bc

Stay With Me, Forever!

book_age16+
537
FOLLOW
2.0K
READ
brave
confident
drama
comedy
sweet
bxb
basketball
coming of age
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Iniisip ko noon, hanggang saan pa ba kaya ko para sa kaibigan ko?

I was just thinking kung ginagawa ko ba ang lahat nang dahil sa friendship o dahil nga ba mahal ko na siya?

Hindi ko lubos maisip na masakit din pala na ang turing lang niya sa'yo ay isang kaibigan lang.

Siguro nga, isa lang siyang panaginip na hindi talaga mangyayari.

***

Isang lang siyang pangarap na hindi mabibigyang katuparan.

Pero, darating pa ba ang umaga para sa akin?

Siya na nga lang ang mayro'n ako, mawawala pa.

Sana naman ay mahal niya din ako.

Sana lang talaga.

Kung ako na lang sana ang minahal niya, hindi na sana problema ang lahat.

Pero mahal niya rin kaya ako?

***

Nando'n na tayo sa mahal niya ako.

Makakayanan niya bang mahalin ako kahit na… mawala na siya sa isipan ko?

Siguro, oo. Hindi ko rin naman masabi.

Naniniwala akong mahal niya talaga ako.

Iyan ang kaisa-isang hindi mababago sa kanya ng kahit na sino.

Kaya naman, mahal na mahal ko pa rin siya.

chap-preview
Free preview
Simula Ngayon
Maine (POV) Naglalakad na ako ngayon papasok sa school - sa bago kong school. Ano ba naman 'to? Private school ako dati. Bakit sa public ako lumipat? Maraming dahilan. Paniguradong may banta na naman sa buhay namin. Dala na rin siguro na may bahay sina Mama at Papa sa Comembo. Pero higit sa lahat, may iniiwasan akong tao. Si Gilbert. Well, wala nang atrasan ‘to. Aaminin ko, excited rin naman ako kahit papa'no dahil nga may mga magiging friends na naman ako. Mabuti na rin sigurong lumipat ako ng school. Sana nga lang may maging inspiration naman akong makita kahit paano. Pero,balita ko, sa papasukan ko ngayon ay marami daw mga good-looking na tao. Well, ako rin naman, a. Ako nga pala si Maine Cortez. 15 years old. Well, single since birth ang lola n'yo. You're right if you're thinking that I'm gay. Physically, medyo balingkinitan naman ako. Kasingputla ko si Dracula, that’s for sure. Weird, but yeah it’s real.  Hinanap ko na lang ang room ko. Room 334 ako. Third year, section Uranium. Kanina ko pa tinitingnan ang information sheet na binigay sa akin. Kumatok ako sa room. May lumabas na teacher. "Good morning, ma'am!" "Ikaw ba 'yong transferee?" "Opo." "So, magpapakilala ka muna, OK?" "Sige po." Pinapasok na ako. Tulalang-tulala ang lahat dahil ibang-iba ang hitsura ko compared sa kanila. Mapapansin mo na lang na may nagbubulungang mga lalake sa likuran. Nakangiti naman ang mga babae. Hindi ba nila nahahalatang bakla ako? Anyway, maraming hanash si Madame dahil masyadong maingay ang klase ngayon. "Class, may bago kayong classmate! You may introduce yourself." Grabe naman makatingin ang mga ito! Medyo kabado ako. "I'm... Maine Cortez. 15 years old. I studied at Don Bosco Makati." "So, what are your hobbies?" tanong sa akin ni ma'am. "My hobbies are reading, studying, and making friends with anyone!" "Oh, that's nice! Well, you may now sit beside Mr. Dimaculangan at the back." Nakakaloka naman! Pansin ko lang, ang gwapo naman nitong katabi ko. Pero ang hindi ko lang talaga maisip, bakit hindi maramdaman ng mga babaeng 'to na bakla ako? Ito kasing mga nasa likuran ko, sinusundan pa rin ako ng tingin hanggang sa makaupo ako. Then, nag-umpisa na ang lesson. Nagtanong ako sa katabi ko. "Excuse me, pwede bang mahiram ang notebook mo mamaya?" tanong ko sa kanya. Bumulong siya sa akin. "Kiss mo muna ako." Sa sobrang gulat ko ay nasampal ko siya. Napasigaw siya. Nagtinginan ang lahat. Napapikit na lang ako sa sobrang nerbyos. "Mr. Cortez! Ano'ng mayro'n?" tanong ni ma'am. "Ahhh... ma'am, wala po!" Kinurot ko na lang siya sa tagiliran. "OK, let's proceed!" sabi na lang ni ma'am. Nanahimik na lang ako at nakinig sa lecture! Ano ba naman 'to? First day na first day, iyon agad ang bungad niya sa akin. Bwisit! *** Nakausap ko ang mga babae habang recess. Grabe pala ang recess sa public schools. Tamang kakain ka lang para makapagpahinga. Sa dati kong school, it was an hour for lunch. Proper lunch, as we call it there. Ang hirap mag-inarte dahil alam kong iba sila ng pamumuhay. Unlike mine, their lives would have been the least complicated despite the obvious disparity in lifestyle and privelege. But that’s not the point. Tumabi sa akin si Saleana. She is one of the prettiest girls here, I’d say. Mahaba at straight ang buhok. Tan ang balat. Mukhang Latina siya, to be honest. Pero somehow boyish. “Maine, tama ba?” “Yes, you’re Saleana, right?” “Oo, ako nga. Alam mo, ang guwapo mo. Pero bakla ka, ‘di ba?” Tumango ako at bigla niya na lang akong niyakap. Hindi ko expected ‘to. She is that blunt, I can tell. But hey, I have met people like her. ‘Yung maganda pero walang arte sa katawan. Ang tigas kasi niya maglakad, pero mukhang may girly side siya na hindi niya nilalabas. ‘Yung totoong siya. I am not saying na hindi rin siya boyish or whatnot. Ibig ko lang sabihin e malaya naman siya, but something’s stopping her. Right now, nagpapalitan ng chismis ang mga babae. Nakaupo lang ako rito at nakikinig habang kumakain lang kami ng snacks. Nakuwento ko sa kanila ang mga whereabouts sa dating kong school. Inamin nila sa akin na gulat na gulat sila na lumipat ako sa public school. Now there’s the point – this is that heaven-kisses-the-earth situation. And yes, nakakalungkot. *** I decided to leave immediately after class. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon sa isang kalye. Ito ang unang pagkakataon na wala ako sa Bel-Air. Nag-iba bigla ang mundo ko in a snap. Iba hangin dito. Marami kasing sasakyang dumaraan. Nasa highway na ako at papaliko na sana sa Kamagong Street nang biglang may humatak sa braso ko. "Maine! Maine!" sino naman 'yon? Napalingon ako sa likuran ko. Si Saleana lang pala! "Bakla! Ikaw pala!" Kasama niya ang boyfriend niya. Kenneth ang pakilala niya. Well, she told me that. Don’t act surprised, Maine. Don’t. "Beks, hihiramin mo ba ang notes ko?"  "Ay! Oo! Salamat!" tapos ibinigay niya sa akin ang notebook. Inalok ko na lang siya na pumasok sa loob ng bahay namin pero hindi na raw dahil may date pa pala silang dalawa. Then, naglakad na ako at saka pumasok na sa bahay namin. *** Hindi ko pa rin talaga maialis sa isip ko 'yong lalaki na 'yon. First time 'yon na may bumulong sa akin nang gano'n! Nakakaloka na. Kiss mo muna ako. Leche! Hindi ako makapaniwala! Ang weird lang. Parang smug siya, si Xavier. The hell with that guy. Kahit na gusto kong magalit, hindi ko magawa. Manyak na ‘yon para sa akin. Bawat titig niya kasi kanina parang hahatakin niya na lang ako somewhere at biglang huhubaran. Hindi nakakatuwa, pero there’s something in him that I find interesting. Misteryoso siya masyado. Saleana and all of the girls were aloof to talk about him. I take my clothes off and wear my casual outfit. Kumain na rin ako ng tanghalian kasama si Yaya. Kinumusta niya ako. I smiled and said, “Ang masasabi ko lang, Yaya, wow. Wow.” “Masanay ka na. Alam mo namang hindi ordinaryo ang pamumuhay mo, iho.” “Oo naman, Ya. Ang hirap nga lang mag-adjust kasi hindi naman ‘yon ang nakasanayan ko.” “Pero matatas ka pa ring mag-Tagalog.” “Kayo ba naman po ang kausap ko araw-araw, hindi pa po ba ako masasanay?” Natawa na lang kaming dalawa at saka kumain ulit. I always feel like home kapag kasama ko siya. Hindi kasi siya pabaya katulad ng ibang tao. She has been working with my family for over 35 years. Hangin pa lang kaming tatlo, nagtatrabaho na siya sa amin. Nakaka-fresh kapag nariyan siya at hindi niya kami pinag-isipan o ginawa’n ng masama. In her essence, she is sensible and outspoken dahil maraming beses na siyang nakasagutan ni Papa, pero nakikinig pa rin siya sa kaniya. *** Marami-raming notes din ito. Geometry, Chemistry, Filipino, at marami pang iba. Dala-dala ko rito sa Kodak. Buti na lang at wala pang masyadong tao. Amoy bagong printed photos na naman. Nostalgic, but we have to let go of that. Mas convenient na kasi ang digicams right now. Anyway, inasa-isa ko na lahat ng notes nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Hello, Maine!" sino na naman 'yon? Lalaki? Paglingon ko. Si Xavier lang pala. Hindi ko na lang siya pinansin. May mga kasama kasi siya. Well, apat sila na puro gwapo. Hindi ko na lang pinansin at tinanong ko siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" "Malamang, magpapa-xerox. Alangan namang maligo, ‘di ba?" namimilosopong sagot. Sa totoo lang, nakakainis siya. Hindi ko siya gusto. Hindi ko na lang siya pinansin after that. Baka masira lang ang mood ko. Hanggang sa natapos na lang akong magpa-xerox. Then, bumili ako ng sliding folder para naman may paglagyan itong mga pina-xerox ko. Biglang nag-ring ang phone ko. Si Saleana lang pala. “Beks, saan nga pala ang bahay ninyo?” “Sa Kamagong street, bakit?” “Puntahan sana kita sa inyo kasi kukunin ko lang sana ang mga notebook ko. OK lang?” “Gora lang! Text ko na lang ang address ko.” “Sure, thanks!” Then, the call ends. *** Nagre-review na ako ng notes. Ang dami rin nito, ha. Ang sakit sa ulo ng Geometry. Kaya naman, Chemistry na lang muna para mas madali. Nangangalahati na ako sa review nang tawagin ako ni Yaya. "Anak, may bisita ka, kaklase mo daw siya." "Sige po. Bababa na lang ako." Bumaba na ako at narito na si Saleana. "Beks! Hello!" bati ko sa kanya. "Hello din! OY! Salamat nga pala sa notebooks!" Tapos, ibinigay ko na sa kanya ang notebooks niya. "Beks, friends na ba kayo ni Xavier?" "Hindi. Ayaw ko kasi sa kanya." "Iyong parang iritable ka kapag nakikita mo siya?" "Oo. Kasi naman, nag-try ako manghiram ng notebook sa kanya, binulungan ba naman ako." Huwag mo nang itanong, Saleana. Please, huwag na. And there it is. "Ano naman ang binulong niya?" "Kiss daw muna." "Hala? Talaga?" "Oo nga! Naloka lang talaga ako! Ayaw ko pa naman sa mga gano'n." "Actually, kasi, sweet lang talaga masyado si Xavier sa lahat. Pero, alam mo, galit sa bakla 'yon, e." "Hala! Baka naman pag-trip-an lang ako no'n, ha?" "Oo nga! Better yet, 'wag na 'wag mo siyang kakausapin simula ngayon." "Pero, baka naman..." "Anong baka naman?" "Baka naman kasi... hindi niya rin naman ako pag-trip-an?" "Ikaw may sabi niya'n, ha. Pero gusto mo bang lagi ka na lang iritable?" "Hindi rin naman, siyempre." "So, magpalipat ka na lang ng upuan." *** Walang panira sa tulog kong maganda. Ang fresh lang tuloy ng feeling ko. Bagong gising. Papasikat pa lang ang araw. Naghanda na rin ako. Kain. Ligo. Bihis. Pasok. Sinalubong ako ni Saleana. "Hello, Maine!" bati nila ni Kenneth. "Magandang umaga rin naman!" "Musta naman ang notes ko? Ayos lang ba?" "Bongga nga, e. Kompleto!" "Well, inspired, e!" sabay tingin siya sa boyfriend niya. "Kayo na!" natutuwa kong sabi. Nagtawanan na lang kami habang naglalakad. Humiwalay na siya sa aming dalawa sa pila. Sabay na kaming pumasok ni Saleana sa room. Umupo na ako sa tabi ng mokong na ito. Binati niya ako. "Good morning." "Same to you." sabi ko na lang. Parang walang lakas kong sinabi. Nag-review na lang ulit ako. Mas may mahihita pa ako. "By the way, Maine, pwede mo ba akong samahan mamaya?" "Saan naman?" tanong ko habang nagbabasa. "D'yan lang." "Sorry, magre-review pa ako. Hindi pwede." "Ah, gano'n ba? Thanks." Parang nawala yata ang powers ng ugok na 'to? Parang kahapon lang nang bulungan niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. I don’t talk to strangers. That leads to the question: Ibang tao pa rin ba siya o ako na lang ang nag-iisip na ibang tao pa rin siya? Bahala na nga. Nagsimula na ang class. As usual, discussion. Tapos, may board work. Masaya naman ako ngayon halos kaibigan ko na ang lahat! YAY! Marami na rin akong friendship. Puwera lang kay Xavier. Hindi ko talaga siya bet maging friend. Well, kung bakit? Hindi ko rin masabi, e. Basta na lang akong naiirita kapag nakikita ko siya. Pero nagulat lang talaga ako no'ng sinabi niya na magpapasama siya sa akin. Umayaw lang talaga ako dahil nga sa sinabi ni Saleana. Baka rin kasi pag-trip-an niya nga ako. Mabuti na rin ang nag-iingat para iwas disgrasya. *** Habang nagre-review, may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa phone ko, unknown number. Hindi ko na lang sinagot. Tumawag ulit. Sira ang review ko! Sinagot ko na lang. Tunog kasi ng tunog ang cellphone ko. "Hello!?" ako ... "Maine? Si Xavier 'to." "Ha? Kanino mo naman nakuha ang number ko?" "Kay Saleana. Pinilit ko siya." "Oh, tapos?" nagtaray lang talaga ang lola n'yo! "Kasi... pasama na lang ako,” pagpipilit niya. "Saan ba kasi?" "Sa mall." "Ano naman ang gagawin natin do'n?" "Samahan mo ako para bumili ng ipangreregalo sa girlfriend ko." "Bakit ako pa? Pwede namang babae na lang ang isama mo." "Hindi pwede. Selosa 'yon, e." "By the way, kailan naman?" "Sabado, pwede?" "Sandali lang, ha. Titingnan ko lang ang sched ko," sabi ko. Tiningnan ko na lang ang sched ko. Wala naman akong lakad. Pero gagawa na lang ako ng palusot para hindi niya na lang ako guluhin pa. "Ay, sorry. May pupuntahan kasi ako sa Sabado." "Saan naman?" "Huwag mo nang alamin. Pasensya na, ha." Wow! Parang iritado pa siya. "Sige, thanks na lang." End of call. Magiging masaya ang Sabado ko! Pahinga ko na naman! Wala naman akong lakad ‘pag Sabado. *** Friday na ngayon! Ang bilis naman yata lumipas ng mga araw? Hindi ko na lang pinansin iyon. "Maine!" si Saleana. "Beks! Bakit parang ang saya mo yata ngayon?" "First anniversary kasi namin ni Kenneth ngayon!" "Talaga? Happy anniversary!" masaya kong bati sa kanya. Mabilis din naman na natapos ang klase. As usual, pag-uwi ko sa bahay ay nag-review lang ako at tinulungan si mama sa mga gawaing bahay. Ito na lang yata ang magiging buhay ko sa ngayon, ang mag-aral at tulungan si Yaya dito sa bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
493.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
196.1K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
175.0K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
116.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook