Maine (POV)
Hindi ko namalayan na August na rin pala at natapos na rin ang 1st grading periodical exams. Halos kamukha ko na rin ang mga tao rito – mukhang pagod at trying hard na lagyan ng sense lahat ng ginagawa. Nakasanayan ko na ring sumakay ng tricycle at jeep. Sumasama na rin ako sa palengke with Yaya. I mean, it is rather inevitable to learn new things. Halatang bratinella ako dati. At in fairness naman sa test scores ko, matataas.
"Ang galing mo talaga, 'nak! I'm so proud of you!" sabi sa akin ni mama na nakaupo sa tabi ko.
"Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko, ma!" bigla ko na lang siyang niyakap.
"Mana kasi sa akin! Kaya ka matalino!" pagmamalaki ni Papa na nakapamewang pa habang nakabungisngis.
Si Papa talaga, mahangin. Sa totoo lang, ha, I have never seen him in a “casual” outfit. Yes, ganito naman talaga siya sa bahay. Siguro ‘yung vibe niya na parang ginawa niya na ring office ang bahay namin for so long. Ngayon ko lang naramdaman na at-home siya.
"Alam mo 'pa, para kang kaibigan ko, ang hangin din!"
"Sino naman siya?" tanong ni papa sa akin.
"Si Xavier po. 'Yong laging pumupunta dito kapag Sabado!"
"Ah. 'Yong crush mo?" pabirong sabi sa akin ni papa.
Natawa si mama. Nawala ang poise niya kasi nakita niya na naman ang mukha ko – parang guilty in anyway possible. Well, hindi ko naman talaga siya crush. I tend to seem defensive kapag may threat, just like that one.
"Anong crush, papa? Study first, love later ang policy n'yo, 'di, ba? At saka, hindi ko siya crush, hello?!"
"Oo nga naman, 'pa. Imposibleng magkagusto do'n si Maine. Magkaibigan kasi sila," ani Mama.
"Ano naman ngayon? Baka nga magulat na lang ako na sila na pala, e?!" si papa ulit.
"Kung sabagay, hindi rin malayong mangyari 'yon. Pero, ito ang tatandaan mo 'nak: 'Wag na 'wag kang magpapadala sa emosyon mo lagi." paalala sa akin ni mama.
"Opo, 'ma."
May kumakatok sa pinto. Pinagbuksan ko.
"Tao po?"
"Xavier! Ikaw pala! Bakit na naman?"
"Pwede mo ba akong samahan ulit?"
"Pasok ka muna!"
Pinapasok ko siya. Binati niya ang parents ko. Tapos, umalis muna sila dahil nga daw baka maka-istorbo sila sa amin. Natawa lang kaming dalawa.
"Saan na naman kasi tayo pupunta?"
"May nililigawan kasi ako, tulungan mo naman ako. Pwede?" marahan niyang sabi sa akin.
"What? Bakit naman ako pa?"
"Kasi naman, kapag bakla, mas malakas ang kapit sa babae. Tulungan mo naman ako, please! Pwede?"
Nakaka-offend. Let’s begin. Bakit? Parang human shield na naman ako sa maaaring mangyari. Mukha kasi akong hindi tatanggi kahit na anong ipagawa sa akin. Maamo ang mukha ko at hindi mukhang mangangagat, sabi ni Gilbert. That begs the next question:
"Wow! Taray, ha? Talagang kailangan pa ng kooperasyon ko?"
"Oo naman! Sige na! Friends naman tayo, a. What are friends are for?" wow naman! Gano'n, Xavier?
"Sige na!" mariin kong sabi.
Kaya naman nagbibihis na ako ngayon. Gulong-gulo ako sa sarili ko. Ganitong-ganito rin ang naranasan ko noon kay Gilbert. At aaminin ko, nangyayari na naman dahil totoo ang pakiwari nina Mama at Papa. Nagkakagusto na ako kay Xavier.
***
Kitang-kita ang sigla ni Xavier habang naglalakad kaming dalawa. Sino ang mag-aakala na narito na naman ako sa Russian roulette na dadaplis na naman sa balat ko if ever his yet another conquest goes well. Halos matulala na ako dahil hindi na naman ako makakailag sa sakit at kirot. I’d rather go with the flow, I guess.
"Ano nga pala ang pangalan no'ng girl na nililigawan mo?" tanong ko.
"Ami ang pangalan niya."
"Wow! Kasing-cute ko lang pala ang name niya."
"Kapal! Cute daw siya?"
"Ano ka pa kung makapal ako, ha?”
"Gwapo?!"
Nilapit niya na mukha niya sa mukha ko. Napalagok na lang ako at kumurap. Halos 10 segundo kaming nagpapalitan ng titig. Naghahabol ako ng hininga at ramdam ko ang paghinga niya. Bumalik ako sa ulirat. Bigla ko na lang siyang sinampal ng very light lang naman.
Mas bawing-bawi siya.
"Well, ikaw na ang gwapo! Ako na ang pangit!” atungal ko sa kaniya.
"Pero cute ka kapag naiirita ka!" bigla niyang sinabi.
"Oo nga, e! Kaya sirang-sira na ang ganda ko! Kawindang lang!"
Natawa siya. Sadista ba ‘tong taong ‘to? He really likes to see me suffering, yeah.
"Ano'ng nakakatawa?"
"Kaya ang sarap mong asarin, kasi ang cute mo talaga kapag nagagalit!"
Natahimik na lang ako. Hinayaan ko na lang siyang dumaldal ng sandamakmak na kayabangan. Kesyo gustuhin nga kasi siya ng mga bakla at stuff like that. Kaya siya nahipo and such. Like, “Wow! You told me that was the very reason why you hated gay people. But now you’re ridiculing yourself even more because of that.” He is proper weird, not really. Pero, sa totoo lang. Crush ko na siya. Gago at hambog lang talaga siya.
***
Nakatayo lang kaming dalawa ni Xavier dito sa harap ng school. Dito pala sila magkikita. Nakita ko na rin kasi si Ami sa pictures. Chinita. Balingkinitan. In fairness, straight ang buhok na halos ‘di na tinatablan ng araw dahil maitim ang kulay. At ngayon, natatawa ko na siya habang papalapit sa aming dalawa.
Tinawag ako ni Xavier. Sa tingin ko, nagpasama lang talaga itong si Xavier sa akin. Hindi niya naman yata kailangan ng tulong ko, e.
"Ami, siya nga pala si..."
Biglang pinutol ni Ami ang sasabihin sana ni Xavier. Parang nagdilim bigla ang paligid. This is not a good sign, I tell you. Nakapamewang na si girl. Nakakunot ang kilay sa direskyon ko. Alam ko na kung saan patutungo ang ka-leche-hang ito. Alam ko na. Mukhang may maba-basted. Pero bigla naman siyang nagpa-cute kay Xavier. That’s rather strange.
"Xavier, may aaminin kasi ako sa'yo."
Bigla akong kinabahan.
"Kasi..." medyo nauutal si girl.
"Ano 'yon?" malumanay na sabi ni Xavier.
"Kasi... may boyfriend na ako. Ayaw ko siyang lokohin."
"So, basted ako?" parang nanlumo si Xavier.
Of course, you’re dumped, dummy.
"Kaya lang naman kita in-entertain kasi feeling ko magkakalabuan na kami kaso bigla kasi siyang humingi ng sorry sa akin kahapon, so, sorry talaga!" mahinahon na sabi ni girl.
"Iyon lang ba ang sasabihin mo?" biglang tanong ni Xavier kay girl.
"Oo. By the way, aalis na nga pala ako. May date pa kami, e!"
Ouch! Saklap!
Nakakaawa tuloy si Xavier. Bakit naman kasi ang malas niya sa pag-ibig. O sadya lang sigurong hindi rin siya marunong kumilatis. Noong nakaraan lang, 'yong girlfriend niya for a year, kinakaliwa pala siya. Ngayon naman, basted. Ano pa ba ang susunod?
Ang tahimik niya habang naglalakad kami. Ako lang ang nagsasalita. I hate it when in-betweens are voided by silence. It signals something – mostly misunderstanding or wanting some space. Tapos, bigla na lang siyang nagsalita.
"Oy! Maine, shot tayo!" sabi niya sa akin.
"Sorry, pero, hindi kasi ako pwedeng uminom. Bawal sa akin."
"Anong bawal? Pwede bang damayan mo naman ako?" mariin niyang sabi.
"Sasamahan kita pero hindi ako iinom! Bahala ka d'yan!"
***
Sinasamahan ko siyang uminom ngayon. Grabe naman pala makainom 'tong lalaking 'to. Siya na halos ang umubos ng alak na iinumin ko! Ngayon nga, tinutungga niya na ang bote ng brandy. Hinayaan ko na lang siya. Ayaw niya rin naman kasing magpaawat.
"Maine, alam mo. Buti na lang talaga at kaibigan kita. Salamat, ha."
Tipsy na ang gagong ‘to.
"Gago ka kasi, alam mo 'yon? Alamin mo kasi sa susunod kung sino ang liligawan mo. Mamaya, mapaaway ka pa nang 'di oras!"
"Pagpasensyahan mo na kung may pasaway at gago kang kaibigan. Hirap naman kasi ng ganito. Pucha! Lagi na lang ba akong sawi? Sawa na kasi ako, e."
"Basta, sa susunod kasi, ingat-ingat din.” Inagaw ko na sa kaniya ang bote. Hindi na maganda ang eksena niya ngayon. He smells musky right now. Nakakasuka sa sobrang baho. “At saka, itigil mo na nga 'yang pag-inom mo ngayon! Ang dami mo nang nainom, e.”
"Hayaan mo na! Wala naman ang parents ko ngayon, e. Kaya naman mag-iinom ako hangga't gusto ko!"
Iinumin niya na sana ang isa pang bote pero Inagaw ko rin sa kanya.
"Oy! Bakit mo inagaw?" galit na galit niyang sabi. "Akin na 'yan!"
"Hindi! Tama na!"
"Akin na sabi, e," angal niya.
Hinatak niya ang bote pero braso ko ang nahawakan niya. Natumba kaming dalawa sa sofa at nakapatong ako sa kaniya. Pinagpapawisan na naman ako habang naghahabol ng hininga. Moment of silence. Tumayo na agad ako. Sinusubukan niyang tumayo pero hindi niya na kaya. Kaya naman inalalayan ko na lang siya papasok sa kwarto niya. Hiniga ko siya sa kama. Kumuha muna ako ng bimpo at pinunasan ko siya. Nakatulog na lang din siya. Nag-stay muna ako buong gabi para naman bantayan ang kumag na ito.
***
Nakalimutan kong sa couch nga pala ako natulog ngayon. Medyo masakit pa ang ulo ko kahit na onti lang ang ininom ko. Hinanap ko muna si Xavier.
"Xavier, nasaan ka?"
Nasaan kaya siya? Sinubukan kong ikutin ang bahay saka ako bumalik sa loob. Nakita ko na lang na nasa kusina siya. Nakatapis lang
My gosh! Bakit naman nakaganyan lang siya?
"Maine, good morning!"
Natulala na lang ako sa katawan niya. Wow. May abs din siya katulad ni Gilbert. Magkapareho rin sila ng tindig. What should I do? Tatalikod na lang ba ako? Wala na. Tulalang-tulala na rin talaga ako sa kaniya.
"Oy! Tulala ka d'yan?"
"Ah, e. Wala! Wala!"
"Wala? By the way, magbibihis lang ako para sabay na tayong kumain."
Naglalakad na siya paakyat ng biglang natanggal ang tapis niya. My gosh! Naka-brief na lang siya. Bigla na lang akong napatakip sa mukha ko. Init na pati ng pisngi ko ngayon.
"OK na! Nakatapis na ulit ako!" natatawa niyang sabi. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Dagdag niya pa, "Para ka talagang babae!"
Kumuha na lang ako ng tubig at uminom. Hindi naman obvious ang thirst ko sa mga katulad niyang “God’s gift” dahil sa ganda ng katawan. Nakahinga na rin ako nang maluwag at nagbasa muna ako ng text. Nabasa ko agad ang pangalan ni Saleana sa screen.
"Maine, nasaan ka? Magpapaturo lang sana ako sa'yo sa Chemistry!"
"Beks, nandito kasi ako kina Xavier ngayon. Nagpasama kasi sa akin ang kumag na 'yon kagabi!" reply ko sa text niya.
"Bakla ka! Ni-r**e ka ba niya?"
"Gaga! Hindi! Nagpakalasing ang punyeta na 'yon. Kaya ako ngayon nandito."
"Sige na! Pansin ko naman na bet mo siya, e. Kaya naman, bukas na lang ako magpapaturo sa'yo."
"Sira! Bet ka d'yan? 'Yong putris na 'yon? Mabebetan ko?"
"Naku, te! Baka kainin mo rin 'yang sinasabi mo."
"Sige na! Bye na! Bukas na lang!"
Naghanda na agad siya ng makakain namin. He’s gentle. Walang nakakapansin siguro. Again, he wrote himself a bad name. Siyempre, walang makakapansin. Ngayon, nakikita ko siyang nagluluto ng soup “para tanggal amats at hungover”, sabi niya. Umupo na ako sa kitchen table at naghihintay. He’s humming a song. It sounds like “Can’t Help Falling in Love with You.” It is refreshing to see him like this. He’s at peace, I can tell.
"Kain na tayo!" nakangiti niyang sabi sa akin.
Tahimik lang talaga ako.
Napalagok ulit ako ng tubig.
Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala siya ng tingin. It’s a dream-come-true to unveil someone of who they really are. Walang makakapagsabi na maalaga ang taong ito. Wala ring makakaramdam ng kabutihan niya. Don’t we all want fairness? Yes, we do feel like it. He moves well when he’s treated well. May sinasabi ang mga nangyayari. That brings us to want peace. Sa tingin ko nakikita niya lang ang kapayapaan kapag kasama niya ang taong makakaintindi ng sitwasyon niya. O baka naman may nangyari dati na hindi maganda sa kaniya bukod sa sinabi niya sa akin.
"Maine, kumain ka na kaya. Tulala ka d'yan?" nawala na naman ako sa ulirat.
"Ah, eh, wala nga. Paulit-ulit ka na, ha."
"Eh kasi naman, nakatingin ka kasi sa akin! Naiilang ako!"
"So, kanina mo pa rin pala ako tinitingnan?”
...
Hindi bumalik na naman siya sa dati niyang ugali – magyayabang na naman sa taglay niyang gandang lalake. Kailangan ba talagang ganito kahahambog ang mga lalake sa paligid ko? Sobra na kasi. Usong-uso magpapansin sa mga katulad niya. Kahit noon sa Don Bosco, hindi rin naman ako naging ligtas sa ganitong eksena. I guess, kahit saan ako mapadpad, magyayabang at magyayabang pa rin ang mga lalake sa paligid ko.
"Maine, gwapo ko, 'no?"
'Yan na naman po siya.
"Oo na lang!" pabalang kong sinabi.
"Parang labag naman sa kalooban mo?"
"Natural! Sino ba naman ang gustong makarinig ng mga pagmamayabang? Nakakainis!"
"Pero alam mo, masuwerte pa rin naman ako." biglang naging mahinahon ang boses niya.
"Kasi... ikaw ang kaibigan ko."
Aaminin ko, nakaka-touch. Bihira lang ang dami ng tao na tatawagin akong kaibigan. It itches me to know that. I tend to repel things that connote corny antics like what he did. And so I’d say:
"Ano ba 'yan? Mukha namang sa ilong nanggaling?"
"No, it's not!? Kahit ano pang pagmamayabang ang gawin ko, kung wala ka naman sa buhay ko ngayon, siguro, praning na ako."
"Wow! Na-touch naman ako! Thanks!"
There we go. Inamin ko rin. I have to.
"Dapat lang!"
Hindi naging tahimik ang pagitan naming dalawa habang naglalakad. He shared things about his family and I also did share some points about mine. Kapag mayaman kasi, parang lagi kaming may non-disclosure agreement kung ano nga ba talaga kami. Hindi kasi ako in-expose ni Papa sa business affairs niya. Ate and Kuya had to do it. They wanted me to leave a simple life. There, I get it. This “paglipat” thing measures up to what they want me to be.
Kitang-kita ko ang pagkagulat ni
"Ma! Nandito na po ako!"
Pinagbuksan ako ni mama.
"Xavier! Thanks nga pala sa paghahatid!"
"Walang anuman 'yon. At saka, salamat din naman sa'yo."
Hanggang sa punasok na ako sa bahay.
***
This day has been surprising. Sino ba’ng mag-aakala na maayos rin naman palang kausap itong si Xavier? Nobody. Even I did think that it was strange, and yet it grew on me and found it refreshing. His parents weren’t around and they might have seen the best of their son. Masyado pa sigurong maaga para mag-conclude kung sino nga ba siya. At least, I got to know him better. And I like it.