Undecided

2605 Words
TRUE to her word, kinabukasan ay pinuntahan agad nila ang opisina ng kaibigan niyang si Alice. Tinaon ni Chloey na lunch time sila pumunta para makausap ang kaibigan. Hindi niya kasi sigurado kung anong oras uuwi ang kaibigan niya kaya nag decide siya na sa office na lang nito sa Makati puntahan. "s**t! Chloe?" Napangiti si Chloe nang marinig niya ang boses ng kaibigan. Nasa reception siya ng opisina nito at don niya ito hinintay. Agad na niyakap siya ni Alice. "My God! What happened to you? Are you okay? I mean, saan ka nagpunta? Bakit bigla ka na lang nawala? Alam mo bang alalang-alala kami sayo? Muntik na kami mag-report sa police kung hindi lang dati sa iniwan mong note." "Alice, calm down." Hinawakan niya ang dalawang braso ng kaibigan. "Easy. One at the time lang." Agad na hinampas ni Alice ang braso niya. "Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo? Kami ni Nina?" Nang mapansin ni Chloe na parang naiiyak na ang kaibigay ay siya na ulit ang yumakap dito. "I'm so sorry, Alice. I just need to do that for my own sake. I hope you understand me." Alice hugged her tightly. Alam niyang agad siyang napatawag ng kaibigan. "Ang ganda mo ngayon. Bagay sayo yung new look mo." Napangiti si Chloey. "Akala ko hindi mo napapansin eh." "Anyway, can you call Nina? Let's have a lunch." Tumango ang kaibigan niya. "How are you? Saan ka na ngayon nakatira?" "Don't worry, I'll give you my full address later. And by the way, may gusto lang ako ipakilala sa inyo ni Nina." Pagkarinig sa sinabi niya ay awtomatikong napatigil sa paglalakad ang kaibigan. "The who?" "You'll meet him later." Iniwan niya kasi sa isang restaurant si Van para doon na ito maghintay sa kanilang tatlo. "Wait. Tama ba ang rinig ko? Him? As in H-I-M?" Natawa siya. "Yes." "Hindi naman si-" "No, of course not." Parang nakahinga ng maluwag ang kaibigan sa sinagot niya. "Alam mo naman na siguro yung latest news?" Tumango si Chloey. Alam niyang ang wedding ni Michael ang tinutukoy nito. "Mukhang importanteng tao ang papakilala mo ha?" Ngumiti si Chloey. "Actually, yes." "Hindi naman siguro yan rebound love?" "No, Alice. More than that. It's more than a rebound. He gave me peace that something that I want in this kind of situation." Alam niyang nauunawaan ni Alice ang sinasabi niya. Habang papunta sa restaurant ay hindi sila matapos-tapos sa pagkkwentuhan ng kaibigan. Halatang na miss nila ang isa't-isa. Marami na siyang na kwento dito lalo na sa experience nilang dalawa ni Van. Nang makarating agad sila ng kaibigan niya sa restaurant ay agad niyang hinahanap ang binata. Nang makita niya ang likuran ni Van ay hinatak niya agad ang kaibigan papunta dito. She was excited to finally meet her knight in shining armour na joker. "Alice, I want you to meet-" "Van?" Agad na napatigil siya nang banggitin ni Alice ang name ni Van. "Hello, Alice." nakangiting sabi ni Van sa kaibigan niya. "It's been like more than four years, isn't?" "Yeah, tama ka. Ayan yung huli ka namin nakita after ng graduation." "Wait? You know each other?" nagtatakang tanong niya sa dalawa. Bago siya nakakuha ng sagot ay masuyong hinawakan ni Van ang kamay niya at pinaupo sa tabi nito. "What do you mean we know each other?" ani ni Alice na pinanlakihan siya ng mga mata. "Hindi mo ba kilala si Van? Classmate natin siya sa major subjects natin nung college days natin, Chloey." "What? That's imposible!" Alice just rolled her eyes. "Anyway, wala ka kasing ibang nakikita kundi iisang lalaki." Awtomatikong napatingin siya kay Van. Totoo bang naging classmate niya ang lalaki? Pero wala talaga siyang matandaan at lalong hindi niya maalala ang mukha nito. "Van.." Inakbayan siya ng binata. "Hindi pa kasi ako masyadong hot that time kaya hindi niya ako matandaan, Alice." Natatawa na lang si Alice sa sinabi ni Van. Ngunit tahimik pa din siya. Hindi pa din niya kasi matanggap na hindi niya maalala si Van noong college days nila. Halos fifteen minutes na ang nagiging kwentuhan ng dalawa nang biglang dumating ang nagmamadaling kaibigan niya na si Nina. Halata sa mukha nito ang pag-aalala nang makita siya. Ngunit imbes na kayapin tulad ni Alice ay hinili nito ang buhok niya. "Bwisit kang babae ka, ilang gabi mo kami hindi pinapatulog tapos magpapagupit at magpapa bleach ka lang pala ng buhok," Natatawa niyakap lang niya ang kaibigan. Bago ito umupo ay tinitigan nitong mabuti ang katabi niya. "Van!!!" hiyaw ng kaibigan niya sabay appear sa binata. "Long time no see! Huling kita natin is yung exhibit mo sa Makati diba?" "Wait, anong exhibit?" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Nina. "Gaga ka talaga. Hindi mo ba alam na sikat na international photographer yang katabi mo?" "What?" gulat na reaksyon niya, "Ano ka ba, hindi nga niya maalala na naging classmate natin ng college yang si Van." dagdag pa ni Alice. "Ay, dai. Hindi na 'ko nagtataka kasi si Michael lang ang nakikita niyan isa na yan. Kumbaga parang kabayo yang si Chloe, dapat straight lang ang tingin kay Michael." Malakas na siniko ni Alice si Nina. "Itigil mo nga yang bibig mo. Busalan ko yan." "Wait lang, wait lang." naguguluhang sabi niya. "Classmate natin nang college si Van and isa siyang international photographer?" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Nina. "Ewan ko sayo, girl. Saka hindi ba Van crush mo yang si Chloe? Hiningi mo pa nga number niyan sakin dati eh. Babagal-bagal ka kasi manligaw dyan." Nang mga oras na iyon ay halos hindi makapaniwala si Chloey sa mga naririnig. Marami pa siyang hindi alam sa binata kaya naman nagugulat siya ng mga oras na iyon. "Huwag mo naman ako masyado ibuko kay Chloey." natatawang sabi na lang ni Van sa kaibigan. "Van.." sambit niya dito. Hinawakan nito ang kamay niya para iparamdam na okay lang ang lahat. That everything is fine. Nagulantang siya nang bigla na lang tumili si Nina. "Oh my gosh, kayo na? I mean, kayo na nga?" "Ano ka ba, can't read between the lines? Hindi naman siya ipapakilala ni Chloe sa'tin kung wala silang 'sila'." mariing bigkas ni Alice lalo na sa word na sila. Muling napatili si Nina sa narinig. "Van, mukhang maganda ang Christmas Season mo." Natawa lang nang malakas ang binata. "I guess, nakuha ko na ang approval nilang dalawa." "Yes na yes! Basta alagaan mo lang ang kaibigan namin ha?" Halos two hours din silang nagkwentuhan apat. Until now ay hindi niya akalain na dati pa pala siyang kakilala ni Van. Nang mga oras na iyon ay naiwan na silang dalawa ng binata sa restaurant. Nakapangumbaba lamang siya habang tinitignan ang binata. "What?" natatawang tanong nito sa kanya. "Bakit hindi mo sinabi na kakilala mo pala ako?" Nagkibit-balikan lang si Van pero hindi nito sinagot ang tanong niya. "I didn't know na crush mo pala ako dati," Feeling ni Chloey ng mga oras na iyon ay biglang namula ang binata sa sinabi niya kaya pigil na pigil niya ang tawa niya. "Let's go." ani ni Van sabay hawak ng mga kamay niya. Natatawang sumunod na lamang siya sa binata pero hindi pa din niya tinigilan ito. "Ilang years mo na akong crush, Van?" Hindi pa din sumagot ang binata. Halatang iwas ito sa mga tanong niya samantalang siya naman ay lalong tinukso pa ang binata. Hinarang niya ang katawan dito para pigilan ito sa mabilis na paglalakad. "Ibig sabihin unrequited love mo 'ko nung college days natin?" Ilang saglit na tinitigan siya nito na para bang may gustong sabihin. Ngunit parang nagbago ang isip ng binata. "Secret!" ani ng binata sabay lakad papalayo sa kanya. "Van!" sigaw niya sa binata habang hinahabol ito. "Aminin mo na kasi!" "Secret nga!" Natatawang sinundan niya ang binata. Gustong-gusto niya kasi ang reaksyon nito ngayon. Aliw na aliw si Chloey. "May kakilala nga ako matagal na pala niya akong crush-" Nahinto ang pag-aasar niya ng bigla siya nitong halikan sa labi. Smack lang ang ginawa ng binata sa kanya ngunit ramdam niya ang sensasyon na dulot non sa buong katawan niya. Van never failed to give her strange feelings. Maya-maya ay kumaripas na ulit nang lakad ang binata. Nang makabawi ay natatawang sinundan lang niya ang binata. Para silang mga young lovers sa gitna ng Makati. "Van!" Natatawang sigaw ni Chloey nang mapansin niyang halos malayo na ang binata sa kanya. So totoo nga ang sinabi ni Nina, naging crush siya dati ng binata noong college days nila. How come na hindi niya matandaan ang binata? Ah, hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay kung ano ang mayroon silang ngayon ng binata. Lumingon ang binata sa kanya sabay sigaw sa kanya. "Matagal na kitang gusto, Chloey!" Natawa siya nang malakas. Wala silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao na kasabayan nilang maglakad. "Ano yun, Van?" sigaw niya sa binata kahit na rinig na rinig niya ang sinabi nito. Huminto si Van at seryosong tinitigan siya. Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ng binata ay awtomatikong huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan lumapit sa kanya si Van at nang ilang hakbang na lamang ang pagitan nila ay huminto ang binata. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Remember what I have told you before, Chloey?" Tumango siya. Paano ba niya makakalimutan ang isa sa pangako nito sa kanya? Na hanggang ngayon ay paulit-ulit niyang nire-replay sa isipan niya kapag nakakaramdam siya ng lungkot. I will take ten more steps towards you when you move back.. Kinuha ni Chloey ang kamay ng binata at mahigpit na hinawakan. Whenever she remember the pain of her past, she just needs to remind herself that she has one more person in her life. At ang tao na iyon ay si Van. NARINIG ni Chloey ang doorbell sa unit niya. Ngunit imbes na tumayo ay kinalabit lang niya si Van para utusan na pagbuksan nito kung sinoman ang nasa labas. Busy kasi sila ni Van sa pag-aayos ng decoration para sa birthday ni Ysabel. "Check mo muna baka si Ysabel yan. Hindi niya pwede makita yung surprise natin sa kanya later." bilin ni Chloey sa binata. "Yes, Ma'am." Natawa siya sa sinabi ni Van. Maya-maya ay bumalik agad ang binata sa kanya habang busy pa din siya sa paggawa ng decorations. "Chloey, ka-work mo daw." Awtomatikong napakunot ang noo niya. Ka-work niya? Imposible dahil walang nakakaalam kung saan siya nakatira ngayon maliban na lang kina Alice at Nina. Imposible na ibigay ng dalawa niyang kaibigan ang bagong address niya. "Sino?" Nagkibit-balikat si Van. "Ayaw niyang sabihin eh. Gusto mo ba paalisin ko na? Nasa labas siya ng unit mo." Saglit na hindi kumibo si Chloey. SIno naman sa ka-workmate niya ang pupuntahan siya? Taga HR? Pero imposible dahil iilan lang ang may alam kung saan siya ngayon nakatira. "Chloey?" "Ha?" wala sa sariling sagot niya sa binata. Halos hindi niya kasi naulinigan ang sinabi ng binata dahil sa malalim niyang pag-iisip. "Gusto mo paalisin ko na?" Umiling siya. "No." ani niya sabay tayo. "Are you sure, honey?" Tumango siya kay Van. "Don't worry." "Just leave the door open, Chloey. Para nakikita kita." Dumiretso si Chloey palabas ng unit niya at nakita niya ang isang pamilyar na mukha. "Mang Berto?" agad na tawag ni Chloey sa matanda pagkakita niya dito. Ngumiti si Mang Berto sa kanya. Ito ang nag-iisang driver ni Michael. "Muntik na kitang hindi makilala, Ma'am Chloe." "Anong ginagawa niyo dito? Saka paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" Kinabahan si Chloey sabay lingon-lingon sa paligid. Baka kasama nito si Michael! "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Hindi ko po kasama si Sir." ani ng matanda sa kanya. Nang marinig iyon ay saka lang nakahingi nang maluwag ang dalaga. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaction niya kapag muli silang nagkaharap ni Michael. "Sagutin niyo ang tanong ko, Mang Berto. Ano ang ginagawa niyo dito at paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" Napakamot ng ulo ang matanda sa tanong niya. "Naku, Ma'am. Ako po'y sumusunod lang sa utos." ani nito sabay abot ng sobre sa kanya. "Pinabibigay ni Sir Michael, Ma'am." Tumungin ang dalaga sa sobra na hawak ng matanda. Kailangan ba talaga niyang tanggapin ang bagay na iyon? "Ma'am, hindi po ako aalis hanggat hindi nyo tinatanggap ito." Napabuntong-hininga na lang si Chloey. Alam na alam talaga ni Michael ang weakness niya. Hindi niya matitiis ang matanda. Kinuha niya ang sobre sabay baling sa matanda. "Pwede ka ng umalis Mang Berto." Ilang minuto nang nakaalis si Mang Berto ngunit hindi pa din siya umaalis sa kinatatayuan. Nakatitig lang si Chloey sa hawak niyang envelop. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Are you okay, Chloey?" Agad na tanong ni Van sa kanya marahil ay dahil hindi pa siya bumabalik sa unit niya. Tiniklop niya ang envelop at inilagay sa bulsa. Ipinulupot niya ang kamay sa beywang ni Van. "Yes." "Sino yun pumunta?" "Driver ng company. Tara, need na natin tapusin yung surprise natin kay Ysabel." Aya niya sa binata. Ngunit kahit na buong maghapon na busy si Chloey ay hindi pa din niya mawala-wala sa isipan niya ang binigay sa kanya ni Michael. Nang matapos ang surpirse party nila kay Ysabel ay agad na dumiretso si Chloey sa swing at umupo. Inilabas niya ang envelop na nasa kamay niya. Naisip niya na walang mangyayari kung hindi niya bubuksan ang envelopment na galing kay Michael. For the first time after nang engagement and kasal nito ay ngayon lang nagparamdam sa kanya ang binata. Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Chloey bago binuksan ang envelop. Tama nga ang hinala niya, sulat iyon galing kay Michael. Chloey, You need to get back to work. I need you. Mich She sighed. Gustong-gustong lukutin ni Chloey ang sulat. Hindi niya alam pero she felt frustrated. Saka ano ba ang gusto niyang marining galing sa binata? Sorry? Hindi sinasadya? Gusto ba niyang lumuhod ito sa harapan niya? "What's wrong?" Napapitlag siya nang biglang magsalita si Van sa likuran niya. Umupo ito sa kabilang swing habang nakatingin sa kanya. "Something's bothering you, Chloey. What is it?" Nang hindi pa din siya kumibo ay muling nagsalita ang binata. "Diba no more secrets?" Tumango siya sabay abot ng sulat dito. "From Michael." Pagkabigkas niya ng pangalan nito ay napansin niya na ikinuyom nito ang palad. "She wants me to go back to work." Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa ni Van. Maya-maya ay tumingin siya sa binata. "Do you trust me?" "Honey, I even trust my life to you. Hindi nagbabago yan." Napatango siya. "I need to go back to work." Muling hindi kumibo ang binata sa sinabi niya. "Then, I will pass my resignation." "Chloey.." "I know that it's time to close that chapter in my life, Van. Alam mo naman talaga na iyan ang huling step to move forward, diba?" Tinignan ni Chloey ang sulat ni Michael. "Help me, Van. Help me not to take steps away from you." Pagkasabi niyon ay agad na lumapit sa kanya ang binata at lumuhod ito para pumantay ang mga mata nila. "Chloey, I trust you. Alam kong kaya mong i-close ang chapter niya sa buhay mo. I'm just here, nasa likod mo lang ako." Mahigpit na hinawakan ni Van ang mga kamay niya. "You must remember this, ibang-iba na ang Chloey na nakilala ko months ago sa Chloey na nasa harapan ko ngayon. Mas malakas na siya ngayon, mas matatag na. Alam na niya ang gagawin niya." "Chloey, honey. Hindi tayo makakapag-move forward if we still have doubts to ourselves." "I trust you, you know that honey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD