleron meaning anak niya si Nikko? No way. Habang busy kami sa pag decor sa stage ay nagulat nalang ako ng may sumulpot sa likuran ko.
"A-ano ito?"
"Alam ko nauuhaw ka na inumin mo 'to." Bigyan niya ako ng mineral. Napalunok ako ng tumalim ang titig niya sa 'akin.
"Do you want me to help?" He asks.
"N-no..." Biglang sabi ko napalakas iyon at napatingin ang mga college student at highschool student sa gawi namin.
"Si Nikko, oh my god! siya 'yan di ba!?"
"Ano ang ginagawa niya dito? Ang gwapo naman niya."
"Grabe, may gusto ba siya kay Ana?"
"Ang swerte naman ni ate Ana."
Iyan lang naman ang naririnig ko.
"I umhh!"
"Tutulong ako." Kumindat siya agad naman nag silapitan ang mga babae at nag paturo kamo at nag papatulong.
I just role my eyes nakaka walang gana ito. Habang nag dedecor kami rinig ko ang tawanan nila ng mga kababaihan.
Napatigil ako sa pag dikit ng nga palamuti ng makita ko siyang tumatawa.
"That was really nice." Tawa niya.
"Gusto mo isa pa?" Tanong ng malanding babae. Halatang gustong maka isa kay Nikko.
"Yeah, Do that again." Halata sa excited ang mga mata nito. Tumayo ako ng tuwid at naka titig sa kanila. Sige, mag landian pa kayo.
Gumupit ng de-kulay na papel ang babae at ginawang bulaklak.
"See?" Pinakita ito kay Nikko.
"So pretty." Bigla itong naka tingin sa gawi ko at agad naman akong nag iwas ng tingin. Nag tama ang mga mata namin.
"So pretty.." Ulit niya. Nag tama muli ang mga mata namin.
Tumalikod ako. "Pinunta natin dito ay mag decorate hindi mag landian!" Sigaw ko at agad naman nag si galawan ang mga babae at siya? naka upo lang at halatang naka titig sa akin.
Malandi rin pala... May pa pretty pretty pa siyang nalalaman, may pa gusto gusto pa siyang nalalaman sa 'akin e nag lalandi rin pala.
Malantod.