Crazy Over You: Chapter 9: Curious Scia

1097 Words
Chapter 9 Scia's POV "What would i do? Paano ko haharapin si Soya. Sakit naman mahalin ng babaeng to. Sabi na e, sinabi ko na iwasan ko tong nararamdaman ko hanggat maaari" Hindi ko ineexpect na mahuhulog ako sa kaibigan ko. Alam kong masaklap ang maaari kong sapitin. Umaga na at hindi ako mapakali, halos wala akong tulog sa pag iisip kung natulog ba sa bahay nila Soya yung tao na yon. "Tsk!" Walang tigil na mga bulong sa isipan ko habang ako ay naliligo at nag hahanda upang pumasok sa trabaho. Naisip ko namang sundoin si Soya sa kanilang tahanan upang masagot na din ang mga katanungan sa aking isipan. Nang makapunta ako sa tahanan nila Soya ay natisod ko ang basag na paso. Naguilty ako sa nangyari kagabi nang mabasag ko ang paso nang hindi sinasadyang natabig ko ito habang pinakinggan ang usapan ng mag anak nila Soya kasama ang aking "pet peeve" o yung taong kinaiinisan ko. Ninais kong kamustahin si Soya dahil sa mga nangyari at hindi ko inaasahan na dinala niya ang taong ito sa kanilang bahay. I even brought her flowers at tusok tusok na nauwi sa basurahan at sa aking sikmura dahil sa aking napagtanto. Kakatok na sana ako sa pinto ngunit bigla itong bumukas. "Uy! Scii! Naparito ka? Anong atin?" Tanong ni Soya. "Ah wala, sasabay ka ba?" Pag aya ko sa kanya. "Sure! Ngayon ka nalang ulit medyo tinanghali ah." Wika niya. " Nyare? Okay ka lang?" Tanong pa niya. "Oo naman, why not. I just miss you, i mean na miss kong magkasabay tayo." Paliwanag ko. "Sus, sya sandali, linisin ko lang tong nabasag ng pusa kagabi. Pasok ka muna" she welcomed me as always pero iba na yung pakiramdam ko, knowing na may iba na syang winewelcome sa bahay nila. Agad kong tinungo ang kwarto ni Soya upang tingnan kung nandito pa ang taong kinakainisan ko. "Huy! Hinahanap mo?" Tanong niya. "Wala ah, napansin ko lang na ang ayos ng kwarto mo ngayon ah?" Wika ko. "Ahhh nako wala to, hihi" Wika naman niya sa nakakairitang way, nakatingin sa taas, sa kawalan habang pinapakipot ang labi. "Kinikilig ka ba? Umayos ka nga para kang may eng eng kapag kinikilig ka panget naman ng tao na to" pag uusisa at pang aasar ko. "Ha ako? E kasi ano madami akong ikukwento sayo kaso mamaya nang pag uwi baka ma late pa tayo e." Tugon naman niya. "Oy, nakita ko yon kahapon ah. San mo dinala yung customer na yon?" Tanong ko. "Hmnn dito sa bahay!" Basta kukwento ko sayo mamaya." Wika niya. "Such an idot, Soya, what a dumb move. Ni hindi mo pa kilala yung tao. Dahil lang sa type mo yung tao bibigay ka na ng malala. Para ka nang, para ka nang kaladkaring babae nyan. Kung kani kanino ka nalang talaga no?" Pang sesermon ko sa kanya. "You think ganun akong klaseng babae?! Naaappreciate ko naman yung mga panenermon at concern mo, pero Scii? Sobra na." Naluluha niyang sinabi. "Hindi lang kasi ako nag alala sayo, nasaktan din ako. All i did was to protect you, para lang ano? Makuha ka ng iba at masaktan ka? Wala ka ba talagang idea how much i love you?" Madamdaming pagpapaliwanag ko sa kanya. "Y-yon! Ang sabi ng leading man na napanuod ko kagabi, kaya napuyat ako e haha." Pag bawi ko sa aking mga nasabi. "Nakuha mo pang mag biro Scii?" Seryoso niyang sambit. "Im sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Kilala mo naman ako Soya." Wika ko. "Hindi padin valid yong ganun mong reaction o mga sinabi mo sakin nakakasama lang ng loob. Alam kong masakit ka mag salita kapag galit ka pinaramdaman kong tanggap kita pero sana ayusin mo padin. Kung tinatama mo mali ko well itatama din kita sa mali mo." Panenermon niya. Napatungo nalang ako sa aking narinig. I am guilty for being harsh sa kanya kapag sinesermonan ko sya. I was just concern. Sobrang concern sa kanya. "Im sorry." Wika ko sa malungkot na tono. "Tinetrain na din kita, personal development kasi kawawa talaga maging jowa mo nyan kapag hindi mo binago yan HAHAHAH." Wika niya. " Sige na im sorry din if napagsabihan kita. I always have soft spot sayo kapag muka ka nang tuta dyan na napagalitan. Iiyak na e hahaha" she laughed to lighten up the mood. She's trying hard to cover the awkwardness. I am guilty. Foul na din mga napagsasasabi ko sa kanya. I was just dealing with my anger issues lately, or maybe jealousy. What ever the reason is, it's not a valid to do such things that can harm other people especially the one that i love. Pasalamat nalang ako na marupok sa kaibigan si Soya. Kaibigan at mananatiling kaibigan nalang ba ako? Mukhang bad shot na agad ako if umamin ako sa kanya. Hindi dapat ako nag papaka kampante kahit na malapit kami sa isat isa. "O? Ms. Scia, Kamusta? Okay na po ba kayo?" bati sa akin ng isa naming katrabaho nang nadatnan namin sila na busy-ng busy sa pag aayos sa kusina. " Ngayon ka lang po ulit na late ah, bakit pa po kayo pumilit pumasok? Okay na po ba talaga kayo?" Tanong naman ng isa pa. "Ha? Bakit? Ano bang nangyari?" Pag uusisa ni Soya. "Nah, guys okay lang ako. Okay na ako." Tugon ko. "Ikaw frenny ah? May hindi ka kinukwento sakin. Hmf." Wika ni Soya habang naka pamaywang ito sa aking harapan at tila nanghahaba nanaman ang nguso. "Wala yun, umuwi lang kasi ako kahapon ng maaga aga kasi ano a- ano kasi, hmmm medyo nahilo lang ako." Paliwanag ko. " Teka nga? Ako lang ba yung hindi nag kwento ng nangyari kahapon? Ikaw nga e palibhasa nalibang kana kasama crush mo kinalimutan mo nako, i,i mean hindi mo man lang ako agad binalitaan kahit kagabi hmff!" Reklamo ko sa kanya. "Sandali lang naman, ikukwento ko din naman sayo kaso gusto ko yung wala nakong iisiping iba kundi kiligin. Trabaho muna okay??" Wika naman niya. "Last na! Sa tingin mo ba, may pag asang maging kayo nun?" Tanong ko sa kanya. "Zero beh! As in. Hindi sya streyt pero kapag binibiro ko sya ng banat banat lines ko wala man lang siyang ibang reaction, even nung inamin ko sa kanya." Pag kukwento niya. "Hala? Inamin mo?" Pagkukumpirma ko. " Mamaya na kasi, nabibitin din ako mag kwento e, chismosa ka talaga sa life ko bi" Aniya. Nag patuloy na kami sa aming trabaho ngunit nandoon padin ang aking curiosity tungkol sa mga nangyari sa kanila kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD