Maine(POV) Napag-usapan namin ni Gilbert na magsi-Simbang Gabi kaming dalawa. Maraming discussions, palitan ng mga dahilan kung bakit. Pero sa huli, mas pinili naming magkasundo sa oras - 4 in the morning kami magsisimba. Isang oras para may 15 minutes pa kaming maglakad papasok sa school. Medyo nagulantang ako dahil sa pagtawag ni Gilbert sa akin ng 3 AM. Ganiyang kaaga. Kasalanan ko rin kasi nawala sa isip ko na December 16 kami magsisimula. Sasama rin si Yaya sa amin. Naamoy ko ang bagong lutong sinabawan. Nagtatalo ang umami at amoy ng karneng pinakuluan. Dinadala naman ako ng bagong saing na kanin sa mesa. Naninimdim pa sa dilim ang ngiti ni Yaya at bumungad ang kabuuan nito nang marinig ko ang pitik ng switch. Magkasalo kaming dalawa ngayon. Halos saputin na ang upuan para kina Ma

