Maine (POV)
Alam kong si Xavier na naman ang kumakatok sa pintuan. Padabog kasi at aakalain mong may pinaiwang gamit sa bahay. To my surprise, kasama niya ang ex-girlfriend na si Karen. Nakaka-amuse naman ‘tong taong ito. Hindi lang pala sadista, masokista pa. Anyhow, it is his life. He can do whatever he wants.
"Hello. Maine!" bati sa akin ni Xavier.
"Wow! Bakit kayo magkasama ngayon?" bigla ko na lang naitanong.
"S'yempre, kami na ulit!" pagmamalaki ni Xavier at inakbayan pa si Karen.
"Ang taray naman! Parang kailan lang nang maghiwalay kayo, ha." malumanay kong sabi.
Gusto ko na siyang sabunutan, sa totoo lang. Binalikan niya ang taong nanakit sa damdamin niya. Parang kailan lang nang awayin niya ang kaibigan niya over this gal. Ngayon, kaharap ko at nakairap pa sa akin. Huwag sa pamamahay ko, Karen.
"By the way, Maine, nice to meet you!" bati ni girl sa akin.
"Nice to meet you too!"
I tried to sound friendly. Kung plastikan lang din naman, I have seen the best. Aristrocrats ang madalas na kaharap nina Mama at Papa. Magbebeso pero umiismid. Trying to sound amiable and sarcastic at the same time. “Amiga” agad ang bungad sa usapan. I should know.
"Pasok kayo!" pag-aanyaya ko sa kanina.
***
"Maupo kayo."
"Salamat!" nakangiting sabi sa akin ni Xavier.
"Maine, salamat nga pala sa pagpapatino dito kay Xavier." sabi ni Karen sa akin.
"Napatino ko ba 'yang ugok na 'yan?" bigla kong nasabi.
"Oo naman! Sa tingin mo ba, gago pa rin siya?" si Karen ulit.
"Ikaw talaga, hon! Matino naman ako kapag kasama kita, ha."
"Hindi, ah? Ang wild mo kaya kapag kasama kita?!" paglalambing ni Karen.
Naglalambingan ang dalawa sa harap ko. Nakangisi na ako, hindi pa rin nila pansin. Hawak-hawak ni Xavier ang kamay ni Karen at saka naghalikan. Nagpaalam muna akong pupunta sa kusina para maghanda ng meryenda. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Parang itsapwera na lang ako ngayon dahil nga sa nagkabalikan na sila. Isa na lang akong hamak na utusan, hindi na isang kaibigan. Umiyak lang muna ako sandali. Pagkatapos, naghilamos ako at naghanda na ng pagkain. May tinapay pa naman dito at may iced tea pa. Ito na lang muna sa ngayon.
"Maine, ang tagal mo naman yata?" tanong ni Xavier.
"Naghanap pa kasi ako ng bonggang makakain ninyo."
I have to fake a smile. Ang hirap magsimula sa nararamdaman, sa totoo lang.
"Wow naman! Salamat!" si Karen.
"Ganyan si Maine. Mabuting kaibigan." pagmamalaki ni Xavier kay Karen.
"Obviously, he is very good!" natutuwang sabi ni Karen.
"Kayo naman! Well, thanks na rin dahil gano'n ang pakiramdam ninyo sa akin!"
Kumain na sila. Pinapanood ko lang sila. Ang sweet nila. Ako naman dito, nasasaktan. Mas mabuti pa rin palang wala na lang akong naging koneksyon kay Xavier. Pero, wala na akong magagawa. Ito na yata ang kapalaran ko ngayon, ang maging isang kaibigan lang.
***
Nakahinga na rin ako nang maluwag sa wakas. Umalis na kasi sina Xavier at Karen. In fairness naman talaga, napigilan kong umiyak sa harapan nila. Masakit pala talaga kapag nakikita mong naglalambingan ang crush mo at girlfriend niya sa harapan mo pa! Sobrang gusto ko nang sumabog kanina. Nagpigil lang talaga ako.
Umakyat na ako sa kwarto.
Ano ba naman 'to? Bigla na lang tumulo ang luha galing sa mata ko, na naman! Kaya naman pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama at doon na lang ako umiyak. Bakit naman kasi wala pa sina mama at papa ngayon, e. Kung kailan naman kailangan ko sila, doon pa sila mawawala. Bakit naman kasi kailangan pa nilang mag-out of town na pareho ngayon. Pero, no choice na rin ako. Kailangan ko na lang sigurong kayanin at tanggapin ang lahat.
Iyak lang ako nang iyak. Nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Saleana.
"Hello, Maine."
"Hi!"
"Oy! Pwede ba akong pumunta sa bahay n'yo ngayon?"
"Gora lang!" sabi ko.
"Ayan! Isasama ko na rin si Kenneth para masaya!"
"Sige, beks! Hihintayin ko na lang kayo sa labas ng bahay."
Then, the call ended.
Naghilamos na naman ako para hindi halatang umiyak ako. Mas mahirap pala ang makita mo ang gano'ng eksena sa harapan mo. Parang pinapatay ka ng ilang libong ulit. Pero wala ka namang laban. Isa pa, ano naman ang magiging laban ko sa babaeng 'yon. Siya lang naman kasi ang minahal ni Xavier. Samantalang ako, parang sisimulan ko na ang pagtitiis.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina Saleana at Kenneth ang nararamdaman ko. Kumikirot na ang dibdib ko. Kailangan ko na namang magsinungaling. Kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko sa kung sinoman ang makakapuna sa akin ngayon.
"Maine, bakit parang namamaga ang mata mo?" tanong sa akin ni Saleana.
"Napuwing kasi ako kanina sa labas habang naghihintay sa inyo."
"Bakit naman kasi naghintay ka ro'n? Pwede namang dito ka na lang sa loob maghintay." si Kenneth.
"Sorry naman. Gusto ko lang naman kayong salubungin. Ayaw n'yo no'n?"
"Sabagay. By the way, nakita ko sina Xavier at Karen." si Saleana.
"Yes! Kagagaling lang kaya nila dito sa bahay kanina."
"Talaga? Ano naman ang ginawa nila dito?" tanong ni ulit ni Saleana.
"Malamang, bumasita. Bakla ka naman!" natutuwa kong sabi.
Medyo natawa din si Kenneth. Nahampas tuloy siya ng notebook sa mukha. Kinurot niya naman si Saleana sa tagiliran. Napatili siya sa sakit.
"Alangan namang gawin nilang motel 'tong bahay ni Maine!" natatawa pang sabi ni Kenneth.
"Bwisit ka talaga! Kung ano-ano na naman ang naiisip mo d'yan!" sabi ni Saleana kay Kenneth.
Nagharutan silang dalawa. Uso ba talaga ‘to? Ang sweet din nilang tingnan. Pero, buti na lang at hindi naman ako nasasaktan. 'Di gaya no'ng kanina lang, sobrang sakit lang. Anyway. Nag-review na lang kami ng notes at nanood ng mga palabas sa TV. Si Kenneth ang nao-OP sa aming tatlo dahil nga sa lalake siya at ang pinapanood namin ay America's Next Top Model. Nawindang siya.
"Oy, Maine, pagkatapos niya'n lipat mo naman sa Hero TV. Manonood ako, e." si Kenneth.
"Go lang."
Habang nanonood kami ni Saleana, kinakabahan kammi dahil nga na-bottom two ang bet namin, si Kayla! My gosh! Kaloca lang! Buti na lang at si Jane ang natanggal! YEY! Then, tapos na ang ANTM kaya naman si Kenneth naman ang nanood. Basta talaga mga lalaki, adik sa anime! It's definitely a fact! Nakakatuwa lang talagang kasama ang dalawang ito. Mga tunay silang kaibigan. Kaya naman ang gaan ng pakiramdam ko kapag itong magjowa na ito ang kasa-kasama ko.
***
Lunes na naman pala. Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock ko. Ang bilis lumipas ng weekend. Buti na lang talaga at nakabalik na sina mama at papa para naman may kasama na ulit ako. Nakaka-miss naman talaga sila. Wala na kasi si Yaya. Umuwi na siya sa Negros.
"Ma, kumusta naman ang out of town ninyo ni papa?"
"Masaya naman kami, anak!" masayang sabi ni mama.
"Oo nga! At saka, siyempre, na-miss ka din namin!" natutuwang sabi ni papa. Bigla pa niyang ginulo ang buhok ko.
"Pa! 'Wag mo nang guluhin!"
Natatawa lang sa akin sina mama at papa. Sobrang na-miss ko rin ang mga tawanan namin kapag nag-aalmusal kami. They are at their truest self with us – their kids. They always tell how much they miss my sibs. Nagtatawanan lang kami over dad jokes and stuff. This is a fresh air for us, I guess.
***
Kausap ko sina Saleana at ang iba ko pang classmates tungkol nga sa fundraising na gagamitin daw sa Christmas party namin. After that, nag-start na ang class. Pero wala yata si Xavier? Nasaan na kaya siya? nang biglang may kumatok sa pinto ng classroom.
"Mr. Dimaculangan! Bakit late ka?"
"I'm sorry, ma'am, I did not wake up early po kasi."
Silence. Hindi niya ako binati. Back to normal? I guess so.
"Sorry, Maine. Good morning nga pala." binati niya ako bigla.
"Good morning din."
Nakikinig lang ako sa lectures at mga announcements. Mukha namang gano'n pa rin si Xavier. Wala pa rin siyang pagbabago. Ang nagbago lang naman sa kanya ay na-late siya ngayon. Wala raw ang teacher namin sa next subject pero may iniwang gagawin. Habang naghihintay, nag-usap muna kami ni Xavier.
"Oy! Bakit ka na-late?"
"Kasi, hinatid ko pa si Karen sa room niya. Kaya 'yon, na-late ako."
"Ano ba naman 'yan? Agahan mo next time, ha."
"Opo, mama!"
"Mama ka d'yan?"
"Kasi parang nanay na rin kita. Para ka kasing mama ko. Masyadong matanong!"
Natawa na lang ako. Mas feel ko naman ang pagiging dakilang ina dito sa ugok na ito.
"Sige na! Mama talaga, huh?"
"Basta, mama na kita!"
Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Halos sumayaw na sa saya ang puso ko. Ito na ba ang moment na hinihintay ko? Hindi. Ilusyon ko lang ang lahat. Basag na ang pinangarap ko. Ako rin ang nasugatan sa huli. At oo nga pala, Mama na ang tawag niya sa akin. Para sa akin, MAMAmatay ako sa sakit dahil sa kaniya.
"Ma, magpapaalam lang sana ako."
Bigla ko namang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Dami kasing chismoso at chismosa rito sa room.
"Ano na naman ba 'yon?"
"Pwede bang hindi muna ako sumabay ng sa inyo mamaya?"
"Hala! Bakit?"
"Kasi, kasabay ko po mamaya si Karen."
"Sige na. Basta mag-text ka na lang kung nakauwi ka na sa inyo." mahina kong sabi.
"Sige."
Kung natutuwa siya, p'wes, ako, hindi.
Nakakapagtampo tuloy.
Sana lang talaga ay masanay din ako.
Ang hirap naman pala ng ganito.
Ngayon lang, deep inside, hindi na ako mapakali. Kasi naman, hindi ko na siya makakasabay mamaya. Sure na kasi akong hindi na siya sasabay sa akin bukas at sa mga darating parang araw.
Kaya naman inihahanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari pa.
...
Uwian na.
Naunang lumabas sa akin si Xavier. Halatang excited ang gago. Pupuntahan niya pa kasi si Karen sa room nito. Kaya naman, wala akong kasabay ngayon. Si Saleana naman kasi, sinusundo rin ni Kenneth.
Nag-iba ako ng ruta ng uuwian.
Kaya naman ito ako ngayon, sa may Acacia street ako dumaan.
Naglalakad ako mag-isa.
Bigla na lang may nag-text sa akin.
Si Xavier lang pala.
"Ma, pwede bang hindi na rin ako sumabay sa'yo sa mga susunod na araw?"
Ito na ang sinasabi ko, mangyayari na ito. Ihahanda ko na lang talaga ang sarili ko.
"Sige, OK lang naman sa akin, e. asta, mag-ingat kayo lagi sa daan." reply ko sa kanya.
"Salamat talaga!"
Then ...
Hindi ko na lang namalayan na naluluha na pala ako. Parang pinira-piraso ang puso ko. Mami-miss ko ang mga pang-aasar niya sa akin na parang hindi ako tao. Mas pipiliin ko na lang na lumigaya siya sa piling ng iba. Naging kami ba? Hindi. Torpe din kasi ako. Natatakot akong magsabi dahil nakita ko na ito. Pinagtawanan noon ang kaibigan ko nang sabihin niya ang pagmamahal niya. It is like I am in between a rock and a hard place, expect that the in-between is hard enough for me to live in.
Walang laman ang bahay. Nasa building pa sina Mama at Papa. Kaya naman kumakain ako ngayon, mag-isa. Nag-review na lang ako ng notes para lituhin ang sarili. At least, puntong ito, hindi naman ako ga'nong nalulungkot. Bakit naman kasi sa dinami-rami ng lalake d'yan, siya pa? Tina-try ko namang tumingin sa iba pero siya lang talaga. O baka naman nagsisinungaling lang ako sa sarili ko. Nagtatalo sila ni Gilbert sa puso ko. And yes, masokista ako. Hindi nakakatuwa ang ganito o sweet. Nahulog na naman ako sa sarili kong patibong. It hit me hard, really.
Naisipan ko na lang siyang i-text.
"Xavier ... crush kita."
Send.
Nakahinga na rin ako nang maluwag. Hindi man lang siya nag-reply. Siguro, kahit na malaman niya, wala na rin siyang pakialam. Kaya naman, cry na lang ako ng cry. Ang drama ko naman ngayon. Ito talaga ang tunay kong pinagdadaanan sa bawat araw. At nag-reply siya.
"Ma, bakit ako pa? Kung sabagay, crush din naman kita kasi mabait ka!" Nagulat na lang ako sa reply niya.
Medyo nakangiti na rin ako.
"Pero, ma, sorry, joke lang kasi 'yon! Friends tayo, 'di, ba? Hindi ka pwedeng ma-fall sa akin.”
Insulto. ‘Yan ang naramdaman ko sa mga sinabi niya. Gusto ko na lang na maglaho. Soft but terrible. Ganiyan ang dating ng rejection niya sa akin. Sampal sa mukha ko dahil pakiramdam ko wala akong kuwenta.
Mahirap ba akong mahalin?
...
A breath of fresh air. Bakit? Katabi ko na ngayon si Saleana. Hindi ko nga lang alam kung matatahimik ako. Alam kong tama naman itong hiniling ko. Sadya lang sigurong masakit kapag hinila ang buhok mula sa balat. Lumapit si Xavier sa akin.
"Ma, crush mo pala ako, huh?"
"Crush lang naman! Sige na, binabawi ko na. Hindi pala kita crush!"
Natawa lang siya. Pineke ko na naman ang ngiti ko. It’s hard to pretend to be okay. It was at the same time when I saw Gilbert exchanging laughter and stories with that girl. Hindi na ako parte ng buhay niya. Kadalasang ganito ang mga naging kaibigan ko. Ganoon din naman ang mga naging crush ko. I don’t know anymore.
"E, ano mo naman ako?"
"Malamang, anak kita!"
Sinungaling ka, Maine. Sinungaling. You know yourself better.
"Sayang nga lang, at hindi na kita katabi, ma."
"Kaya nga, e." pero, loob-loob ko, thank You, Lord!
Hindi ko pa rin maiwasang tumingin kay Xavier kahit na nag-uusap kaming dalawa ni Saleana. Kawawang bata siya tingnan ngayon. Hindi naman kami madalas mag-usap. Madalas na nakayuko lang siya at natutulog habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sagot na rin ‘to sa paglimot: Kailangan ko nang lumayo kahit tatlong dipa. I’m all good.