Soya's POV
Matapos ang maghapong nakakapagod na trabaho ay ihinatid naman ako ng aking kaibigan sa bahay at sinalubong kami ng aking ina.
"Good aftie po Tita!" Bati ni Scia sa aking ina.
"O, kayo pala, mag meryenda muna kayo Soya. Tamang tama ang dating ninyo kakatapos ko lang mag gawa ng sandwich at alam kong maya maya ay mag sisidatingan na kayo, lalo na ang kapatid mong stress sa school works." Paanyaya ng aking ina.
"Salamat po ma", "Salamat po tita" Sabay naming pasasalamat sa effort ni mama.
Tumuloy na kami sa aming bahay at nang kauupo palamang namin ay agad namang ikinuwento ni mama ang mga rebelasyon tungkol sa pag dala ko sa bahay kay Kaye.
" Alam mo, may dinala yan sya nung isang araw dito. Yung Kaye, kakilala mo ba yon?" Tanong niya kay Scia.
" Ah opo, yun yung customer namin. Madalas po sya sa resto, lately." Sagot ni Scia.
" E, alam mo bang yang bestfriend mo, may crush duon?" Sabi ng aking ina na may diin at ibang tono sa terminong "bestfriend".
"O-opo, nabanggit nga po sakin ni Soya, noon pa." Wika ni Scia.
"O e ano pang hinihintay mo? Bat di ka pa kumikilos?" Sabi ng aking ina.
"P-po??" Pag tataka ni Scia.
Halos mabilaokan naman ako sa sinabi ni mama. " Mama? Pasmado talaga bib-"
"Kako, bakit hindi ka pa kumikilos? Kain na lalamig yung pagkain?" Pag papalusot ni mama.
"Ay opo, salamat po." Wika ni Scia na hiyang hiya sabay kagat sa sandwich.
"Anak alam mo, ikaw ata yung pasmado ang utak, ano bang iniisip mo?" Usisa sa akin ng aking ina.
"Nah nevermind mudra. Samahan mo na kami kumain, sarap pa naman nito, sabi mo nga gat mainit pa." Wika ko sa aking ina.
" E mamaya na, madali naman painitin ang sandwich. Hintayin ko na ang ama mo." Tugon niya.
Nang makatapos nang mag meryenda ay tumuloy naman kami sa aking kwarto.
" So, i noticed na hindi ka na gaanong focus sa pag susulat mo." Wika ni Scia.
"Yun ba?, e kasi lately medyo busy lang. But, how'd you know?" Tanong ko.
"E kasi napansin kong hindi kana gaanong mukhang puyat at adik." Pang aasar niya.
"Sus! Siguro isa ka sa mga fan ko don ano?" Pangongompronta ko sa kanya.
"Loh, ako? Fan mo? Bakit ikaw ba yung sarili ko? Bakit ko naman iidolohin yung author na mukang addict." Pang aasar pa niya.
"Ikaw wala ka nang sinabing maganda ano? Kung hobby mong manira ng trip, pwede ba? Istap mo na." Naiinis kong sagot.
"To naman, nanibago lang ako na hindi kana nag susulat. Diba pangarap mo yon? Maging sikat na author? So pano mo gagawin yun?" Pag aalala niya.
"Hmn, bakit ganyan ka? Dati inis na inis ka sa pag susulat ko kesyo muka nakong addict. Anong meron sa samdwich ni mama at nag hihimala ka ngayon? Nag mamalasakit ka na ngayon." Pag uusisa ko sa kanyang pagbabago ng kilos.
"Baliw! Seryoso kasi! I may not be your no. 1 fan sa pagiging author mo pero just know frenny, that i am the no.1 fan of your life." Pag lalambing niya.
"E sus! No. 1 daw e apaka kontrabida mo as always, ngayon lang nag iba ang ihip ng hangin no. But ayun nga kidding aside, me too, i am the greatest fan of yours kasi napaka strong mo kahit na nasa sitwasyon ka na pakiramdam mong nag iisa ka, saludo ako sa katatagan mo, such an independent person." Papuri ko sa kanya.
"Iiyak na ba ko? Hahahahha." Aniya habang nangingilid ang luha sa mga mata.
Niyakap ko siya sa pagkakataon na iyon at hinagod nang marahan ang kanyang likod. I also tapped her gently.
"Pangarap ko iniisip mo e may pangarap ka din diba? Kamustahin ko lang pag hahanap mo sa papa mo? Noon pa man gusto mo sya makita, kaya hanap ka nang hanap sa kung saan saan tapos hindi mo pa ako isinasama kasi sabi mo moment mo yun." Wika ko.
"Ahh, yon ba? Tinigil ko na yon e, mga ilang taon na. Hindi ko na siguro pangarap yon, dapat hindi ko na pinangarap." Aniya habang tuluyang tumulo ang luha niya na pilit niyang pinipigilan at pinunasan.
" S-sorry frenny, insensitive ba ako masyado? Im sorryy!" Paumanhin ko sa kanya.
"Nah, okay lang, tagal ko din naman na di nailabas to pasalamat pa ko sayo hahaha." Aniya.
Lumapit ako sa kanya and i kissed her forehead to comfort her. I am also feel sorry na hindi na ata ako updated about sa kanya at mukhang tagal na niyang dala dala ang bigat sa dibdib niya.
"What was that for? I mean, parang hindi ikaw yung bestfriend ko, ang alam ko diring diri yun sakin e. Nag iba nga ihip ng hangin hahaha." Wika niya.
"Sira! Hahaha it's just, nagiguilty ako na hindi na siguro ako updated sayo kasi naging abala ako sa personal life ko and, yeah I'm sorry frenny, i dont deserve to be your frenny na" Paumanhin ko sa kanya.
"Oo nga hmf! Masyado ka nang busy, siguro dahil ng love life mo." Pag susungit niya.
"Huy? Wala ako nun no. Crush is crush and i know maya maya mag ffade na din, lalo pa at friends na kami. Pag ganon daw it's either mahulog or mawala." Paliwanag ko sa kanya.
"What if mahulog?" Tanong niya.
"Edi... Wow?" Wika ko.
Napangiti na lamang si Scia at napatingin sa malayo.