Glory 2

3069 Words
IBA ang pakiramdam ni Chloey ng mga oras na iyon habang nakasakay siya sa big bike kasama si Van. Para bang sa tinagal ng panahon ay ngayon lang siya nakaramdam nang ganoong klaseng excitement. Hindi naman dull ang naging buhay niya habang sila ni Michael ngunit iba kasi si Van. Ginagawa ni Van ang mga bagay na hindi kailanman nila ginawa ni Michael. Katulad na lang ngayon, nakasakay siya sa big bike papunta sa lugar na hindi niya alam kung saan. At hindi rin siya nagtangkang magtanong. Go with the flow na lang ika nga nila. Ilang oras na din kasi ang nakakaraan pagkatapos nilang makalabas ng express way kaya nag decide si Van na huminto sa isang convenience store. Tingin niya ay nasa La union na sila ng mga oras na iyon base na din sa nakikita niyang trademark at mga kainan. "Goods?" Tanong ni Van sa kanya pagkatapo nitong ilagay ang hotdogs sandwich at coke sa harapan niya. "Ano naman naisapan mo bakit bigla mo na lang ako tinakbo?" tanong ni Chloey sa pagitan ng pag-nguya. "Di ba ang sabi ko kay Tom abay siya kapag nakauwi tayo?" Inirapan niya ito. "Hindi mangyayari 'yon." "Gusto mo pustahan?" Binato niya ng takip ng coke ang binata. Natatawang kinurot nito ang pisngi niya. "Wala lang. Naisip ko lang bigla na ayain ka-" "FYI, hindi mo ko inaya." Ngumiti si Van. "Naisip ko lang bigla na tangayin ang prinsesa ko para naman makapag-relax." "Hmp. First time ko sumakay sa big bike then sa express way pa tayo dumaan." Nung nasa expressway siya ay todo ang yakap niya sa binata. Pakiramdam kasi niya ay anytime ay pwede silang maaksidente. "Higpit nga nang pagkakayakap mo saken eh." ani ni Van na para bang kinikilig. "Memorable sakin tong Jacket na 'to, never ko papa-laundry." sabi pa nito habang hawak ang leather jacket. Bago kasi sila pumasok sa express way ay nag full gear muna silang dalawa ng binata para daw safe sila sa byahe. Duda niya na planado ng binata ang lakad nilang iyon dahil mula sa ulo hanggang pangbaba niya ay naka full gear silang dalawa. Natatawang inirapan ni Chloey ang binata. "Para ka talagang sira." "Hindi mo ba itatanong where we going, Chloey?" Nagkibit-balikat siya. "Nope. Surprise me." Napangiti ang binata sa sinabi niya sabay pisil sa chin niya. "That's my girl." After ng thirty minutes na pahinga na may kasamang pang-aasar at pangtutukso ni Van ay nag-decide na sila na magbyahe na ulit. Ang sabi ni Van sa kanya ay halos 4- hours na ride pa ang mangyayari sa kanila bago makarating sa una nilang destinasyon. May pa-ilan ilan na stop over and picture taking din silang ginawang dalawa. Halos lahat naman ng sinasabi ng binata na gawin niya ay wala na siyang reklamo. "We're here!" Vigan City. Dahil first time ni Chloey na makapunta sa Vigan ay namangha siya sa lugar. Never kasi na nagtravel sila ni Michael locally. Puro internation ang travel nila ng binata, ayun nga lang hindi for leisure kundi work related. Sinasama talaga siya ni Michael dahil siya nga ang executive secretary nito. Nakakapasyal lang silang dalawa noon ng binata kapag after work na. Doon bigla naisip ni Chloey na simula nang magtrabaho si Michael sa company ni Anthon ay halos puro work lang ang ginagawa nito. Siya naman ay okay lang din sa kanya dahil nakakasama pa din naman niya ang binata sa trabaho kaya parang inseparable silang dalawa. Ayun nga lang puro trabaho sila. "Dito ang first night natin sa North loop natin, Chloey. Let's go to our hotel." La Casa Blanca de Vigan Hotel ang name ng hotel na tutuluyan nila ni Van sa first night nila. "Bakit one room lang?" nakataas na kilay na tanong niya kay Van. "Bakit pa need ng dalawa kung mamahalin mo din naman ako pag-uwi, Chloey?" Hinampas niya ng malakas ang braso ni Van. "Loko-loko ka talaga. Ano na lang iisipin ng iba satin? Mag-asawa? Mag-jowa?" "Gusto mo ngayon din magpakasal tayo eh. Huwag mo ng isipin yun." ani nito sabay hawak ng kamay niya. "Let's go to our room." Hindi na kumibo si Chloey sa sinabi ng binata at iiling-iling na sumunod na lang siya dito. Maganda at malaki ang room na na-reserve ng binata. "Hindi planado ha?" Napangisi si Van. "Bilib ka na sakin, Chloey?" She rolled her eyes. Maya-maya lang ay may kumatok agad sa pintuan ng room nila. Hinayaan na lang niya na si Van ang magbukas dahil need din niyang mag-freshen up. Paglabas niya nang restroom ay napansin niya ang mga paperbags na nakapatong sa kama. "What's this?" tanong ni Chloey. "For you, honey." Ang laman ng mga paper bags ay puro damit nilang dalawa ni Van. Pants, t-shirts and dresses para sa kanya. Maya-maya ay may binato sa kanya si Van na nakangisi ng mga oras na iyon. Nagtataka naman na sinalo ni Chloey ang maliit na paperbag. Pagbukas ay agad niyang inilagay iyon sa likuran niya. "Puro ka kalokohan, Van!" Puro kasi undies and bras ang laman ng kahon. Nagmamadaling kinuha ni Chloey ang damit kasama ng mga undies niya sabay pasok ulit ng restroom. Bago niya isara ang pintuan ay tawa pa din ni Van ang naririnig niya. Naiiling na nagbihis siya. Bilib din talaga siya kay Van dahil sa lahat ng oras ay hindi nawawalan ito nang kalokohan. Sumipol si Van pagkalabas niya nang restroom. Sa sobrang pagmamadali kasi na makapili siya ng damit ay pang-summer dress na sleeveless ang suot niya. Iirapan na sana niya ang binata nang biglang may camera na kumislap. Kinuhaan pala siya ni Van ng camera gamit ng DSLR nito. Agad niyang hinabol ang binata para kunin ang camera sa mga kamay nito ngunit hindi niya maabot dahil agad iyon itinaas ni Van. Doon niya napansin na mas matangkad pa pala si Van kay Michael. "Erase my pictures! Van!" Ani ni Chloey na tumingkayad pa siya ngunit hindi pa din niya maabot ang camera. "Isa!" Bilang niya sa binata. Ngunit hindi nagpatinag ang binata sa kanya. Hinapit nito ang katawan niya papalit dito. Dahil sa pagkabigla ay nasubson siya sa dibdib ng binata. Chloey can smell his perfume. Mabango si Van kahit na galing sila sa byahe. Napansin niyang ibang-iba ang amoy nito kay Michael. Matapang mag perfume si Michael pero iba kay Van. Paano ba niya ilalarawan iyon? Mild ang amoy pero alam mong nandon pa din ang manly scent nito. "Chloey.." bulong ni Van sa punong-tenga niya. She felt uneasy. Uneasy kasi bigla na lang nakaramdam si Chloey ng kilabot sa buong pagkatao niya. Bakit kapag tumatagal ang mga araw na magkasama sila ni Van ay nag-iiba ang nararamdaman niya sa binata? Napailing siya. Hindi niya dapat isipin ang bagay na iyon dahil she was in the process of mending her broken heart. "Honey, let me take your pictures. Your memories how you overcome your own sadness." pabulong at masuyo na sabi sa kanya ni Van. Hahakbang na si Chloey palayo sa binata nang higpitan nito ang pagyakap sa beywang niya. "Don't." bulong ng binata sa kanya. "Don't take step away from me." Napatitig agad si Chloey kay Van. Buong akala niya ay nagbibiro na naman ang binata ngunit seryoso ito ng mga oras na iyon. Halos pigil na pigil ni Chloey ang paghinga niya. She can't breathe at that very moment. Hindi niya alam ngunit iba ang pinaparamdam sa kanya ngayon ng binata. "Honey, I will take ten more steps towards you when you step back." ani ni Van sa kanya. Napansin ni Chloey na tinititigan ni Van ang mga labi niya. Is he going to kiss her? Sa naisip ay hindi maiwasan ng dalaga na kiligin. Kiligin? Chloey, umayos ka nang pag-iisip! Wala ka pang karapatan kiligin! Pero iba talaga ang gusto ng isip kaysa sa katawan niya. Nang makita niya na malapit na ang mukha ng binata sa mukha niya ay awtomatikong napapikit siya. Just waiting for that kiss. Ngunit imbes na sa labi niya naramdaman ang halik ng binata, bagkus ay hinalikan siya nito sa noo. Agad na idinilat ni Chloey ang mga mata niya. Bumungad ang nakangiting Van sa kanya. She blushed. Ano ba ang pinag-iisip niya? Bakit niya iniisip na hahalikan siya ng binata? Dali-dali siyang kumawala sa pag-kakapulupot nito. Narinig ni Chloey ang marahang pagtawa ni Van. Napapitlag siya nang hinawakan nito ang kamay niya kasabay nang pagpisil non. "Let's turn your sadness into laughter, Chloey. I promise you, you will get over it. I don't know when but you just have to hold my hand tightly." Wala sa sarili na tumango lang si Chloey. Para siyang nagayuma ni Van na sunud-sunuran lang siya dito ng mga oras na iyon. Ilang sandali lang ay nasa labas na sila ng hotel nila na nasa loob mismo ng Vigan. At dahil first time niya lang sa lugar na iyon ay namangha si Chloey sa ganda nang makalumang structures. Although, yung ibang bahay ay hindi na na maintain ng maayos. Sana ay magkaroon din ang budget ang city government para sa restorations and maintenance ng lugar. Dahil mag-gagabi na din silang nakarating doon ay mas lalong na emphasize ang ganda ng lugar. Sunud-sunuran lang si Chloey sa mga gustong ipagawa ni Van. Pose dito, pose doon. Picture sa ibat-ibang lugar at attraction sa loob ng Vigan. Nang mapagod ay umupo sila sa bench para i-check ang mga pictures na kuha sa kanya ng binata. "Wow." Ayan ang words na agad na namitawi sa mga labi niya. Sobrang ganda ng mga shots ni Van, halatang professional ang mga shots nito sa kanya. "Bilib kana no? Hindi lang ako gwapo, talented pa." Sa unang pagkakataon ay hindi siya kumontra dito. Totoo naman kasi ang magaganda ang shots ng binata sa kanya. Para siyang naging international model sa mga results ng mga photos nito. Nagtatawanan lang sila ng mga oras na iyon. They just enjoying this moments. "Let's take a picture together." Aya ni Chloey sa binata. "My pleasure, honey." Nag-selfie slang dalawa ni Van gamin ang DSLR nito. May shot na naka peace sign si Chloey at naka-pout lips naman ang binata. Meron din silang shots na naka-wacky si Van at siya naman ay nakangiti pero naka-pikit. Muli ay nagtatawanan na naman silang dalawa habang tinitignan nila ang mga pictures na nakuha sa camera nito. Nagtaka si Chloey nang bigla na lang tumayo ang binata mula sa kinauupuan bench at nag tawag ng dumadaan. Napansin na lang niya na hawak ng isang lalaki ang camera nito at tinuturan kung paano mag-shot sa DSLR. Maya-maya ay bumalik na sa kinaroroonan niya ang binata at muling umuwi katabi niya. "Let's take a proper picture together, Chloey." bulong ni Van sa kanya. Napapitlag si Chloey nang ipulupot ng binata ang kamay sa beywang niya. Inilapit nito ang bibig sa punong-tenga niya sabay bulong. "Move closer to me, Honey." Parang wala sa sarili si Chloey na sumunod na lang sa sinasabi ng binata. Hindi mapigilan ng dalaga na mapatitig sa mukha ni Van. Kitang-kita sa expression ng mga mata nito na he was enjoying every moment with her. Naramdaman na lamang ng dalaga ang marahang pagpisil nito sa beywang niya. "Look at the camera not to me, Chloey." She blushed. Nahalata ng binata na tumititig siya dito. Ilang shots pa ang ginawa ng lalaki na pinasuyuan ni Van bago isoli dito ang camera. "Let me see the pictures." ani ni Chloey sa binata. Umiling lang si Van. "There's a time to everything, Honey." Nagkibit-balikat siya sa sinabi ni Van. Hindi na siya nagpilit na tignan ang shots nilang dalawa. Ilang sandali lang ay nag-decide na silang tumayo sa bench at pinagpatuloy ang pamamasyal nilang dalawa. According kay Van kasi ay bukas ng umaga ay need na nilang mag-check out sa hotel dahil pupunta pa daw sila sa second destination nila. Sa totoo lang, buong-buhay niya na kasama si Michael ay planado na ang lahat. Kung ano ang dapat na maging work niya, kung ano ang pupuntahan nila sa anniversary nila, kung ano ang dapat na gawin nila sa free time nila, age na dapat mag-settle down, kung magkano dapat ang savings niya sa bank, model ng car at kung kailan siya dapat mag-palit ng cellphone. Lahat ng iyon ay mga gusto ni Michael. Pero nasan siya sa mga desisyon na iyon? Na-re-realize mo talaga ang mga bagay-bagay kapag may nawala sayo. Ngayon lang niya aamin sa sarili niya na si Michael pala ang laging nasusunod sa naging relasyon nila nang maraming taon. But what can she do? Nagmahal lang naman siya. At wala siyang nakikitang masama doon. Ang problema lang, nawalan na din pala siya ng boses sa kung anong gusto niyang maging takbo ng buhay niya. Kaya hindi niya masisisi ang sarili niya kung aaminin niya sobrang na-e-enjoy niya ang adventure nilang dalawa ni Van. Namamasyal sa loob ng Vigan City habang hawak-hawak nito ang kamay niya. Sa ginagawa nila ni Van ay hindi mahahalata na hindi naman talaga sila mag-jowa dahil lagi nitong hawak ang mga kamay niya. Wala naman siyang problema sa bagay na iyon. She felt safe pa nga kapag hawak ng binata ang kamay niya. Awtomatikong napahinto si Chloey sa isang restaurant. 'Lover's Dance in the Midnight' Basa niya habang naka tingin sa advertisement ng restaurant. "Wanna join?" Nagkibit-balikat si Chloey. "No need." aniya sabay lakad papalayo. Ngunit napatili siya nang biglang hinila ng binata ang kamay niya na hawak nito papasok sa loob ng restaurant. "Sorry, Sir. But for reservation lang ang event." sabi ng front desk na nakausap nila. Nakahinga si Chloey nang maluwag. "Buti na lang." Pero kilala pa din niya si Van. He will not take no for an answer. Sweet na nginitian nito ang front desk officer na babae. "Can I talk to your restaurant manager, please?" Napasimangot siya. Mukhang ginagamit na naman ng binata ang charisma nito. Hindi nga nabigo ang binata dahil maya-maya lang ay lumabas na ang Manager ng restaurant. Kausap ni Van ang manager sa may 'di kalayuan sa kanya ngunit hindi niya naririnig ang usapan nito. Napansin niyang tumitingin ang manager sa kanya habang nagsasalita ang binata. Anong kalokohan na naman kaya ang sinabi nitong lokong 'to? usal ni Chloey sa isip. Nakangiti si Van habang papalapit sa kanya. "All cleared, Chloey. Pwede na tayong pumasok." "Ano na naman ang sinabi mo sa manager?" nagdududang tanong niya sa binata. Nginisian lang siya ni Van as he grabbed her hand tightly. "Let's make this night to unforgettable one, Chloey." Hindi na kumibo ang dalaga habang papasok siya sa loob ng restaurant. As they continue to walk to the garden, doon niya napag-tanto kung bakit for reservation lang ang event. Sobrang ganda and peaceful ang ambiance ng garden restaurant na iyon. Halatang siniguro ng management ang minimal lang ang guest ng event. Mukhang hindi niya pinagsisihan na dress ang nasuot niya that day para naman kahit papaano ay makasabay siya sa ambiance ng lugar. Umupo sila sa table na may kalayuan na sa gitna kung saan sumasayaw na ang ibang mga guests. Doon napagtanto ni Chloey na puro mga couple ang nasa loob ng restaurant. "Let's order." ani ni Van sa kanya. Tinignan niya ang menu sabay baling sa binata. "You decide." ani niya dito. Nasanay kasi si Chloey na si Michael ang nag-de-decide kung ano ang dapat nilang kainin. Umiling si Van. "Honey, order what you want." Tumango siya. Pinili ni Chloey ang salad and steak. Samantalang si Van ay ginaya na lang din kung ano ang order niya. Sobrang relaxing and peaceful ang live background music sa loob ng garden. Maya-maya ay dumating na ang in-order niya na food. "Goods?" tanong ni Van sa kanya habang kinakain nito ang steak. Tumango siya. "Yeah, tender naman ang steak nila." "I usually don't eat steak." "Oh bakit ayan na inorder mo?" Nagkibit-balikat lang ang binata. "I'm happy for what you decide for me, Chloey." Natigilan si Chloey sa sinabi ng binata. First time niyang narinig ang bagay na iyon sa buong buhay niya. Pagkatapos nilang kumain ay nag-aya nang sumayaw ang binata. Tumayo ito sa kinauupuan. Lumapit ito sa kanya sabay lahad ng kamay nito. "May I have your first dance, Chloey?" masuyong sabi ng binata sa kanya. She smiled. Never in her lifetime na nakaramdam siya ng excitement para lang sa isang sayaw. Hindi naman nabigo ang binata. Marahang ibinigay ni Chloey ang kamay niya dito. Nasa gitna na sila nang dance floor ay masuyong hinawakan ni Van ang beywang niya. Parang may sariling isip ang kamay niya at pinatong ang magkabilang balikat ng binata. Chloey stared at him. Kumabog nang husto ang dibdib niya na halos sumabay sa magandang background music. Ano ba talaga ang nararamdaman niya ngayon? Dati naman kapag kasama niya ang binata ay hindi ganoon ang pagkabog ng dibdib niya. Parang may nag-iba. Hindi niya alam kung tama ang nangyayari ngayon. But Chloey couldn't help it. She has to admit. Kailangan niya si Van para makalimutan niya ang isang chapter ng buhay niya. "I'm sorry, Van." bulong ni Chloey sabay yuko. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya bakit ayun ang unang namutawi sa mga bibig niya. Masuyong hinawakan ni Van ang chin niya sabay taas ng mukha niya. "No, Chloey. Hindi mo kasalanan ang lahat." ani nito sabay haplos ng mukha niya. Awtomatikong huminto si Chloey sa pagsayaw at tinignan si Van straight to his eyes. She can read so many emotions there. "You just have to give me a chance." ani ni Van sabay tingin sa mga labi niya. Napalunok siya. Is he going to kiss her this time? "C-chance?" nauutal na tanong niya sa binata. Tumango si Van. "A chance to love you this time, Chloey." Pagkasabi ng binata sa words na iyon ay dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. Van is going to kiss her! "A chance to make a dream come true." Napapikit na lamang si Chloey nang maramdaman ang paglapat ng labi ni Van sa mga labi niya. She can feel her knees weaker at that moment. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Butterflies to her stomach. Tama. Ayan nga ang tamang description sa nararamdaman niya. Ilang sandali lang ay parang may sariling isipi ang labi niya hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na gumaganti sa mga halik nito. Naramdaman ni Chloey na mas humigpit ang yakap sa kanya ng binata. She can feel her world spinning at that very moment
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD