Nagpatuloy kami sa pag de-decor habang ang isa don akala ko tutulungan ako pero umupo lang pala ang walang hiya, Nag ku-kwentuhan pa sa mga highschool students.
"Tina pakikuha ang pin please." Nasa taas kasi ako ng bangko tatlong pinag patong patong iyon, dalawang babae ang umaalalay sa 'akin. Nang i-abot ni Tina sa 'akin ang pin lumapit si Jerome.
"Ate ana, alalayan ka na po namin may ipapagawa si ate Shella sa dalawang 'to." Tinutuloy niya ang dalawang babaeng umaalalay saakin.
"Hoy!" Napalingon kaming tatlo sa nag salita. Tumayo ito galing sa pag kaka upo.
"Alis, ako ang aalalay d'yan." Tumaas ang kilay ko.
"Wow? May balak ka pa palang tumayo duon?"
Ngumisi siya. "Baby nag pahinga lang naman ako-"
"Wag mo kong tawaging baby. Umalis ka diyaan baka masipa kita." Singhal ko.
"Kayong dalawa d'yan Hawakan niyo bangko baka mahulog ako, masakit 'yon." binalingan ko kaagad ang design namin.
"Ako na bahala dito." Narinig kong bulong niya at agad na nag si alisan ang mga highschool studens. Hindi nalang ako nagsalita, gusto ko nang matapos ito. Hinahawakan niya ang sandalan ng bangko habang ako nasa taas
.
"Wag kang mag kakamaling manilip d'yan tatamaan ka sa 'akin." Habang nag de decorate parin.
"Aalalayan lang naman kita eh. Ayaw mo no'n? You have me." Pagkatapos kong madikit iyon bumaba ako at pumunta kay Shella. Narinig ko pa rin ang paglalakad niya sinusundan ako.
"Shella iyong sa music and mic okay na ba? Iyong mga sound box?"
"Hala." Nasapo nito ang noo.
"Sound box ang wala, pero tatlong araw pa naman diba bago 'yon?"
"Pero kailangan natin ma-isettle ako pa naman inatasan dito eh-"
"Meron kaming sound box." Napalingon kami sa nagsalita. Tinaas nito ang kamay. "Meron kami." Ngumiti pa ito. Nag katinginan kami ni Shella.
"Saan?" Sabay naming dalawa ni Shella.
...
Okay! Literal na nga nga kami. Nag katinginan kami ulit ni Shella sabay bulong niya.
"Ang dami nga talaga ng sound box." Tumango tango pa ito. "Eh dinala tayo sa mall bes. Ang dami nga talaga." Pag papatuloy nito, mukhang sarcastic pa sa pagpaparinig. Pinalo ko siya para tumahimik.
"You could choose any different from it." Sabi niya. Nilahad niya ang mga kamay sa nag patu-patungang mga sound box.
"This sandbox is made from Los Angeles." Ngiti pa niya.
"Pumili na kayo?"
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Seryoso ka? Mall ito saka wala tayong pera-"
"It's our mall." Sambit pa niya.
"Bes hindi ka ata na updated? Eh KCM 'to eh. Sakanila." Bulong niya.
Umismid lang ako. "Gusto ko 'yon." Turo ko. Tatlong malalaking sound box na may naka tatak na Kleron, it would define from the sticker na this is owned by them na sila talaga ang may ari nito at sariling gawa ng company.
"Sure. Ako ba hindi mo gusto?" Napa ubo si Shella sabay kurot sa tagiliran ko. pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Kidding, anyway Dadalhin ko bukas para sayo." Kumindat pa ito.
"Siguraduhin mo."
"Ihatid na na kita?" Tanong niya.
"Hindi na mag co-commute kami-"
"Hindi bes, diba nga wala tayong pera? Kaya mag pahatid na tayo ito naman." Bulong siya saakin.
Kahit na nahihirapan umu-oo Nalang ako.
Pahamak tong kaibigan ko.
...
Pagkatapos ihatid si Shella ang kapal ng apog talaga. Talagang nag pa libre pa, walang niyang balbon 'yon.
"Do you have an answer?" Napalingon ako sa kaniya.
"Saan?" Kunot noong tanong ko.
"In my courtship." Tipid na sabi niya.
"Di'mo naman 'yan sinabi sa akin saka--- WHAT?" nanlaki ang mga mata ko.
"Yeah, I would decide to court you."
"Ipara mo 'to!" Sigaw ko.
"Why?" Naka ngiti to.
"Baliw ka na eh!" Sigaw ko parin. "Bakit ka manliligaw eh kakakikilala mo palang sa 'akin?"
"That was love at first sight baby." Naka ngisi parin ang kumag.
"Wag kang ngumiti wag ka kasing ngumiti." Pagmamaktol ko nigla siyang di ngumiti.
"Ayaw mo bang naka ngiti ako?"
"Ayaw." Umiling ako. ayoko kasi ang gwapo mo pag gano'n sa bandang huli naka simangot lang siya at di na nga ngumiti bagsak na bumaba ako at di siya nilingon. Narinig ko nalang din na humarutut ang kotse niya.
Ugh! Baliw na nga talaga ang isang 'yon.
...
Pagsapit ng umaga dahil puro practice at pag de-decorate sa ibang parte lang naman ng school ang gagawin hindi narin ako naging maaga. Nag linis ako sa buong apartment, tapos biglang nag vibrate ang cellphone ko.
"Good morning, Nag breakfast ka na ba? Sabay na tayong pumunta sa school okay?" Kumunot ang noo ko sa nag text.
Close ba kami nito? Eh unknown number eh.
"Sino ka ba?" I replied. Bigla naman siya nag reply agad, ang bilis lang.
"Baby hindi mo ba ako natatandaan?? Ako to ang future husband mo.?" nakita ko ang pang huling emoji may dila pa talaga.
"Hindi kita future husband, maglaho ka na Sasaya pa ako?"
Bigla siya reply agad. "Ouch? you hurting me?"
Halata sa emoji nito na nasasaktan. "Wag ka ng mag text dito." Bagsak na binato ko ang cellphone ko sa kama.
Nakaka inis, paano ba niya nakuha ang number ko. E, alam ko naman isa ako sa mga babaeng pag lalaruan ng kumag nayon. Bigla nalang 'yon nag ring, Nang makita ko ang number niya ay tumibok ng mabilis ang puso ko. Hala? Ano 'to..
"Wag ka na sabing tumawag. Wag ka naring mag papakita!" Singhal ko.
"Nasa labas ako." Nanlaki ang mga mata ko. Agad na sumilip sa bintana, nakikita ko siyang nasa harapan ng pintuan.
"Ughh!" Padabog akong bumaba at binuksan siya. Binaba na niya ang cellphone at ngumiti. Smiling face ba talaga 'to?
"I brought you a food." Tinaas nito ang dalawang supot at pinakita saakin.
"Kainin mo iyan mag isa." Sinarado ko yon at bumalik sa taas. Hindi nag tagal ay tumunog na naman ang cellphone ko.
Hindi ko 'yon sinagot pero tinignan ko siya sa labas. Nakatayo parin at naka harap a pintuan. Bakit ba siya di umaalis? Masyado ba ako harsh? Dahil ba sa nalaman ko kahapon na liligawan daw niya ako?
Ang sama ko ata. Naka ilang tawag na siya pero diko sinasagot. Nang Hindi kona talaga siya matiis ay bumaba ako at sisinghalan sana ng makita ko siyang naka upo habang hawak hawak parin niya ang supot na pagkain.
"Pumasok ka na." Sabi ko nagulat naman siya at napa lingon sabay tayo. See? Naka ngiti na naman ang kumag. Pinaglihi ata sa baliw 'to.
"Really? Kukunin mo na ang binili ko?"
"Hindi, sa school ako mag b-breakfast. Itapon mo na 'yan." Iniwan ko siyang habang naka bukas ang pinto. Bahala na nga siya. Naligo ako, mabuti nalang talaga at may banyo ako sa taas. Kung hindi, mag tu-twalya ata ako a harapan niya. Bumaba ako para tignan siya, nakita kong naka upo siya sa mesa at naka hain na ang mga pagkain.
Really? Akala niya ata kakain ako?
Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.
"Breakfast is ready." Naka ngiti na naman siya. Tinignan ko ang mga pagkain mukhang masarap, pero gaya ng sabi ko hindi ko 'yon kakainin.
"Hindi ako nagugutom, kainin mo 'yan mag isa." Iiwan ko na sana siya ng magsalita siya.
"Do you know when a person na matigas ang ulo like you, wouldn't eat a breakfast you would get sick, breakfast is the most important time at all times?" Nilingon ko siya, tumaas naman ang kilay.
"Edi ikaw kumain." Iniwan ko siya mag isa duon. Bumilis kasi ang t***k ng puso ko ng nakita ko siyang naka ngiti parin kahit na anong pilit kong ipagtabuyan siya. Lumipas ang ilang minuto bumaba na ako at nakita ko siyang naka tayo sa sala ko.
"Sa school nalang tayo mag breakfast." Sabi niya pina ikutan ko nalang siya ng mga mata.
"Bahala ka." As long as kaya ko, ayoko siyang pakisamahan. Narinig ko kasi sa ibang studyante playboy daw to noon pa. Target daw nito ang magaganda, at diko sinasabing ako to ah, pero parang ganon na nga. Binuksan niya ang passenger ng kotse niya.
"Sabi ko sayo noon, Hindi na ako sasabay at last na 'yon."
"Give me one more time." Naka ngiti ito.
"Ayoko." Pagkuwan ay may nakita akong traysikel at duon sumakay. Pag lingon ko duon ay sinipa niya ang gulong niya at sinuntok ang mirror niya.
Bahala ka, Bulong ko.
...
Pagpasok ko sa gate ay nakita ko siyang naka sandal duon. Nasabi ko na bang may hikaw siya sa isang tainga? Hindi siya mukhang adik, mas lalo pa nga siya nagiging hot dahil duon. Nag tama muli ang mga mata namin, agad akong nag iwas dahil iba ang awra niya ngayon. Napa tigil ako sa pag lalakad ng lumapit siya saakin. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko tumigil siya sa harapan ko.
"Kanina pa kita hinihintay. Mas nauna pa ako sayo." Pinipilit ko talaga siyang itaboy pero ang kulit niya, lalo na kapag ngumingiti siya. Parang diko siya inaaway pag nakikita ko na ang mga ngipin niya at ngumingiti.
"Nikko hindi kita gusto." Biglang nawala ang mga ngiti niya, "Please lang. Wala akong balak na mag paligaw at mag boyfriend ng maaga. Ayokong saktan ang damdamin mo kaya nasabi ko na ito ng maaga."
Ang mga ngiti niya kaninang nag laho ay biglang bumalik. Namulsa siya at tumayo ng tuwid.
"Sorry?"
"Ha?" Gulat na sambit ko. Bakit siya nag so sorry.
"Sorry kasi gusto kita at sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita." Kinindatan pa niya ako.
Yumuko siya at pumantay ang mga mukha namin. "See you at Hym." Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko. Nagulat nalang ako ng idampi niya ang labi niya sa labi ko. Masyadong mabilis ang pang yayari lumikot yon dahilan para mapa pikit ako. Pero agad naman siyang bumitaw at naglakad papalayo saakin.
Ang first kiss ko.