##### CHAPTER 2 DOCTORA APASRA
" I'm a doctor! Kaya alam ko kung ano ang mas makakabuti o hindi para sa kanya! " malakas na sigaw ni Yoko kaya naman napatulala sa kanya ang babaeng kaharap.
" Tumawag ka na ng ambulansya! Mas makakatulong 'yon kaysa d'yan sa pag-asta mo na akala mo kung sino ka! " dugtong pa na sabi ni Yoko.
Kaagad naman sumunod ang babae, kinuha nito ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon at nagmamadaling tumawag ng ambulansya.
Mabilis naman na pinuntahan ni Yoko ang babaeng nakahiga sa sahig na ngayon ay tuluyan nang nawalan ng malay. Nagmamadali n'yang idinikit ang tenga sa dibdib nito pero nagulat s'ya dahil hindi na ito nahinga. Nag-ready s'ya upang mag-perform ng CPR or CARDIOPULMONARY RESUSCITATION.
Lumuhod si Yoko sa harapan ng babae at binigyan ito ng 30 compressions, push hard and fast. Yoko tilting the head backward and lifting the chin of the woman. Pagkatapos ay binigyan n'ya ng hangin ito sa pamamagitan ng pagpisil ng ilong and giving mouth to mouth breaths.
Yoko perform set of compressions and rescue breaths until the woman shows sign of life. She doesn't stop eventhough her face is dripping with sweat and her hips hurt. Tiniis n'ya ito, maisalba lang ang buhay ng babae.
Nakahinga si Yoko nang maluwag nang maramdaman n'yang unti-unti ng bumabalik ang paghinga ng babae, maging ang maputla nitong kulay kanina ay nagiging normal na rin ngunit hindi ibig sabihin nito ay magiging maayos na s'ya. Kailangan n'yang madala sa hospital upang ma-examine nang tama at mabigyan ng nararapat na kagamutan.
Kinakailangan n'ya ring dumaan sa maraming test upang malaman kung ano ba talaga ang pinagmulan ng karamdama n'ya. Kung bakit bigla na lang s'yang nahirapan na huminga at nawalan ng malay.
" Y-yong ambulansya n-nand'yan na, " nauutal na sabi ng babaeng kaharap n'ya dahil sa kapahiyaan. Hindi pinansin ni Yoko ito, naiinis s'ya at naramdaman pa rin ang sakit ng likod dahil sa ginawa n'yang pagtulak kanina.
Pumasok ang mga rescuers kaya naman Yoko lead them upang dahan-dahan na mabuhat ito at mailipat sa stretcher. Pumasok s'ya sa loob upang samahan na sila sa hospital. Kasunod n'ya namang pumasok ang babaeng kanina lang ay halos ipagtabuyan s'ya at ngayo'y hindi na makatingin sa kanya at makapagsalita.
Habang umaandar sila, napansin ni Yoko na napakaraming van ang sumusunod sa kanila kaya naman muli ay napakunot s'ya ng noo. Napaisip s'ya kung sino ba ang babaeng ito.
Magmula nang umandar ang ambulansya, hindi sila nag-iimikan. Pareho lang silang tahimik habang pinagmamasdan n'ya ang babae, totoong napakaganda nito kaya lang kabaliktran ang pag-uugali.
Hawak-hawak nito ang kamay ng babaeng nakahiga sa stretcher na puno ng concern.
" Mukha s'yang maamong tupa ngayon, kanina lang akala mo papatay na ng tao tsk! " Yoko's thought at muling napasimangot.
****Cojuangco Hospital****
Nakarating sila sa hospital kung saan mismo nagtatrabaho si Yoko, pagkababa ay kaagad silang inasikaso ng mga staffs upang dalhin na sa emergency room ang pasyente.
Nang maipasok na sa loob ang pasyente ay hinayaan na ni Yoko na sila na ang mag-asikaso sa lahat. Gusto na n'yang umuwi at magpahinga. Isa pa, sobrang sakit ng likod n'ya, pakiramdam n'ya nga eh nagkulay ube na ito at sigurado s'ya na nabaliaan talaga s'ya.
" Ms. Faye! "
Napalingon si Yoko dahil sa malakas na pagtawag ng nurse sa pangalan ng babae na kasama n'ya kanina.
" Ms. Faye? 'Yon ba ang pangalan n'ya? " kausap n'ya sa kanyang sarili, medyo naging pamilyar ang pangalan na ito sa kanya ngunit nagkibit-balikat na lamang s'ya at iniwaksi na lang ito sa isipan n'ya.
" Aray, sh*t! " sigaw at ngiwi n'ya dahil hindi s'ya makapaglakad ng maayos dahil sa sakit ng likod n'ya kaya naman dahan-dahan s'yang pumasok sa loob ng hospital para hanapin si Freen. Magpapatulong s'ya dito para magpacheck-up.
**********
Faye suddenly looked around because of woman voices close to her.
" Yoko! "
Naglalakad-lakad kasi s'ya habang naghihintay na may lumabas na doctor sa emergency room para makabalita kung ano na ba ang kalagayan ng kanyang bunsong kapatid na si Becca.
Napagpasyahan n'yang maglakad-lakad na lang muna dahil sa kaba na nararamdaman n'ya nang may bigla namang maingay na babae na sigaw nang sigaw, nakailang ulit na kasi ito.
Hinahanap din n'ya ang babae kanina na nagsabi na doktor s'ya, simula kasi nang maipasok si Becca sa hospital, nawala na ito.
" Where is she? Is it true that she's a doctor? " bulong na kausap ni Faye sa sarili n'ya.
" Yho, ano ba! Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba! "
Muli n'yang narinig ang malakas na boses ng babae, palabas na sana s'ya ngunit bigla s'yang natigilan dahil ang doktor na hinahanap n'ya ay nand'on, may kasama itong isang doktor na babae.
" Buti nakita kita Freen, patulong naman. "
" B-bakit? Anong nangyari sa 'yo? "
" May hinatid akong pasyente ngayon lang, tinulungan ko kaso 'yong kasama eh pinaglihi yata sa sama ng loob sa sobrang panic, tinulak ako. "
" Sino tumulak sa 'yo? Tumulong ka na nga, natulak ka pa? Grabe na talaga mga tao ngayon noh. "
" Hayaan mo na, hindi n'ya naman kasi alam na doktor ako. Saka, kasalanan ko din naman bigla akong pumasok, umeksena d'on sa loob kaya siguro akala kung sino lang ako. "
" Samahan na lang kita magpacheck-up, mukhang masama 'yang tama mo. "
" 'Yan nga rin sadya ko kaya ako pumasok dito sa loob. By the way Freen, nakita mo ba si Max? "
" Sa 'kin mo pa talaga tinanong kung nasaan si Max, ang boyfriend mong manloloko? "
" Freen naman. "
" Kung ikaw nagawa mo pa s'yang bigyan ng isa pang pagkakataon, ako hindi! Niloko ka n'ya Yho, hindi pa nakuntento sa'yo eh ganda-ganda mo na ang bait mo pa tapos yo'ng kalaguyo n'ya pa tiga-department n'yo. "
" Freen, tinanong ko lang kung nakita mo ba si Max, ang dami mo nang pinagsasabi. "
" Sorry Yho, naiinis lang kasi ako sa kanya tapos ikaw naman patuloy ka pa rin na nagpapakatanga sa kanya. "
" Samahan mo na nga lang ako sa lab i-xray mo ko, " sabi na lang ni Yoko pagkatapos ay inalalayan s'ya nito.
Hindi pa man sila nakakalayo ay may isang nurse na humahangos ng takbo papunta sa kanila.
" Doktora Apasra! " sigaw nito, kaya naman napatigil silang dalawa. Maging si Faye na kanina pa nakikinig ay na-curious lalo kaya naman patuloy s'yang nakiisyoso.
" Why? Is there a problem? " tanong ni Yoko sa nurse nang makarating ito sa harapan nila ni Freen.
" Mabuti na lang nandito ka. "
" Bakit nga? "
" May pasyente pong nag-collapse sa room 20 doktora, hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Walang available na doktor. "
" Nasaan si Max? Hindi ba't pasyente n'ya ang nasa room 20? "
" Nagkar'on po ng biglaang meeting. "
" Ano pang hinihintay natin. Let's go! " sabi ni Yoko at nagmamadaling tumakbo papunta sa room 20, ngunit bago pa lamang s'ya makaalis sa kinatatayuan n'ya eh namilipit s'ya dahil sa sobrang sakit.
" Ahhh, sh*t! "
" Yho, kaya mo ba? Pumunta muna tayo sa lab para ma x-ray kita. "
" Mamaya na lang Freen, unahin na muna natin ang pasyente. Tulungan mo na lang akong makarating sa room 20. "
Napapailing na lang si Freen pagkatapos ay tinulungan na n'yang akayin si Yoko.
Dahil sa nasaksihan ni Faye, nakaramdam s'ya ng guilt ngunit mabilis n'ya rin iwinaksi ito sa isipan n'ya.
" Why should I feel guilty? It's her fault why that happened to her. " anas n'ya sa sarili bago tuluyang bumalik sa tapat ng emergency room kung nasaan si Becca.
Habang papalapit s'ya sa emergency room, Faye noticed a large tarpaulin on display in the hallway of the hospital.
" Medical top team, " basa n'ya dito.
" Dr. Yoko Apasra, 'yan pala ang pangalan mo, totoo ngang doktor ka. "
" Yho, " dugtong n'yang bulong dahil sa gilid ng pangalan nito ay may nakalagay na nickname.
" Isa ka pa lang kilalang doctor and you're so cute, " kausap muli ni Faye sa sarili n'ya ngunit natuptop n'ya lang ang bibig dahil sa huli n'yang nabigkas. Umiling na lamang s'ya pagkatapos ay nagtungo na sa emergency room.
Sino nga ba si Yho?
Yoko Apasra is a well-known famous doctor because of her skill as a surgeon. She is top 2 of the medical top team of Cojuangco Hospital while her boyfriend Max is in the top 5.
Yoko is the only one child of her parents, her mother is half-Chinese and Vietnamese and her father is a pure Filipino. Nakuha ni Yoko sa mother n'ya ang tangos ng ilong, makinis at kulay labanos na balat, maamong mukha at mapuputing ngipin. Maraming nagkakagusto kay Yoko dahil sa itsura nito na tila ba inukit na isang perpektong nilalang. Higit sa lahat, mayr'on s'yang napakabuting puso.
Yoko grew up in a broken family, her parents was separated when she was only 10 years old, she was left in her father. At first it was okay, they had a business and a good life. But since her mother left them, everything changed. Maaga s'yang namulat kung gaano kahirap ang buhay, bumagsak ang business nila dahil nalulong sa sugal at bisyo ang Daddy n'ya.
Mag-isang itinaguyod ni Yoko ang sarili n'ya, nag-working student din s'ya hanggang sa makatapos s'ya sa pag-aaral at sa huli naging magaling na doktor s'ya.
Ngunit hindi s'ya tinantanan ng mga problema, dahil sa bisyo ng Daddy n'ya nabaon sila sa utang. Hindi biro ang laki ng utang ng Daddy n'ya. Umabot na nga sa punto na pati s'ya ay ginugulo ng mga ito, pinagbabantaan na rin s'ya kaya naman napilitan s'yang magbayad. S'ya tuloy ang sumasalo ng ibang utang, sobrang stress na n'ya dahil sa mga nangyayari lalo pa't hindi n'ya matagpuan kung nasaan na ang Daddy n'ya, nagtatago na kasi ito.
**********