HINDI maintindihan ni Chloey kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon habang naka nakatingin siya sa taas ng building ng opisina nila. This is the day na muli siyang papasok sa work as Executive Secretary ni Michael.
Ano ba dapat ang maramdaman niya? Halos lagpas isang buwan after ng break-up nilang dalawa ni Michael na bigla na lang ito nagpakasal sa iba without any other explanation.
Naramdaman ni Chloey ang masuyong paghawak ni Van sa dalawa niyang balikat. Nag-insist ang binata sa ihatid siya nito gamit ang big bike nito. Hindi naman na siya tumanggi dahil kailangan niya ang suporta ni Van lalo na sa ganitong pagkakataon.
"You can back out anytime, Chloey."
Umiling siya. Wala nang panahon para gawin niya iyon. At saka isa pa, mag-re-resign na din naman siya eventually. After resignation, she can now closed the chapter with Michael.
"No, Van. I can't back out this time."
Nagtama ang mga mata nila ni Van. "Right?"
Bakit parang nanghina ang boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon? Is that a sign of weakness?
Dahil sa totoo lang, walang idea si Chloey kung ano ang mararamdaman niya once na magtama ang mga mata nila ni Michael. Ang sure lang niya ay puro galit ang laman ng puso niya ng mga oras na iyon.
"Always remember, Chloey. When everything gets tough take a step away from him." ani ni Van sa kanya sabay kuha ng mga palad niya at inilagay ang bagong cellphone sa kamay niya. "And don't forget to call me, okay?"
Tumingin si Chloey sa cellphone na bigay ni Van. Oo nga pala, tinapon niya ang cellphone niya noong time na wasted na wasted siya.
"Hindi ka na dapat nag-abala, Van. Pwede naman ako bumili bago."
Pinisil ng binata ang chin niya. "That's not for you. That for my peace of mind, Honey."
Napatango siya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi man pinapahalata ni Van ang mga agam-agam nito ngunit alam niyang worried ito sa pagbabalik niya sa opisina na kasama si Michael. Bakit nga ba hindi? Makakasama niya ulit ang lalaki na ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Van.
Ilang minuto na silang nakatayo ni Van nang may dumating na itim na Mercedez Benz at huminto sa tapat ng building. Hindi siya pwedeng magkamali dahil sa sasakyan ni Michael iyon.
"That's him."
Agad na pinagbuksan ng guard ng building ang pintuan ng sasakyan ni Michael at bumati dito. Pagbaba ng binata ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Michael. Pinagmasdan niya ang hitsura ng binata, halos hindi niya makilala ito dahil ibang-iba ito sa kilala niyang Michael.
That Michael na nakatayo malapit sa kanilang dalawa ni Van, looks haggard. Mukhang ilang araw na itong hindi nakakapag-ahit na never nitong ginawa. Malalim din at lubog ang mga mata nito.
Nang magtama ang mga mata nila ni Michael, she can see longing in his eyes.
Naramdaman na lamang ni Chloey ang masuyong paghawak ni Van sa beywang niya. Mukhang pinapakita ng binata na she was already off limits. Napansin niyang nakakuyom ang mga palad ni Michael.
"Good morning, Chloe."
Bati sa kanya ni Michael as he take steps towards them. Umatras siya at mas lalong lumapit kay Van. Chloey noticed pain in his Michael's eyes.
"Good morning too, Sir." formal na bati niya dito.
Hindi niya dapat alisin ang katotoohanan na Michael was still her boss.
Bumaling siya kay Van at pinisil ang mga kamay nito. "See you later."
Van slowly kissed her lips. Alam niyang paraan iyon ni Van para mapamukha kay Michael na ang dating babae na minahal niya ay pag-aari na nang iba.
"I'll fetch you later." ani ni Van sabay sakay na nang big bike nito. Bumusina muna ang binata bago pinaharurot ang motor nito.
Naiwan sila ni Michael na nakatayo. Walang kibo si Michael na nakatingin lang sa kanya ng mga oras na iyon. She can sense his hatred at that moment. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Pero pinilit baliwalain iyon ni Chloey.
Imbes na lumapit kay Michael ay tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa pagpasok ng building. Nakasakay na siya ng elevator nang makita niya si Michael na papalit. Ngunit imbes na pigilin niya ang pagsarado ng elevator ay pinindot niya ang closed button non.
Hindi naman na nagpumilit pa si Michael na sumabay sa kanya sa elevator. She noticed Michael's eyes were filled with longing as they stared at each other before the elevator door shut.
Longing in his eyes? What for?
Damn you, Michael. You don't have the right to feel that way.
Pagdating ni Chloey sa opisina ay agad siyang sinalubong ng mga officemates niya. Asking her how was her vacation in Hawaii. Nag-smile lang siya sa bawat tanong ng mga ito. Actually, she didn't know kung sino ang nagpakalat ng balitang iyon. But she didn't care.
Agad na bumalik si Chloey sa table niya. Kung ano ang iniwan niya ay halos walang nagalaw sa mga gamit niya. Did Michael expect her to come back after all?
Inis na pinatong niya ang bag sa table then Chloey take a deep breath. Iniisip na lang niya si Van. Ang binata kasi ang nagbibigay sa kanya ng kapayapaan sa buong pagkatao niya.
Pagkaupo niya ay saka naman dumating si Michael na agad siyang hinintuan. Tumayo siya at muling bumati dito.
"Make me a tea."
Walang salita na tumayo sa pagkaka-upo si Chloey para sundin ang utos ni Michael. Hindi na niya hinintay na pumasok sa loob ang binata. Inunahan niya na agad ito.
Dali-dali siyang pumunta sa corner ng opisina nito kung saan ang mini-pantry nito.
Napapitlag si Chloey nang bigla na lang siyang yakapin ni Michael mula sa likuran. She can feel a familiar sensation when Michael hugged her.
Napapikit siya. Kailangan niyang pigilin ang nararamdaman niya.
"Let me go, Michael." matigas na sabi ni Chloey sa binata.
"No. I can't, Chloey." ani nito sabay subsob ng mukha nito sa leeg niya.
Ilang sandaling hindi nakakilos si Chloey. Humugot nang malalim na hiningi ang dalaga. Hindi siya pwedeng maging mahina dahil lang sa mga yakap ni Michael.
Agad niyang inalis ang pagkakayap ni Michael sa kanya at humarap dito.
"Chloey.." sambit ni Michael sa kanya.
Hahaplusin sana ng binata ang pisngi niya ngunit iniiwas niya ang mukha dito.
"I'm so sorry, Chloey."
"Too late for your sorry, Michael. You hurt me big time."
Sa sinabi niya ay kitang-kita sa ekspresyon nito ang labis na pagsisisi. Due to helpness, sinabutuan ng binata ang buhok nito.
"I don't know what to do anymore, Chloey. My life has no direction since I left you."
"That's your fault." ani ni Chloey sabay talikod dito. Kinuha niya ang tea pot at inilapag sa table nito. "Here's your tea, Sir."
"Chloey.."
Narining ni Chloey ang pagtawag ni Michael ngunit hindi niya ito nilingon.
"Don't talk to me when it's not related to work, Sir."
Ngunit hindi pa din siya tinigilan ni Michael. Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay niya.
"We need to talk, Chloey. There's something I want to explain to you. About what really happened please let's talk."
Tumawa siya nang mapakla saka matalim niyang tinignan ito. "You want to explain?" ani niya sabay alis sa pagkakahawak nito.
"Michael, do you think your explanation can restore everything you destroyed? No, you can't." ani niya dito sabay duro sa dibdib ni Michael.
"You break my heart into pieces. Halos mawalan ako ng buhay dahil sa panloloko mo. But you think na makukuha mo 'ko sa explanation na sinasabi mo? No! You destroyed me."
She can't control her emotions, and it shows in every word she says. But to her surprise, walang luhang pumatak sa kanya ng mga oras na iyon. Just a painful memory from the moment she knew his engagement. From the moment that she waited for his explanation and the moment she learned that Michael already got married to someone.
"And don't manipulate my feelings anymore, Michael. Let me remind you that I'm not the same person as before. And damn you."
Pagkasabi niyon ay dali-daling lumabas si Chloey sa opisina ni Michael. She can feel her anger right now. Feeling niya pulang-pula ang mukha niya ng mga oras na iyon.
When everything gets tough take a step away from him.
She remembered those words from Van and was thankful enough for that kind of word.
Minabuti na lamang ni Chloey na maging abala sa work niya. Hindi naman na din siya tinawag ni Michael. And she don't care.
"Chloe, anong nangyare kay Sir Michael? Sobrang init ng ulo nakakatakot." ani nang isa niyang officemate na kakapasok lang sa office ni Michael.
"Ano ka ba. Simula nang kinasal yan lalong uminit ang ulo nyan ni Sir Michael."
"Halika ka na nga, baka makita pa tayong nag-chismisan dito."
Tanging kibit-balikat lang ang sinagot niya sa mga ito. Mag- lunch time na ay naka tanggap siya ng tawag galing kay Van.
"How was it?" masuyong tanong ni Van sa kanya sa kabilang linya.
"I'm okay, Van." sagot niya sa binata. "Kumain kana? Ano kinain mo? Saan ka ngayon?" sunod-sunod na tanong niya sa binata na
ikinatawa lang nito.
"Yes, kumain na ako. Nag-pa-grab lang ako ng food wala ako gana magluto, wala ka eh. And to answer your last question, nandito lang ako sa unit mo."
"Unit ko?"
"Oo, unit mo."
"Van, dapat pala sayo ako matakot hindi sa magnanakaw. Alam mo passcode ko eh."
Malakas na tawa lang ang sinagot sa kanya ng binata. "Miss mo 'ko?" tanong nito sa kanya.
"Hmm." pakipot na sagot niya dito. "It's a secret."
Aaminin niya na miss niya talaga ang kakulitan ng binata. "I'll fetch you at exactly 5PM, Chloey. Let's have some dinner. Saka may pupuntahan tayo."
"Saan naman?"
"Later, Honey. Later."
Maya-maya ay nagpaalam na siya sa binata. Dahil matagal-tagal din siyang hindi nakapasok ay halos tambak na din ang trabaho ni Chloey. As much as possible, Chloey remain professional. Halos hindi na namalayan ni Chloey na quarter to five na.
"We have important meeting, Chloey." ani ni Michael na nakatayo na pala sa harapan niya.
"I'm sorry. But I have errands to do. I'll ask Michelle to accompany you, Sir." walang emosyon sabi niya dito.
Michael just look at her straight in her eyes. Hindi naman siya nagpatalo dito at nakipagsabayan siya nang tingin.
"No." mariing sagot nito. "That's final. Let's go."
Pagkasabi niyon ay agad na tinalikuran siya ng binata. She sighed. Mukhang kailangan niyang i-cancel ang lakad nila ni Van. Kilala niya si Michael, mukhang importante ang business meeting nito sa labas. Chloey grabbed her bag. Tumaas ang kilay niya nang makita niya si Michael na hinihintay siya sa elevator.
Walang kibo na sumakay siya sa elevator. Nauna sumakay si Michael samantalang siya ay nasa harapan nito. She can feel that Michael is looking at her back.
"How's the North Loop?"
Natigilan si Chloey sa tanong nito. "Why do you care?"
"You're still mine, Chloey. Don't you ever forgot that."
Masamang tinignan niya si Michael habang papalabas na ito nang elevator at dumiretso papalabas ng building. Paano nalaman nito ang North loop nilang dalawa ni Van? Sila lang at ni Tom ang may alam nang ginawa nilang travel.
Natigilan si Chloey. Alam din ni Michael kung saan ang bagong address niya at ang North Loop adventure nilang dalawa ni Van. For sure, pinasundan siya ni Michael sa isang private investigator.
How dare him!
Walang karapatan gawin ni Michael ang bagay na iyon.
Nang makarating sila sa sasakyan ng binata ay agad nitong binuksan ang pintuan para sa kanyan. Ngunit masama lang niyang tinitigan si Michael. Sa unahan siya ng sasakyan sumakay kasama ang driver nitong si Mang Berto.
Hindi na nagpilit pa si Michael at sumakay na lang din ito ng sasakyan. Habang nasa byahe ay halos walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Hindi rin naman lihim kay Mang Berto ang naging relasyon nila ng binata dahil simula't sapul ay driver na talaga ito ni Michael.
Thirty minutes din silang nag-byahe bago nakarating sa isang restaurant na familiar sa kanya. Ayon ay isang restaurant sa Paranaque na madalas nilang puntahan ni Michael. Meron kasi itong exclusive room para sa mga clients nito.
"Let's go, Chloey." sabi ni Michael sa kanya ni Michel ngunit hindi pa din siya kumikilos.
"No, Michael. I'm sure hindi business meeting ang reason why we're here." ani niya sabay baling kay Mang Berto. "Open the door, Mang Berto."
Nang hindi kumibo ang matanda ay pilit niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan ngunit naka lock iyon sa side ng driver. "Pasensya na, Ma'am Chloey. Sumusunod lang po ako sa utos."
"Shit." she murmured.
Bumaba si Michael sa sasakyan at binuksan ang pintuan sa side niya. Hinawakan nito ang braso niya papalabas.
"Ano ba, Michael. Nasasaktan ako." ani niya nang medyo dumiin ang paghawak sa kanya ng binata.
Agad naman binitawan ni Michael ang braso niya. "I'm sorry, Chloey. Frustrated lang."
She hissed. "Kung frustrated ka, pwede bang huwag mo na 'ko idamay? I have been through a lot, Michael. Please, spare me with your drama."
"I promise you, Chloey. We just need to talk. To clear this out. Let me hear it out, please." ani ni Michael sa kanya na puno-puno nang emosyon ang mga mata nito.
Ilang sandali silang nagtitigan ng binata ngunit maya-maya ay napahugot na lang ng hininga si Chloey.
"Fine. I'll give you fifteen minutes." ani niya sabay lakad papalayo kay Michael.
Dahil nga regular clients na silang dalawa ni Michael ay agad silang inasikaso ng restaurant manager. Ibinigay sa kanila ang room na lagi nilang kinukuha ng binata.
Some memories last. Dati kapag pumupunta siya sa restaurant na ito ay lagi siyang masaya dahil sa binata. Pero iba na ngayon. Ibang feelings na ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Full of hatred.
Ilang minuto na silang nakaupo at na serve na din ang pagkain sa table nila ngunit hindi pa din nagsasalita ang binata. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang kinukuha siya muli nito.
Pero hindi na tatalab ang bagay na iyon sa kanya. She promised herself not to fall for Michael again.
"Spill it out, Michael. Remember, you only have fifteen minutes of my time."
She heard him sighed. "Can we talk after we eat? I haven't eat anything today."
Napatingin si Chloey dito. Mukhang nagsasabi nang totoo ito dahil namumutla na ang binata. Halata din sa katawan nito na ang laki ng pinayat ni Michael.
Remember your promise to your self, Chloey. She reminded herself.
Tanging tango lang ang sinagot niya dito. Maya-maya ay nag simula na din kumain ang binata. Nang mapansin ni Michael na hindi niya ginagalaw ang pagkain niya ay saka lang ito nagsalita.
"Eat, Chloey. I ordered your favorite."
"Cut it out, Michael. I don't need your concern."
Napabuntong-hininga na lamang ito at itinuloy ang pagkain. Tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa table. Noon lang din naalala ni Chloey na susunduin siya ni Van sa opisina. Marahil ay nandoon na ang binata at naghihintay sa kanya. Hindi na din niya kasi naalala na i-text ang binata dahil na din sa inis niya kanina kay Michael.
Dadamputin na sana niya ang cellphone niya para sagutin ang tawag ni Van nang bigla na lang iyon damputin ni Van.
"No calls from him when I'm around, Chloey."
Doon ay napikon na naman ang dalaga. "Give me my phone, Michael." mariing sabi niya kay Michael ngunit hindi pa din nito binigay ang phone niya.
Sa halip ay may ipinatong itong isang brown envelop sa table nila.
"Open it, Chloey. That's my explanation why I ended up marrying someone else."
Natigilan si Chloey sa sinabi ni Michael.
Ilang sandali lang siya nakatingin sa brown envelop na nasa lamesa. Chloey didn't know if she wants to know the truth behind all of this. Siguro dati, oo. Gustong-gusto niyang malaman kung ano ang nangyari why they ended up hurting each other.
Pero iba na ngayon dahil may isang lalaki na handang tumulong sa kanya.
"What for, Michael? Kahit na ano pang gawin mo, hindi na natin pwede mabalik ang lahat. Marami nang bagay ang nangyari sa time na hindi tayo magkasama."
Chloey can see hurt all over his face. But she didn't care at all.
Dahil ayaw ni Chloey na buksan kung ano ang laman ng brown envelop ay si Michael na ang nag-open niyon. Inilagay nito ang mga pictures niya. Iba't ibang shots ang larawan na iyon. At kung hindi siya nagkakamali nang memory ay yan ang araw ng engagement ni Michael at ni Hailey.
"Remember the day when I need to go to Anthon's house. Pagpapunta ko sa mansion nila, hindi na 'ako pinakawalan ni Anthon. Ikinulong ako ng mga bodyguards niya. The reason behind that is they want me to get married to Hailey." ani nito sa paggitan ng pagkuyom ng palad.
"Marriage for convenience. They want to merge the two multi-national company. Company ni Anthon at sa family ni Hailey. And marriage lang ang nakikita nilang way to sealed that f*****g contract."
Huminto muna sa pagsasalita si Michael na halatang pinipigilan nito ang galit. "Ilang weeks na din ako pinilipit ni Anthon na gawin ang bagay na iyon. But no, hinding-hindi ko magagawang iwanan at saktan ang babae na siya ang reason kung bakit ako nasa nag-e-exist."
"But that day, hindi pumayag si Anthon na hindi mangyari ang engagement namin ni Hailey. You know me, Chloey. Hindi ako naging sunud-sunuran kahit sa sarili kong father. But Anthon knows my weakness." ani ni Michael habang nakatitig sa kanya.
"And It's you."
Nang mga oras na iyon ay ramdam ni Chloey ang panginginig nang kalamnan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang nangyari sa binata the day ng engagement nito.
"They have been following you all day, Chloey. Anthon hired an assasin to kill you and your family if I will not cooperate. Lahat ng evidence that the hired killer was following you."
Tinignan ni Chloey ang mga pictures. May kuha din siya sa labas ng condo nila ni Michael ng mga oras na pupuntahan niya ito sa
bahay ni Anthon, pictures habang napasakay siya sa kotse. At halos manginig ang kalamnan niya nang makita niya ang larawan ng parents niya sa na nasa labas ng bahay.
"I have no choice but to give up, Chloey. I don't want you to get hurt or your family. Wala akong choice, I need to follow them for your own safety."
Tinignan niya si Michael na ngayon ay teary eyed ng mga oras na iyon. "Bakit ngayon mo lang na-explain?"
"As much as I wanted to come to you and explain what really happened. Hindi nila ako pinakawalan. They held me captive for almost a week. Pagkadating ko sa condo, wala ka na. Pinuntahan ko si Alice and Nina pero they won't cooperated to me dahil na din sa galit nila sa nangyarti. That day I didn't know what to do, Chloey. Maraming naglalaro sa isipan ko. I almost killed Anthon that day. "
"I hired an investigator searching for you. I have them followed you, just to make sure that you are all safe. Kahit hindi mo ako nakikita, okay na sakin na nakikita kang ligtas. I have to make sure na hindi ka sasaktan ni Anthon, that's why I have no other choice but no marry Hailey."
Nagsasabi nang totoo si Michael dahil mostly sa mga photos na binigay nito ay nasa loob siya ng village, sa halloween party nila, sa mall kung saan sila pumupunta ni Van, party ni Ysabel, habang nasa swing siya at maging ang North Loop nila ni Van.
"Every night nasa labas ako ng Village kung saan ka nakatira, Chloey. You have no idea kung ano na lang ang pagtitiis ko na huwag
kang puntahan sa unit mo para makita. Nang magkaroon ako ng courage to talk to you, I noticed na masaya ka na kasama ni Van." ani ni Michael na halata ang mapaklang tono nito pagkabigkas sa pangalan ng huli.
"It's breaks my heart into pieces knowing that you loved someone else."
Nang mga oras na iyon ay hindi alam ni Chloey kung ano ang sasabihin. She just stared at Michael. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"I- I need to go." ani ni Chloey sabay tayo sa kinauupuan.
Sobrang dami nang revelations ni Michael na halos hindi na makaya ng utak niya.
Agad na tumayo ang binata at hinawakan siya sa braso para pigilan.
"Chloey, I need you back."
"Michael.."
"I have to have you back again. Hindi kita pwede ibigay sa iba."
Umiling si Chloey. "N-no, I'm sorry. I think it's too late-"
Awtomatikong napahinto siya nang biglang lumuhod si Michael sa kanya. Falling to his knees and crying.
"Please, Chloey. Give me another chance and I will make sure to fix this right. Just give me a chance, please."
Nanginginig na tinanggal ni Chloey ang kamay ni Michael na nakahawak sa kanya.
"I-I'm sorry. I don't think it will work anymore."
Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon at dali-dali siyang umalis ng room. Ngunit bago pa siya makalabas ay narinig niya ang sigaw ni Michael.
"Chloey!"
Napatigil sa paghakbang ang dalaga sa sigaw ni Michael.
"I will have you back no matter what. I'll have you back!"
Walang lingon na humakbak si Chloey papalabas ng room at nang restaurant. So much revelation and she didn't know what to do. Ang gusto lang niya ay makalayo kay Michael.
She just couldn't breathe.
Dahil sa matinding emotion ay halos wala sa sarili si Chloey na naglalakad lang nang mabilis palayo hanggang sa maramdaman niya na unti-unting nag-iinit ang mga mata niya na nagbabadya ng luha.
Feeling niya bumalik ulit siya sa umpisa kung saan nalaman niya na pinagpalit siya ni Michael sa iba.
Save me, Van..