Glory 3

2072 Words
MATAGAL na nag-inat si Chloey habang nakahiga ng mga oras na iyon. For the first time after the break up, ang sarap ng tulog niya. No dreams, no nightmares. Just a good night sleep. Baka dahil sa kiss niyo ni Van? Nakaramdam si Chloey nang pag-iinit ng pisngi. That kissed. Hindi niya maikakailang isa iyong memorable kiss niya sa buong buhay niya. Bakit nga ba hindi? Para siyang bida sa isang romantic movie na ang scene ay nasa romantic place habang hinahalikan ng bidang lalaki. "Good morning," Agad na napabalikwas ng bangon si Chloey nang maring niya ang masiglang bati sa kanya ni Van. Tinignan niya ang binata na ngayon ay may hawak na isang tray habang papunta ito sa bed. Napalunok si Chloey. Bakit nga ba hindi? Naka sando lang si Van at naka boxer shorts. Halatang-halata ang magandang physique nito. "Chloey, hindi ako ang breakfast mo kundi ito." natatawang sabi ng binata sabay lapag nang pagkain sa kama niya. "Breakfast in bed." Umiwas nang tingin si Chloey sa binata. "G-good morning." naiilang na sabi niya sa binata. Hindi niya maiwasan mailang. Bakit nga ba hindi? Isang passionate kiss ang pinagsaluhan nilang dalawa ni Van! "You should eat then take a shower. We're going to our second destination." ani ni Van sa kanya. Masuyong hinawakan ng binata ang kama niya. "Chloey, please don't feel awkward about what happened last nigh. That kissed was a memorable one, isn't?" Tingnan niya ang binata sa sinabi nito. Nang tumango siya ay agad na hinalikan nito ang noo niya. "I'll prepare our things." ani ng binata at agad na tumayo. "Enjoy your breakfast." "How about you, Van? Kumain kana?" tanong niya sa pagitan nang pagnguya. Itinaas nito ang coffee mug nito. "Coffee lang para ma maintain natin ang gandang katawan," ani ni Van sabay pakita ng muscles nito. "What?" natatawang sabi niya dito. Agad na tinapos ni Chloey ang breakfast niya para makapag prepare na siya nang mabilisan. Wala naman din silang masyadong gamit ni Van kaya madali silang nakapag-check out sa hotel kung saan sila nag stay nang isang gabi ng binata. Ilang oras lang ay nasa byahe na silang dalawa sakay ng big bike nito. Hindi siya nagtanong kung saan ang second destination nila. Chloey had a best time in her life. Itinaas ni Chloey ang bisor sa helmet niya para maramdaman niya ang malamig na hangin habang nasa motor silang dalawa. Kung dati ay may nararamdaman pa siyang takot habang sakay ng motor ay iba na ngayon. She was enjoying this precious time with Van. Nagagawa na din nilang magtawanan at kwentuhan habang nagbbyahe. Halos four hours din ang tinakbo nila para makarating sa Pagudpud. Bago sila mag hanap ng resort na pag-stay-an ay dumaan muna sila sa Patapat viaduct na sikat na attraction sa Ilocos Norte. They took a lot of pictures together. After an hour sa paggagala sa Patapat ay doon na sila nag-decide ng binata na maghanap ng resort. They ended up staying at Evangeline's Resort. Maganda ang resort na pinuntahan nila and very relaxing. Mabuti na lang at hindi masyadong maraming guests that day dahil na rin marahil ay weekdays sila nagpunta. Nang bandang hapon ay nag decide silang dalawa ni Van na tumambay sa dalampasigan. Gusto niyang ma witness ang sunset. Habang nakaupo sila sa sand ay tinitigan ni Chloey ang papalubog na araw. Kalmada ang paghampas ng dagat sa dalampasigan. Parang kasing kalmado ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon. "Van, I couldn't believe that I was doing this." "Doing what?" "This kind of adventure." ani ni Chloey sa binata. "Hindi ko alam na magagawa ko pala ito." "Does it make you happy?" Tumango siya. "It makes me a different person, Van." "Michael was everything to me. Ginawa ko siyang mundo ko. But what can I do? College pa lang ako siya na ang pangarap ko." Natawa siya ng marahan. "I remember na halos magpapansin ako sa kanya nung college days namin. Wala naman ako pinagsisisihan. Meeting him was the most happy moments in my life. Hindi ko lang talaga akalain na yung mundo na iyon mawawala na lang in snap of the fingers. No explanation from him bakit nagpakasal siya sa iba." Niyakap ni Chloey ang tuhod niya habang pinagpapatuloy ang pagsasalita. "Siguro kaya ako nahihirapan mag-move on dahil wala pang closure na nangyayari samin dalawa. Yung day na kinasal siya feeling ko buong mundo ko naging madalim lahat. Walang liwanag, puro dilim. Naisip ko, paano na ako? Anong gagawin ko ngayon wala na yung mundo na ginawa ko? I felt more helpless and miserable." "Then your light save me from this miserable darkness." ani niya sabay tingin kay Van. "Thank you for saving me, Van." Kinuha niya ang mga kamay ni Van at mahigpit na hinawakan. "For now, I couldn't promise anything for you." Naramamdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "I told you, Chloey. I don't need anything from you. I just want you to trust me and hold my hand." ani ng binata sabay itinaas nito ang magkahawak nilang kamay. "Kahit na anong mangyari, just hold on to my hand. Never let it go, Honey. Hindi ko hahayaan na bumalik ka sa darkness and hatred. Hindi ko masasabi na kaya kong tanggalin lahat nang pain and sadness na nararamdaman mo dahil sa break-up niyo ni Michael. Hindi ko din kaya ipangako na sa susunod na mga araw, hindi ka masasakyan dahil dyan. But please, if you can feel pain because of that mas lalo mong higpitan ang pagkakahawak mo sa kamay ko." Naramdaman ni Chloey ang pag-iinit ng mga mata niya na nagbabadya ng luha. Hindi niya akalain sa gitna nang kadiliman, may isang tao pala na kaya siyang tulungan para i-guide papunta sa liwanag. At iyon ang binata. "Promise?" ani ni Van habang tinutuyo ang luha na umagos na sa pisngi niya. Tumango-tango siya. "Ang drama mo." Tumawa nang marahan ang binata. "Ikaw kaya ang ma-drama ngayon araw. Gusto mo kiss na lang kita." "Ano? Puro ka kalokohan," natatawang sabi niya sa binata sabay saboy ng buhangin sa dibdib nito. Yung drama na nangyari kanina lang ay nauwi sa kulitan nila ng binata. Feeling nga niya para silang teenager na naglalandian ng mga oras na iyon. Nang lumubog na ang araw ay nag decide silang dalawa ni Van na makinig sa acoustic band sa loob ng resort. It was a good feel music na puro OPM ang kinakanta ng banda. Enjoy lang nilang dalawa ng binata na sinasabayan pa nila nang pagkanta. "Sino gusto maki-jamming samin dito sa stage?" sabi ng lead vocalist na babae. Nagulat na lang si Chloey ng biglang itinaas ni Van ang kamay nilang dalawa. "Hoy, Van! Tigilan mo!" agad na saway niya sa binata. "Wow, may mag-couples na gusto maki-jamming sa'tin tonight." "No, no! Never!" Ngunit hindi nagpapigil si Van sa gusto nitong mangyari. Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay niya sabay aya papunta sa stage kung saan naroon ang banda. "Please, tell me your name." "I'm Van and this is my Chloey." Agad na umugong ang tuksuhan sa sinabi ni Van. Nang mga oras na iyon ay halos lamunin na siya ng lupa. Ano ba naman kasi ang naisipan ng lalaking ito? Sumipol ang lead vocalist sa sinabi ni Van. "Mukhang masarap magmahal si Sir Van ha." Hinawakan ni Van ang Mic sabay sagot. "Oo naman. Ang pagmamahal ko sa kanya ay tulad ng dagat na natatanaw niyo, walang hanggan." Muli ay umugong ang kantyawan sa loob ng resort. "Sana all mapagmahal!" Narinig niyang sigaw ng isang guest na ikinatawa halos ng lahat. "So, Sir Van. Anong gusto mong kantahin para sa girlfriend mo na kasama mo ngayon?" "Kung Sa Akin ang Mundo." Agad na naghiyawan ang mga audience sa gustong kantahin ni Van. Maya-maya ay nagsimula nang tumunog ang banda. Halos kumabog nang husto ang dibdib niya habang nasa stage kasama si Van. Hawak nito ang kamay niya at nagsimulang kumanta ang binata. Kung ako ang may-ari ng mundo Ibibigay lahat ng gusto mo Araw-araw pasisikatin ang araw Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan Para sa 'yo, para sa 'yo Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa 'yo Habang kumakanta ang binata ay naka titig lang ito sa kanya. Marami siyang nakikitang emosyon sa mga mata nito that she couldn't explain. Maganda ang boses ni Van na parang nanghaharana ng mga sandaling iyon. Nawala na din ang hiya niya. Chloey just concentrate on him. Kung ako ang hari ng puso Lagi kitang pababantay kay Kupido Hindi na luluha ang 'yong mga mata Mananatiling may ngiti sa 'yong labi Para sa'yo, para sa'yo Mukhang meaningful ang song na iyon galing sa taong labis na nagmamahal. Kung sino man ang nagsulat ng kanta na ito ay napakangaling nang pagkakagawa ng lyrics na iyon. Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa 'yo, oh, Ngayon lang niya na realize na marami siyang gustong gawin kasama si Van. Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo Ang lahat ng ito, ang lahat ng ito Ang lahat ng ito'y gagawin para sa 'yo, ooh Agad na pumalakpak ang mga tao pagkatapos kumanta ni Van. Halatang yung mga kababaihan naman ay tili ng tili sa binata. Samantalang siya ay nakatulala lang siya sa binata. Hindi niya akalain na pati paghaharana ay gagawin ng binata sa kanya. Ano pa ba ang bagay na gagawin ni Van just to make her happy? Ahh, she can't wait any longer. FROM Pagudpud to Claveria. Aparri to Tuguerao. Ilagan to Santiago. Cabanatuan to Home. Yes. Chloey called it home. Finally. After exactly a week, natapos din ang North Loop nilang dalawa ni Van. So many memories she can share to her closest friends. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kina Alice and Nina dahil na din sa paglayo niya sa mga ito. But she know for sure na they will understand her. Sobrang saya and na enjoy ni Chloey ang North Loop na ginawa nilang dalawa ng binata. Para bang walang pagod silang nararamdaman kapag nakakapunta sila sa lugar kung saan sila dalhin nang kanilang mga paa. Chloey couldn't contain her excitement everytime na may napupuntahan sila. She gain a lot of good memories. Good memories that can cover her pain. Tinignan niya ang gate ng village nila ni Van. Finally, she can called it home. "We're home." narinig niya sabi ni Van habang pinaparada nito ang big bike. "Yeah, finally." nakangiting sabi niya sa binata. Ilang sandali lang ay umakyat na sila sa sa unit nila. Chloey rolled her eyes when Van open her door using his birthday code. Mukhang hindi sa akyat bahay siya kailangan kabahan kundi sa binata mismo. Sa halos isang linggo nilang pagsasama ni Van ay mas naging close na silang dalawa. They even shared sweet kisses kapag may pagkakataon na nakikita ang binata. At masasabi niya na wala siyang pinag-sisisihan sa mga naging desisyon niya. Akmang papasok ang binata sa unit niya nang pigilan niya ito pumasok. "Oopps, not today." Napakamot ng ulo si Van. "Why? Ayoko na-mi-miss kita." Akmang yayakapin siya ng binata nang itulak niya ito palayo. "Get some rest and go home." sabi niya sabay turo sa unit nito. "Magkatabi lang tayo ng unit, Van." Napasimangot ang binata sa sinabi niya. "Wala kang awa." She laughed. "Baliw, bukas naman magkikita tayo." "Iba yung bukas, iba yung ngayon." reklamo nito. Hindi na niya hinintay ang sagot ng binata ay agad niyang sinarado ang pintuan dito. Natatawa-tawa na lang siya habang nasa likuran ng pintuan. Maya-maya ay bigla niya itong binuksan at tinawag ang binata na papunta na sa unit nito ng mga oras na iyon. "Van?" Agad na umatras ang binata nang marinig ang tawag niya. "Can you meet my friends tomorrow?" Napatitig lang sa kanya ang binata sa narinig. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at muling sinara ang pintuan ng unit niya. Chloey can feel it. Nasa stage na siya nang buhay niya kung saan malapit na niyang matanggap na wala na sa buhay niya si Michael and she can finally start her new chapter. New chapter together with Van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD