Gilbert (POV) Marami na rin kaming napagdaanan ni Maine noon pa. August pa lang, after mag-test sa UP, nag-cool off muna kami. I needed space. Alam kong nasa ligawan stage pa lang kami, pero kinailangan ko ring gawin kasi masyadong maraming nangyari sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming may kasalanan. Napag-usapan na namin ‘to noong summer pa. Malayo talaga ang liliparin kapag gusto mong maabot ang taong mahal mo. Nakipag-inuman pa ako kina Buknoy noon. Kinuwento ko lahat nang nangyari. Kahit sila, sinabi na pareho kaming may mali. At saka, kababawan dahil wala naman dapat magdikta kung saan mag-aaral ang isa. May point silang lahat. Inisip ko lang din naman kasi na subok lang naman ang nasa Ateneo. Kapag nakapasa ako nang walang scholarship, sa kahit saang state university na lang ak

