Darkness and Light

2618 Words
"I messed up." Napasubsob na lang ng mukha si Chloey sa lamesa habang sinasabi ang bagay na iyon. Nasa favorite spot sila nina Alice at Nina ng mga oras na iyon at nagpapalipas ng oras. Kakatapos lang kasi ng finals nila kaya naman feeling nila ay pagod na pagod sila dahil sa exams. Feeling kasi ni Chloey ay hindi niya napasa ang exam nila sa isa nilang major subject. Nag-review naman siya ngunti talagang sobrang hirap lang ng final exam nila sa Accountancy. "I-take mo na lang ulit next year." natatawang sabi sa kanya ni Nina. Sa kanilang tatlo kasi ni Alice ay ito ang happy go lucky. Wala itong pakialam kung bumagsak ito. Sabagay, mayaman naman ang kaibigan ang pamilya nito hindi katulad nila ni Alice na need ng scholarship para makapasok sa isang kilalang University sa Metro Manila. "Chloey, I know you." ani ni Alice. "Sa 'tin dalawa ikaw ang studious at matalino kaya makakapasa ka niyan." "What? Kayong dalawa? So, hindi ako kasama?" ani ni Nina. "Kayo lang ba ang BFF? I'm hurt." sabi ng kaibigan na umakto pang nasasaktan. "Gaga. Studious. Hindi review kaba?" balik tanong ni Alice sa kaibigan. Umiling lang si Nina. "Such a waste of time." Habang sinasabi nito iyon ay tinignan nito ang kuko nito na may manicure. "Sira na pala." Mas may pakialam pa nga ito sa manicure kaysa sa result ng exam. Humugot si Chloey ng malalim na hininga. Hindi pa din kasi mawala ang agam-agam niya na bagsak siya sa finals. Maya-maya ay tumunog ang cell phone niya ngunit hindi niya iyon pinansin. Nang mag ring ulit ay kinuha na niya ang phone niya. Unregistered number ang nakalagay sa screen. Dahil wala siya mood ay hindi niya tinangkang sagutin ang tawag. Mas lamang kasi ang panghihina niya ng mga oras na iyon. Muling sinubsob ni Chloey ang mukha sa lamesa sabay padyak ng mga paa. "Bagsak ako!!" Hinayaan lang siya ng mga kaibigan niya ginagawa niya. Ilang sandali lang ay muling tumunog ang phone niya. Dahil naka ilang missed calls na ay padabog na sinagot niya ang tawag. "Hello?" medyo pasigaw na sagot niya. "Why are you calling me?" Ilang sandaling hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. "Pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo huwag ako yung i-disturb mo?" inis na sabi pa niya sa kabilang linya. Madali siyang mairita ng mga oras na iyon dahil nga feeling niya bagsak siya sa finals. "It's me." "Anong 'it's me?Pwede ba magpakilala ka?" iritableng sagot niya. "Michael Bueno." Pagkarinig ni Chloey ng pangalan ay awtomatikong napatayo siya. Wala siyang pakialam kung nagkandahulog yung libro niya sa lamesa. Tinawagan siya ni Michael! "I need to make sure na makakapasa ako sa finals. That's why I called you." "B-bakit?" nauutal na sabi niya dito sa kabilang linya. She heard him chuckled. Halos naririndi siya sa kabog ng puso niya ng mga oras na iyon. Easy, Chloey. Easy! "Can you come? I'm here near your table." Pagkasabi ni Michael ay agad na lumingon si Chloey sa paligid. Parang tumigil ang mundo niya nang magtama ang mga mata ni Michael. Nasa di kalayuan lang ang bata at nakatayo sa puno ng mangga. Kinawayan siya nang binata. "I'll wait for you here, Chloe." ani ng binata bago ibaba ang telepono. Hindi agad naka-recover si Chloey na parang natulala siya ng mga oras na iyon. Napapitlag lang siya ng bigla siyang hampasin ni Nina sa braso. "Kilos na, Girl. Hindi dapat pinaghihintay ang pag-ibig." pang-aasar ng kaibigan. Habang papunta siya sa kinaroroon ni Michale ay naririnig pa niya ang malakas na tawanan at tuksuhan ng mga ito pero wala na siyang pakialam. Basta ang alam lang ni Chloey ay excitement na nararamdaman niya habang papalapit siya sa binata. She can see his handsome face again. Pinaka nagustuhan kasi niya sa binata ay ang kulutang buhok nito at singkit na mga mata. Na para bang kung makatitig si Michael sa kanya ay parang handa siyang mahalin ng mga oras na iyon. Kinilig siya. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa mga bisigi nito? Baka parang kasing sarap ng heaven. "H-hi." nauutal pa niyang sabi dito. Ngumiti ang binata sa kanya na halos ikinataranta niya. Gaga ka, Chloey! Ngiti lang yan ganyan na reaksyon mo. "I'm just making sure that it will come true." "Yung ano?" Natawa ang binata saka inilabas nito ang origami. Mukhang naniwala ito sa kalokohan niya! "Friends?" Wala sa sarili na tumango siya. Nang mga oras na iyon ay walang namumutawi sa labi ni Chloey. For the first time in her life ay wala siyang masabi. Tanging nakatitig lang siya sa mga mata ng binata. Naramdaman na lang ni Chloey na may bumagsak na dahon sa ulo niya. Aalisin na sana niya ng kinuha iyon ng binata. Marahil ay hindi nakatiis si Michael. Bigla nitong hinaplos ang buhok niya at iniipit sa tenga niya. Marami nagagandahan sa buhok niya dahil mahaba iyon at wavy. "Can I call you, Chloey?" Wala pa din sa sarili na tumango siya. "Chloey suits you well. Beautiful name like you." "Did I make you uncomfortable, Chloey?" Sa sinabi ni Michael ay parang doon lang siya natauhan. "Y-yes. I mean No. Never." Michael smiled at her. "Let's meet again, Chloey." Napatango na lang si Chloey sa binata. Ganito ba talaga ang epekto sa kanya ni Michael? Na halos mukha na siyang tanga na hindi nakasagot ng maayos? Bago magpaalam ang binata sa kanya ay muli nitong hinaplos ang buhok niya. Is this the start of their love story? ------------------------------------------------- Dear Chloey, Every time I see you, I can't help myself but grin. You have really touch my heart and make may day brighter. Kung alam mo lang, Chloey. Ikaw ang naging liwanag ko sa mundo na punong-puno nang pagdududa. Ikaw ang naging rason ko kung bakit naging madali ang daan na tinatahak ko ngayon. I hope it will not end, Dear. ----------------------------------------------- NARIRINIG ni Chloey ang malakas na pagkatok sa pintuan kasabay ng pagtawag sa pangalan niya ngunit gustuhin man niyang tumayo mula sa pagkakahiga ay hindi niya magawa. Kasalukuyan kasi siyang inaapoy ng lagnat ng mga oras na iyon. Noong una ay akala niya ay sakit lang ng katawan ang mararamdaman niya. First time niya kasing umakyat ng bundok at mind you hindi pa pang beginners ang inakyat niya. Naramdaman na lang niya ang takot sa pagbaba ng bundok nung nahimasmasan na siya sa nararamadaman niya nang malaman niyang kinasal ng araw na iyon si Michael at Hailey. Ayaw na nga niyang bumaba ng bundok dahil sobrang magang-maga ang mata niya ng mga oras na iyon. Nagpapasalamat na lang talaga siya ng husto kay Van dahil pinahiram siya nito ng shades para walang makapansin nang mapapaga ng mata niya. Chloey was thankful to Van. Dahil kung hindi niya kasama ng mga oras na iyon ang binata ay malabong makababa siya ng bundok. Halos buhatin na nga siya nito pero ni isang reklamo ay wala siyang narinig sa binata. Ang napansin lang niya ay concern at pag-aalala dito pero wala itong tinatanong sa kanya kung bakit iyak siya ng iyak sa peak ng bundok. Buong akala niya ay kayang idaan sa pahinga ang sakit ng katawan niya pero nagkamali si Chloey. Nagising na lang siya na inaapoy ng lagnat at walang lakas tumayo. Hindi din niya alam kung ilang araw na siyang nakahiga lang sa kama niya. Gusto niyang humingi ng tulong kay Van na katabing unit lang niya ngunit halos wala na siyang lakas. Narinig na lang niya na may kumusyon sa labas niya at ingay na para bang pinipilit buksan ang pintuan niya. Bago siya tuluyan mawalan ng malay ay nakita niya pa ang pag-aalalang muha ni Van. "Chloey!" Narinig pa niyang sigaw ng binata sa kanya. Hindi alam ni Chloey kung gaano siya katagal nakatulog ngunit nang idinilat niya ang mga mata niya ay napansin niyang may planggana at bimpo sa tabi ng kama niya. Agad niyang hinaplos ang sindito niya na kumukirot pa din ngunit bearable na hindi katulad ng mga nakaraang araw. "How are you, Chloe?" Nagtaka siya nang makita niya si Eliza, ang nanay ni Ysabel. "Nawalan ka nang malay kanina. Mabuti nagpilit si Van na makapasok. He sensed that something is wrong with you." Umupo ito sa kama niya sabay dampi ng kamay sa noo niya. "Mabuti bumaba na ang lagnat mo. Here, take your medicine." Walang reklamo na sinunod ni Chloey ang lahat ng sinasabi ni Eliza. Para tuloy siyang nagkaroon ng nanay sa katauhan nito. "Kumuha lang ng pagkain mo si Van. Maya-maya ay darating na ulit iyon." "How long I was out?" "You been sleeping for eight hours straight. Gusto na nga ni Van na itakbo ka sa ER pero sabi ko naman normal naman ang vital signs mo sadyang mataas lang ang lagnat mo." She frowned. Naramdaman niya na hinawakan ni Eliza ang kamay niya at marahang pinisil. "Chloe, kung ano man ang pinagdadaanan mo we are here. Maliit lang ang village natin, halos lahat magkakakilala." Tumango siya. She was thankful enough na may mga tao na handang tumulong sa kanya kahit na kakakilala lang sila. "How was she?" Narinig niyang tanong ni Van pagkapasok nito sa unit niya. Kitang-kita sa mga mata ng binata ang pag-aalala nito sa kanya. Agad na lumapit ito sa kanya at sinalat ang noo niya na ikinapitlag niya. "Sinat na lang. Napainom ko na siya ng gamot, Van. Huwag ka na masyado mag-alala." Tinignan siya ni Van na parang inaarok kung okay lang ba talaga siya. "Are you sure na hindi na natin siya need dalhin sa ER-" "Don't worry, lover boy. Bumaba na naman ang lagnat niya. Alam mo bang hindi halos makatulog yan sa pag-aalala sayo?" natatawang sabi ni Eliza. "Huwag ka nga dyan baka mabilis ma-inlove sakin si Chloey." "Oh siya, si Van muna ang bantay mo." Agad na umupo si Van sa tabi niya at muli nitong sinalat ang noo niya. "Okay na ako, Van." ani niya sa malat na boses. "Thank you." "Good. I was worried hindi ka kasi sumasagot kahit na anong katok ko sayo." Maligalig na sabi nito sabay labas ng pagkain sa paper bag. I think, you're hungry. May dala akong porridge. Luto ni Tom, nalaman niya kasi may sakit ka." Naging sunod-sunuran na lang si Chloey kay Van. Masuyong inalalayan siya nito sa pag-upo at nilgyan ng unan ang likod niya. Wala na rin siya nagawa nung sinubuan siya nito. Maya-maya lang ay umiling na siya. "I'm good, thank you." "Bait ha?" Malungkot na tinignan lang niya ang binata. "Van.." ani niya dito. Ibinaba ni Van ang mangkok at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "What is it?" "Is it okay to ask for your help?" Bago sumagot ay pinisil nito ang kamay niya. "Most of the brave person is asking for help, Chloey." Naramdaman niya na unti-unting nag-iinit ang mga mata niya. Kahit hindi man niya gusto na umiyak sa harapan ng binata ay halos wala din siyang magawa. "Help me, Van." Ani niya habang umaagos ang luha sa mga mata niya. "I'm in so much pain. Hindi ko na alam how can I overcome this kind of pain." Pag-amin niya sa binata. This is the first time time na nanghingi siya ng tulong sa isang lalaki na ilang araw pa lang niya nakikilala. "O kung kaya ko bang i-over come ito?" Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Van. Marahang pinunasan nito ang mga luha niya. "Honey, you have to be brave for you to move forward. Even in your darkest moments, there's always a light. Hindi puro darkness ang makikita mo. I'm not telling you just to console you. But I'm telling you this because I've been through hell. Hindi madali. Dahil wala sa mundong ito ang madali, Chloey. May pagkakataon nga na puro hirap ang pwede natin pagdaanan. But we have to step forward. To move forward to much better situations." Masuyong hinaplos ni Van ang pisngi niya. She felt relieved at that moment. "I don't know how to help you. Hindi ako expert but I will do everything just to make you smile again, Chloey." "Maybe it's fate." Dadgdag pa ng binata. "Or maybe it was not meant to be. You have to accept the fact that it is the end for both of you. I don't what happened but kung ready kana mag kweento, I'm always here to listen. I'm all ears." Pinisil ng binata ang chin niya. "Honey, you just have to trust me. Okay?" Tumango siya. "Thank you, Van. I know your presence will help me." Bumuntong-hininga ang binata. "I hate to say this, Chloey. But the fact na nanghingi ka ng help, that's the step na ready kana mag move-on. Hindi magiging madali ang lahat but I'm here. I'm yours." Nang hindi na mapigilan ng binata ang sarili ay masuyo siyang niyakap nito. Aminin man niya o hindi, nakaramdam siya ng peace sa piling ng binata. Sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata. Parang lahat ng bigat na nakadagan sa puso niya ay nawala. Hindi niya alam kung paano pero hindi niya muna iisipin ang bagay na iyon. Naramdaman niya na hinalikan siya ng binata sa buhok. "Hmmm." Ani nito sabay bulong sa kanya. "Kapag magaling ka na una mong gawin maligo. Ayan ang first step." Kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinampas niya ito sa braso. "Baliw. Syempre nagkasakit ako no." Nakairap na sabi niya na ikinatawa lang ni Van. "Wait, paano ka pala nakapasok sa unit ko? Hindi ko tanda na pinagbuksan kita." "Ah." Maikling sagot nito. "Don't tell me.." nagdududang sabi niya dito. Hindi sumagot ang binata sa kanya bagkus ay inalalayan siya nitong humiga. "You have to rest pa, Chloey." "Van.." nagbabantang sabi niya sa binata. Ngumisi ito sa kanya. "Bibilan na lang kita ng bagong door knob." Nanlaki ang mga mata ni Chloey. "Sinira mo ang pintuan ko?!" "Chloey, Chloey. First step yan para matulungan kita." Kahit nanghihina ay hinampas niya ang braso ni Van. "Paano ko isasarado ang unit nyan?" Hinawakan ni ang magkabilang balikay niya. "Nandito ako, tatabihan kita matulog." Ani ng binata na akmang tatabi nga sa kanya. "Tigilan mo ko, Van. Baka gusto mong hindi magising." Napakamot ng ulo ang binata. "Ang gulo mo naman, Chloey. Akala ko ba kailangan mo mg tulong ko?" Pinandilatan niya ito ng mata. "Oo pero hindi yung tumabi ka sakin sa kama. Ibang usapan yun." Saglit na nag isip ang binata. "Ano na naman kalokohan iniisip mo?" Banta niya kay Van. "Sige na nga, sa lapag na lang ako matutulog." "Bakit parang ikaw pa masama loob?" Ngumisi lang ang binata sa kanya. Inilatag na nito ang extra bed at unan malapit sa kama niya. Hindi na nagsalita ang binata marahil ay gusto na din nitong magpahinga. Pero si Chloey kahit may sakit pa ay buhay pa din ang diwa niya. "Van?" "Hmm?" "What's your biggest mistakes?" Ilang sandaling tumahimik ang binata na malamang ay nag-iisip ng isasagot nito sa kanya. "Yung hindi ka makatabi ngayon. Ayan ang biggest mistake ko." Awtimatikong gumalaw ang mga kamay niya. Kinuha niya ang unan na nasa gilid niya at binato dito. Pasalamat ito at may sakit siya. Narinig na naman niya ang nakakalokong tawa ni Van. Ngunit maya-maya ay parang sumeryoso na din ang binata sa tanong niya. "Alam ko na gusto ko yung isang bagay pero hindi ko napaglaban dahil sa pagiging coward. But I have learned my lesson well. Kaya lang may mga bagay na nasira na at hindi na kayang buuin kahit na anong pilit mo." Nagtaka si Chloey sa sagot ni Van. Mukhang malalim din ang hugot ng isang ito. Pinili ng dalaga na ipikit ang mga mata. She can lights in her darkest hours. Finally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD