Crazy Over You: Chapter 10: Scia and Soya friendship

940 Words
Chapter 10 Soya's POV Hindi ko man nagustohan ang mga nasabi sa akin ng aking kaibigan ay nauunawaan ko naman siya sa puntong hindi ako nag ingat at mabilis akong nag tiwala sa taong hindi ko naman kilala pa ng lubusan. Nauunawaan ko ang pagiging protective niya dahil simula't sapol ay ganun na talaga siya at iyon ang dahilan ng aming pagkakaibigan. Naalala ko pa nung hapon na iyon, madilim na sa aking dadaanan pauwi patungo sa aming tahanan nang ang mga bully sa aming eskwelahan ay aking naka banggaan. "Ahh!" Daing ko nang makabanggaan ang isa sa grupo ng mga kabataang iyon."Sorry po!" sabay limot ng mga natapon na dala kong gamit na nag kalat. Nilimot niya ang isa sa mga gamit ko at kaniyang natatawang binasa. "Hmm, what do we have here? Chapter 5? Baduy naman ng hobby mo hahahah" Aniya at nag si tawanan ang kanyang mga kasama. Natigilan ako sa aking pag likom sa mga iba pang gamit na nagkalat. Mahalaga sa akin ang kanyang hawak hawak dahil ito ay ang isang bahagi sa kwentong aking isinusulat. Agad akong tumayo upang kuhanin ito sa kanya ngunit itinaas nito ang kanyang kamay na hawak hawak ang kapirasong papel na iyon. "Please?" Pag mamaka awa ko sa kanya. "Nabangga mo ako tapos papalampasin ko lang yung nangyari? No way, face the consequence ika nga nila." Wika niya as she smirked at me. Sa kabila ng aking pag mamakaawa ay tila wala siyang naririnig at walang kunsensyang nilukot ito at pinag pasa pasahan ng grupo nila na tila ba nasa isang laro ng basketball. Sinubukan kong pigilan ang luha ko ngunit ang isiping ginaganon lang ng iba yung hobby ko o ang pangarap ko dahil para sa kanila ito ay mababaw ay napaka bigat sa loob at sakit sa damdamin. Wala akong nagawa kundi ang mapa upo at hayaang tumulo ang aking luha. Napalingon naman ako at ang mga bully sa isang direksyon na pinag mulan ng tunog ng nabasag na bote. "Lahat nalang pinag tripan nyo?" Wika ng isang babaeng pamilyar na mukha na akin nang nasilayan noon sa aking paglalakad patungo sa aming tahanan. "Si-sino ka ba?" Tanong ng bully na umagaw sa mahalagang bagay sa akin. May bumulong naman sa kanya na isa sa kanyang kasamahan. "Ahh so ikaw pala yung ulila HAHAHAAHA." Pang aasar niya sa aking tagapag tanggol. " Mag iingat ka, kasi pag umiyak ka wala kang susumbungan na mama at papa HAHHAHA." Dagdag pa niya. They laughed uncontrollably until may sinambit ang aking tagapag tanggol. " Tama ka, wala akong mama at papa, walang madidisappoint, at walang may pake kung may masaksak akong mga demonyong katulad nyo." Banta niya habang nilalaro laro sa kamay ang kapiraso ng matalim na bubog na hawak niya galing sa binasag niyang bote. Natigilan naman ang grupo ng mga bully na iyon at ang nakabanggaan ko naman ay nag wikang, "Crazy, pasalamat ka na hindi kami papatol sa PWD, kulang kulang sa utak, palibhasa kulang kulang sa pamilya." "Tara na!" Wika niya sa kanyang kasamahan at matapos ito ay bumaling sakin at ibinato sa mukha ko ang kapiraso ng papel kung saan nakasulat ang ilang bahagi ng ginagawa kong kwento. Nang nag si alis ang mga ito ay lumapit naman saakin ang siyang nag tanggol sa akin "Sorry na naexperience mo yung pambubully nila." Wika niya. "Gaga wala ka naman kasalanan." Nakangiti kong wika sa kanya. "Ayy sorry, ganun lang talaga magsalita pero i didn't mean to-" "No worries hahaha." Wika naman niya. " You look familiar, actually." Wika ko "Ahh, oo nakikita din kita kapag dumadaan ako papunta sa tinutuluyan ko." Pag kumpirma niya. "Mukhang mahalaga sayo yung papel na yan ah." Aniya. "Ahh oo, part kasi yan ng binubuo kong kwento." Wika ko habang pilit kong inaayos ang nalukot na kapiraso ng papel. "Bakit mo ginawa yun? Kahit pa sabihing wala kang parents. Yung education mo paano na? Kung mananaksak ka syempre ma e- expelled ka sa school." Tanong ko sa kanya. "Sino ba naman kasing may sabing gagawin ko yon?" Wika niya sabay kindat sa akin. "Simplicia Cruz, Scia nalang." Aniya habang iniaalok ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo sa aking pagkaka upo. "S-Soraieana Alvarez, Soya nalang din itawag mo." Pagpapakilala ko at pag tanggap ko sa kanyang alok na tulong. "Sa susunod sabay na tayo palagi para incase na andito nanaman sila naka tambay atleast kasama moko, mag dadalawang isip na silang pag tripan ka. Okay lang ba?" Aniya. "Sure, kahit naman wala sila, i would love to hang out with you. Thankyou ah. Pwede ba akong bumawi?" Wika ko. "Nako wala yun, nukaba hahaha. Pero curious ako kung pano ka babawi hahahah." Wika niya. "Okay! Okay lang ba sayo yung tusok tusok don sa kanto?" Paanyaya ko sa kanya. " Oo naman bakit hindi, tara na! " She grabbed my hand that makes me wonder why naman ang gaan ng loob namin agad. Mukhang magkakasundo kami at mukhang magiging mabuting magkaibigan kami. " Huy!" Paninita sa akin ng aking bestfriend na si Scia. "Tulala ka dyan? Masusunog na o!" Dagdag pa niya habang itinuturo ang aking niluluto. "Ayy sorry! By the way, i love you frenny!" Wika ko sa kanya. "Hala? Okay ka lang ba?" Usisa niya. "Naman! Sumagi lang talaga sa isip ko yung first day na nag usap tayo." Tugon ko sa kanya. "Ahh yon ba? Nakalimutan ko na e." Aniya. "Ahh ganon?" Wika ko habang nanlilisik ang aking mga mata na naka titig sa kanya. " To naman di mabiro hahaha, tandang tanda ko pagiging lampa mo noon no, how could i forget that?" Pang aasar pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD