Maine (POV)
Sabado ngayon. 9 am. Ang ganda naman ng gising ko. Siyempre, maganda rin naman ang tulog ko. Nararapat lang din naman sa isang dyosa ang bonggang tulog. So much of vanity at kailangan ko nang bumangon. Tinawag ako ni Mama. Umuwi pala siya rito ngayon. Binati ko muna siya ng “Good morning”. Pero iba ang ngiti niya. May bisita raw ako. Masaya lang talaga si Mama sa tuwing may nakikilala akong kaedad ko.
"Nak, may bisita ka! Dalian mo d'yan!" sigaw ni mama mula sa pinto ng kwarto ko.
Sino naman kaya 'yon?
"Sige po. Susunod na ako." matamlay ko pang pagkakasabi.
Naghanda muna ako. Naghilamos. Nag-toothbrush. Tapos, bumaba na ako. Nagulat ako! Si Xavier?
"Teka! Ano'ng ginagawa mo dito?" takang-taka pa ako.
"Malamang, susunduin kita!" natatawang niya pang sabi.
"E, may pupuntahan pa kaya ako?"
"Ano'ng pupuntahan? Katatanong ko pa lang sa mama mo, wala ka naman palang pupuntahan!"
Halatang medyo galit ang tono niya. Ang guilty ko tuloy. Kasi nga naman ayaw ko siyang makasama. Baka kasi kung ano ang gawin nitong ugok na 'to sa 'kin!
"Nakakainis naman, e! Aaminin ko, ayaw kitang makasama. Nakakairita ka kasi, e!"
"Gano'n ba? Sige, salamat na lang." nalulungkot niyang sabi.
Ano ba naman 'to? Si Mama talaga, pahamak! Wala na. Hindi niya rin naman alam. Hindi ko rin naman siya nasabi. Why blame her, anyway?
Nagi-guilty tuloy ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na nakakasakit ng damdamin ng iba. Peste naman talaga. Tumayo na siya at palabas na ng pinto nang pigilan ko siya.
"Teka, teka! Sasamahan na lang kita!" bigla ko na lang nasabi.
"Talaga? Salamat!"
Nagkaroon ulit ng ngiti ang mga mukhang kanina ay parang lungkot na lungkot.
"Maghintay ka d'yan, huh?" sabi ko.
"Sige." tipid niyang sagot.
Umakyat na ako sa taas. Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo. After maligo ay naghanap na ako ng pwedeng isuot ngayon sa cabinet. Hanap dito, hanap doon. Ang susuotin ko ngayon ay long sleeves, pantalon na black, at sneakers lang.
Bahala siya d'yan! Nakakainis naman! Imbis na beauty day ko na ito, naging chakadoll day pa! INIS!
Pumunta muna ako sa kusina para magpaalam kay mama.
"Ma, pahinging pera, aalis kasi ako ngayon, e."
"Ito, oh." sabay inabutan ako ng pera.
"Ano'ng oras nga pala ang uwi mo?" bigla tanong sa akin ni mama.
"Mga hapon po. Basta po before 6 pm, nandito na ako. Sige po!"
"Ingat ka, ha" pahabol pa ni mama.
"Opo!" pasigaw kong sagot habang naglalakad palabas sa kusina.
Ang sweet talaga niya. She’s such an angel despite all that.
***
Gusto ko pang matulog, let’s be clear. Hindi ko feel na umalis, pero na-excite na lang ako bigla. Nakakainis kasi sapilitan ang lahat ng mga pangyayari. Iba lang siguro kapag nakikita kong gumaganda ang mood ng kaharap ko nang dahil sa akin. Weird.
"Maine, salamat nga pala at sumama ka."
"Huwag mo muna akong kausapin, wala ako sa mood." naiimbyerna lang talaga ako! Kainis!
"Sige."
Naglalakad kami papunta sa terminal ng FX ay hindi kami nag-iimikan. Naiinis talaga ako.
"Maine, sorry na. Ano ba kasi ang nagawa ko para kainisan mo 'ko?"
"Wala lang. Nakakairita ka lang talaga. At mukhang gago!" bigla kong sabi.
"Nakakairita? Ako? Gago? Bakit?”
"Basta. Parang ang presko mo lang lagi. Mahangin."
"Gano'n ba? Ang gusto ko lang naman kasi e makipagkaibigan sa'yo."
"Hoy! Tigilan mo 'ko. Baka ako pinagti-trip-an mo lang ako! Umayos ka. Dadagukan talaga kita!" iritable pa rin ako.
Nanahimik na lang siya. Nakasakay na kami sa FX. Hindi pa rin talaga kami nag-iimikan. Well, ako, kaya ko. Ewan ko lang sa kanya.
***
Nandito na rin kami sa wakas sa Megamall. Unti-unti na ring nawawala ang inis ko sa kaniya. Ayaw ko na lang ng sakit sa ulo. It’s too much for me to handle. We are walking around and searching for that store. May mga saglit na gusto ko na siya takbuhan, pero hindi ko magawa. This is something new. Kapag ayaw ko kasi ang mga nangyayari, nilalayasan ko na lang bigla. Talking about being a brat. Yes, that’s me.
"Maine, kung ano man ang nagawa ko para magalit ka, sorry na."
Hindi pa rin talaga ako umiimik. Bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. Pinilit ko na lang na ngumiti habang nagngingitngit sa galit.
"Maine, sorry na kasi!"
"Tumayo ka d'yan, baka matadyakan kita!"
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya!
"Tumayo ka sabi!"
"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo tinatanggap ang sorry ko!"
"Oo na!" pagdidiin ko.
Tumayo na siya.
"Thanks, Maine! Bati na tayo?"
"Oo na!" naiirita pa rin ako, sa sobrang kahihiyan!
Nakakainis naman! Namumula na siguro ang mukha ko? Kainis!
***
"Maine, ano ba sa tingin mo ang makakapagpakilig na regalo sa babae?"
Huminahon na lang ako. I tried to calm down while answering his question. Nagawa ko naman.
"Siguro, teddy bears will do nowadays."
"Talaga?"
"Siguro lang naman, OK?" medyo nagtaray pa rin ako.
Sinamahan ko na lang siya sa isang store for stuffed toys.
"Ano naman kaya ang maganda dito?"
"Iyong brown, maganda! Cute pa!" natutuwa na ako.
Parang bata lang din pala itong kasama ko. I manage to guide him kahit na wala pa akong alam sa mga gift-gift na 'yan.
"Ito, mas maganda!"
Namimilog pa ang mga mata ni Xavier habang tinitingnan ang teddy bear. Okay, he’s just like any other guys. Iba kasi ang reputation niya sa school. People would always have something bad to say about him. Pero ngayon, ibang Xavier ang nakikita ko. Mapilit siya pero kailangan lang din niya ng atensyon, just like anyone.
"Maganda nga! 'Yan na lang!"
Binili niya na ang stuffed toy. Halatang tuwang-tuwa siya. He looks proud habang bitbit ang paperbag. Right now, I am famished. Hindi kasi ako nakakain ng almusal kanina.
"Pwede bang kumain muna tayo?" tanong niya
"Oo naman. Alangan namang hindi tayo kumain? Mawawala ganda ko niya'n?" sarkastiko kong sabi.
"Hala? Maganda ka ba? Pogi ka kaya."
"Wow! Don't tell me, bakla ka rin?"
"Hindi, a? Bakla ka d'yan?" nagulat siya! Bawing-bawi.
"O, sa'n naman ba tayo kakain?" tanong ko sa kanya.
"Sa McDo na lang." sabi niya sa akin.
"Sige." tipid kong sagot.
Sa McDonald's. Ito at maraming tao. Gutom na gutom na rin talaga ako. Tiniis ko lang talaga dahil nga sa mokong na ito.
"Ako na ang pipila, treat ko. Total naman sinamahan mo ako."
"Ay, hindi. Nakakahiya. Ito ang pambayad ko."
Bigla niya na lang ibinaba ang ang kamay ko.
"Hindi, mas nakakahiya naman sa part ko. Libre ko, OK?" he insisted.
"OK, sabi mo, e."
Naghihintay ako ngayon dito. In fairness naman, ang gentleman din naman pala nitong si Xavier. Kahit parang gago lang lagi ang peg niya, okay na rin siya sa akin. Kainis nga lang dahil nasira ang Sabado ko.
Tumatawag naman ngayon si Saleana.
"Hello, bakla!"
"O, bakit ka napatawag?"
"Pinuntahan kita sa bahay n'yo, umalis ka raw."
"Oo nga, e. Kasi naman."
"Kasi naman, ano ba 'yon?"
"Si Xavier kasi. Nagulat na lang ako kasi nasa sala na siya kanina, hinihintay ako!"
"Hala? Ingat ka, beks! Kamalasan mo nga naman talaga!"
"Kaya nga, e. Ang lolarette mo 'te, kabado ngayon! Promise!"
"By the way, ano nga pala ang ipinunta mo sa bahay kanina?"
"Gusto kasi namin ni Kenneth na mag-review kasama ka."
"Ay... sorry, beks. Kasi naman! Pinilit ako ng mokong na 'to na sumama sa kanya, e."
"Ano naman ba kasi ang dahilan?"
"Nagpapatulong sa akin na maghanap ng panregalo sa girlfriend niya!"
"What? Kaloja naman! Bakit ikaw pa?"
"Kaya nga, beks! Bakit ako pa?"
"Naku! Ingat ka na lang, ha."
"Sige na, beks! Parating na siya."
"Nasaan ba kayo?"
"Nasa McDo. Kakain na kami ngayon."
"O, sige na! Bye!"
The call ended. Nandito na si Xavier sa mesa naming dalawa.
"Ito na ang order natin!" natutuwa niyang sabi.
"Ang isip-bata mo naman! Kaloka lang, huh?"
Natawa na lang siya. Parang baliw naman talaga 'tong lalaki na ito. Nagsimula na kaming kumain.
"By the way, Maine, galit ka ba sa akin?"
"Naman! Kasi umagang-umaga, sira na ang beauty ko! Kainis!"
"Alam mo, sa lahat ng baklang nakilala ko, ikaw lang yata ang galit na galit sa akin. Bakit ba?"
"Kasi naman, ayaw ko sa mga taong puro pagwapo lang ang alam, puro pahangin, at higit sa lahat, clearbook!"
"Ang weird mo naman?! Talaga lang, huh? At saka, ano'ng clearbook?"
"Malamang, feeler! 'Di mo gets? Wow.”
Natawa na naman siya.
"Alam mo, mukhang siniraan na naman ako ni Saleana sa'yo."
"Bakit naman? E, totoo naman yata ang sinasabi niya tungkol sa sa'yo."
"Kasi, Maine, sa totoo lang, ayaw ko talaga sa mga bakla. Kasi dati, muntikan na akong magalaw ng isang bakla. Kaya simula no'n nambubugbog ako ng mga katulad mo. Aaminin ko na talaga. Totoo ang sinasabi ni Saleana."
Bigla na lang akong natakot. Nanahimik na lang ako bigla.
"Kung iniisip mong bubugbugin kita, hindi ko gagawin sa'yo 'yon. Mabait ka naman, e. Hindi kagaya ng ibang bakla d'yan na gusto akong pagsamantalahan. Bakit hihipuin mo ba ako?"
"Hindi. At saka kasi, nakakatakot ka! Umayos ka nga!"
Hindi talaga natatahimik ang kalooban ko ngayon sa sobrang takot. Baka kasi pakitang tao niya lang ang mga eksena ngayon tapos baka dalhin niya ako sa isang lugar na walang tao at do'n bugbugin.
"Tange! Bakit ko naman sasaktan ang taong walang intensyon sa akin?"
Pinipilit ko na lang na enjoy-in ang kinakain ko. Ayaw ko na lang isipin na nangyayari ang lahat ng ito ngayon.
"Maine, sa totoo lang, ang gaan ng loob ko sa'yo. First time 'to, promise."
Halatang tuwang-tuwa siya habang nagsasalita.
"Well, tapusin na lang natin ang araw na ito."
"Sige."
"By the way, saan naman tayo pupunta after natin dito?"
"Sa bahay ng girlfriend ko. Pero mamamasyal muna tayo ngayon."
Kaya naman ito kami ngayon, Lakad nang walang hanggan. Tapos ngayon niya lang napansin ang suot ko.
"Alam mo, bagay sa'yo 'yang damit mo ngayon." nakangiti niyang sabi.
"Well, salamat."
Kaya naman nag-iikot lang kami ngayon sa buong mall. Kapag may natitipuhan akong bilhin, binibili ko na lang. Gano'n din naman siya.
Habang namamasyal, may nakita yata itong si Xavier.
"Teka lang, Maine."
May tinutungo siya. Sinundan ko siya. Hanggang sa nakita ko na lang na bigla niyang sinapak 'yong lalake na kasama no'ng babae!
"Walang hiya! Niloloko mo lang pala ako! Kaibigan pa naman kita pero inahas mo sa 'kin ang girlfriend ko!"
Tinungo ko agad. Nakikipagsapakan na pala siya. Kinakabahan ako habang umaawat. For a first impression, this is beyond what I have imagined him to be.
"Xavier, tama na!" sigaw ko!
Pinaghiwalay na sila ng mga guard. Pumanig agad ako kay Xavier.
"Tarantado ka! 'Wag ka nang magpapakita sa akin! Isa ka pang babae ka! Break na tayo!"
"P***** ina mo, pare! Ako ang gusto niya, hindi ikaw! Tanggapin mo na lang!"
"Huwag na huwag ka na talagang magpakita sa akin! Kayong dalawa!"
"Xavier, tama na nga sabi, e! Ano ba?"
Umalis na ‘yong lalaki na kaibigan nga nitong si Xavier at ang girlfriend niya. Napilitan na lang kaming umalis dahil hindi na kami pinapasok ng guard. Nag-taxi na lang kami. Umiiyak si Xavier.
"Xavier, tahan na! Hayaan mo na lang! At least habang maaga pa ay nalaman mo na!"
"Alam mo ba kung gaanong na kami katagal no'ng babaeng 'yon?"
"Ilan nga ba?"
"Isang taon rin kami! Minahal ko siya. Hindi ko alam na kinakaliwa niya na pala ako!"
Nakakaawa naman 'to. Binabasa ko kung gaano kabigat ang sitwasyon niya. Sa tingin ko ngayon pa lang niya naranasan ang ganitong heartbreak. O baka naman may nakaraan siya na hindi niya matanggap at ganito ang reaksyon niya.
"Tahan na, tahan na. 'Wag mo na lang isipin 'yon. Marami pa namang iba d'yan, e."
"Hindi! Siya lang talaga!"
"Ano ka ba? Niloko ka nga niya, e. Pati ba naman ikaw sa sarili mo, magpapaloko ka pa?"
Napatigil na lang siya sa pag-iyak. Mukha namang natauhan na. Pinunasan niya ang luha sa mukha at suminga pa sa panyo.
"Ang sakit lang kasi talaga. At saka, nakakahiya sa'yo, inistorbo pa kita tapos ganito lang ang madadatnan mo."
"Huwag mo nang isipin 'yon. Kasi naman, alamin mo din kasi kung sino ang magtaksil sa'yo at sa hindi."
"Ngayon, siguro, kakailimutan ko na lang muna 'yon."
"Alam ko na! Gagawa'n na lang kita ng milk tea at chocolate cookie."
"Huwag na. OK na ako.”
"Hindi! Sa bahay ka kakain ngayon! 'Wag nang pasaway!"
"Sige na! You're the boss!"
"Good!"
***
"Ma, nandito na ako!"
"Aba! Himala! Hindi ka ginabi ngayon."
"Kasi po... basta, may hindi magandang nangyari."
"Ano naman 'yon?"
Si mama talaga, usisera!
"Basta, 'wag n'yo na pong alamin!"
"Oh, Xavier! Kasama ka pala ni Maine."
"Opo, e. Pinilit niya akong sumama." natutuwang sabi nitong mokong na 'to.
"D'yan ka lang, ha. Gagawa na ako ng merienda mo!"
Gagawa na ako ng milk tea ni Xavier. Labas ng mga kailangan. Gawa dito, gawa doon. Kuha ng cookies. Bigla ko na lang naalala nang minsan kong ayain si Gilbert sa bahay namin sa Bel-Air. Napakatahimik niya at parang awang-awa sa sarili. Gumawa rin ako ng cookies at milk tea para sa kaniya. Noong una, hindi niya nagustuhan ang lasa kasi mapait daw. Hanggang sa isang sandali pa, nagustuhan niya na rin.
I never knew at the time na scholar lang pala siya sa school. Uncle niya kasi ‘yung head coach ng Don Bosco Basketball Team. Taga-Poblacion siya, kaya malapit lang ang lalakarin niya. Madalas na kasama ko siya at naging magkaibigan kaming dalawa. Pero siyempre, alam kong hindi ako ang gusto niya. Babae ang tipo niya, hindi bakla. Nag-decide na lang ako na umalis after the first grading period at ito na ako sa bahay namin sa Comembo.
Voilà! Tapos na ang milk tea! Kasama na rin ang chocolate cookies. Dinala ko na sa living room.
"Xavier, eto na!" natutuwa kong sabi.
"Wow! Ang bango naman ng cookies!"
"Pasensya na, ha."
"Bakit?"
"Kasi, hindi muna ako nag-bake. Matatagalan kasi, e."
"OK lang. Salamat nga pala."
"By the way, nasaan si mama?"
"Nasa taas. Iwan niya daw muna tayong dalawa dito."
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Si mama talaga! By the way, kumain ka na."
"Sige."
Kumain na siya. Hindi siya nauubusan ng kwento habang kumakain. Parang ang saya niya lang. Pero sa totoo lang, naaalala ko pa rin ang mga nangyari noon. Magkaiba man ng ugali sina Gilbert at Xavier, hindi naman sila nagkakalayo sa mga bagay na nakakapukaw ng antesyon ko. Madaldal din si Gilbert. Maraming kuwento habang punompuno ang bibig at may actions pa talaga. Ganoon din itong si Xavier. Who would have thought that both of us could reach this far in just a few? O sadyang pamigay lang talaga ako dahil hopeless romantic ako. That’s it.
Ang bongga naman.
"Pwede ba kitang maging kaibigan?" bigla niyang tanong sa akin.
"Hala ka d'yan? Sa lagay na 'to, sa tingin mo, hindi pa tayo magkaibigan?" natatawa kong sabi.
"Kasi nga naiinis ka sa akin, 'di, ba? Kaya naman ipinapaalam ko lang sa'yo na gusto kitang kaibiganin." siya na! Bossy lang, ha.”
Nagtawanan na lang kaming dalawa. Ang sweet din naman pala nitong gagong 'to. Well, this is the first time na nagkaroon ako ng kaibigang tarantado, o barumbado. Bigla na lang kasi siyang nagwala sa mall kanina dahil sa nahuli niya ang girlfriend niya na kasama ang kaibigan niya. Mga taksil! Leche!
"Thanks, Maine. I feel better now. By the way, the milk tea tastes good. Thanks again!"
"Well, it's my pleasure."
Nagdesisyon na siyang umuwi. Hinatid ko siya habang sa bungad ng Kamagong Street. Masaya siyang umalis at kumaway pa sa akin habang papalayo. Ang bilis ko naman yatang naresolba ang problema ko sa kanya. In fairness, hindi na ako naiinis sa kanya. Gago at mayabang lang talaga siya. Kaya naman makakatulog na rin ako ng mahimbing ngayon.