KASALUKUYANG nasa playground at nakaupo sa swing si Chloey ng mga oras na iyon. Sa ilang linggo na nakatira si Chloey sa village na iyon ay naging favorite spot na niya ang swin. Pagdating kasi ng 8PM ay wala ng batang naglalaro kaya malayo siyang nakakaupo sa swing.
Mas na-rerelax kasi ang isip niya kapag nandoon siya. Ilang gabi din siyang hindi nakalabas ng unit kaya naman nang maramdaman niya na na kaya na niya ay minabuti na lang niya na lumabas muna ng unit.
Mabuti naman na ang pakiramdam ni Chloey. Nagpapasalamat siya sa mga kakilala niya sa village na iyon dahil hindi siya pinabayaan ng mga ito lalong lalo na si Van. Halos hindi nga siya iniiwanan ng binata.
Maya-maya ay naramdaman ni Chloey na may naglagay sa kanya ng shawl sa balikat. Paglingon niya ay nabungaran niya si Van na nakangitinsa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap, Chloey." Ani ng binata sabay haplos ng buhok niya.
"Salamat, Van."
"How's your feeling?"
Napangiti siya. "Anong feelings ba ang tinatanong mo?"
Ilang daang beses na tinatanong ng binata iyon sa kanya? Hindi na niya nabilang. Simula kasi nang hingin niya ang tulong nito noong kasagsagan ng lagnat niya ay mas naging extra careful ito sa kanya. Pero hindi pa din nawawala ang kalokohan nito.
"Lumabas na ba yung tinatagong feelings mo sakin?"
"Baliw." Natatawang sagot niya dito. "Okay na ako, Van. Wala na akong lagnat."
Imbes na umpo ito sa katabing swing na madalas nitong ginagawa ay inilahad ng binata ang kamay niya.
"Let's go."
"Where?" Ani niya sabay abot ng kamay nito.
Halos na nasanay naman na si Chloey na laging hinahawakan ni Van ang kamay niya. Nagiging normal na din na lagi silang magka holding hands.
"May surprise ako sayo, Chloey."
"Ano naman 'yun?" Curios na tanong niya.
"Later pagkarating natin ng unit mo."
Naiiling na natatawa na lang ang dalaga. Marami ng nagawa sa kanya si Van na pinapasalamat niya. Paano na lang kung hindi niya ito nakikala? Aaminin niya naging Saviour niya ang binata.
Pagdating nila sa tapat ng unit niya ay nakita niya ang sinasabi nitong surprise sa kanya. Yung sinira nitong doorknob nang nakaraang araw ay pinalitan na nito. Natatawa hinawakan niya ang smart lock na door knob na may ribbon pa.
"Anong kalokohan naman 'to?"
"Upgraded na ang door knob mo, Chloey. With finger prints and passcode pa yan." Pagmamalaking sabi pa nito. "Let's register your finger prints."
Ni-register na ni Van ang finger prints niya sa smart lock. Ilang beses din nilang nag try na buksan at isara ang pinto.
"Anong passcode?" Tanong ni Chloey.
"102488"
Kumunot ang noo niya. "What?"
"102488." Ulit ni Van na may nakakalokong ngiti. "Birthday ko."
"Ano? Bakit naman birthday mo ang nakalagay dito?" Nakapameywang na tanong niya sa binata.
"Chloey, for security purposes yan. Hindi natin pwede ilagay ang birthday mo."
"At bakit hindi? Sino ba ang may-ari ng unit?" Nanlalaking mata na tanong niya sa binata.
Natatawang hinawakan ni Van ang parehong balikay niya at inalalayan siya papunta sa loob ng unit niya.
"Sino ba naman ang may-ari ng unit na ilalagay passcode eh birthday ng kapitbahay niya." Sarcastic na sabi pa niya.
"Para sa future natin yan need na natin paghandaan."
Wala nang nagawa si Chloey kundi mapailing na lang siya. Hindi na lang niya na kontra si Van sa gusto nito. Marahil ay nag-aalala lang ito sa kanya. Suicidal na ba siya? Malungkot siya and in pain pero kahit kailan hindi niya naisip ang bagay na iyon.
"Nakapag prepare na din ako ng dinner. Let's celebrate." Ani pa ng binata ng nakaupo na sila sa dining table.
"Ano naman icecelebrate natin?"
"Step one."
Kumunot ang noo ni Chloey. "Step one?"
Bago sumagot ang binata sa tanong niya ay nilagyan siya nito ng kanin at ulam ang plato niya. Hindi pa nakuntento ang binata at inilagay din nito sa kamay niya ang spoon and fork.
"Van, you're spoiling me."
"I don't see any problem with that."
Napatitig siya sa binata. Tama ba talaga ang ginagawa niya na hingin niya ang tulong ng binata? Pero aminado siya sa sarili niyang malayo pa ang lalakbayin niya para maka move on sa pagkakabigo niya kay Michael.
Tahimik na kumain na lang si Chloey. Simula ng makilala niya si Van ay naging tama na ang kinakain niya. Hindi na din siya gabi-gabi umiinom.
"Come to think of it, Chloey. Magaling kana at wala ka nang lagnat. What if gawin natin yung first move mo?"
"First move san?"
"Sa moving on mo. To heal your broken heart."
Hindi muna sumagot si Chloey sa sinabi ni Michael.
"Anong first move naman ang iniisip mo?"
"Ano name ng ex-boyfriend mo?"
Ilang segundong hindi nakasagot si Chloey.
"Michael Bueno."
Ilang sandali na natahimik si Van pagkarinig ng pangalan ni Michael. Maya-maya ay nagsalita na ulit ang binata.
"Anong gusto ni Michael sa physical appearance mo?"
Ano nga ba?
"Syempre lahat."
"I know. Sa ganda mong yan?"
She blushed. Yung pamumula na kahit ayaw niya eh hindi niya mapigilan.
"I know what is it."
"W-what?"
Bago sinagot ni Van ay marahan nitong hinaplos ang mahaba niyang buhok.
"Your hair."
Natigilan siya. Tama si Van. Laging hinahaplos ay inaamoy ni Michael ang buhok niya. Sinasabi ni Michael na sobrang ganda at bagay sa appearance niya ang hair niya kaya naman never siya nagpa gupit ng maikli. Maintain lang ang height ng buhok niya.
"Yeah, you're right."
"Let's cut it."
Napakunot ang noo niya. "No. Never." Agad na napahawak si Chloey sa buhok niya. "Not my hair, Van."
"Chloey, you have to do it. That's part of moving on process." Ani nito sabay tingin sa buhok niya. "Let's bleach your hair."
"What? No, masisira ang hair ko." Natatarantang sagot niya sa binata
Umiling-iling to. "Chloey, you need my help. And please, let's trust the process. I will accept no for an answer, honey."
Nalungkot si Chloey sa naisip ni Van. Kailangan ba talagang i-cut ang hair niya?
"Do I have any other choice?"
Umiling ang binata. "I'm sorry, honey. As much as I love your hair, you need to cut it. And isa pa, mas okay din na magkaroon ka ng new look. Malay mo naman bigla kayo nagkita, at least hindi niya maiisip na napabayaan mo na ang sarili mo dahil sa break up niyo.
Hindi ba mas masakit isipin na nasasaktan kana dahil sa kanya tapos iisipin pa niya na miserable ka dahil don?"
Nang hindi pa din siya kumibo ay marahang pinisil ni Van ang kamay niya.
"Honey, please trust me. You will better after this."
HALOS itulak na siya ni Van papasok sa isang salon sa loob ng isang mall. Mukhang determinado talaga ang binata na gawin ang sinasabi nitong first step niya to move on. Ang paiklian ang buhok niya!
"Van, wait." Ani ni Chloey na huminto sa pagpasok ng salon.
Hinawakan niya ang ulo niya. "I'm felt dizzy." Pag-arte niya.
"Sa tyan ka kaya nakahawak."
Nataranta siya. "Hoy, sa noo kaya!"
He chuckled. Hinawakan ng binata ang magkabilang balikan niya. "You'll do good, honey. Don't worry magagaling na stylist dito sa salon."
Laglag ang balikan na pumasok na siya sa loob. Mukhang wala talaga siyang choice kundi sundin ang gusto ni Van. Pagpasok niya ay agad siyang sinalubong ng hair stylist at pinaupo sa chair. Hinayaan na lang niya si Van na makipag-usap kung anong klaseng gupit ang gusto nito. Pati kulay ng buhok niya ay ang binata na din ang ang decide. Bolayage - ombre ang gagawin daw sa kanya.
Halos ma bored si Chloey dahil four hours din ang ginawang procedure sa kanya. Pagkatapos niyang magpagupit at magpakulay ay agad niyang hinanap si Van ngunit wala sa loob ng salon ang binata. Siguro ay namasyal ito sa mall. Ikaw ba naman mag-antay ng four hours mabobored ka din katulad niya.
Nang makita ni Chloey ang result ay kahit siya ay namangha. Ibang Chloey na ang nakikita niya ngayon sa salamin!
Malayong-malayo sa Chloey na kilala niya. At tama nga si Van. Gumaan ng husto ang pakiramdam niya. New look, new life.
Sana nga.
"Bagay na bagay sa inyo, Ma'am. Lalong na enhance ang beauty niyo." Bati sa kanya ng hair stylist niya. "Can I take your picture please? I'll post it in out sss page."
Tatanggi sana si Chloey pero naisip niya na wala naman masama sa gusto nito. After mag take ng pictures at wala pa din Van na bumabalik sa salon kaya naman minabuti na lamang ng dalaga na bumili ng kape sa katapat na coffee shop ng salon. She ordered iced spanish latte for two.
Umupo si Chloey while enjoying her iced coffee. For the past few weeks ngayon lang din halos nakaramdam ng paggaan ng loob. Tama na naman si Van. Kailangan niyang maging ibang tao para makapag move on siya kay Michael.
What if bumalik siya sa pagiging executive secretary nito? Kaya na ba niya?
No. Hindi pa niya kayang makita si Michael. Hindi pa siya handa o mas tamang sabihin na hindi pa niya kaya. Pero hindi niya pinuputol ang eksena na kailangan niyang bumalik sa work.
"Marry me."
Agad na tuminga si Chloey nang may mag salita sa harapan niya. Natawa siya nang makita si Van na titig na titig sa kanya ng mga oras na iyon. Halatang manghang-mangha ang binata sa resulta ng plano nito.
Kitang-kita din sa kislap ng mga mata ng binata ang paghanga nito sa kanya.
"Ano?" Natatawang sagot niya dito.
"Wait, I need to buy a ring." Ani nito sabay tangkang aalis ulit.
Hinawakan niya ang braso ng binata at pinaupo sa harapan niya. "Loko-loko ka talaga. Mag kape ka muna para kabahan ka naman."
Sinunod naman ng binata ang sinabi niya ngunit hindi pa din nito binibitawan ng tingin. She started to feel awkward.
Minabuti na lang ng dalaga na ibigay dito ang iced coffee na inorder niya kay Van. "Stop it."
Ininom ni Van ang iced coffee na nakalahati agad nito. Ngunit nananatali pa din ang mata nito sa kanya.
"Do you have any idea how beautiful you are, Chloey?"
Nang hindi siya kumibo ay hinawakan nito ang buhok niya na ikinapitlag niya. "I never thought that I will find sophisticated woman like you."
Para mawala ang pagkailang ay hinampas niya ang braso ng binata. "Ang dami mo nang bola, Van."
"No, I'm just telling the truth. And iba ang aura mo ngayon compared sa mga nakaraan araw. Right?"
Napatango siya. "You're right, Van. Actually, I can feel it. Yung courage to move on and to have a new life."
"Step two."
"What? Ano naman ang step two mo? Don't tell me magpapa nose lift ako?"
"No, perfect ang nose mo for me."
Hindi kasi katangusan ang ilong niya.
"Hmmm, ano naman ang step two mo?"
Kinabahan si Chloey sa sagot ni Van.
"Basta."
"You're making me nervous."
Ngumiti ang binata sa kanya. "Pakasalan mo na lang kaya ako, Chloey? Ikaw lang naman ang nag-iisang bituwin ko sa langit. Ikaw ang ilaw tinatanaw ko sa langit. Ikaw ang mundo ko— "
Kinurot niya ang braso ni Van sabay pinanlakihan niya ng mga ito. "Stop it. Maraming nakatingin, Van."
Napansin kasi niya na pinagtitinginan na sila ng binata sa may di kalayuan ng table nila. Halatang kinikilig ang mga kabataan habang tinitignan sila.
Pero hindi nagpatinag ang binata. Kinuha nito ang fake flowers na nasa lamesa sabay tayo at lumuhod sa harap niya.
"Van, tigilan mo na yan. Maraming nakatingin." Ani niya dito na may kasamang pandidilat ng mga mata. "Stop it already."
"Chloey, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang dumating ka sa buhay ko. You never know how your presence makes me happy. I learned to smile again. Hindi ko akalain na magiging masaya lahat kapag kasama kita."
"Pakasalan mo na siya, Miss!"
Narinig na katyaw sa kanila ng mga tao.
"Isang kiss naman dyan!"
Namula siya sa ginagawa ni Van.
"Flowers to my one and only star that shines my world."
Pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. "Baka ikaw ang i-shine ko dyan. Tumayo kana dyan bilisan mo."
"Hindi ako tatayo hanggang hindi mo tinatanggap ang flowers ko."
Chloey sighed. Agad niyang tinanggap ang faked flowers at palihim na kinurot niya ang binata sa beywang.
"Patay ka sakin mamaya." Bulong niya dito na ikinatawa lang ni Van.
"I'll wait for it."
"Miss, nag-yes ka na ba? Wala bang kiss dyan?"
Narinig niyang sabi ng isang lalaki na kanina pa sila kinakantwayan.
Agad niyang hinila ang binata papalabas ng coffee shop. Hindi niya akalain na gagawa ng ganoong eksena si Van. Simula nang makilala niya ang binata ay walang araw na hindi dull ang nagiging experiences niya kasama ito.
Huminto lang siya sa paglalakad nang bigla huminto si Vansa paglalakad.
"Ano na naman naiisip mong kalokohan?"
Natatawa na tumapat ito sa kanya at minuwestra ang braso nito na para bang sinasabi na kumapit siya doon.
Hindi naman na nag dalawang-isip si Chloey ay agad niyang sinunod ang binata. Ipinulupot niya ang kamay sa braso nito.
Unexpected feelings kay Chloey na feeling safe siya kay Van.
Naging sunod-sunuran lang siya sa binata hanggang sa makarating sila sa harapan ng mall. Buong akala ni Chloey ay uuwi na sila ng binata ngunit ilang taxi na vacant na ang dumadaan sa kanila pero hindi pa din pumapara ang binata.
Magtatanong na sana siya nang mapansin niyang may huminto na big bike sa harapan nila. Nagulat siya ng makita ang familiar na mukha ni Tom.
"Pare." Agad na bati ni Tom sabay baba ng big bike.
Binigay ni Tom ang helmet na suot nitonsa binata.
"Ingat sa byahe, pare."
"Salamat, pare. Huwag kang mag-alala abay ka pag-uwi namin ni Chloey."
Pagkarinig nun ay hinampas niya ulit ang braso ni Van.
"Anong kalokohan na naman ito, Van?"
Hindi sumagot si Van sa tanong niya. Kinuha nito ang extra helmet na nasa big bike at isinuot sa kanya.
"North loop, honey. We're gonna explore north."
"What?" Gulat na gulat na tanong niya sa binata.
Hindi pa siya tapos mag-react ng hinila siya ni Van papunta sa big bike.
"Van, wait!"
Reklamo niya sa binata ngunit parang bingi ito. Napatili na lang siya ng bigla siya nitong binuhat sa beywang at inuupo sa big bike.
Pagka upo niya ay aga dito sumakay at pinaandar ang makina.
"Pre, ingatan mo ang prinsesa mo!"
Narinig niyang sigaw ni Tom sa kanya.
"Van!" Hiyaw niya dito nang paandarin nito ang big bike. Agad na napayakap siya kay Van.
Halatang gustong-gusto nito ang pagkakayakap niya dito.
"Honey, let's enjoy our lives together!"