Masaya Ba?

1806 Words
Maine (POV) Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Paulit-ulit na ako. Parang nagba-bargain na ako dahil sa damdaming ito. Thankful naman ako na may reciprocity sa pamilya ko. Paglabas nga lang sa bahay, hindi gano’n ang nangyayari. It is like I should always expect the worst in people. O baka naman talagang asang-asa lang din ako. Parang wala nang nag-uugnay sa aming dalawa. Hindi na siya pumupunta sa bahay na gaya ng ginagawa niya dati. Puro kay Karen na lang ang oras niya. Tama na rin siguro ang ganito. I should stick with my friends. They were there when I needed help. Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa Makati Park. Wala kasing masyadong sasakyan ngayon. Hindi masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw. Tamang nagpi-picnic lang kami ngayon. Nakahiga si Saleana sa hita ni Kenneth. Kinagat pa niya ang tangkay ng rosas. Parang live na telenovela ito ngayon. "Maine, parang ang lungkot mo yata ngayon?" taong ni Saleana. "Oo nga, nakakapanibago ka, Maine." si Kenneth. "Wala 'to." "Sabihin mo nga, nami-miss mo na si Xavier?" si Saleana. Siyempre, miss ko na siya. Kailangan ko pa bang itago. Hindi na. Burado na ako sa mga taong kinaibigan ni Xavier. Dekorasyon lang ako. What’s to lose now if I say something? Nothing. "Oo naman. Kaso, ano naman ba ang silbi ko sa kaniya ngayon?" ‘Yan ang tanong. Ang sagot: Wala na akong silbi. Hindi na ako parang scrub na pantanggal libag. I just don’t want to talk about. Good thing these two know how to do it very well. "Kaya naman, nandito kami para sa'yo." sabi ni Kenneth. "Salamat sa inyo, ha." "Basta, para sa'yo, friend, gagawin namin ang lahat!" si Saleana ulit. "Alam n'yo, salamat talaga! Kung wala kayo sa tabi ko ngayon, baka naloca na ako ngayon." "Ano ka ba naman! Talagang nandito lang kami lagi para sa'yo, gaga!" si Saleana. Nagtawanan na lang kaming tatlo. Nauwi ang usapan sa kung saan kami papasok. Nasabi ko na sa Ateneo ako papasok. They are shocked. Yes, partly because they thought I couldn’t. Second, they thought I looked like a social climber, which I am not. Third, I don’t care about being rich. Fourth, my parents decided it, anyway. Back to the question: Bakit nga ba nga ako napadpad sa public? It was for safety and ginawa na rin ito ni Papa kina Kuya at Ate. "Bakit ka nga pala lumipat sa public?" tanong ni Saleana. "Financial problems lang kasi. Ang daming kailangang asikasuhin sila papa at mama. Kaya naman para ma-lessen ang gastos, pinag-aral muna nila ako sa public school." "Ay, gano'n naman pala." si Saleana ulit. *** Gusto ko kasing mapag-isa ngayon. Linggo at tahimik ang paligid.Hindi ko na rin kasi kaya pa. Nagpaalam akong pupunta sa mall mag-isa. Maya-maya pa ay binigyan na ako ng pera ni mama. After that, lumarga na ako. Hindi naman talaga ako pupunta sa mall ngayon. Gusto ko lang pumunta sa Rizal Park. Hindi ko ito ipinaalam kahit na kanino, kahit kina Saleana at Kenneth. Ang drama ko ngayon ay mag-commute. Sakay ng jeep papuntang Guadalupe. Sakay ng tren papuntang Taft. Lakad papuntang LRT 1. Sakay ng tren papuntang United Nations station. At, voila! Nandito na ako sa park. Ang saya ko habang naglakad-lakad na ako. Ang daming magandang tanawin. Ang sarap lang tingnan ng paligid dahil halatang nage-enjoy ang lahat. Kahit ako rin naman. Tamang-tama at dala ko ang camera ko kaya naghahanap lang ako ng tamang anggulo. Paatras ako nang paatras at may nabangga na pala ako. "Ouch!" bulalas ng isang lalake. "Sorry po, kuya!" talagang halos abot langit ang pagso-sorry ko. "OK lang naman sa akin." mahinahon niyang sabi. Sumaliparot na ako sa sobrang hiya. Kamalasan number 2 na ba ‘to? Baka hindi naman. It was an accident. But then he pulled me and returned my wallet. Grabehan lang talaga. Buti na lang ang naisauli sa akin ang wallet ko! YEY! Thanks kay kuya! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakauwi mamaya. Picture pa rin ako ng picture. Ang dami talagang magandang kuhanan dito. Kaya naman get pa rin ako ng get kaso tumitingin na ako sa likuran ko baka kasi may mabangga kasi ako. Nakaramdam na lang ako ng pagod. Kaya naman naupo lang ako saglit at tiningnan ko ang mga texts sa cellphone ko. May text si Saleana sa akin. "Beks, walang pasok bukas!" May emergency meeting daw kasi ang lahat ng teachers natin sa DepEd." Kaya naman naisipan ko siyang tawagan. "Hello, Saleana." "Napatawag ka, beks?" "Kasi 'yong text mo kanina, totoo ba 'yon?" "Oo nga! Text sa akin ng SSG president at ipakalat daw sa lahat ng class." "Talaga? Ibig sabihin, hindi tuloy ang test natin sa Chem?" "Oo!" "Kaya naman pupunta kami ni Kenneth bahay ninyo! Review tayo."  "Sure, I’ll prepare something to us. What do you like to eat kapag nagre-review?” “Chocolate chip cookies. I am going to bake for us. Bye for now.” "Sige na, beks. Bye!"   Nasa bahay na ako ngayon. Sinabihan ko na rin si mama na walang pasok bukas ang school namin dahil nga sa pinatawag ang mga teachers namin sa DepEd para sa isang conference. Ang tanging gagawin ko na sa mga oras na ito ay kumain. Pagkatapos no'n ay manonood lang ako sandali at matutulog na ako. Nandito na ako sa kwarto. Ihahanda ko na lang ang mga materials na gagamitin ko para sa review bukas. ... Kinabukasan. Lunes na. At kaya naman naghahanda ako ngayon ng chocolate chip coockies para may mangata naman kami sa review. Nasa sala na silang dalawa, sabi ni Mama. Pinapasok niya na pala si Saleana. "Maine! Ang taray naman! Ano 'yang ginagawa mo?" "Ikaw pala, Saleana! By the way, naghahanda lang naman ako ng makakain natin habang nagre-review." "Nakakapanibago lang, hindi ko yata kayo nakikitang magkasama ni Xavier?" biglang tanong sa akin ni Kenneth. "Alam n'yo na kung bakit." kunwaring hindi ako nasasaktan. Pero, puta nga lang talaga! Hindi ko na kaya! "Oo nga pala, kasi sila na ulit ni Karen." bigla na lang nasabi ni Kenneth. Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit. "Ano naman ang feeling ng napag-iiwanan?" ang prangka naman ni Saleana. "Sanay na ako. Lagi namang gano'n peg ko. Kaya kung minsan, nagki-cling lang talaga ako sa mga taong laging nand'yan para sa akin." mahinahon ko na lang na sinabi. Bigla na lang tuloy may nag-flashback sa isip ko. Si Gilbert. Siya ang first love ko. He used to be my friend. Kaso iniwan niya din ako sa ere nang naging sila na no'ng niligawan niya. That's one of the reasons kung bakit pinili ko na lumipat na ng bahay at ng school. First day na naman ngayon. Ang saya ko lang dahil nga sa high school na rin ako sa wakas. Pero, dito pa rin ako sa Don Bosco nag-aaral. Then, nag-start na ang class namin. May biglang pumasok. Si Gilbert na varsity ng high school basketball. Kakapasok niya pa lang sa varsity. Anyway, na-love at first sight talaga ako sa kanya. Oh, 'di, ba? First year pa lang, ang landi ko na! Nagulat na lang ako dahil tumabi siya sa akin dito sa likod. Wala kasi akong masyadong friend dito dahil ang mga bakla dito galit din sa kapwa bakla. Kaya naman, loner ako kapag nandito sa school. Pero, si Gilbert lang yata ang nagpabago ng takbo ng life ko. *** Lunch time na. As usual, alone-alone ang peg ko. Hindi ako sa canteen kumakain. Sa shades lang ng trees, OK na. Kumakain na ako ngayon. Well, simpleng tinapay at juice lang naman ang binabaon ko. Madali naman akong mabusog, e. Bigla na lang may tumabi sa akin. "Hello, Maine!" si Glibert. "Hi!" tipid kong bati sa kanya. "Pwede bang sumabay ako sa'yo mag-lunch?" tanong niya sa akin. "Oo naman! Anytime!" natutuwa pa ako! Ikaw ba naman, hindi ka ba matutuwa kapag si crush na ang nag-aayang sumabay sa'yo? "By the way, kaisa ka ba sa kanila?" bigla niyang tinuro ang grupo ng mga bakla. "Loner ako. Wala namang gustong makipag-friends sa akin, e. At saka, bakla nga ako. So, I'm having a hard time kapag nandito ako sa school." pagpapaliwanag ko sa kanya. "Hayaan mo, I will always be here for you." pa-cute niya pang sabi. Simula no'n, lagi na kaming magkasama. Lagi rin akong nanonood ng mga laban niya. Kahit na mag-cutting pa ako, ginagawa ko talaga para lang makanood lang ng laban niya. Lagi akong nasa tabi niya. Sa bawat practice at laro, lagi talaga akong nandoon. Kahit naman na hindi niya ako sinasabihan na pumunta. "Maine, thanks for staying by my side!" Sweet. "Ano ka ba naman? What are friends are for? Kaya dapat talaga akong laging nasa tabi mo.” Hanggang sa dumating sa punto na ... "Maine, tulungan mo naman ako kay Charee." "Bakit?" "Liligawan ko kasi siya." At that point, natameme na lang ako. Tinulungan ko na lang siya kahit na labag pa sa loob ko. Until the day na naging sila. Sa totoo lang, naranasan ko na ring mapagod dahil feeling ko, hindi niya na ako kailangan. Ang sakit lang. . "Anak, we will now leave this house, lilipat na kasi tayo ng bahay. At saka, lilipat ka muna sa public school hanggang sa makatapos ka ng high school." mahinahon pang sabi ni mama. Sa una, shock pa ako. Pero, naisip ko na rin na perfect timing rin ito. "Oh, kailan naman tayo lilipat? At saka, saang school?" natutuwa pa ako! Kasi, sa tingin ko, ito na rin ang makakatulong sa akin para hindi ko na maisip pa ang eksena nina Gilbert at Charee. "Kapag natapos mo na ang school year!" yey! malapit na rin pala. Hanggang sa natapos na lang ang school year. Hindi na rin kami nagpapansinan ni Gilbert. Talaga ngang wala na akong kwenta sa kanya. Well, bakla nga ako, e. Maybe, hindi talaga para sa akin ang pag-ibig. Pang-crush crush lang siguro ako. Hindi ko sinabi kay Gilbert na lilipat na kami. Nakalipat na rin kami. Ang bongga naman pala ng nilipatan namin! 2 floors ang bahay! Tama lang din for us. Natapos ko na ring kunin lahat ng requirements para makalipat na ako sa bago kong school. Pero, hindi pa rin ako nakalipat nang tuluyan dahil nga sa plano ni papa. Kaya naman ang nag-stay pa ako sa school hanggang matapos ang June. Pinutol ko na ang lahat ng nag-uugnay sa amin ni Glibert. Sinabi ko sa kanya na mag-stop na ako pero ang totoo, lilipat na talaga ako ng school. Care niya naman sa akin. Kaya naman nagpalit na rin ako ng SIM card and I deleted lahat ng friends ko sa Don Bosco para hindi na talaga ako matunton ni Gilbert. Binago ko rin ang settings sa sss ko. Ginawa kong 'unsearchable' ang account ko para hindi niya na talaga ako mahanap. Nakahinga lang talaga ako ng maluwag nang nakalipat na ako totally. Masaya na rin ako dahil wala na rin sa isip ko si Gilbert. *** Nag-start na kaming mag-review. Masaya naman ang start. Geometry ang inuna namin. Si Kenneth kasi talaga ang magaling dito. Ako naman sa Chemistry. Si Saleana naman si Social Studies at English. Well, alam naming tatlo ang strengths and weaknesses namin. Review ng malala. Review lang all day. Buti na rin palang nagbago ang seating arrangement. Buti na rin palang hindi ko na siya nakikita after ng uwian. *** Kinabukasan. Isang sorpresa talaga ang kanyang pagdating. Ano kaya ang ginagawa niya rito? ANO KAYA ANG PINAGTATAKAHAN AT IKINAGULAT NI MAINE? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD